Few Weeks had past everything is fine. Wala ng bullyhan at yung mga Lorden ay nag-iba na. Yung iba sa kanila ay nagbubully pala para makuha ang atensyon ng magulang nila. Nakakalungkot ngang isipin na nambubully sila para pumunta ang mga magulang nila sa school.
"Uhm Sir Guiterrez pinapatawag ka daw sa principal office." balita ko sa kanya.
Dahil sa pangyayaring yun kase ay ginawa nila akong teacher's pet tas gustong gusto din nitong mukong nato.
"Why?" tanong niya pero di pa ein ako nililingon.
Tumingin ako sa paligid, wala naman masyadong tao dahil lunch break.
"Ano ba Jayzam??" sigaw ko na ikinagulat niya. Tumingin siya saakin na may nagtataka at gulat na tingin. "Bat ako tinatanong mo? Principal ba ako?" sigaw kong tanong sa kanya.
"What do you mean?" kita parin ang gulat sa mata niya.
"Teacher ka ba talaga? Alam mong estudyante lang ako diba? Tas bakit ako tinatanong mo kung bakit ka nila pinapatawag?" galit kong tanong.
Bigla nalang umamo ang mukha niya at lumapit siya saakin.
"Tara na po Madam." sabi niya sa maamong boses.
Tumalikod nalang ako at inirapan siya.
"Anong tara? Ikaw lang pumunta dun!" sabi ko. Kanina pa kase ako napipikon sa kanya.
Bigla niyang hinawakan ang braso kaya agad akong napalingon sa kanya.
"Bit-
"Your my secretary, my pet and my girlfriend so come with me." sabi niya at hinila ako. Wala na akong nagawa kundi magpadala sa hila niya.
Binitawan niya ako ng nasa labas na kami sa principal office.
"Prepare yourself." sabi niya.
Tumango lang ako at inayos yung uniform ko. Pumasok kami sa opisina at nakita namin ang isang matandang lalaki na nakaupo sa principal table at sa likod nito ay si Savannah.
Tas sa kabilang side naman ay mga upuan kong saan naka upo ang mga ibang teacher na mukang teacher sa mga grade 7,8,9,10,11, and yung amin ay 12.
"Have a seat Mr. Guiterrez." sabi ng matandang lalaki.
Umupo naman siya at sinenyasan akong umupo sa tabi niya kaya yun din ang ginawa ko.
"So kumpleto na kayong mga leader sa school. Didiretsuhin ko na kayo, iiwan ko na ang eakwelahan na to sa pangangalaga ng anak ko." sabi niya at hinawakan ang kamay ni Savannah.
So si Savannah ay anak ni Sir Bueno. Naooll.
"It's a pleasure to know." komento ng isa babaeng guro.
"Siguro magiging magaling siyang tagapangalaga katulad mo Principal." komento pa ng isang babae.
"Wag niyo ngang binobola ang anak ko. Magaling naman talaga siya kasi dun siya nag-aral sa labas at yung paaralan din ng Tita ay ipapaalaga sana sa kanya pero dito niya gusto. Sobrang saya ko nga nung malaman ko ehh." sabi ni Sir Bueno.
"Papa, wag mo naman akong ichismis," sabi ni Savannah kaya napatawa naman yung iba maliban kay Sir Guiterrez.
Alam ko na kung bakit. Bigla napatingin si Sir Bueno saakin.
"You are Althea right?" sabi niya.
Napatango nalang ako dahil nahihiya ako.
"Youre so beautiful, outside and inside." sabi niya. Ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko.
"Thank you po." sabi ko.
Naramdaman ko ang kamay ni Jayzam sa likod ko. Di ko nalang pinansin yun.
"Alam mo bang ang laki ng pinagbago ng Lorden dahil sa ginawa mo?" tanong niya saakin. Naagaw ko naman ang atensyon ng lahat.
"Ikaw pala yun?" tanong ng isa.
"Grabe ang galing ng ginawa mo ha.." sabi pa nung isa.
"You're a independent woman." komento ng isang gurong lalaki.
"Thank you po." tanging nasabi ko at bumalik ang tingin sa principal.
"Uhm Wala na ako sasabihin kaya makakauwi na kayo. Salamat sa oras." sabi ni Principal Bueno. Napatayo na kaming lahat pero napatigil ako ng bigoa niyang tawagin si Sir Guiterrez.
"Uhm Mr. Guiterrez, pwede ka bang maiwan? Kailangan niyong pag-usapan ang mangyayari sa graduation ng anak ko." sabi ni Sir Bueno.
Napalingon si Jayzam saakin at para bang naghihingi ng permiso. Tumango lang ako at nauna ng lumabas.
Pagkalabas ko diko maintindihan tong nararamdaman ko. Hindi ko naman maaring maramdaman to pero nag-aasume na kasi ako. Nung nasa resort nila kami sabi niya date daw yun tas nung pronektahan niya ako at yung kanina sabi niya na girlfriend niya ako.
Normal lang naman magselos pero ibang level tong selos ko ehh. Ex na niyong kausap niya at parang tinutusok ang puso ko.
Pumunta nalang ako sa classroom at pagdating ko dun may mga estudyante na. Bigla akong tinawag ni Maam Lyn.
"Althea nasan si Sir mo?" tanong niya at parang nabibigatan pa sa dala niya kaya tinulungan ko siya na ilapag yun sa table ni Sir Guiterrez.
"Aah nasa principal office po ehh." sabi ko.
"Uhm pwede bang dalhin moto sa kanya? Kailangan niya kasing mapirmahan ngayon kasi 5 min. nalang ipapass na yan. At baka malate pa ako." sabi niya.
"Okay po." sabi ko at binigay niya naman yung folder.
Dali dali akong pumunta pabalik sa principal office. Pagkadating ko dun ay pumasok agad ako pero iba yung bumungad saakin.
Si Savannah ay nakahawak sa pisngi niya ay hinahalikan siya nito. Bigla silang napatigil ng mapansin nila yung presensiya ko.
"Ahh sorry po." sabi ko at akma sanang lalabas.
"Althea what do you need?" sabi ni Savannah. Napalingon ako ulit sa kanila. Si Savannah ay nakaupo na sa upuan ng principal at si Jayzam naman nakatingin saakin at mukang nahihiya.
"Ahh, ipapapirima ko po sana to kay Sir Guiterrez kasi kailangan ni Ms Lyn." sabi ko.
Lumapit ako at nilapag yung papeles at hinintay siya na pumirma dun. Pagkatapos niyang pumirma ay agad kong inayos yung folder.
"Mauna napo ako." sabi ko at lumabas.
Pagkadating ko sa room ay agad kong binigay kay Ms. Lyn yung folder at nagpaalam sa kanya na mag-ccr lang ako.
Pagdating ko sa Cr ay agad akong napaluhod at kinagat ang labi ko para pigilan ang hikbi ko.
Akala ko ba girlfriend niya ako? Bakit nakipaghalikan siya sa Ex niyang yun?
Ang tanga ko din eh. Bakit niya naman ako magiging girlfriend ehh hindi nga siya ng ligaw saakin at di ko din naman siya sinagot. Ang tanga ko kasi nag-assume ako.
Bigalng nagvibrate yung cp ko kaya tiningnan ko kung sino yun pero mas lalo lang akong naiiyak.
'Im sorry, Can we talk?' message niya saakin.
Talk daw? Anong pag-uusapan namin?
'No need.' message ko pabalik.
Ang tanga mo Althea! Ang tanga tanga mo!
Bakit ba kask ako umiiyak? Simple lang. Di na ako nagseselos, nasasaktan na ako. Sobrang sakit akala ko ba girlfriend niya ako. Dun sa may beach nag-assume na ako dahil date daw yun tas yung protekta niya at yung kanina na tinawag niya akong girlfriend.
Klarong klaro naman kasi ehh. Pero mukha nag-assume lang talaga ako. Pano maiinlab ang isang propesyinal na guro sa isang estudyanteng katulad ko? Tanga ka talaga Althea