Bumangon ako, medyo okay na naman din akk kaya nakapaglakad lakad na din ako. Pagkababa ko ay agad akong inalalayan ni Mama.
"Hay sana tinawag mo ako para matulungan kitang bumaba!" pag-aalalang sabi ni Mama.
"Mama naman, okay na ako." sabi ko.
"Okay, kain ka na." sabi niya bago nilapag ang isang plato may kanin at gulay.
Nagsimula na akong kumain, pagkatapos nun ay gumawa na ako ng mga assingment.
May mga galos pa din sa braso ko sa paa ko at hita ko. Di ko malilimutan yung ginawa nila saakin, sabi ni Jayzam na may gagawin daw siya pero di niya naman sinabi saakin.
Tanghali na ng maligo ako at wala lang din akong ginawa kundi matulog. Nagising ako ng bigla akong nakaramdam ng tapik.
Masama kong tiningnan si Ryan na nakangisi.
"Ano ba? makatapik ka naman dyan parang di mo alam na may mga galos ako!" sigaw ko sa kanya pero nanatili pa rin siyang nakangisi.
"Myghadd ghurl di mo naman sinabi na may date ka pala," pilyo niyang sabi na ikananoot ng noo ko.
"Anong date sinasabi mo?" tanong ko.
"Magbihis ka na dyan!!" wala talaga akong ideya. Kung anong date sinasabi niya!
Kaya naligo nalang ulit ako at nagsuot ng jeans at oversized t-shirt.
Pagkalabas ko ng bahay ay halos maluwa ang mata ko ng makita ko si Jayzam nakasuit at naka red tie.
Naalala ko may hang-out ng pala kami. Pero may naghahang-out ba na nakasuit?
"Bakit ganyan yung suot mo?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.
Imbes na sumagot siya ay binuksan niya yung pinto sa front seat. Mukang bad mood ata siya kaya di na ako nakipagtalo pa at sumakay na.
Ng maisara na niya yung pinto ay umikot siya para pumunta sa may Driver Seat. Tahimik lang kaming dalawa sa sasakyan at ng biglang tumigil ang sasakyan niya dahil nag red yung traffic lights.
"Akala ko ba hang-out?" pagbasag ko sa kanina pang katahamikan.
"Di mo talaga nahahalata." sabi niya habang nanatili pa rin ang tingin sa harap.
"Ang alin??" tanong ko.
Nagulat ako ng lumingon siya saakin. Napatigil kamo sa ganoong posisyon.
"Alam kong hindi ka papayag kung dinner ang sasabihin ko sayo, 'Kase nga meron kayong pagkain sa bahay." sabi niya na parang bata ng aasar.
"So?
"So, sinabi kong hang-out para pumayag ka." sabi niya. Napabalik ako ng sandal sa upuan at bumuntong hininga.
Naloko na!!
"Sinungaling din pala yung mga guro, akala ko naturuan din sila katulad ng pagtuturo nila saamin." sabi ko at nakitingin lang sa harap.
"Hindi pagsisinungaling yun, diskarte ang tawag dun." sabi niya at nagsimula ulit magmaneho.
"Talaga? Bakit ka naman dumidiskarte, Siir??" sabi ko at klinaro pa yung salitang 'Sir.
"Secret." sabi niya kaya nanatili nalang akong tahimik dahil kapag ako naiinis sasabunutan ko to.
Pinarking niya yung sasakyan niya at naunang bumaba at pinagbuksan ako. Inirapan ko lang siya at lumabas.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko na buhangin yung tinatapakan ko. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong dagat sa kabilang dulo nun.
Anong ginagawa namin dito?
"Ah, Jayzam ano-"
"Bro, long time no see." sabi ng lalaking lumapit saamin at nakipag-apir pa.
"Kumusta yung resort?" tanong ni Jayzam.
"Okay lang naman. Maganda pa rin yung takbo." sagot ng lalaki.
"Uhm siya nga pala si Althea. Girlfriend ko." nagulat naman ako sa sinabi ni Jayzam. Napatingin ang lalaki saakin at nginitian ako kaya ngumiti na lang din ako ng peke.
"I'm Ruke, brother-in-law ni Jayzam. It's nice meeting you" sabi niya.
"Nice meeting you too." sagot ko at binawi ang kamay ko.
Nauna na yung lalaki at sumunod lang kami sa kanya at dinala niya kami sa malapit sa dagat at may table dun tas may bulaklak pa na nakasprinkle sa buhangin.
May dalawang upuan dun at isang square table. Umupo ako dun at umupo naman sa kaharap na upuan ko si Jayzam at iniwan kami ni Ruke dun.
"Ang kapal ng mukha mo!" sabi ko sa kanya at krinussan siya ng kamay.
"Bakit?"
"Bakit? Nagtatanong ka pa talaga??, Bakit mo sinabing girlfriend mo ako?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
"Bakit bawal ba?"
"Oo, bawal na bawal! kapal mo." sabi ko.
Biglang may dumating na dalawang babae at dalawang lalaki. May dala ang dalawang babae na tray at ang mga lalaki naman ay may dalang violin.
Nilapag ng babae yung nasa tray. Isang carbonara tas may cake at naglagay pa siya ng dalawang mamahaling baso yung hahawakan ay masyadong manipis at pangmayaman.
Nilagyan niya yung kulay pula na juice ba yun o alak di ko mabasa yung pangalan dahil mukang pang-ibang bansa. Nilapag ng babae yung bote at umalis na.
Nanatili yung dalawang lalaki at nagsimula ng magpatugtog napaka awkward ng pangyayari. Bakit may patugtog pa?
"Jayzam anong kalokohan to?" tanong ko at tinakpan ang gilid ng baba ko para di makita o marinig ng mga nagpapatugtog yung sinasabi ko.
"Just eat." tanging sabi niya kaya kumain nalang din ako.
Habang kumakain ako ng cake ay di ko mapigilang di ma pailing. Cake? dinner? huh?. May ganon ba?? Adik na ata tong lalaking to..!!..!!..
Bigla niyang tinaas yung basong niya na may laman atang juice ba yun o alak, di ko alam yun baka mamahaling alak.
Sinenyasan niya akong itaas yun kaya yun ang ginawa ko ng itaas ko yung baso ay bigla niya iyong binangga.
"Cheers," sabi niya.
Naririnig ko yan sa mga tambay sa amin pero siya grabe yung pagbangga niya sa baso parang mababasag ata kasi napakalakas ng pagbangga niya.
Sininghot ko yung juice, mabango siya at mukang masarap.
Biglang tumigil yung mga nagpapatugtog at umalis.
"Ano to?" tanong ko sa kanya. At pinakita sa kanya yung basong hawak ko.
Nilapag niya yun sa kanya dahil tapos na siya sa pag-inom nun. Kaunti lang naman yung nabawas.
"Wine." sagot niya at sinubo ulit ang carbonara na kanina pa niya iniikot sa tinidor niya.
Bigla kong kinuha yung selpon ko at sinearch sa google yung wine, para na rin sigurado baka may lason to. 'Bakit ka naman niya lalasunin?'
Nabasa ko na ang wine pala ay isang klase ng inumin na di masyadong matapang di katulad ng beer at may mabango dawng aroma yun.
Ilang beses akong napalunok ng laway bago napagdesisyunang inomin yun. Naibuga ko sa buhangin yun ng matikman ko yun. 'Pota bakit ang pait niya sa lalamunan?'
"Are you okay?" pag-aalalang tanong niya. Kinuha ko naman yung tissue at pinahid yung wine na lumagpas sa labi ko.
'Pota ang bango ng wine pero ang pait. Di lang pala lalaki yung manloloko. Pati din pala wine.'
"Tingin mo? Bakit mo ako pinainom nun? Ang pait!!" sabi ko.
Natawa naman siya ng bahagya. 'Anong nakakatawa?'
"Tssk. Diba natikman mo na? bakit di mo sinabi saakin na mapait pala?" galit na tanong ko.
"Di ka pa pala nakatikim ng wine?" tanong niya. Yan ang hirap sa kanya kase kapag tinatanong ko siya tanong din yung isasagot niya pabalik saakin.
"Hindi ba halata?" inis kong sabi.
"Ahhahaha, cute." sabi niya. Di ko nalang siya pinansin at tinuloy ang pagkain ng cake para mapalitan ng tamis yung lalamunan ko.
Bigla siyang tumayo kaya napatingala ako para tingnan ang mukha niya. Kakain ko pa sana yung cake pero bigla siyang umalis sa upuan at sinenyasan akong sumunod sa kanya.
Agad kong kinain yung cake at nakanguyang tumatakbo, papunta sa kanya.
8:27 pm na nung tingnan ko yung phone ko. Napayakap ako sa sarili ko ng biglang may humampas na napakalamig na hangin.
'Ang ginaw.'
Naramdaman ko ang dalawang kamay sa likuran ko na may sinabit sa likod ko. Paglingon ko ay si Jayzam pala. Hinubad niya yung suot niyang suit at nilagay yun sa likuran ko. Puting polo nalang yung naiwan sa kanya.
"Hindi kaba lalamigin niyan?" tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya kaya inayos ko lang ng suot yung suit na binigay niya. Sinuoot ko yun na parang jacket at i-ninsert yung oversized t-shirt ko sa jeans ko.
Umupo lang siya sa buhangin at may tinitingnan, di ko alam kung ako ba yung tinitingnan niya kasi di ko naman siya nilingon kasi busy ako sa pakikipaglaro sa mga alon.
Para akong isang bata na tumatakbo kapag papalapit yung alon. Tawa ko lang at hampaa ng alon ang naririnig ko sa paligid. Ng mapagod ako ay napagdesisyunan kong tumabi kay Jayzam.
Pero paglingon ko sa kanya ay nakatingin nga siya saakin. Pero agad din naman siyang umiwas ng tingin ng makita ko siyang nakatingin saakin.
Lumapit ako sa kanya at tumabi sa gilid niya pero may space sa pagitan namin.
Malayo ang tingin ko. Tinitingnan ko yung kabuuan ng dagat. Ang ganda ng paligid ngayon pa ako nakapunta sa ganitong beach.
"Ilan na kaya yung babae nadala mo rito?" tanong ko para na rin basagin yung katahimikan.
"Dalawa pa lang. Ikaw yung pangalawa." sagot niya.
'Dalawa pa lang? Ako yung pangalawa?'
"Sino yung una?" tanong ko.
"Si Savannah, Savannah Monteverde." sagot niya.
'Savannah? Di ako sure kung si Savannah ba na nasa isip ko ang tinutukoy niya.'
"Savannah, sinong Savannah?" tanong ko.
Bigla niya kinuha yung phone niya at may tinype dun. Pinakita niya yung Savannah na sinasabi niya. Ommmgg!!.!..!!! Savannah.
Correct nga! Si Savannah na nakabangga ko at tumulong saakin.
"Paano kayo nagkakilala?" tanong ko.
"When I work on her school. Yung paaralang trinatrabahoan ko at paaralang pinapasukan mo ay sa pamilya niya yun." sagot niya.
Woww Saanaaooll.
"Talaga? Di ko alam ganyan pala siya kayaman." sabi ko.
"Kilala mo siya?"
"Oo, nakabangga ko siya, at tinulungan niya akong pumunta sa clinic. At bakit siya yung una?" tanong ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at narealize kong-
'Wag mong sabihin, girlfriend mo siya dati?'
"She's my Ex-girlfriend. My first ex-girlfriend." sabi niya sa mahinang boses. Parang nalulungkot siya.
"Bakit ex? Naghiwalay kayo?" anong klaseng tanong yan brain? Syempre para masigurado natin.
"Ex nga di'ba? Bakit e-dedate ba kita kong may girlfriend ako?" sabi niya na ikinagulat ko.
'Date? Dinedate niya ako? He mean dinedate niya ako ngayon? Hindi ko alam yun ahh!'
"Anong date?" inosenteng tanong ko.
"Di'ba obvious? Kumain tayo ng sabay may tugtog pa na sweet at may pa flowers pa, ano sa tingin mo yun? Kain lang?" inis niyang sabi.
Napaiwas ako ng tingin ng sabihin niya yun. Oo nga date ngayon pero di naman ako nag-assume dahil yung sinabi niya lang saakin ay hang-out tas dinner pala pero ngayon date na. Ang gulo!
'Date?'
"Ahh ganon ba yun. Bakit kayo naghiwalay?" pag-iiba ko sa tanong ko. Para na rin mawala yung inis niya.
"Pumunta siyang amerika at dun inasikaso yung kompanya nila dun. Naghiwalay kami dahil hindi daw mag-wowork sa kanya yung long distance relation ship. Pinapili ko siya pero mas pinili niya yung pag-alis niya." sabi niya. Nakita kong may tumulong luha sa mata niya.
Pinaharap ko siya saakin at hinawakan ang pisngi niya at pinahid yung luhang tumulo sa mata niya.
"It's okay. Di mo alam nagbreak kayo dahil hindi talaga siya para sayo. Hindi gagawa ang diyos ng dahilan para masaktan ka. Baka ginawa niya lang yun para makawala ka sa maling tao." sabi ko.
Naramdaman ko ang pagyakap niya ng mahigpit saakin. Hinagod ko lang yung likod niya.
"Lahat ng sakit na naramdaman mo noon, may papalit na masarap at masayang pakiramdam ngayon. At wag mong kalimutan na di mo mararamdaman yung sarap at saya kung di ka dumaan sa sakit at lungkot." dagdag ko.
Humiwalay siya sa pagyakap saakin at tiningnan ako ng diretso sa mata. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang naramdaman ko nalang na naglapat ang labi namin.
Napapikit ako dahil dun. Di ko alam ang nararamadaman ko basta ang iniisip ko lang nun ay halikan siya pabalik.
'Ito ang tandaan niyo. Di porket na sinaktan kayo ng taong yun ay kakamuhian niyo na siya. At wag mong isipin na napakamalas mo dahil sa maling tao ka na punta. Baka ginawa lang yang ni God para mas matuto ka. You can't find a real love if you don't experience wrong love.'
'Grabe ang pagkamuhi ko kay Xander dahil sa ginawa niya saakin pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil nalaman ko yung pagkukulang ko at pagkukulang niya. Nalaman ko kung anong dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga magjowa. At dahil yun sa tukso.'