Nagising ako sa di pamilyar na lugar. Malaki ang kwarto at nakahiga ako ngayon sa isang malaking kama na kulay puti.
Agad akong naalarma ng maalala ko yung nangyari dali-dali akong lumayo sa kama at pagkatayo ko ay agad akong nadapa dahil nanghihina pa rin ang tuhod ko.
Nakita kong tumakbo si Jayzam palapit saakin kaya agad ko siyang niyakap at umiiyak sa balikat niya. Hinagod niya naman ang likod ko.
"Shhss. It's okay." sabi niya.
Tiningnan ko ang uniform ko. Mabaho pa rin yun at madumi.
"Pinatulog mo akong nakaganito?" tanong ko.
"Ikaw yung nakatulog. Ayaw kong mag-isip ka ng masama kaya hinintay kong gumising ka para ikaw ang magligo sa sarili mo" paliwanag niya
Inalalayan niya akong tumayo. Nakita ko ang dumi ng kama niya.
"Pano yung kama mo?" tanong ko.
Naguiguilty ata ako.
"It's okay. Papalitan ko nalang." sabi niya.
Pinaupo niya ulit ako sa kama at may nakita akong mga shopping bags.
"Suotin mo yan" sabi niya.
Lumabas na siya at ako naman ay pumasok na sa banyo niya.
Pagkapasok ko ay namangha ako. Ang ganda.
May bathtub tas malaki na salamin. May shower.
Saamin balde lang at tabo yung ginagamit. Napag-isipan ko nalang na maligo sa bath tub dahil di pa ako masyadong nakakatayo.
Matapos akong naligo ay nagbihis agad ako.
"Bagay sayo." sabi niya.
"Thank you." sabi ko at kinuha ang bag ko. Kinuha ko ang selpon ko at halos manlaki ang mata ko. "Gabi na??" di makapaniwalang tanong ko.
"Dinner." sabi niya.
Agad kong kinuha ang bag ko at aalis na sana kaso napadaing ako dahil sa sakit ng galos ko sa katawan. Hindi naman malaki pero mahapdi.
"Kumain ka muna, para maihatid kita." sabi niya
"May-
"May pagkain sa inyo? Althea kailangan mong kumain kanina kapa natulog at wala pang kain." sabi niya. "Para maihatid kita." dagdag niya
"Kaya kong umuwi mag-isa." sabi ko at akma sanang maglalakad papalapit sa kanya pero napahawak ako sa kama ng maramdaman kong masakit pa rin ang paa ko.
"Talaga? di la nga makalapit saakin." sabi niya. Inirapan ko siya.
Naalarma ako ng naglakad siya papalapit saakin.
"Anong gagawin mo??" kinakabahan kong tanong.
Bigla niya akong binuhat gamit ang dalawang kamay niya.
"Ibaba mo ako Jayzam!" sabi ko ag hinampas hampas ang dibdib niya.
"Stop." sabi niya kaya napatigil naman ako. Nagulat ako ng ilabas niya ako sa kwarto.
Pagkalabas namin tinitingnan kami ng mga kasambahay nila. Inupo niya ako.
"Eat." mariing sabi niya.
"Galit kaba?" tanong ko.
"Oo,"
"Saakin? Im Sorry kung naging pabi-"
"Hindi sayo. Sinong may gawa sayo nun?"
"Lorden." sabi ko.
Kumain na kami. Walang umimik saaming dalawa. Tanging kaluskos lang ng kutsara't tinidor ang naririnig namin.
"Okay na naman ako." pagbasag ko sa katahimikan.
Tiningnan niya ang katawan ko kaya napatingin din ako. Nakita ko isang galos sa may braso ko.
"You're not,"
"Anong binabalak mong gawin?" tanong ko.
"Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila." sabi niya.
"Wag na, Oka-"
"Hindi ka nga okay! Wag kang magpanggap na okay ka! dahik hindi! Tingnan mo nga yang sarili mo. Puno ka ng galos tas di kapa nakakalakad ng maayos! Tas ayaw mo silang pagbayarin?" sigaw niya saakin.
Napayuko naman ako at tinuloy nalang ang pagkain.
Hindi na ako umimik hanggang sa matapos na kaming kumain.
Kinarga niya ako ulit papunta sa kotse niya. Pinasakay niya ako sa may shot gun seat. Umikot naman siya para sumakay sa Driver seat.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya tiningnan ko siya pero nakatingin lang siya sa harap.
"Sorry kung sinigawan kita kanina." sabi niya.
Bumalik ako ng tingin sa harapan at yumuko.
"Okay lang yun." sabi ko.
Alam kong nakatingin siya saakin pero ayaw kong tingnan siya.
Umandar na yung sasakyan niya. Tinuro ko nalang sa kanya yung daan papunta saamin.
Nakarating na kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto at akma sana akong bubuhatin.
"Wag na, nandyan yung Mama ko." sabi ko at lumabas sa kotse. Inalalayan niya lang akong maglakad papunta sa pintoan namin at kumatok naman ako.
Agad na bumukas yung pinto at nakita ko si Mama bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Yumakap siya saakin at tinapik ko naman ang likod niya para luwagan ang yakap saakin.
"Ma, masakit." bulong ko sa kanya. Humiwalay naman siya.
"Okay ka lang ba. San kaba galing? Alam mo ba-" di natapos ang sasabihin niya ng makita niya si Jayzam sa likod ko.
"Good Evening po." sabi ni Jayzam.
"Ma papasukin mo muna kami sakit na ng paa ko." sabi ko. Inalalayan niya naman ako at sinenyasan ko naman si Jayzam na pumasok.
Nagulat silang lahat sa pagdating ko kasama si Jayzam pinaupo ako ni Mama ganon na din si Jayzam.
"Anong nangyare sayo Anak?" tanong ni Mama.
"Ah, kasi Ma.." nahihirapan akong ipaliwanag sa kanila yung nangyare. Diko namalayan na tumulo na pala yung luha ko.
"Kawawa naman yung anak ko." sabi ni Mama at hinalikan yung noo ko.
"Kasi Ma. Tinapunan nila ako ng mantika, harina at etlog sa banyo." paliwanag ko habang umiiyak.
"Natagpuan ko nalang po siya napakadumi na kaya dinala ko siya sa bahay at pinaligo. Ginamot ko na din yung mga galos na natamo niya." sabi ni Jayzam.
"Thank you Sir ahh. Grabe yung pag-aalala naman kay Althea." sabi ni Ryan.
"You're Welcome. Mauna na po ako." sabi ni Jayzam.
"Hatid na kita." sabi ko. Inalalayan ako ni Mama papunta sa pinto.
"Salamat sa pagtulong sa anak ko hijo." sabi ni Mama.
"Walang anuman po." sabi niya. Sumakay na siya sa kotse niya at umalis.
Dinala naman ako nila Mama sa kwarto ko. Agad nila akong pinahiga kaya di na ako umangal pa.
Lumabas si Mama sa kwarto namin ni Bakla at kami lang dalaw yung naiwan.
"Kumusta?" tanong niya.
"Medyo masakit." sabi ko.
"Ang alin?
"Yung katawan ko bobo!
"Kumusta nga??!?!!
"Masakit nga!
"Hindi yun. Kumusta performance niya?
"Nino?
"Ni Sir! Masarap ba magaling ba siya sa kama?" halos dumugo yung ilong ko sa mga pinagsasabi niya.
"Walang nangyari saamin ulol! Di ko sinuko yung bataan ko. Bastos ka talagang bakla ka!" sabi ko at tinapunan siya ng unan.
"Kunwari kapa, ehh gusto mo naman! Sayang binigyan ka na nga ng time ni Tadhana tas pinalampas mo pa!" sabi niya.
Diko nalang siya pinansin at humiga. Kinuha ko ang selpon ko at bigla naman tumunog.
'Good night, Sweet Dreams. See ya tomorrow.' message niya.
Di ko alam kung sasama ba ako sa hang-out na sinasabi niya ehh masakit yung katawan ko. Siguro bukas ayos na ako.
Hindi ako pwedeng umayaw may utang ako sa kanya. Palagi nalang.