Isang taon na ang nakalipas mula nung nawala na ang mommy ni Mia, pinilit ni Mia na maging normal ang lahat kahit sa kaloob looban niya ay sobrang sakit pa din mula nung nawala ang mommy niya.
Ang sobrang masaya na pamilya ay napalitan ng sobrang lungkot at pangungulila. Laging bumabalik sa kanya ang pagtawag sa kanya ng kanyang daddy at pinaalam sa kanya na wala na ang pinakamamahal niyang Mommy Issa.
" Anak wala na ang mommy mo, naaksidente ang car niya anak at di na siya umabot ng hospital, binawian na siya ng buhay anak." Wika ng aking daddy habang umiiyak ito.
Di muna nag sink in sa utak ko ang sinabi ni daddy, para akong walang reaksyon at di nakapag salita.
" Anak wala na ang mommy mo." Sabi nito ulit at parang biglang gumuho ang mundo ko.
" Daddy hindi totoo yan, buhay pa si mommy pupuntahan pa niya ako, susunduin pa Niya ako ngayon dito sa school. Hindi totoo yan dad. " Sigaw ko habang umiiyak.
" Daddy di totoo diba, di totoo diba, Sabi ni mom magbabakasyon pa kami, Sabi niya di niya ako iiwanang mag isa.Sabi Niya walang iwanan. dad answer me you lied right." Sumisigaw nako sa room ng namin.
" I'm sorry anak,sorry ginawa na lahat ni daddy, di na umabot sa hospital ang mommy mo. Di na niya nakayanan anak. Sorry it's my fault sorry anak." Paliwanag ni dad, Pero sobrang sikip na ng diddib ko.
" Daddy no, buhay pa ang mommy ko. mommy mommy bat mo ako iniwan, bakit
Mommy." Sigaw ko para nakong mamatay sa sobrang sakit.
Nabitiwan ko ang cellphone ko at bigla.
nalang akong nahimatay. Nung nagising ako nasa school clinic nako. Nasa gilid ko si Daddy hawak hawak nito ang kamay ko.
" Dad am I dreaming? Di naman totoo Yun diba mommy still alive diba? " Sabi ko sa dad ko at tumulo na naman ang luha ko.
" I'm sorry anak. " Niyakap ako nito ng mahigpit. Di ko kayang tanggapin ang nangyari. My tears never stop, kahit nung nakauwi na kami samin.
Dumiretcho ako sa kwarto ko dumapa agad sa kama at dun ko binuhos lahat ng luha ko.
" Mommy I'm not ready for this, I'm not ready to face the world without you, pano ako mabubuhay ng wala ka, pano nako ngayon na wala kana. Why you leave so soon? Sana sinama mo nalang ako mommy. Mommy......." Patuloy lang ako sa pag iyak at di ko na namalayan na may pumasok na pala sa room ko, my lolo and lola, pinagmasdan lang nila ako hanggang sa mapagod ako sa kakaiyak.
" Apo, be strong apo. Andito lang kami ng lolo mo,we won't leave you. It's ok to cry now, it's ok to release all the pain of what you feel inside. Pero apo malulungkot si mommy mo pag ganyan ka. Cheer up apo. " Payo ng lola ko na alam kung nagpakatatag lang ito para sakin.
" How lola, pano ko tanggapin na wala na ang mommy ko, she's my life lola. " Humihikbi kung sabi.
" I know apo, but we need to face it, di gugustuhin ni mommy mo na nakikita kang ganyan.mahal na mahal ka nun apo, be strong ok." Sabi pa nito at niyakap ako ng mahigpit.
" I promise lola di nako iiyak, di ko ipapakita sa mga tao na I'm weak. I won't cry infront of other people." Nasabi ko nalang kailangan kung magpakatatag para sa mga naiwan kung mga mahal sa buhay.
" That's good apo basta nandito lang kami ng lolo mo lagi sa tabi mo, di ka namin iiwan promise yan. " Niyakap nila ako ng mahigpit.
" Magiging ok ka din apo we promise you that." Dagdag pa nito, habang humihikbi pa din ako. Yung luha ko ayaw talaga tumigil parang ulan.
" Mommy mommy..." Pagtatangis ko. Pain drowning me inside. Binuhos ko na lahat ng sakit at luha ko. Pero di ko alam kung mauubos ba talaga ito dahil yung sakit di nababawasan.
Nung medyo kumalma nako sa pag iyak ko pinabihis ako ng lola ko.
" Apo come you need to change your clothes, basang basa kana sa pawis." Sinamahan ako ni lola sa walk-in closet ko. Siya na din ang namili ng damit na susuotin ko, habang ang lolo ko naman ay lumabas na ng room ko, aabangan niya kasi sila daddy, iuuwi na si mommy sa bahay.
Nung nakapagbihis na ako, ay bumaba na din kami sa sala. Gusto kasi ni daddy na sa bahay lang si mommy iburol. Sila lang nag uusap ni lolo, sila na nag decide. Aabangan namin ang pagdating ni mommy.
lumipas ang ilang minuto at dumating na din si mommy sa bahay, Nakaayos na ang paglalagyan ni mommy.Nakakalungkot na hindi buhay ang mommy kundi Isang bangkay nalang na nakalagay sa ataol. Sobrang sakit makita si mommy na wala ng buhay. Nung nakaayos na ang lahat at umalis na ang mga taong naghatid Kay mommy sa bahay dun lang ako lumapit sa kanya.
Habang wala pang bisita nanamnamin ko muna na masolo si mommy.
" Mommy, bumangon kana dyan, wag mo akong iwan mag isa please, madami pa tayong pupuntahan diba, madami pa tayong adventure na gagawin. Mommy di ko kayang mag isa di ko kaya. " Sigaw ko habang ang lola ko naman at lolo ay nakaalalay sa likod ko.
Umiiyak din ang mga ito pero nanatiling nagpaka tatag para sakin.
" Mommy wake up, wake up mommy ko please. " sigaw ko para akong batang nagwawala. Para akong sinaksak sa dibdib ng paulit ulit. sobrang nakakamatay na sakit ang nararamdam ng puso ko ngaun.
Ayaw ko na sanang umiyak pero di ko kayang pigilan yung luha ko sa pagpatak.
" Mahal na mahal kita mommy, sobrang mahal po kita. I don't know how to start my life being alone mommy. " hinahagod na nila ang likod ko, takot na din ang grandparents ko na baka daw anong mangyari sakin, at baka mahimatay na naman ako habang umiiyak.
" Anak mahal na mahal ka namin ng mommy mo, stop crying na kanina kapa umiiyak baka magkasakit ka niyan." niyakap ako ng daddy ko ng mahigpit, alam kung sobrang sakit to para sa kanya, pero kinakaya niya at tinitiis niya ang sakit para lang maalalayan ako.
" Di ka iiwanan ni daddy, lagi kitang sasamahan, ako ang mag aalaga sayo anak, di kita pababayaan promise ko yan sa mommy mo at sayo. " pangako ng daddy ko sakin.