Chapter 11: They must!!!

2013 Words
Napabalilwas ako ng maramdaman ko ang paghampas ni Ryan ng unan sa mukha ko kaya tiningnan ko siya ng masama. "The f*ck?" sabi ko at kinamot ang ulo ko. "Naol F*ck. Bangon na tapos na kong maligo kaya maligo kana!" sabi niya. Bumangon ako at inayos ang higaan ko bago pumunta sa banyo at naligo, pagkatapos kong maligo ay kumuha lang ako ng isang tinapay at sumukay agad sa taxi ni Tito. Nakarating na kami sa school. Biyernes ngayon kaya ang daming tao, dahil kada Biyernes may mass. Pagkapasok ko sa Room ay wala pang estudyante at si Sir lang yung andun. Napalingon naman siya saakin. "Late." sabi niya. "Sorry, matagal akong nagising ehh." sabi ko. Napansin kong maraming bag ang nasa mga upuan pero walang estudyante, siguro nandon na sila sa ground. Nilagay ko sa upuan ko ang bag ko at akma na sang lalabas ng tawagin niya ako. "Althea." tawag niya. Dahan dahan akong humarap sa kanya at nginitian siya ng sapilitan. "Po?" sabi ko. Tumayo siya at naglakad papunta saakin. Gustuhin ko manglumayo parang dumikit na ata yung sapatos ko sa sahig. Binigay niya saakin ang folder na dala niya at sinenyasan akong lumabas. Pagkalabas ko ay lumabas na din siya at naunang naglakad. Althea niyo. Teacher Pet na. Nakarating kami sa pwesto kung saan nakaupo ang section namin. Nakita kong iba ang tingin saakin ni Kelly at ni Kate. Parang nagtataka sila kung bakit kami magkasama ni Jayzam. Uupo na san ako ng biglang kinuha ni Jayzam ang upuan ko at nilagay ito sa gilid ng upuan niya. "Sit down." sabi niya. Ilang beses akong napalunok bago napadesisyonang umupo. Napaka awkward kasi magkatabi kami. Kahit magkaiba ang upuang inuupuan namin, nakakahiya pa din dahil katabi ko siya sa may likuran at yung mga kaklase ko ay layo saakin. "Just stay beside me, so that i can protect you." rinig kong bulong niya na sapat na para marinig ko. Tumango lang ako dahil di ko alam ang sasabihin ko. Nagsimula na ang misa kaya tahimik na kami. Napalunok ako ng dumating na sa parte na kailangan naming magmano sa mga nakakatanda saamin. Unti unti ng nagbow ang mga estudyante kay Sir pero ako di ko alam ang gagawin ko. Di ako mapakali dahil parang ako lang ang hindi nagbow. Pero di din naman nagbow sila Kelly, Lorie, at Kate kaya di nalang din ako nagbow. Napansin niyang naging malikot ako kaya narinig kong tumawa siya ng mahina. "Just save the best for last." bulong niya. Grabiie?? Anong gagawin ko?? Nakakahiya. Natapos ang misa at pumunta na kami sa mga classroom namin. Nakita ko pa si Adrian at Rance. Napagkaalaman kong si Rance pala ay estudyante ni Sir Valencia at si Adrian naman ay kay Ms. Sanchez Kanina napansin kong panay ang tingin nila Xander, Angel, Rance at Adrian saakin. Di ko alam kung saakin lang ba o pati si Sir tinitingnan din nila. Kanina din nahagip ng mata ko si Savannah, ngumiti siya saakin pero nawala ang ngiti niya ng makita si Sir Guiterrez pero di alam ni Sir na nakatingin si Savannah sa kanya. Mukang di ata kilala ni Sir si Savannah. Natapos ang araw ko ng may pagkaweirdong nangyayari. Lalabas na sana ako sa classroom ng tawagin ako ni Sir. Ako nalang mag-isa sa loob. I mean kami nalang dalawa ni Jayzam. "Althea." tawag niya saakin. "Yes anong kailangan mo Jayzam?" tanong ko. Pwede ko na siyang tawaging 'Jayzam dahil wala na namang ibang tao at kami nalang dalawa. Unti-unti siyang lumapit saakin at lumalayo naman ako sa kanya hanggang nadikit ako sa pinto an. Nilagay niya ang kamay niya banda sa ulo ko. At yung isang kamay ay nandun sa bandang bewang ko. "Anoo??!" pagsusungit ko sa kanya. "Kakamisa lang kanina ang sungit mo na." sabi niya at tumawa. "Pwede bang lumayo ka saakin?" tanong ko. "Wag mong kalimutan yung utang mo saakin." sabi niya na nagpakunot ng noo ko. "Huh? Utang? anong utang?" tanong ko. "Kanina sa misa di ka nagbow sakin. Yun ang utang mo." sabi niya. "Sinisingil mo ba ako? Bakit ako lang? Sila Kelly,Lor-" di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong siniil ng halik. Napapikit ako at dinama ang halik niya. Gumalaw pa siya ng kaunti at pinalalim ang halik namin. Bigla niyang pinutol ang halik namin kay napamulat ako sa mata. Nakatingin lang siya ng diretso sa mata ko kaya mas lalo pa akong nakafeel ng awkward. "Mas masarap talaga pag last. Bayad na utang mo. Makakaalis kana." sabi niya. Dali-dali naman akong lumabas at tumakbo pababa sa building pero may nabangga ako sa may hagdanan. Naramdaman ko na walang naapakan yung isang paa ko. Akala ko mahuhulog ako pero isang bisig ang naramdaman ko na yumakap sa tiyan ko. "Careless." rinig kong sabi ng lalaki. Ng lingunim ko siya ay nakita ko ang naiinis na mukha ni Rance kaya dali-dali kong nilayo ang kamay niya nakalingkis sa tiyan ko. "Thanks." sabi ko. At iniwan siya dun sa hagdanan at dali-daling hinanap si Ryan at natagpuan ko na naman siya sa basketball court. Nakita kong nakaupo sila Cassie, at Rose sa may bench kay dali-dali akong lumapit sa kanila. "Hi," sabi ko. "Hello," matipid na sabi nila Cassie at Rose. "Pansin ko lang ha. Bakit madalas ko ng di makita si Sophia? Asan pala siya?" tanong ko. Napakaweirdo kasi ilang araw ko na siyang hindi nakikita. "Uhm.. Ehh" kinakabahang sabi ni Rose pero napukaw ang atensyon ko ng makita ko si Sophia na kasama sila Rance, Shane, Kelly at Adrian. "Bumalik na siya sa Lorden." sabi ni Cassie. "Bumalik?" tanong ko. "Hindi siya bumalik, okay? Kasama na talaga siya sa grupo na yan dahil kapatid niya si Shane." sabi ni Rose. Nagtama ang tingin namin ni Adrian pero napatingin siya sa gilid niya ng biglang niyakap ni Sophia yung braso niya. Tiningnan ako ni Sophia at bumalik ang tingin kay Adrian. Ang sweet nila. Ngumingiti lang si Adrian sa lahat ng sinasabi ni Sophia. Parang may kumirot sa puso ko. Bakit ganito to? Wag mong sabihing naapektuhan ka Thea? Bakit naman? Walang kayo! Napagdesisyonan kung umalis nalang dun dahil ayokong makita silang naghaharutan. Sumasakit yung dibdib ko ehh. Pumunta ako sa CR at doon binuhos ang luha ko. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. "Bakit kaba umiiyak Althea?" tanong ko sa sarili ko. "Bakit ka naaapektuhan ehh wala namang kayo!" sabi ko sa sarili ko. May narinig akong mga yapak ng paa kaya dali-dali akong naghilamos at pinunasan ng panyo yung mukha ko at pinasok ulit ang panyo ko sa Bag pero napatigil ako ng makita ko si Sophia, Kate at Shane na pumasok sa loob. "Look what we have here." sabi ni Shane. "Nice timing." sabi ni Kate at bahagyang lumapit saakin kaya napa-atras ako. "Nandito kami para planuhin kong pano namin bubullyhin yung babae sa canteen, naghanda na nga ako ng harina at etlog isali mo pa yung mantika para sana sa babaeng nerd kasi birthday niya ngayon. Pero mo kang sayo ko ata mabibigay to." sabi niya saakin. Tinulak niya ako kaya napaluhod ako at naoadaing dahil sa sakit ng pagbagsak ko. "Aaah," daing ko. Nilabas ni Shane ang etlog, harina at mantika na nasa bag niya at isa isang nilapag yun sa sink. "Uhm, ano kayang uunahin ko?" tanong ni Kate sa sarili niya. Lumiwanag ang mukha niya at kinuha ang mantika. "Anong gagawin mo?" tanong ko. "Magluluto ako sa ulo mo!" sabi niya at binuksan ang bottle na may mantika. Nagulat ako ng bigla niyang binuhos yun sa ulo ko at katawan ko. Tumawa lang ng malakas si Kate at Shane. Si Sophia naman ay nakatingin lang at di mapakali. "Owwhs umiinit na ang mantika lagyan mo naman ng harina." sabi ni Kate at tumawa. Lumapit saakin si Shane at pinaligo saakin ang harina. Sobrang dumi ko na dahil lahat ata ng katawan ko ay basang basa na. "Egg." sabi ni Sophia at inabot kay Kate yung etlog. Mukang di naman siya naawa dahil siya pa nga ang nagbigay kay Kate ng etlog. Pero muka kasing di niya gusto ang ginagawa nila Shane at Kate saakin. "No, ikaw dapat maglagay nyan." sabi ni Kate at pinapunta malapit saakin si Sophia. Tiningnan ako ni Sophia at mukang di siya sigurado sa gagawin niya. Halos maiyak na ako. Ano bang kasalanan ko sa kanila? Sa pagkakaalam kong sila ang may kasalanan saakin. Bumuntong hininga si Sophia at tinapon saakin ang etlog at tumama naman yun sa ulo ko kaya bumasag at napadaing ako sa sakit. Tumawa lang ng malakas si Kate at Shane. At kumuha ng etlog at pinagtatapon yun saakin ginamit kong pangsangga yung kamay ko para di matamaan ang mukha ko. Sobrang sakit na ng katawan ko may galos pa naman yung tuhod ko at nagkagalos din yung kamay ko dahil sa basag na etlog. Matapos nilang taponan ako ng etlog ay may kinuha pa sila sa bag at nakita ko ang isang kandila. Nakita ko ang pagdating ni Lourdes. Isa sa mga kaklase kong nerd. Hawak hawak siya ni Kelly. Nagulat si Kelly ng makita ako. "Yan ba yung cake niyo? Sigurado ba kayong masarao yan? Akala ko pa naman na si Ms Nerd gagawin niyong cake?" sabi ni Kelly. "Nag-iba isip ko. Hoy Nerdo!" tawag ni Kate sa kanya nagulat naman ito. "Lumapit ka dito." sabi ni Kate. Lumapit naman si Lourdes sa kanya at may kinuha si Kelly sa bag niya at nakita kong lighter ito. "Sindihan na ang cake!" sabi ni Kelly at kinuha sa kamay ni Shane ang isang kandila at pinatong sa ulo ko. Tumayo naman yun dhil narin aa harina. Nangamba ako ng sindihan ni Kelly yung kandila na nasa ulo ko. Kinakagat ko lanh ang labi ko para mapigilan ang paghagulhol "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you.!" kanta nila Shane, Kate at Kelly. At pumapalakpak pa. "Blow the candle. Nerdo!" sabi ni Shane at hinipan naman ni Lourdes yung kandilang nasa ulo ko. "Yeeyy! Ang ganda ng party na to! Uwi na tayo!" sabi ni Kate at isa-isa naman silang lumabas pero naiwan si Lourdes. Kinuha niya yung kandila sa ulo ka at tinapon ito. "Okay kalang ba?" tanong niya. Bumagsak kaagad ako ng tanungin niya yun. Anong tingin niya masaya ako? Ang sakit ng katawan ko at para hindi ko na maramdaman na may katawan pa ako. "Umalis kana. Ayokong madamay ka pa." sabi ko. "Hindi kit-" "Please." singit ko. Tumayo lang siya at pinahid ang luhang pumatak sa mata niya. Nung palabas na siya ay tumingin siya pabalik sa akin at nginitian ako ng mapait. Wala na akong lakas makatayo. Inabot ko yung bag ko at kinuha ang celpon ko. Bago tinipa ang number ni Jayzam. "Althea where are u?" bungad niya kaagad sa akin. Napahagulgul ako. "Jayzam help me." sabi ko. "Nasan ka ba? And what the f**k happening?" pag-aalalang tanong niya. "Nandito ako ngayon sa Cr. Please bilisan mo di ko na kaya." nanghihinang sabi ko. Pinatay niya yung tawag at binaba ko yung phone ko at nilagay yun sa bag ko. Ilang sandali ay nakita ko na ang pagdating ni Jayzam nagulat siya ng makita niya akong madumi madaming harina basang basa at bahong-baho. Lalo akong umiiyak dun. Niyakap niya ako. "Jayzam tulungan mo ako." sabi ko. At umiyak sa balikat niya. Humiwalay siya sa pagyakap saakin at tiningnan akong ng diretso sa mata. Nakita ko na nadumihan ang suit na suot niya. "Who's the f**k do this to you?" tanong niya at mukang galit na galit. "D-de de Lorgans," nanghihinang sabi ko. Matutumba na sana ako ng hawakan niya ang ulo ko. Naramdaman ko ang pag-angat ko sa lupa at napagkaalaman ko nalang na buhat niya na ako. Di na ako umangal pa dahil nanghihina na ako. Napapikit nalang ako ng makaramdam ako ng antok sobrang sakit ng katawan ko at pagod. Bago ako pumikit narinig ko siyang bumulong ng- "They must pay this! F*ck!" sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD