CHAPTER 7

1012 Words
Habang naghuhugas si Kenken ako naman ay pinasok ko muna ang iba kung kapatid sa kwarto para kahit papano makapaglinis ako sa sala at kusina. Maliit lang ang bahay namin pero gusto ko laging malinis para na rin sa mga kapatid ko dahil maliliit pa ito kailangan laging malinis ang bahay. " Pagkatapos mo maghugas magpahinga kana Ken huh, ako ng bahala sa mga kapatid natin. " wika ko. " Nako ate maya pa ako magpapahinga ako muna magbabantay sa kanila Kay ate Kim ka nalang po muna. " sagot nito. " Ay oo nga pala, Pero ok na un si ate Kim mo nakainom naman na yung ng gamot, Maya nalang ulit gisingin ko kung iinom ulit. " dami kung obligasyon sa bahay, Pero ayos lang ganito talaga siguro pag ikaw ang ate, yung mga dapat nanay mo ang gumagawa pero di niya kayang panindigan ang obligasyon na yun. Di ko alam pano niya na magawang gumawa ng maraming anak pero di man lang marunong mag alaga. Lumipas ang ilang oras at nakauwi na din si tatay galing sa pamamasada. Nagpapahinga na ito sa kwarto nila ni Nanay. Ang bahay namin at maliit lang Pero may dalawa itong silid, sa kanila ni tatay at saming magkakapatid. Kailangan ko na din painomin ulit ng gamot si kim. " Kim gising ka muna kailangan mo uminom ng gamot para mawala na ng tuluyan yang lagnat mo. " nagulat pa nga ito ng ginising ko. " Ate kailangan ko pa bang uminom ulit? ok naman na ako, baka di ko na yan kailangan. " Sabi nito na kinukusot pa ang mata. " Kailangan para di na bumalik ang lagnat mo, di pweding isang gamot lang mawala na agad, walang ganon. " Sabi ko dito habang inaabot ang tubig at gamot nito. " Buti nagising ka ate? " " Di pa talaga ako natulog pero yung mga kapatid natin tulog na ayun sila oh. " " Matulog ka na din ate magpahinga ka, alam kung pagod ka, dahil nag turo ka pang sayaw kanina. " " Ok lang ako, wag mo akong alalahanin, matulog kana ulit. " " Sigi ate pahinga ka na din huh. " Sabi pa nito sabay natulog ulit ito, baka dahil sa gamot kaya antok na antok ito. Alas dos na ng madaling araw pero wala pa din si Nanay, baka kung napano na ito. Sa bagay lagi naman talaga siyang madaling araw na kung umuwi, Pero di ko pa rin maiwasan na mag alala dito. Parang ako pa tuloy ang nanay na nag aantay kung anong oras uuwi ang anak. Pero bigla akong nagulat ng may sumingaw sa labas, boses iyon ni Nanay. " Monique , Monique. " sigaw nito akala mo nawawalang bata. " Nay ano po yun? " Sabi ko nung paglabas ko ng kwarto nasa lamesa ito nakaupo. lumapit ako at nagmano sa kanya. " Nagtanong ka pa kung bat kita tinatawag. Ipaghanda mo ako ng pagkain! " pasigaw nitong sabi. " May dala po ba kayong pagkain Nay para ihain ko po? " tanong ko dito. " Kung may dala ako di ako magtatawag sayo. Malamang wala, ano na wala bang pagkain dito huh? " pasigaw pa din na sabi nito. " Nanay naman di ba wala naman po kayong iniwan na pera pambili ng ulam para sana maipagluto ko kayo, Pati mga kapatid ko. " " Hoy Monique anak lang kita, bat ka nagdidikta na iwanan ko kayo ng pera huh? wag mo akong matanong tanong at masabihan ng ganyan talo ako sa sugal baka di kita matantsa at mangodngod kita dyan. " " kakasahod lang ni tatay nung nakaraang araw nanay wala na po ba? Natalo niyo po ba lahat? " " Wala na ubos na malas di nakabawi, at wala ka ng pakialam dun, anak lang kita. " " Anak mo nga ako Nay at dapat ikaw ang umalala sa'min dapat naisip mo kami kung may kinakain pa ba kami. Kanin lang ang mayron kami dito, Buti nalang talaga binigyan si tatay ng isang Kaban na bigas ng companyan nila kung hindi dilat kami dito Nay. " " Bat ang ingay niyo? " tanong ni tatay di ko napansin na lumabas pala ito ng silid nila. " Pagsabihan mo yang anak mo sinagot sagot na ako. Gutom ako at wala kayong pagkain na natira. " bulyaw nito Kay tatay. " Aba Carmen mahiya ka naman ikaw itong may hawak ng sahod ko, at kaakasahod ko lang nung Isang araw 20k din iyon, nasan na? " " Wag mo akong nahanap hanapan ng pera Pedro. " " Eh San ko hahanapin sa kapit bahay natin? kung di pa ako nag uwi ng bigas nganga ang mga bata, Tas ngayon hanap hanapan mo kami ng pagkain. " siguro napuno na yung tatay ko kaya nakipagtalo ito Kay nanay ko madalas kasi tahimik lang ito, dahil ayaw niyang lumaki pa ang gulo pero this time talagang galit ang tatay ko. " Bweset kayo. " Singhal ng nanay ko. " Mas nanay pa ang mga anak mo kaysa sayo, grabe ka sarili mo lang talaga ang iniisip mo. Di mo inisip ang mga maliliit pa nating anak kung may gatas pa ba sila, kung may pagkain ba sila. " " Bat ko sila iisipin eh andyan naman ang mga ate nila na kaya silang pakainin. " " Umaasa ka talaga sa sideline ng anak natin? " " Oo umaasa ako na kaya niya ng buhayin ang mga kapatid niya. ". napaiyak nalang talaga ako sa sinabi ng nanay ko. di ko alam kung mahal ba talaga niya kami kahit katiting lang. " Wag mo akong maiyak iyakan dyan Monique, baka di kita ma tantsa. " sigaw pa din nito, tahimik na si tatay at lumabas nalang ito para mabawasan ang galit nito sa Nanay ko. Kahit sinong tao mapipika sa ginagawa ng Nanay ko, Ubos na ubos na din ako sa pagtitimpi dito, na kahit ayaw ko siyang sagutin dahil nga Nanay ko siya nagagawa ko dahil sumusobra na siya, alipin at yaya ang tingin nito sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD