CHAPTER 8

559 Words
" Bumili ka ng sardinas dun sa labas Monique bilisan mo at gutom na ako. " pasinghal na utos nito. " Nanay madaling araw na, wala ng bukas ngaun. " Sabi ko dito. " Bukas pa si aling tasing bilisan mo na at baka masaktan pa kita, ang bagal bagal. " Singhal nito, wala ng ibang ginagawa nag nanay ko Kundi singhalan at pagalitan ako. Pero palabas na sana ako ng pumasok ulit si tatay may dala itong delata at noodles. " Monique matulog kana sa kwarto niyo, hayaan mo na yang nanay mo ang magluto sa sarili niya. " May diin na pagkasabi ni tatay. " Aba Pedro may pa ganyan ganyan kana ngayon! " Angal ng Nanay ko. " Sigi na anak. " ulit ni tatay kaya pumasok na ako ng kwarto pero di ko nilapat para marinig ko sila. " Pedro ayos ka ah, talagang lumalaban ka ns ngayon. " Sabi ng Nanay ko. " Aba sinong matutuwa sa pinag gagawa mo sa mga bata, di mo na sila naalagaan dahil dyan sa pagsusugal mo, may tamang ina ba na hinahayaan lang ang mga anak? ikaw lang yata ang ganyan, matagal na akong nagtitimpi sayo Carmen matanda ka na kaya alam mo na dapat ang tama at mali. " galit na sabi ng tatay ko. " Pedro tigilan mo ako gutom ako ngayon. " " Naubos mo na yung sinahod ko? kalahating buwan kung pinag trabahoan yun Carmen, di kana naawa sa'kin oh kahit sa mga bata man lang? " Naawa ako Kay tatay sa narinig ko, wala na talaga yatang pag-asang magbago pa ang nanay sa pagsusugal nito. Talagang mas masaya ito sa paglilibang niya kaysa sa pag asikaso sa'min. Di ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko. " Pumasok ka na sa kwarto Pedro, wag mong sagarin ang pasencya ko. " sigaw ng Nanay ko, di talaga ito nagpapatalo sa tatay ko, laging siya ang nasusunod, laging siya ang tama. Nakita ko nalang si tatay na pumasok na nga ito, di na nakipagtalo pa sa nanay ko. Humiga na din ako at iniisip kung anong mangyayari sa'min kung di magbabago ang Nanay ko. Kinabukasan pag gising ko tulog pa ang mga kapatid ko, nag asikaso na ako para sa pagkain namin, namalengke ako dahil kumita naman ako sa pagturo ko nga sayaw. Para na din mamayang hapon pag umalis ako, Pag umatttend ako ng party di ako mag aalala sa mga kapatid ko na di sila nakakain. Damihan ko nalang ang lulutuin kung ulam para hanggang gabi na mag adobo nalang ako. Busy ako hanggang tanghali dahil pagkatapos kung magluto. ay naglaba na din ako. " Monique, Monique. " sigaw ni Amber na nasa labas ng bahay. " Ang ingay mo Amber. " bungad ko dito ng pagbuksan ko ito ng Pinto, Buti nalang at wala na si Nanay " Tara na Monique magbihis kana ñ, punta na tayo kila Bryle. " yaya pa nito. " May lagnat si Kim baka di ako makapunta." " Hala sayang naman. " wika ni Amber, nalungkot ang mukha nito, halatang excited pa naman ito kanina tas biglang di ako tutuloy. " Ate ok na ako, kanina pa ako magaling, pumunta kana sayang naman ang porma ni ate Amber kung di kayo tutuloy. " sabi ni Kim na di ko namalayan nasa likod ko na pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD