CHAPTER 5

812 Words
Kaya gusto kung makaahon sa hirap dahil awang awa na ako sa mga kapatid ko na maliliit pa ginugutom na sila. Kung may nanay lang sana kaming marunong mag budget sapat naman sana ang kinikita ng tatay namin. Kaso lang ang nanay ko ang taga hawak at taga patalo ng pera. " Ate Kim sabay kana po sa'min. " Rinig kung sabi ni Kenken kaya lumabas na agad ako. " Hi Ate. " bati ni Kim. " Mukhang pagod na pagod ka, bat ang tamlay mo? " tanong ko dito. " Ate kasi parang may lagnat ako. " pagkasabi ng kapatid ko ay agad ko itong nilapitan at hinawakan. " Inaapoy ka nga ng lagnat, bakit di ka umuwi kanina, bat pumasok kapa? " nag aalala kung tanong dito " May exam kasi kami ate kailangan kung pumasok kasi kung hindi baka bumagsak ako. " " Nako pwedi naman mag special exam, Buti nakauwi ka ng maayos? " " Hinatid ako ate ng kakaklase ko si jen. " " Buti naman, gusto mo na bang kumain? Oh gagawan kita ng lugaw? " tanong ko dito dahil nag aalala na din ako. " Yan nalang kakainin ko ate kahit kunti lang wala akong gana ang pait ng lalamunan ko. " " Sigi na umupo kana. " ako na nag aasikaso sa kanya kinuhanan ko ng plato at pinagsandokan ng kanyang pagkain. " Alam ba ni nanay na nilagnat ka kanina? " " Di ko na sinabi ate baka pagalitan lang din ako. " " Dapat Kim nagsabi ka pa rin, nanay pa din natin yun. " " Ate pera lang ang mahalaga Kay nanay wala yung pakialam sa paligid, basta may pang sugal masaya siya pag wala mainit ang ulo. " Mahaba nitong sabi na halatang may tampo sa boses nito. " Hayaan mo na, Yun na talaga siya kaya pagbutihan nalang natin ang pag-aaral natin para makaalis tayo dito. " " Ate iiwanan natin si Nanay? " sabi ni Kenken, na kanina pa nakikinig sa usapan namin. " Di naman, tsaka matagal pa yun grade 10 pa lang ako kaya malayo pa matagal pa ang paghihirap natin. Pero tiis tiis lang muna kayo huh. " " Wag kang mag alala ate kaya pa naman namin. tsaka kahit papano ok tayo Pag nandito si tatay ate. " Sabi ni Kim. " Oo nga Buti nalang may tatay tayong mabait, kaya kayo magpakabait huh. Maya dating na yun si tatay. Wag nating bigyan si tatay ng sakit ng ulo . Laging mabait. " Paalala ko sa mga kapatid ko. " Opo ate. " sabay sabay na sagot ng mga kapatid ko. kaya napangiti na ako. " Ate kumain kumain ka na din. " yaya ni Kim " Mamaya Kim kuhanan muna kita ng gamot. " Buti nalang may mga gamot kami na nakatabi incase of emergency talagang bumili ako ng mga gamot nung kumita ako sa pagturo ko ng pagsayaw. Ng maibigay ko na ang gamot Kay Kim kumain na din ako para makasabay sa kanila. Pero bago pa man ako nakasubo, dumating na si tatay. kaya lumapit samin si tatay dahil magmamano kami. di na niya kami pinatayo pa. " Tay sabay kana sa'min, wag ka munang mamasada tatay para makapahinga ka muna. " " Kailangan kung mamasada Monique para may extra tayo, Buti nga ikaw may dala ka laging pagkain yung nanay mo walang pakialam satin. Gusto niyo ba umalis na tayo dito? " " Tatay ok lang kami dito, ayaw namin makitira sa mga kapatid mo tay kahit pa may kaya sila at magaganda ang bahay, mas gusto pa din namin na dito nalang sa satin nakatira. " " Oo nga po tay, alam niyo po ba nung pumunta kami sa kanila, Sabi ni tita, oh wag makialam sa pagkain huh, wag pakalat kalat dito sa bahay at wag magdumi. " Wika ni Kenken. " Kailan kayo sinabihan? " tanong ni tatay. " Nung naki birthday kami sa anak ni tita Aurelia Tay. " pagkasabi ni Kenken, napansin kung may nangilid na ang luha sa mata ni tatay. " Wag na kayong magpakita oh mag punta man dun huh. kahit pa man anong handaan mayron sila. Ayaw kung nakikita na inaaway kayo mga anak. kaya dito nalang tayo. " wika ni tatay. " Sigi na Tay kumain kana po. " Sabi ko, ayaw kung nakikita na ganito ang tatay ko, gusto ko masaya lang ang nakikita ko sa kanya. Sabay sabay na kaming natapos kumain. " Nanay niyo kasi dapat pinagluluto man lang kayo, Buti ka pa Monique may dala laging ulam. " ulit ni tatay " Mabait po kasi yung kaibigan ko tatay, mayaman po sila kaya maraming Baon, Tas binigay lang naman niya sakin. " " Sana makilala ko ang kaibigan mo na yan Monique dahil si Amber lang kasi ang lagi mong kasama.kaya siya lang ang kilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD