Chapter 14: Sorry is worth it💖

1844 Words
"Akyat na tayo," aya niya saakin ng humiwalay siya sa paghalik saakin. "Anong akyat?" inosenteng tanong ko. "Let's go to our room." napabalikwas ako ng tayo at pinagpag ang suot ko. "Anong our? Hindi ba tayo uuwi?" tanong ko. 'Kinakabahan ako baka ano pang gawin nito saakin. Madami pa akong pangarap. Wag mo na ngayon' "Hindi tayo makakauwi. It's already nine at we will take 4 hours para makauwi." sabi niya at tumayo. Binulsa niya yung kamay niya at tiningnan ako ng tingin nag-aakusa. "What are you thinking, Ms Gonzales?" tanong niya. "4 hours. Keri na yun. Umuwi na tayo!" sabi ko. Tumawa lang siya at para bang hindi nakikinig saakin. "Inaantok na ako, sinong magmamaneho?" tanong niya. Tama siya. Di ako marunong magmaneho. "Bakit mo ba kasi ako dinala dito eh may pagk-" "May pagkain sa inyo?" pagtuloy niya sa sinabi ko. "Hindi kita dinala dito para pakainin lang," sabi niya. Bigla niyang hinawakan ang magkavbilang kamay ko at tiningnan ako. Yung tingin niya ay parang tumatagos sa kaluluwa. "I like you!" pag-amin niya. 'Like lang? Unfair! Love kita tas like mo lang ako? Pano kung i-care kaya kita? Char. Ano to sss?' "Sir-" "Jayzam. I told you Jayzam. Kaya tara na at wag ka ng magpakipot pa dahil inaantok na ako." sabi niya at hinila ako. Wala na din akong magawa kundi magpahila. Pagpasok namin sa isang room ay isa lang yung bed tas sa gilid may sofa at nmay Cr. "Bakit isa lang yung kama? Wag mong-" "Sa sofa ako matutulog." di ko natapos ang sasabihin ko ng sumingit siya. Parang alam niya ata yung iniisip ko. Pumasok ako sa banyo para maghalfbath. Pagkalabas ko ay nakatuwalya lang ako at naabutan ko siyang naghuhubad sa suit niya. Napansin niya ata yung presenya ko kaya napalingon siya sa gawi ko. Napatingin ako sa kanya pababa sa labi niya pababa sa dibdib niya at maskuladong braso, pababa sa tiyan na may pandesal at di ko sinubukan pang bumaba sa pinakababa baka ano pang isipin ko. Tinaas ko yung tingin ko sa dibdib niya papunta sa labi niya. Ang ganda ng labi niya para inaakit akong halikan siya. Pagtaas ko ng tingin ay nagtagpo ang tingin namin. Tiningnan niya ako na parang nagtataka.At bumaba ang tingin sa tuwalyang suot ko. "Bakit nakatuwalya kalang?" napabalik ako sa wisyo ng tanungin niya ako nun at dun ko napagtantong lumabas nga pala akong nakatuwalya lang dahil naiwan sa kama ang susuotin ko sana. Di ko naman siya pwedeng tawagin para lang dun. Di siya si Ryan noh. Kaya lumabas nalang ako pero ito pang bumungad saakin. "Kukunin ko sana yung shopping bags," sagot ko at agad na kinuha ito at di na sinubukan pang tumingin sa kanya. 'Ang ganda ng katawan niya.' Pagkalabas ko ay nakasuot na ako ng pajama at t-shirt at siya na man ay nakasando lang at nakabeach shorts. Nanonood lang siya ng tv habang nakahiga sa sofa. Kitang kita ko na parang di siya komportable dun. "Uhm. Sir dun nalang kayo sa kama." sabi ko. "No, you can sleep on the bed. And im going to sleep here." sabi niya na di man lang ako tinapunan ng tingin. "Ehh hindi ka mukang komportable ehh." mapalingon siya sa sinabi ko. "At ikaw ang hihiga dito? Mas hindi ka makokompartable dahil babae ka." sabi niya. "Magtabi nalang tayo." nakita ko ang gulat sa mata niya kaya naalarma ako kung ano pang isipin niya."I mean, sayo yung kabila akin naman yung kabila." sabi ko. Tumayo lang siya at humiga dun sa kama. Ganon din ako. Pagkahiga ko ay nakaramdam ako ng pagkailang kaya tumayo ako at kumuha ng extra unan dun sa may kabinet. Kumuha ako ng tatlo at humiga ulit. Hinarang ko tung dalawa sa gitna namin at yung isa ay ginawa kong pangyakap ng binti ko. "Bakit ba kasi isa lang ang kama dito?" reklamo ko. Ang laki ng room pero isa lang ang kama. Ano to joke?? "Kasi for lover to." sagot niya. Bumangon ako at tiningnan siya. Nakapatong lang ang ulo niyasa isa niyang kamay at yung isa ay may hawak na remote. "What do you mean?" tanong ko. Tumingin siya saakin at parang natatawa siya. "This resort is for lovers. Ang pangalan ng resort na to ay Beach of Love. Madaming nagpupuntahan ditong mga tao lalo na pagvalentines. For celebrate their relationship nila." paliwanag niya. "Hindi naman tayo lovers ahh." sabi ko. "Hindi pa nga. Pero malapit na." bigla kong naramdaman yung pamumula ng pisngi ko kaya agad akong humiga ulit at tinalikuran siya. 'Malapit na? Ang Alin?? Argggh..' Nakatulog ako sa ganoong posisyon. Di ko alam kung anong oras natulog si Jayzam dahil nanonood pa naman siya ng tv. Iba sa inaasahan ko ang nangyare. 'Baket di niya ako ginalaw? Ehh yun naman ang rason kaya kami umakyat dito di'ba? Baka iba ang rason niya at ako lang ang nag-iisip ng ganon.' Paggising ko ay nakita ko si Jayzam na kakalabas palang sa banyo. Pinupunasan niya ang basa niyang buhok ng tuwalya at nakatuwalya yung bewang niya at malaya kong nakikita ang mga pandesal niya. Di niya at napansing gising na ako. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong kinuha niya ang brief niya at parang ibaba na ata niya yung tuwalya niya na nag-iisang nagtatakip sa sausage niya. Agad kong tinakpan ang mata ko ng kumot. 'Arggh. Ano ba Jayzam? May banyo bakit nagbibihis ka dyan? Pinababaliw mo sistema ko ehh!!' Pagtingin ko ulit sa kanya ay nakaboxer na siya at kasalukuyang sinusuot ang shorts niya. Pagkatapos nun ay sinuot niya yung blue t-shirt niya at may biglang nagdoor bell. Agad siyang umalis at pumunta sa pinto. Pagkabalik niya ay may kasama na siyang lalaki na may hawak hawak na parang tinutulak ata para umandar. Alam niyo yung nasa grocery? pero ang iba lang dahil sa taas non ay may isang malaking bilog. Nilapag ng lalaki yung dalawang bilog at umalis. Bumangon ako at napalingon naman saakin si Jayzam. "Kanina ka pa gising?" bigla naman akong kinabahan sa tanong niya. "Bago pa lang." pagsisinungaling ko. 'Anong gagawin ko? Sasabihin ko bang nakita ko siyang nagbibihis kanina? Baka pagkamalalan niya pa akong m******s' Matapos naming kumain ay nagbihis agad ako at nasimula ng bumyahe pauwi. Mga ala-una ng makauwi kami. Ang traffic ehh. Akala ko talaga papagalitan ako ni Mama dahil di ako umuwi. Pero- "Musta? Maganda ba?" bungad niyang tanong saakin. "Ma di kaba magagalit?" tanong ko. "Bakit naman ako magagalit? At saka may tiwala akk dun sa teacher mo. Inalagaan ka nga niya nung biyernes ehh. At alam kong di ka niya gagalawin. Pero maganda ba?" ulit niyang tanong. "Ang alin ba?" tanong ko. "Yung date niyo." halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. 'Alam niyang date yung pinunta namin dun samatalang ako yung dinate at ang alam ko lang ay maghahang-out kami!?!???!!' "Oo." sabi ko. Tumalon talon naman siya. Di na ako magtataka kung san nagmana si Ryan. Umakyat nalang ako sa kwarto ko. Pagkarating ko dun nandon si Ryan. Nagulat siya sa pagpasok ko pero di man lang siya nag-react. "Kumusta?" tanong niya at ngumisi ng nakakikilabot. "Okay lang. Anong klaseng ngiti yan? Kinalibutan ako sayo." sabi ko at hinagod ang braso ko dahil tumindig yung balahibo ko dun. "Okay lang yng galawang teacher?" tanong niya ulit. "Anong galawan sinasabi mo?" tanong ko. "Masarap ba? Magaling ba siya gumiling? Myghad umungol ka ba?" halos dumugo yung ilong ko ng marealize ko yung pinaparating niya. Agad ko siyang tinapunan ng bag na suot ko. "Bakit ba ang dumi ng isip mo haa? Nung biyernes tinanong mo din ako ng ganyan!! m******s kang bakla ka!" sabi ko at hinampas-hampas siya. "Aray.. aray. Ouch." daing niya. Tumigil naman ako sa paghampas sa kanya. "Ang bastos mo." sabi ko. "Ey, kunwari ka pa ehh parang gusto mo naman!" sabi niya. "Anong gusto? Isusuko ko lahat wag lang ang bataan ko. Noh.." sabi ko. Tumawa lang siya ng malakas at lumabas ng kwarto. Dahil sa pagod sa byahe ay nakaidlip ako. Nagising ako ng masinghot ko ang napakabangong niluto ni Mama. Agad akong bumaba at pumunta sa hapag. Hinintay nalang namin na ilapag ni Mama yung niluto niyang paksiw. "Ang bango Ma." komento ko. Umupo lang siya at nagsimula na kaming kumain. "Kumusta date?" halos maibuga ko ang ninguya kong kanin dahil sa tanong ni Tito. Swerte ay may tubig kaya agad ko itong nalagok. 'Bakit nila alam na may date ako samantalang ako hang-out ang alam ko!?' "Okay lang," sagot ko. "Hindi kaba biya ginalaw?" tanong ulit ni Tito. "Ano kaba Joey?" tanong ni Ate Ely at hinampas ang braso niya. "May tiwala ako sa lalaking yun. At sinabihan ko siyang date lang walang jer²" sabi ni Mama. Parang nawalan ako ng ganang kumain. 'Totoo? Sinabihan ni Mama si Jayzam na di ako galawin?' "Mabuti naman Ate." sabi ni Tito. Pagkatapos kong kumain. Naligo agad ako pero half lang at natulog. Paggising ko ay ligo na naman. Ligo is leyp di tulad ng iba, ang iitim na nga katawan dahil sa libag. Natatakot akong pumunta sa school baka saktan na naman nila ako. Pero hinatid ako ni Ryan sa third floor napakaweird ng mga nangyayari dahil lahat ng estudyante iba ang tingin saakin. Pagkapasok ko ay nakita ko sila Kate,Kelly, Shane at Sophia na nasa harap. "Go on start." rinig kong sabi ni Jayzam. Tiningnan ko siya ng nagtataka pero parang pinapahatid niya saakin na. Magtiwala lang ako. Nakita kong lumuhod silang apat at yumuko. "I-m so s-sorry. Alth-A-Althea" nahihirapang sabi ni Kate. Napaka mapride niya talaga. "Im sorry Althea," rinig kong sabi ni Shane. "Im sorry." sabi ni Sophia. "Im sorry. Althea" ani ni Kelly. "Can you please forgive us?" tanong ni Kate peri nakayuko pa rin. "Hindi lang ako ang dapat niyong paghingan ng sorry." nag-angat silang apat ng tingin saakin. "What do you mean?" tanong ni Shane. "Magsorry din kayo sa kanila." sabi ko at tinuro ang mga kaklase kong tahimik na nanonood. Lumingon sila sa mga kaklase ko at kitang kita naman na paiyak na si Kate at Shane. "Im sorry Guys." sabay sabay nilang sabi. "Tumayo na kayo diyan may gagawin pa kayo." sabi ko. Tumayo sila at nagtatakang tumingin saakin. "Anong gagawin namin?" tanong ni Shane. Lumabas ako ng classroom at pinasunod sila. Pumunta kami sa principal office at hiningi ang panig nila. "Okay, dapat lang nilang gawin yun." sabi ni Savannah. Vinediohan lahat ng grupo ng Lorden at isa isa silang pinapasabi ng sorry. Di lang ako ang ginawan nila ng kasalanan. Pati na rin ang mga estudyante sa paaralan na to. Pinost sa page ng school namin ang paghingi nila ng sorry kaya madaming estudyante ang natawa. "Hindi ko to ginawa para mahiya kayo. Ginawa ko to para mapatawad kayo ng mga estudyante nasaktan niyo." sabi ko at iniwan sila dun sa principal office. Ngayon payapa na akong di na sila mananakit ng iba pang estudyante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD