
MARIA ISABEL AMIRA DELA CUESTA na kilala sa pangalang Mia, Mia is a 22 years old, fresh grad from the province of Cebu. She's pretty and sexy.
Ang pamilya ni Mia ay kilalang pinaka mayaman sa probencya nila.Nag iisang anak lamang si Mia.
Ang Lolo at Lola nito sa side ng mommy niya ay ang nagmamay-ari ng pinaka malaking lupain sa Cebu, si Don Julio at Donya Margaret. Si Mia ay lumaki na punu ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang, lolo at lola.
Second year college palang si Mia ay namatay na ang kanyang ina. Namatay ito dahil nabangga ang sasakyan nito ng isang malaking track.Di niya matanggap yun, di man lang ito umabot sa hospital binawian na ito ng buhay.
Ang dating masiyahing Mia, ay naging tahimik na lamang mula nung nawala ang mommy niya mula sa burol hanggang sa nilibing ito. Pero di man lang ito nagpakita sa mga tao na umiyak ito, tahimik lang siya na para bang may iniisip na iba.
Di ito umaalis sa burol ng kanyang ina hanggang sa hinatid na ito sa huli nitong hantungan.
Nanatili siyang tahimik. Di rin siya nakakausap ng kanyang ama dahil abala ito sa ibang bagay. Ang lolo at lola lang niya umaalalay sa kanya.
Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot nung naka uwi na siya sa bahay nila dahil mas lalo niyang namimis ang kanyang ina. Kasambahay lang nila ang lagi niyang kasama at laging wala ang kanyang ama.
Lumipas ang isang taon at bigla nalang nag uwi ang kanyang ama ng babae sa bahay nila. At hindi lang babae nito ang kasamang inuwi sa kanila kundi kasama pa nito ang anak na dalaga.
Pag wala ang kanyang ama ay minamaltrato siya ng bagong girlfriend nito at minsan pa ay sinasaktan pa siya nito. Pero di siya nagsumbong sa daddy niya pati na din sa lolo at lola niya. Tiniis niya lahat ng pang aapi sa kanya hanggang sa makatapos na siya ng college at lumayas na siya sa kanila.
Nilakasan ni Mia ang loob niya, bitbit ang kanyang diploma at bank book na may atm na din na bigay pa ng Mommy niya nung first year college pa lamang siya.
Pumunta si Mia ng Manila para dun maghanap ng trabaho at para na din makatakas sa mag inang masama ang ugali.
Pagkarating niya ng manila di niya alam kung san siya magsisimula, di niya alam how to overcome the situation of being alone on the city without anyone on her side.
Sanay siyang may kasamang yaya, sanay siyang may hatid sundo sa kanya pag umaalis siya ng bahay. Pero ngayon nasa airport lang siya ng manila tulala at di alam kung anong gagawin niya.
Habang nasa airport pa din siya may nakapansin sa kanya na mag asawa,nasa early 50's pa ang mga ito. Napansin kasi ng mga ito na mukhang wala siyang mapuntahan dahil balisa siya.
Inalok siya nito na mag trabaho nalang sa bahay ng mga ito pansamantala kung wala siyang ibang mapupuntahan dahil mag gagabi na.
Pumayag naman siya, sinabi nalang niya na galing siyang cebu at wala siyang alam na mapupuntahan dito sa manila, dahil nagbaka sakali lang siyang makahanap ng trabaho, di siya pweding magpakilala sa totoo niyang pangalan dahil kilala ang angkan nila sa Cebu at kailangan pa niyang magpalit ng apelyedo para lamang di siya mabuking ng mga ito.
Ang kwento ng mag asawa ay may anak daw silang dalawa isang babae at isang lalaki.
Dito niya nakilala si Justin at Jasmin. Si Justin na perfect na sana, pero sobrang yabang at masama din ang ugali gwapo sana pero sa ugali pa lang ay bagsak na ito sa mga nais niyang maging ka close or katipan.
Pinipigilan niya ang kanyang damdammin para dito, dahil alam niya pag nahulog siya ay malalagot siya sa pamilya nito. dahil katulong lang siya at mayaman ang mga ito.
Nais sana niyang umalis at maghanap ng ibang trabaho pero di pwedi dahil baka matunton lang siya ng kanyang ama o di kaya ng lolo at lola niya, na panigurado ay pinag hahanap na siya.
Kailangan niyang matutunan ang mga gawaing bahay na never pa niyang ginawa in her life. Pero kakayanin niya iyon wag lang siyang mahanap ng pamilya niya
Pano din niya magagawa ng tama kung na didistract siya sa anak ng amo niyang nanadya at para bang nang aakit sa kanya. Di niya nakukuha ang ugali nito. Di tulad sa kapatid nitong babae na parang kaibigan agad ang turing sa kanya.
Ibarra family give here the love and care na matagal ng panahon na di na niya naranasan. Mula nung nawala yung mommy niya. She felt so much love from them,na kahit san man pumunta ang mga ito ay lagi siyang kasama. except Justin na para bang lagi itong galit sa kanya.Lagi siyang pinupuna nito at sinisita, parang ramdam nito ang totoong Mia ang mayaman naMia. Napapaisip tuloy si Mia kung ano ba talaga ang gusto nitong mangyari.Nahihirapan siya pano paamuhin ang isang masungit at mayabang na Justin. Habang tumatagal siya sa pamilya ng mga Ibarra ay napamahal na din siya sa mga ito. Pero na consensya din siya ngayon, dahil pano nalang pag nalaman nila na nagsisinungaling lang siya at nagpapanggap lang na mahirap.
Hanggang kailan niya kayang itago ang totoong siya. Hanggang kailan niya mapapanindigan ang pagsisinungaling niya. She doesn't know how to hide it.

