CHAPTER 4

504 Words
Umuwi na ako agad pagkatapos namin magligpit ni Amber. Lagi akong excited umuwi lalo pa pag may dala akong pagkain dahil mabubusog na naman ang mga kapatid kung maliliit. " Andito na si Ate. " sigaw ko habang binubuksan ang nakalapat na pinto. " Ate bat ngayon ka lang gutom na kami. " wika ng 10 years old ko na kapatid na si Kenken. " Sorry nagturo pa kasi si ate ng sayaw para kumita. Gutom na ba kayo? " tanong ko dito. " Opo ate kanina pa kami di kumakain si Mama kasi umalis na naman di nag iwan ng pagkain. " nangingilid na ang luha sa kapatid ko. " Wag ka ng umiyak, saglit lang at ihahanda ko ang pagkain niyo. Masarap itong dala ko. " pang aaliw ko sa mga bata, sobrang naawa ako kanila, masyado pa silang bata para maranasan ang kahirapan na tinatamasa ko. " Wow ate amoy palang masarap na. " wika ni Kenken na nakangiti na, nag bilis nagbago ng mood nito. kaya inayos ko na agad ang mga plato. " Halina kayo, di ko na ininit para makakain na kayo agad. " pinaghimay ko na ang mga makulit kung kapatid. " Ate bakit lagi Kang may dalang ulam pag uwi mo? binibili mo po ba yan? " " Wag ka ng magtanong kumain ka nalang Kenken, pero galing yan sa mabuting tao kaya ok yan. " " Siguro ate mayaman ang may ari ng mga pagkain na lagi mong dala. kasi ang sasarap lagi. Ate tirahan po ba natin sila nanay at tatay pati si ate Kim? " madaldal talaga tong si kenken tas matanong. " Si ate Kim niyo lang at si Tatay, Pero si nanay hindi na, mamayang madaling araw pa yun matatapos sa pagsusugal niya. " " Ate sabay ka na po sa'min kumain. " " Hindi na, di naman ako nagugutom., kayo nalang sigi na kumain na kayo damihan niyo huh, magbibihis lang ako. Walang magsasayang ng pagkain huh." Paalam ko sa mga kapatid ko. Di pa ako kumain pero maya nalang ako, sila muna mas kailangan nilang kumain para lumaki sila agad. Nagbihis ako agad at kailangan ko pang magligpit ng mga Kalat ng mga kapatid ko. Mahirap maging panganay, may ate sana ako kaso lang nag asawa agad, nagmadaling mag asawa para matakasan ang responsibilidad niya bilang ate sa'min. " kenken pagkatapos niyo dyan ilagay mo sa lababo ang pinagkainan niyo, para mahugasan ko. " " Ate akong bahala maghugas malaki na ako at kaya ko na po yun. " naantig ang puso ko sa narinig. Ang bait naman ng kenken namin pagka galing sa school nagbabantay ng mga nakakabatang kapatid. tapos di na rin ako pinabayaang kumilos mag isa may katuwang na kami ni Kim dito sa bahay. " Wow ang sipag naman. " nasambit ko nalang. " Sabi kasi ni ate Kim ate tulungan ko daw po kayo. " napaka swerte ko sa mga kapatid ko, Pati sa tatay ko, Malas ko lang talaga sugarol nag Nanay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD