" Sure ka Kim? ayos ka lang ikaw lang maiwan dito sa mga bata? " paninigurado ko dito. " Sisiw lang yan sa'kin ate, Dali na magbihis kana baka mahuli ka pa sa rampa niyo ni ate Amber. " nakangiting sabi nito, nakaligo naman na ako kanina kaya bihis nalang talaga at kunting ayos din, ng magmukhang tao. " Thank you kimmy. " Turan ni Amber na halatang excited at natutuwa na matutuloy kami. " Amber asan na dinalhan mo ba ako ng damit? " tanong ko dito dahil kung wala siyang mapahiram wala akong maisuot. " Syempre ako pa ba, may dala ako. " pagmamayabang nito. " Baka makita tayo ng Nanay mo lagot tayong dalawa, Tas suot ko pa ang damit mo yari talaga. " " Di kilala ni Mama yung damit na to, si ate lang, kasi siya ang nagpadala sa'kin nito. " " Eh baka magalit naman si ate mo sayo a

