CHAPTER 2

1015 Words
" Mia." tawag sakin ng matalik kung kaibigan na si Sofia. Napalingon ako at bigla itong tumakbo papunta sakin. " Mia I'm sorry wala ako kanina sa school di kita nadamayan. " lumapit ito Sakin at niyakap ako ng mahigpit. " ok lang ako Sofia, Buti pinuntahan mo ako dito samin. " Sabi ko sa kanya. " Salamat naman at ok ka na, dito lang ako huh sasamahan kita, hanggang sa magiging ok ka na." Sabi nito sakin " I'll be fine, alam ko naman babantayan ako ni mommy salamat talaga at pinuntahan mo ako para kahit papano may nakakausap ako, Pero di ka ba hahanapin ng step mom mo baka kaladkarin ka noon pag nalaman niya na nandito ka na naman.," sabi ko. Gusto kasi ng step mom niya na after school umuwi na siya at pagbabantayin pa siya ng tindahan, kawawa nga itong kaibigan ko, Pero napakabait nito ayaw din niyang lumaban oh lumayas man lang. Nasa tabi ko lang talaga si Sofia pero lumipas ang dalawang oras nagpaalam na din ito at baka daw hanapin siya ng stepmom niyang dragon. " Sorry Mia Pero kailangan ko na talagang umuwi, basta tawagan mo ako pag gusto mo ng kausap huh., chat chat nalang din tayo para di ka malungkot." bilin nito bago umalis.nagmadali na din ito kaya di na nakapag paalam pa sa daddy ko. " Mia anak pahinga ka muna kami ng bahala Kay mommy mo. " Sabi sakin ni dad. " No dad I won't leave mommy here, dito lang ako. " sagot ko dito, para mas comportable daw ako pinalagyan ni daddy ng sofa sa unahan para kahit antukin or makatulog ako di ako mahirapan. Day past at ito na yung araw na ililibing na si Mom. Pag pumapasok lang ako sa room dun lang ako umiiyak, nagbihis ako at nag shade nalang para di nila makita ang mata kung mugto na. " Mommy mamimis kita last day mo na ngayon dito sa bahay and I'm scared now, pano nako mommy, mommy." iyak ko at pghihinagpis ko " Mia nandito ako sasamahan kita lagi." Sabi ni Sofia na niyakap pa ako, ni di ko nga napansin na nasa room ko na pala siya. " Thank you Sofia, wag mo akong iwan huh. " hagulhol ko dito. " ok ka na ba baba na ba tayo? " tanong nito sakin. " Yeah tara na." inayos pa niya ang itchura ko pati na din ang mahaba kung buhok. Bumaba na din kami pagkatapos. It's hard to see my Mom na nakalagay na sa kabaong. Yung good vibes at palangiti niyang face ang sobrang namimis ko pati na ang palaging pagyakap at pag halik niya sakin. Nagsidatingan na mga taong makikilibing Pati mga workers namin sa company ng magulang ko ay nandito din. Di rin nawala ang secretary ni dad at kasama pa nito ang anak niyang babae na mukhang may pagka maldita. Dadalhin na si Mom sa simbahan para dun sa misa nito at after sa libingan na.. May lola and lolo from the side of my mom and dad are present pati na din mga kamag anak namin. Ang daddy ko ang nakaalalay sakin ngayon na busy kasi siya sa Pag aasiko sa mga bisita ni mommy nung mga Gabi na nakaburol ito. At minsan pa umaalis ito kasi may aasikasuhin daw na importante. Umalis na kami ng bahay at pumunta na ng simbahan, Tas ito na kami ngayon ililibing na si mommy. Pinilit kung magpakatatag, pinilit kung di umiyak sa harapan ng madaming tao, naging emotionless ako,. nakatitig lang ako sa kabaong ni mommy na pinasok na sa himlayan nito. Naiwan kami ni Daddy di kami umalis hanggat di pa naayos ang takip nito. kung pwedi nga lang na dito nalang matulog para di na ako malayo Kay mommy. " Dad can we stay here longer? " umiiyak na sabi ko Kay dad. " Yes anak come here. " niyakap lang ako nito ng mahigpit. " Anak gusto ng mommy mo maging brave ka, tayo nalang dito so kung may problema ka talk to daddy ok, wag mong sarilihin, ako ang mag protect sayo. Makakayanan natin to kahit tayong dalawa lang. " yun ang promise ni dad sakin. Nakauwi na kami ng bahay and it feels like so empty, bumalik na ulit sa ayos ang lahat malinis na din ang paligid, parang walang nangyari, ang kulang nalang talaga ay ang mommy. " Yaya pa asikaso si Mia please." utos ng dad ko Kay yaya. " Mia gusto mo na bang kumain? " Sabi ng yaya ko, matagal na samin ang yaya ko mula pa nung pagka panganak pa lang ng mommy sakin. " Yaya later nalang, akyat muna ako sa room ko." Sabi ko at umakyat nako sa taas. Sumunod naman ito sakin. " Yaya wag mo akong iwan huh, you will stay with me forever ok. " Sabi ko pa at naiyak na naman ako. " di ka iiwan ni yaya anak, dito lang ako lagi sa tabi mo. aalagaan kita hanggang sa Pag tanda mo, Tahan na Mia, baka magkasakit ka niyan." kinuhanan ako ng damit na pampalit nito at kumuha din ito ng tubig mula sa ref ng room ko. may mini ref kasi ako sa room incase daw magutom ako or mauhaw Sabi ng mom ko dati. lagi itong puno ng mga food na healthy naman juice yakult at marami pang Iba, ganon ako ka mahal ng mommy ko. " magpakatatag ka Mia para sa daddy mo, mahal na mahal ka nun. at handa ka niyang protektahan laban sa mga taong Mang aapi sayo." Sabi pa ni yaya. Nararamdam ko ang kalungkutan Pero kailangan kung lumaban para Kay daddy, ayaw ko naman na maiwan siyang mag isa, ako nalang ang pamilya niya kaya kailangan kung lumaban. " Papasok ka na ba bukas anak? " " Hindi muna yaya sa Monday nalang, friday naman na bukas kaya ayos lang po kung sa Monday na ako papasok." sagot ko habang pa pikit na ang mga mata ko. para akong hinila ng antok. siguro dahil Isang linggo akong puyat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD