Bell Ring.
"Tara kain," aya saakin ng mga kaklase ko.
"Pass mo na ako." sabi ko pero mas pinilit lang nila ako.
"Let's eat." sabi ni Rance muka pa siyang nabwebwesit. Wala din naman siyang magagawa kundi pagbigyan ang pinsan niya na imbitahin akong sumabay sa kanila.
"Sige na Althea, ngayon ka pa nga namin inaya tas ayaw mo pa." sabi ni Kate.
Wala na akong magawa kundi sumama sa kanila sa canteen.
Ang grupo ni Kate ang pinakasikat at pinakakinakatakutan ng school. Binubuo kasi ang grupo nila ng mga sikat at makapangyarihan.
Si Rance Collins, Kate Collins, Adrian Montefalco, Lorie Frances, Kelly Bruce at Shane Lornde.
"Anong gusto mo?" tanong ni Kate. Si Kate ay masyadong friendly pagdating sa mga kaibigan niya at masama naman sa iba. Pero di ko alam kung bakit mabait siya saakin.
"Wala," sagot ko.
Umubo naman si Kelly at tumawa."Tinanggihan mo si Kate?" Tanong ni Kelly.
"Aah hindi naman sa ganon. Di pa kasi ako gutom tas kailangan ko pang pumunta sa library. Kaso inaya niyo ko kaya sumama nalang ako." paliwanag ko.
"Sino ba kasing nagsabi isasama natin siya?" galit na tanong ni Shane.
"Ako." nabigla ako ng biglang nagsalita si Rance. Si Rance kasi ang pinakasnobber sa grupo nila.
Nakita ko ang pagdating ni Adrian at lumapit naman siya saamin.
"Hey, Althea bat andito ka?" tanong ni Adrian at umupo sa harap ko.
"I invite her," malamig na sabi ni Rance.
"Ohhws ikaw? Si Kate kaya ang nag-aya.!" sabi naman ni Kelly.
"Inutusan niya ako ehh," sabi ni Kate mukang naiirita pa.
So sinama lang nila ako dahil inutos yun ni Rance. Nakakahiya.
Tumayo ako at tumingin naman sila lahat saakin.
"Ooh san ka pupunta?" tanong ni Kelly.
"Hayaan mo siyang umalis." Sabi ni Lorie na nakatutok lang sa binabasa niya.
Tumakbo ako palayo sa kanila at hinanap si Ryan.
"Anong nangyare sayo?" tanong ni Ryan.
"Wala, tara kain na tayo!" aya ko sa kanya at pumunta sa canteen. Naabutan ko pa sila na kumakain sa kabilang table.
Inaya ko na din sila Rose at Cassie. Wala kasi si Sophia.
"Weirdo." rinig kong sabi nila Kate. Alam ko kami yung pinaparinggan niya dahil halata naman kasi nakatingin siya at si Kelly saamin.
Ang grupo nila ang sinasabing napakalakas na grupo.
Si Rance ang campus crush. Matalino, Snobber at magaling magchess.
Si Kate is pambansang muse. Magandang katawan, magandang mukha kaso pangit ang ugali.
Si Adrian ay campus crush din. Matalino, magaling magbasketball, at mabait sa mga babae kasi nga babaero siya.
Si Kelly ay pambansang babaero sa grupo nila. Kahit sa guro pumapatol.
Si Lorie naman ay tahimik lang, mahilig magbasa. Pero isa siyang bully ganon din si Shane kaso si Shane ay mas bully sa kanya. Siguro lahat sa kanila bully.
"Atleast hindi mga p****k," sabi ni Ryan sapat na para marinig nila.
Tinakpan ko ang bibig ni Ryan. Nakita ko ang paglapit saamin ni Kate at Kelly.
"Pinaparinggan mo ba kami?" tanong niya saamin.
Hindi nagsalita si Rose at Cassie. Kaya ako nalang ang sumagot.
"Sa tingin mo?" pambabara ko. Bakit ko naman sila kakatakutan? Ang lakas nilang mambully ng mga estudyante.
"Matapang ka hhaa!." sabi ni Kate at itinukod ang siko niya sa upuan ko at tiningnan ako ng masama.
"Gusto niyo bang mamatay?" tanong niya saakin.
"Oo, pag nauna ka." pambabara ni Ryan.
"Diba magkapatid sila?" tanong ni Kelly.
"Oo, parehas na shaka!" sabi ni Kate.
Tumayo ako at tiningnan siya ng masama.
"Ano naman kung maganda ka? Pangit naman ang ugali mo!" sabi ko. Magsasalita na sana siya ng sumingit naman si Ryan.
"Bakit sa tingin mo ba matatanggap ka sa langit kung ganda lang ang meron ka? Maganda ka ngang ipares kay Santanas!" sabi ni Ryan. Kitang kita naman na gigil na gigil na si Kate.
Sasampalin niya sana ako ng hawakan ni Adrian ang kamay niya.
"Stop." sabi ni Adrian at tinulak palayo si Kate. Hinablot niya ang braso ko at hinila ako palabas sa canteen.
" Are u okay?" tanong niya. Marahas kong binawi ang kamay ko at tiningnan siya ng masama.
"Rude!" sigaw ko. Bumalik ako sa loob ng canteen at inaya sila Ryan na umalis na.
Pumasok ako sa classroom namin pagdating ko dun si Sir Guitterez lang ang nandon.
"Hey." tawag niya saakin.
"What?
"Are u okay?
"Tingin mo?
"No.
"Alam mo naman pala ehh, nagtatanong kapa.
Tumayo siya at lumabas sa classroom. Ilang minuto lang ay bumalik na siya at may dalang papeles.
Pumasok na ang mga kaklase ko, ganon na din si Kate, Lorie at Kelly. Pumasok na si Ms Sanchez sa classroom namin.
Biglang may tinapon na papel na tumama sa ulo ni Ms Sanchez.
"Sinong nagtapon nun?" tanong niya. Lumingon ako sa likod ko at kitang-kita kong tumatawa si Kate at Kelly.
Lahat ng kaklase ko alam na sila nag nagtapon nun. Kaso nga takot sila sa grupo ni Kate.
"Si Althea Maam" sabi ni Kate. Tumingin saakin si Angel at lumapit sa akin at marahas na hinawakan ang balikat ko at pinapunta ako sa harapan.
"Bakit mo yun ginawa." sabi niya at pinisil ang balikat ko. Kaya napadaing ako sa sakit. Kitang kita ko ang mga mata ng mga kaklase ko. Mga matang naaawa, natatawa at nahihiya. bakit di nila sabihin ang totoo?
"Hindi ko ginawa yun." mariin kong tanggi.
"Talaga?" come to my office later Ms. Gonzales!"Galit niyang sigaw at binitawan ang kamay ko.
Bumalik ako sa kinauupuan ko at pinipigalan ang luha ko.
Pagkatapos ng klase ay pinaiwan kami ni Kate, Kelly at Lorie. Nakatayo lang sila sa likod ko habang ako ay sinesermonan ni Ms Angel.
Si Sir Guiterrez naman ay parang may kinakalikot sa laptop niya.
"Bakit mo nga ginawa yun?" sigaw na tanong ni Ms Torres.
"Stop!" malamig na sabi ni Sir Guitterez." Hindi siya may gawa nun." sabi niya. Tumingin siya sa likuran ko at tinuro si Kate. "Sila." sabi ni Sir Guiterrez.
"Hindi kami." sabi ni Kelly.
"I saw it. I saw it on the cctv.' sabi ni Sir Guiterrez.
"Bakit nasama ako?" tanong ni Lorie.
"Kasama mas pinili mong pagtakpan sila. Alam mong sila ang may gawa nun pero nanatili kang tahimik. Pumunta kayo sa Principal Office at pumirma dun!" sabi ni Sir Guiterrez.
Hinila naman sila ni Ms Torres papuntang office.
"Thank you." tanging nasabi ko at di na napigilan ang mga iyak ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin.
"Im always here to protect you." sabi niya.
Tama bang narinig ko?