Chapter 10: Kinilig Althea niyo.

1880 Words
"Dinner?" sabi niya. "Sorry Sir, pero may pagkain kami sa bahay. Di ko kailangan kumain sa inyo." sabi ko. Tanging malakas na tawa lang ang narinig ko. "You're such a funny woman." sabi niya habang nakahawak sa kanyang tiyan at nagpatuloy lang sa pagtawa. "May nakakatawa ba?" tanong ko. Napipikon na ako. "Althea, would you like to have a dinner with me?" sabi niya at mukhang natatawa. "May pagkain nga kami sa bahay!" sigaw ko dahil napipikon na talaga ako. "Okay, okay." pagsuko niya. "Mauna na ako Sir kailangan ko pang hanapin ang kapatid ko." sabi ko sa kanya. Di ko na siya hinintay na makasagot at umalis kaagad ako. Pumunta ako sa court nakita kong nagprapractice pa siya sa pag-cheer. Namuo ng galit ang aking mata ng makita ko si Adrian. Lumapit ako sa may bench kung saan naka-upo si Cassie. Ang weird nga ehh dahil siya lang mag-isa. Pagka-upo ko ay dun ko na napagtantong andito pala si Xander nakasando lang siya at nakasuot ng kwintas na may pito sa baba. Siya ang nagpapatakbo ng cheer at pagiging coach. Ang dami niyang trabaho. "Bat mag-isa ka?" tanong ko kay Cassie. "Dahil hindi ko sila kasama." pilosopo niyang sabi. Nakita ko ang paglapit saakin ni Adrian kaya naalarma ako. Anong gagawin ko? "Althea, can we talk?" tanong niya. Tumayo ako para pantayan siya pero lubha siyang mas mataas saakin kaya kailangan ko pang tumingala. "Ano? "Can we talk? "Para saan? "Dun sa nangyare kan- "Kalimutan mo na yun! At wag ka ng makipag-usap saakin." singit ko sa sasabihin niya. "Althea please." "Ayoko ko nga! Bakit ba? Tingin mo sasagutin kita kung ganon yung pagtrato ng barkada mo saakin?" tanong ko. "Alam mo bang malapit na akong maguidance dahil sa kanila?" "Im sorry." sabi niya at yumuko ulit. "Makakaalis ka na!" sabi ko at nagkruss ng braso. "Please hayaan mo akong mak-" di niya natapos ang sasabihin niya ng biglang hinawakan ni Xander ang balikat niya. "She said no." sabi niya. Tiningnan siya ni Adrian pero tumitingin lang siya saakin. "You can't force her, kapag sinabi niyang 'ayaw niya, ayaw niya. Kaya umalis ka na." ngumusong umalis si Adrian. Nakita ko naman sila Rance, Kate at Kelly sa kabilang bench. Nakakruss ng kamay si Kate habang si Kelly ay parang may binubulong kay Kate at si Rance naman ay nakatingin lang saakin. Di ko alam kung anong klaseng tingin ang binibigay niya saakin kasi masyado siya seryoso. "Are u okay?" napabalik ako ng tingin kay Xander ng magtanong siya. Tumango lang ako at bumalik sa pag-upo. "Nice choice. Wag kang makipagbanggaan sa mga Lorden mahirap silang kalabanin." bulong saakin ni Cassie. Bumalik na sa pagtuturo si Xander at bumalik na ako sa pag-upo at hinihintay na matapos sila Ryan. "Lorden? Lord-en? Lord? Ang ganda ng pangalan ng grupo nila pero hindi bagay sa kanila." sabi ko. Natawa naman siya. Tiningnan ko ulit sila sa kabilang bench, nandoon na si Lorie at may hawak na libro at si Shane naman ay nagmemake-up. "Hoy wag ka ngang masyadong tumitig sa kanila baka pagkamalan pa tayong chismosa." sabi ni Cassie kaya nilipat ko na ang tingin ko nila Ryan. Matapos nilang magpractice ay agad akong tumayo at kinuha ang isang mineral bottle at binigay ito kay Ryan. Nakita kong sumulyap saakin si Xander saakin pero mas pinili kong wag nalang siyang tingnan. Galit pa kaya siya saakin? Dahil nakita niya ako na nakapatong sa dibdib ni Sir? Triny ko namang magpaliwanag pero sinabi niya lang saakin kung pwede pa bang ibalik yung dati. Sagot ko dun ay 'no. "Hoy kumusta?" napabalik ako sa wisyo ng tapikin ako ni Ryan. "Okay lang." sabi ko. Ayaw ko ng sabihin na pinagsalitaan ako ng masama ni Angel dahil akala niya na tinapunan ko siya ng papel. Well, di din niya naman alam di ako talaga ang may gawa non pero ngayon alam niya na. "Naool pinoprotektahan." sabi niya. "Inggit ka lang." sabi ko. "Althea, napapansin kong minsan umiinom ka ng kape na matapang pero bakit ganon di ka niya pinaglaban?" pilyo niyang sabi. "Hoy yung bunganga mo!" saway ko rito. Baka may makarinig pa saamin. Nung nalaman ko kasing may gusto si Angel kay Xander ay wala lang akong pakialam pero nung makita ko yung chat nila dun ko na napagtantong kailangan na naming itigil yun. Bata pa din naman ako nun. Wala lang pakialam si Xander saakin at nagpatuloy lang sila sa relasyon nila ni Angel mukang mag-asawa na nga ata sila ngayon ehh dahil parehas sila ng trabaho at pinapasukan. Umalis na kami sa paaralan at sumakay sa taxi ni Tito. Pagkauwi ko dumiretso lang ako sa kwarto para mag-answer sa mga assignments at mga project. Habang nag-aanswer ako ay bigla nalang tumunog yung phone ko. Phone kung mumurahing touch screen bigay saakin ng Tita ko. Tiningnan ko yun at pagtingin ko ay unknown number ang nakalagay. Sinagot ko ito dahil baka importante. "What's up? May pagkain ba dyan sa inyo? Tanong agad ng isang lalaki sa kabilang linya. "Huh? "Huh?" inulit niya pa yung sinabi ko." Dinner." sabinniya kaya napagtanto ko kung sino ito. "Bakit mo nakuha number ko???? "Hiningi ko sa kapatid mo. "Sir ano bang kailangan mo?? "Ikaw." bigla namang kumabog ang puso ko dahil dun. Kinagat ko ang pisnge ko sa loob ng bibig ko para hindi ako mapangiti. "Huh? "Just kidding." nabagsak ang katawan ko. Ang ganda na sana ehh tas sabihin pang 'nagbibiro lang siya. "So ano ngang kailangan mo Sir? "Wala, I wanna ask you if your free this weekend? "Bakit naman? "Wanna hang-out?" "Huh? Naghahang-out ka pala Sir? Hindi kaba rarayumahin niyan?" tanong ko. "Ganyan naba talaga ako katanda sa paningin mo? Im just 22." sabi niya. Ayy ang bata pa pala. "Uhm ngayong sabado?" tanong ko habang nginangatngat ang kuku ko. "Oo, ano sama ka?" "Di pa ako sure Sir. "Sir,sir blah blah blah" sabi niya sa kabilang linya. Para siyang tanga na isip bata. "Call me Jayzam" "Okay, J-jayzam." kinakabahan kong sabi. "Think of it." sabi niya. Magsasalita pa sana ako kaso- "Bye." pagkatapos nun ay pinatay niya na ang tawag. Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang dumating si Ryan at tumatalon talon na parang tanga. Nakahawak ako dibdib ko dahil sa sobrang gulat. "Papatayin mo talaga ako noh??" galit kong tanong sa kanya. "Haa?" tanong niya. "Hakkdog!" inis kong sigaw. "Nirreregla ka beh??" galit na ding tanong. "Bakit ba kasi ng gugulat ka?" tanong ko. "Nanggugulat? Pumasok lang ako at tumalon talon, gulat ka na agad? at bakit parang namumula ka ata??" tanong niya. Bahagyang napatingin si Ryan sa cellphone ko at nanlaki ang mata nito."Tinawagan ka ni Jayzam??" gulat niyang tanong. "Gulat ka pa?? Ikaw naman nagbigay ng number ko sa kanya di'ba?" sabi ko. "Nanghingi kasi siya! Nakakahiya naman kong tatanggi pa ako di'ba?" sabi niya. Napatayo ako ng biglang pumasok si Mama sa kwarto at tiningnan kami. "Nag-aaway na naman ba kayo?" tanong ni Mama at palipat lipat ang tingin saamin. "Hindi Ma. Nagchichikahan lang kami, diba Sis?" tanong ni Ryan at tumango lang din naman ako. Umalis na si Mama kaya sinamaan ko ulit ng tingin si Ryan. "Wag mo akong ma Sis² haa!! Di pa tayo bati!" sabi ko at inirapan siya. "Sorry na nga eh! Alam mo ba hiningi ni Rance number ko!" sabi niya at tumalon talon ulit. "Rance? yung isa sa mga Lorden?" tanong ko at tuwang tuwa naman siyang tumango. "Oo, grabe ang puso ko sasabog na!" sigaw niya dinikit ang phone sa dibdib niya at tumalon talon ulit. "Hoy! Nakalimutan mo na bang inaway ka ng pinsan niya?" tanong ko. "Pinsan niya yun, hindi siya." sabi niya at inirapan ako bago lumabas. Pagkalabas ay dumiretso agad kami sa mesa para kumain ng haponan. "Kumusta school?" tanong ni Mama. Parehas naman kami nagulat ni Ryan at tiningnan siya."School daw ohh.Naool English." Ryan teased. Tumawa lang si Mama, ganon din sila Tito at Ate Ely. "Okay lang naman Ma." sagot ko at sinubo ang isang kutsara ng kanin. "Althea pag nakatapos kaba, anong kukunin mong course?" tanong saakin ni Ate Ely. "Diko alam pero gusto kong maging flight attendant." sagot ko. "Kumusta na kayo ng manliligaw mo?" tanong ni Tito kaya nasamid ako. Binigyan ako ni Ryan ng tubig at dali-dali ko naman itong ininom. "Anong manliligaw? Wala naman Tito." sagot ko at pinunasan ang tubig na tumulo mula sa bibig ko. "May argue sila kanina." sagot ni Ryan. Mas lalong naging curious sila Tito, Mama at Ate Ely. "Argue? sa pagkakaalam ko sa mga magjowa lang yan." sabi ni Ate Ely biglang nanlaki ang mata niya at." Ommmgggg??? Boyfriend mo na siya?" tanong niya. "Hindi po." sagot ko. "Talaga?" tanong ni Mama. "Hindi nagsisinungaling?" tanong ni Tito. "Talagang-talaga, at hindi nagsisinungaling" mariin kong sabi. Bumalik sila sa tahimik at kita ko naman ang pagtawa ni Danica, nilingon ko si Ryan at tumingin din siya saakin. "Anoo??" bulong niyang sabi. Kinurot ko ang tagiliran pero tumawa lang siya. Pero mahina lang naman para di masyadong halata kila Mama. Biglang nagring yung phone ko kaya lahat sila saaki ay napatingin. Pinatay ko ang tawag at ngumiti lang pabalik sa kanila. Ilang saglit lang ay tumunog na naman ito. Pero pinatay ko na ulit. "Mahirap ba yung mga sub-" di natapos ni Mama ang sasabihin niya sana ng bigla na namang tumunog yung selpon ko. "Sagutin mo na yan, baka importante." sabi ni Tito. Umalis ako sa hapag at pumunta sa labas ng bahay. Sinagot ko ang tawag at ito ang bumungad saakin. "Tapos ka ng kumain?" tanong niya sa kabilang linya. Diko alam kung kikiligin ba ako dahil nagcecare siya saakin o magagalit dahil istorbo siya sa pagkain ko. "Kumakain pa ako! Disturbo ka Sir!" sabi ko. "Anong ulam niyo? "Paki mo ba?? "Hinayaan lang kitang tawagin akong Jayzam tas nag-iba na pakikitungo mo saakin? "Hindi kita tinawag na Jayzam, excuse me? "Kakasabi mo lang." sabi niya. Halos masabunot ko ang sarili sa inis. Narinig ko naman ang mga halakhak niya. "Bukas na tayo mag-usap Sir, ku- "Jayzam," pagklaklaro niya kaya mas lalo lang akong nainis. "Basta! Bukas mo na ako kausapin! Bye." sabi ko. "Good night, sweet dreams." sabi niya. Biglang napalitan ng kilig yung inis na nararamdaman ko kanina. Iba na ata ang amats ko. Pinatay niya yung tawag kaya pumasok na ulit ako sa bahay. "Okay na kayo?" tanong ni Ryan. "Nino? "Ng manliligaw mo." sabi ni Tito. "Hindj ko yun, manliligaw! Si Sir lang tumatawag dahil nagtatanong kung tapos na ba akong kumain." sabi ko. Totoo naman aahh. "Wow concern?" sabi ni Mama di ako tinitingnan. "Kasi tinatanong niya din kung tapoa naba yung assignment ko kasi hihiramin niya sana at sinabihan niya akong maaga pumasok bukas para mahiram ang notes ko." pagsisinungaling ko. Kailangan kaya baka ano pang isipin nila. Dali-dali akong naligo at umakyat sa taas. Nakatutok lang ako sa kamang nasa taas ko. 'Good nigth, sweet dreams. Yun ang salitang palaging naka-reply sa utak ko. Myghad sinabihan niya ako ng goodnight!!!! Omgg nakakalaglag ng panty. Char. Nakatulog ako kakaisip sa kanya. Sanaol may isip ganon. Sweet Dreams din Jayzam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD