" Moks " sigaw ng isang lalaking kilalang kilala ko ang boses at tanging lalaki na tawagan namin ay mokong. Walang iba Kundi di Bryle
" Hoy aso, makasigaw ka dyan para kang bata. " Paninita ko dito dahil di naman alam ng mga kasama ko sa pagsasayaw na may tawagan na kami ni Bryle.
" Ay nako Moks naniningkit na naman yang mata mo, high blood ka na naman. " Pagbibiro nito. Kaya hinila ko ang Kamay nito papuntang sulok para kastiguhin ng sermon ko.
" Ikaw na aso ka, diba sabi ko sayo na dapat di nila mapansin na close tayo, alam mo naman na ayaw kung Pag isipan nila tayo ng masama at ayaw ko din na isumbong ako sa nanay ko baka mapalo ako. "
" Moks friend lang naman tayo tsaka tawagan lang naman natin Yun, may mag jowa ba na ang tawagan mokong? " Sagot pa nito.
" Monique alam mo naman na gusto kita gusto mo isigaw ko babe, babe ganon? "
Kinurot ko na nga ito sa tagiliran dahil sa hirit nito.
" Di mo na nga ako masyadong kinakausap ihahatid lang sa inyo di kaya mamasyal ayaw mo pa, kasama naman si Amber. Tas Pag tawag ko kinagalit pa. " May pagtatampo ang boses nito na para bang nagpapa konsensya pa.
" Nako tigilan mo ako Bryle ang bata pa natin sumayaw nalang tayo at may mga tuturuan pa akong ibang mga bata maka sideline man lang para magka pera. Umayos kana dyan. " Sabi ko dito pero di nagbago ang expression ng kanyang mukha. Mukhang totoong nalungkot nga ito. Di pa kasi talaga ako handa makipag relasyon or kahit makipag kaibigan ng sobrang close baka kasi mahulog ako.
Di na ito sumagot. Kailangan ko munang makatulong sa pamilya ko, saka na ako makipaglapit Kay Bryle pag ok na ako, Pag stable na ako. Pero kailan pa kaya yun mangyayari at kung mangyari man yun baka magsawa na si Bryle na kulitin ako. Bumalik na ako sa mga ka gropo ko para mag practice na sa pagsayaw. Nasa likod na bahagi lang si Bryle at di pa din ito nakangiti mukhang Badtrip nga ito dahil seryoso na ang kanyang mukha.
" Sorry Mokong not this time. " Sa isip ko lang, ayaw ko kasi siyang eh comfort baka umasa pa lalo.
" Hoy Monique ano na namang sinabi mo Kay Bryle at nawala na naman sa mood, kanina ang saya saya pa niya habang bitbit ang pagkain na para sayo, ngayon di na mapinta ang mukha. " Wika ni Amber ng pabulong, dahil alam nito ang ayaw ko, kaya maingat ito sa mga pwedi niyang sabihin.
" Wala akong ginawa nag iinarte lang yan, wag mo nalang pansinin mamaya magiging okey din yan. " Sagot ko dito.
" Nako Monique pag yan nauntog di ka na papansinin niyan, maraming nakaabang mapansin lang niyang taong yan huh, Pero ikaw napaka arte mo. " Sabi pa nito, Napaisip nalang ako.
Pano kaya pag nangyari yun kaya ko kaya, eh mukhang tinamaan na ako Kay Bryle. Di ko lang pweding aminin sa best friend ko dahil baka di ito makapag pigil at masabi niya Kay Bryle.
"Amber alam mo naman ang priority ko, ang makapagtapos at makatulong Kay tatay ko, gusto ko silang maahon sa hirap, sila muna bago ako. Bago ang pagbig na yan. " Turan ko.
" Nako pwedi naman mag boyfriend basta alam mo ang limitations mo, for inspiration din kasi yun gaga. " Pagpapaliwanag pa nito, halata talaga na boto ito Kay Bryle para sa'kin.
" Baka kasi pag nalaman ng magulang ko mabugbug pa ako, kilala mo naman sila mapanakit. "
" kung magpapahuli ka, dapat mag tago kung mag boyfriend ka man Monique. "
" Parang ang hirap naman magtago, kaya wag na lang talaga mag boyfriend. "
" Gaga pag ako nasa sitwasyon mo mag jowa ako ng patago lalo na kung ganyan ka gwapo Kay Bryle, kung nanliligaw sa'kin yan nako wala ng pakipot kipot pa sagot agad sayang, " mahabang sabi ng kaibigan ko na may pa tili tili pa.
" Amber awat ang landi mo, para Kang kiti kiti dyan baka marinig pa tayo ng mga kasama natin. " saway ko dito.
" Nako friend baka maunahan ka pa ng malanding Fiona na yun oh panay dikit kay Bryle, makalingkis parang ahas. " sabay turo sa babaeng tinutukoy nito. Nakakainit ng ulo ang pinagagawa nito, Pero kapit bahay kasi namin baka bigla akong isumbong Kay Nanay ko pag inaaway ko siya. Sa isip isip ko lang habang tinititigan silang dalawa.
" Girl kung nakakamatay ang titig mo bulagta na si Fiona. Nako selos ka no? ayaw mong aminin Pero ayaw mo siyang mapalapit sa iba. " pang aasar sa'kin ni Amber.
" Hindi ah, bagay sila, sila nalang. "
" Nako tulak ng bibig kabig ng dibdib na naman ang tirada mo girl. " sagot pa nito.
" Ikaw yung gusto ni Bryle hindi si Fiona pero parang oo nga no bagay sila. " sabay sabi nito.
Parang may kumurot sa puso ko, di ko alam pero parang nasasaktan ako, ayaw ko Silang tingnan kaya niyaya ko nalang si Amber na magsimula na kaming mag practice.
" Amber tara start na tayo, magtuturo pa ako sa mga bata mamaya kaya simulan na natin para matapos na tayo agad. " yaya ko dito.
" Di ka muna kakain? sayang naman ang dala ni Bryle. "
" Kay Fiona nalang yan, nawalan na ako ng gana. " Sabi ko dito sabay punta sa speaker na ginagamit namin para buksan na ito. dala din ni Amber ang laptop nito kaya binuksan ko na din. nakatalikod ako habang ginagawa yun. Di ko alam pero bigla nalang nag unahan na pumatak ang mga luha ko, gusto ko lang umiyak ng tahimik. Habang naririnig ko ang tawa ni Fiona ay lalong para akong sinasaksak sa dibdib.
" Moks ok ka lang? " napaigtad ako dahil ang lapit ng bibig ni Bryle sa tainga ko at ang bilis ng t***k ng puso ko parang sasabog ang dibdib ko.