Di ko masabi kay tatay na may nanliligaw na sa'kin baka kasi bigla itong ma dismaya at maisip nito na gagayahin ko lang si ate at iiwanan ko lang sila, mas mabuti na yung ganito payapa sila .
" Sigi po tatay ipakilala po kita sa kanya, pero lagi po kayong wala dahil busy po kayo sa trabaho niyo po, wag kang mag alala tatay mabuting tao po ang kaibigan ko, siya po ang dahilan kaya naging payapa ang buhay ko sa school walang nang aapi sakin at syempre si Amber na laging nandyn. " pero sa loob loob ko hindi muna pwedi, di naman sa kinakahiya ko ang pamilya ko pero ayaw ko lang talaga na may iniisip ang tatay ko.
" Sigi Monique inaasahan ko yan huh. " tumango nalang ako.
" Pahinga lang ako saglit at aalis na ulit ako, magpahinga na kayo, sabihin mo anak sa kaibigan mo salamat, galing sa'kin. "
" Opo Tay makakarating po. " sagot ko dito.
" Kim ayos ka lang ba, parang ang hina mo kumain at parang ang tamlay mo. "
" Ayos lang po ako tatay wag mo akong alalahanin. " sagot ni kim, kaya sumigit na ako.
" Ako na ang bahala kay kim tatay may lagnat lang po siya pero gagaling din po yan. " sagot ko. biglang nag iba ang expresion ni tatay nag aalala ang mukha nito.
" Nako Monique may iniwan ba ang Nanay mo na pera, wala pa naman akong pera dito, asan na ba ang Nanay niyo? " pag aalala nito.
" Wag ka ng mag alala Tatay may gamot akong nabili dyan nung nakaaraan yung kinita ko sa pagtuturo ng sayaw, marami akong binili ibat ibang klase pang emergency po. " sabi ko dito biglang nagliwanag ang mukha ng tatay ko, napawi ang kaninang lungkot niya.tumayo ito at lumapit kay kim nag abot ng tubig at hinawakan ang noo nito.
" Nako anak ang init mo nga, pagkatapos mo kumain uminom ka kaagad ng gamot at ng makapahinga kana, magbihis ka na din agad baka matuyuan ka ng pawis sa likod. Mga anak pagkarating niyo agad galing paaralan magpahinga lang kayo saglit at magbihis na agad ng damit. Mahirap matuyuan ng pawis, isa yan sa dahilan kaya nagkakasakit, mahirap magkasakit isa pa wala tayong pangpa ospital. " mahabang paalala nito sa'min.
" Opo tatay." maikling sagot ni kim.
" kenken ikaw din huh. " sabi ni tatay.
" Opo tatay, nagbibihis po ako agad pagdating ko galing school kasi po nagbabantay ako sa mga kapatid ko. " wika ni kenken.
" Very good anak ko, at laging magpakabait huh, ikaw lang ang inaasahan namin na magbantay dito pag wala ang dalawa mong ate, pasencya ka na din kung tutuusin nakipaglaro ka lang sana sa labas kasama ng ibang bata pero hito ka busy sa mga kapatid mo. "
" Ok lang po yun tatay naiintindihan ko po, malaki naman na po ako di ko na kailangan maglaro sa labas sa mga nakakabatang kapataid ko nalang po ako makigpag laro, tsaka masaya naman po ako na binabantayan sila. " sabi ng kenken namin na mabait.
" Ang bait naman ng kenken namin na yan. " malambing na turan ng tatay namin, bihira lang ang mga tatay na ganito, mabait masipag at mahal ang mga anak, di naman perfect ang tatay namin ma swerte pa din kami at siya ang naging tatay namin.
" Sigi na mga anak mamasada na ako ng may pang baon kayo bukas, Monique anak ikaw ng bahala sa mga kapatid mo, kim magpagaling ka, kung di mo kayang pumasok bukas kung di ka pa gagaling wag ka munang pumasok baka mabinat ka. "
" Tatay sabado bukas wala kaming pasok. " natatawang sabi ni kenken.
" Ay oo nga pala no, ano ba yan di ko na alam kung anong araw na. " sabi ng tatay ko, dahil sa mall naka assign ang banko na pinapasukan ni tatay kaya may pasok ito kahit saturday.
" Tatay ok lang po ba may magbibirthday po kasi sa kakaklase ko bukas po pero hapon pa naman po, pwedi ba akong pumunta? " paalam ko dito.
" Eh pano yan anak may pang regalo ka ba? ok lang naman na pumunta ka basta may magbantay lang sa mga kapatid mo. " wika ng tatay ko.
" Ako na bahala sa mga kapaitd ko tatay. " sabi ni kim kahit di maayos ang pakiramdam nito.
" Pag gumaling kana bukas kim aalis ako, pero pag di pa din bubuti ang pakiramdam mo di ako aalis, syempre mas priority ko kayo " sambit ko.
" Oh siya sigi bahala nalang bukas alis na ako mga anak. " paalam ni tatay, pagkaalis naman niya ay nagligpit na kami ng pinagkainan.
" Ate ako na maghuhugas ng mga pinagkainan po natin. " sabi ni Kenken.
" Oh sigi mag ingat ka huh, may mga babasagin baka mabasag mo at masugat ka. " paalala ko dito.
" Opo ate ako ng bahala. " tinulungan ko na itong magdala ng mga hugasin sa lababo. " kahit 4 years lang ang pagitan namin ni kenken malaki ang pagalang nito samin ng mga ate niya, masunuring bata at higit sa lahat maaasahan na sa mga bagay bagay. Masaya ako na silang mga nakakabatang kapatid ko, ang naging kapatid ko sa mundong ito, kahit mahirap ang buhay guamagaan dahil mababit sila.
" Kim, nakapagbihis kana, gamot mo nainom mo naba? " sigaw ko habang nagliligpit para marinig ako nito nasa kwarto na kasi ito.
" Tapos na ate hihiga na ako." sagot nito, di na ako pumasok pa dahil nakasanayan na namin na pagkagising sa umaga bago lumabas ng kwarto ay nagliligpit na kami ng higaan at nagpagpag na din, para di makalat, dahil amoy panghi na nga dahil maraming bata makalat pa. sinanay ko silang maging responsable sa lahat ng bagay dahil walang ibang magtuturo sa kanila kundi ako lang. Wala kaming maasahan sa Nanay namin dahil tanghali na itong nagigising araw araw dahil lagi itong puyat sa pagsusugal.