Chapter 8: Cute

1125 Words
Dali dali kong kinuha ang bag at gamit ko nung tumunog na ang bell, hudyat na maaring na kaming lumabas sa classroom. Lahat ng kaklase ko ay nakalabas, ako nalang ang hindi dahil nanginginig ang kamay ko at hindi ko mahawakan ng mabuti yung mga gamit dahil nakakailang ang tingin ni Sir Guiterrez saakin. "Do you need help?" Natigil ako dun ng maramdaman kong nakahawak siya sa kamay ko na nakahawak ng libro na ipapasok ko na sana sa bag. Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "No. Thanks" sabi ko at umirap sa kanya. Napasok ko na ang libro ko kaya sinuot ko na ang bag ko. Lalabas na sana ako ng tawagin niya ang pangalan ko. "Althea." he said with calm voice. Nilingon ko siya at nilakihan siya ng mata para ipahatid sa kanya na anong kailangan niya. "Are yo mad?" tanong niya. Anong klaseng tanong yan? "Huh?, di kita maintindihan." sabi ko. Dahan dahan siyang lumapit saakin at nagkrus ng kamay. "Are you mad?" tanong niya ulit. Napipikon na ako, hahalikan ko na talaga to! "Bakit naman ako magagalit?" tanong ko. At pinagkrusan din siya ng kamay. "You're so cute," sabi niya at pinisil ang pisngi ko. Alam ko naman yun sir ehh wag munang isampal saakin. Charrot. Kinikilig sistema ko Sir! "Thanks." tanging nasabi ko at tumakbo pero bago ako nakalayo may narinig akong sigaw niya.' I love you!' yan ang paulit ulit na naririnig ko sa utak ko. "Aray," daing ko ng madapa ako. Nakita ko ang nagkalat na papeles at isang babaeng dali daling pinupulot ito. Tinulungan ko siya hanggang makuha na ang lahat ng papeles na nasa daan. "Thank you, are u okay?" Tanong niya. Tumayo naman ako at pinagpag ang uniporme ko. "Okay lang po ako. Pasensya na po." sabi ko at yumuko. Umangat ako ng tingin at nakita ko siyang nakangiti lang habang yakap yakap ang mga papeles. "Okay lang yun. Sure kabang okay ka lang?" tanong niya ulit. "Aah opo okay lang ako." sagot ko. "Hinde ehh," sabi niya at bumaba ang tingin. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong may galos ako. Hindi ko napansin dahil mas iniisip kong tulungan siya. " Sumama ka saakin" sabi niya, tumango lang ako at sumunod sa kanya. Nakarating kami sa clinic. Pumasok kami dun nagulat naman ang nurse sa pagpasok namin. "M-Ms Savannah?" utal utal na sabi ng nurse. First time kong makapasok dito sa clinic kaya di ko kilala yung nurse. "Eva," malambing na sabi ni Savannah at yumakap sa nurse. Parang na-oop ako dito. Naghiwalay sila pagyakap sa isa't isa at tumingin si Savannah sa gawi ko. "Halika," tawag niya at tinuro ang isang kama. Pumunta ako dun at umupo lumapit ang nurse saakin at tiningnan ang galos ko. Nagsalin lang ng tubig si Savannah at nilagok ito. "Kunting galos lang naman to, pero maaring maimpeksiyonan kapag napasukan ng alikabok. Buti dinala mo siya dito." sabi ng nurse at dinikit ang bulak sa sugat ko napangiwi naman ako, may alcohol pala yun. "Kasi nakabangga kami, may kausap ako sa phone ehh tas siya mukang malalim ang iniisip kaya hindi namin napansin ang isa't isa kaya ayun nagkabangga kami." paliwanag ni Savannah. Napangiwi ulit ako ng idikit niya na naman yung bulak na may alcohol. "Masakit ba?" pag-aalalang tanong ng Nurse. "Medyo mahapdi lang," sagot ko. Nilagyan na ng band aid yun at pinalakpak ang kamay niya. "Tapos na. Teka ngayon lang kita nakita dito aah transfer student ka?" tanong niya. "Uhm yes, bago palang ako dito." sabi ko. Nilahad niya ang kamay niya."Im Nurse Eva, and you?" "Im Althea Gonzales" sabi ko at tinanggap ang kamay niya. At nakipagshakehands. "Nice to meet you." sabi niya. Humiwalay ang kamay niya saakin. At nilagay ang first aid sa may kabinet. Lumapit si Savannah saakin."Im Savannah," pagpapakilala niya. "Althea," sabi ko. Di siya nakipagshakehands. Mukha naman siyang friendly. Lumabas na kami sa clinic at nagpaalam na siya saakin na mauna na daw siya. Pumunta naman ako sa court para hanapin si Ryan at nakita ko siyang nagprapractice at tinuturuan siya ni Xander. Napag-isipan ko nalang na umupo sa gilid kasama ang mga kaibigan ni Ryan. "Di ba kayo sumali sa cheerleader squad?" tanong ko. "No, medyo busy ako sa w*****d ko eehh," sagot ni Sophia. "Ako din busy ako sa pagtulong sa Mama ko." ani naman ni Rose "Di ako busy, takot lang talaga akong maitapon sa ere at di masalo." sabi ni Cassie. " Ganon ba?" "Eeh ikaw di ba malambot ang katawan mo at magaling kang magbalance bat di ka sumali?" tanong ni Rose. "Ayaw ko ehh, madaming rason." sabi ko at iniiwasan na sabihin ang rason. "Aah kumusta na kayo ni Adrian?" tanong ni Rose. Sa barkada nila ni Ryan siya lang talaga ang pinakamadaldal, Si Sophia naman ay pinaka maganda, At Si Cassie ang pinakamabait. "Adrian? Okay lang naman." sagot ko. "Sinagot muna ba siya?" tanong ni Cassie. " Hindi pa." sabi ko. "PA? So may balak kang sagutin siya?" tanong ni Rose. Tumayo si Sophia at umalis di man lang nagpaalam sa kaibigan niya. "Anong problema nun?" tanong ko. "Di ko din alam." sagot ni Cassie. Tumayo si Rose at nagpaalam saamin na susundan niya daw si Sophia.Nakita ko naman ang paglapit ni Xander saamin. Di ako nag-assume na lumapit siya dahil saakin dahil kasama niya naman si Ryan at mukang may pinag-uusapan sila. "Nice practice huh," sabi niya at tinapik tapik ang balikat ni Ryan. Kitang kita naman na kinikilig si Ryan, maharot talaga si Bakla. "Salamat," pabebe niyang sabi. Shunga di bagay sa kanya. Nakalapit na sila saamin kaya naoop na naman ako. Dahil naalala ko na naman ang sinabi ni Xander saakin dun sa classroom niya. "Ryan, uwi na tayo" aya ko kay Ryan. "Tara," sabi niya. Pinulot ko naman ang bag ko at bag niya. At inabot sa kanya ang bag niya. "Ryan bakla ka pala?" tanong ni Xander. "Oo ehh," sabi ni Ryan. "Ang cute mo." sabi ni Xander. Lumingon ako sa kanya. Sinong cute? Ako o si Ryan? Dahil ng lumingon ako sa kanya nakita ko siyang tumingin saakin pero agad din naman siyang umiwas. Ang gulo ng buhay ko. May part kasi saakin na sinasabing mahal ko pa siya kaya ganon nalang ako ka desperadang mag-explain sa kanya. At kay Sir Guiterrez naman ay gusto ko din akala ko walang pag-asa dahil akala ko may asawa't anak na sya pero itinanggi niya yun at hinalikan ako. Tas si Adrian ay nanliligaw din saakin. Kaya ano nalang ang gagawin ko? Ang gulo na ehh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD