"s**t Ryan, tara na sa Mars parang ayaw ko na ata sa earth." sabi ko at hinihila siya.
"Potradis! Ano ba? May sayad ka ghourl?" luh? attitude bwesit.
"Hoy bakla kailangan mo akong i cheer up! Tanga neto eehh." sabi ko at hinampas ang ulo niya.
"Hoy Thea wag na wag mo akong bwebwesitin may practice kami ngayon!" ehh damot naman nito.
"Kasi Ryan ehh- Teacher ko si Angel.!" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"Gaga totoo?" tanong niya at tumango tango naman ako. "F*ck. nakita ko siya kahapon tas sabi niya dito daw siya nag-aaral pero daez teacher mo siya? Gaga pakamatay kana!" kuya ko ba talaga to?
"Ryan pano na to? Ang awkward kong teacher ko yung ahas na yun!" sabi ko.
"Ang awkward nga, pinagtaksilan ka niya dahil gusto niya si Xander na ex mo. Tas teacher mo pa talaga siya! Ang maipapayo ko lang sayo, Jowain mo nalang si Adrian at ipakita mong wala kang paki sa kanila." Anong klaseng advice yan.
"Shunga baka magalit pa si Mama at Tito pagnagjowa ako!"
"Wake up, btch! 18 kana di kana bata!" sabi niya.
Tumakbo siya papuntang court kaya hinabol ko siya at nakita ko naman ang kakahubad palang na si Adrian halos nanlambot ang tuhod ko dahil dun.
Kitang kita ko kung pano bumagsak ang pawis niya sa kanyang katawan. Putekk ngayon ko lang siya nakitang nakaganito.
Ang ganda ng katawan niya parang gusto ko ng mag-asawa ng basketball player. Charott. Mas lalong di ako mapakali ng makita niya akong nakatitig sa kanya.
Tumakbo siya papunta saakin di ako alam kung anong gagawin ko parang naging statwa ako.
"Lovin the view, don't you?" putanadis!!
Napansin niya atang nakatitig ako sa kanya.
"Hindi ahh!" depensa ko.
"Okay. Bakit ka pala andito? Namiss mo ako noh?" Luh makapal lang?
"Ang kapal mo! Nandito ako para kay Ryan." sabi ko.
"Uhm, lunch tayo?" nang-aaya ba siya?
"Sige, tara." sabi ko at inirapan lang si Ryan na kanina pa nakikipagbulungon sa mga babaeng kasama niya.
Pumunta kami sa canteen na nakahubad lang siya.
Ang kapal niya naman ang mga ganitong bagay ay dapat pinaprivate lang hindi niya pwedeng ipakita ang katawan niya sa maraming tao, ako lang dapat ang makakita nun. Chaar! Tigress.
Umupo ako ganon din siya umupo siya sa harap ko at tinitigan lang ako. Sobrang awkward kasi umupo na kami tas wala pang kaming pagkain na binibili sa canteen at nakatitig pa siya saakin.
"Ohh tingin tingin mo dyan? Kala ko ba gutom ka?" tanong ko and roll my eyes.
"Wala akong sinabing ganun. At isa pa, kahit gutom ako, matitigan lang kita panis lahat ng pagkaing ilalapag dyan!" bumabanat ba siya? pota teh umilag ka!!
"Nagpapapogi points kaba saakin?" tanong ko.
"Diba obvious?" tanong niya pabalik.
Gosh selp kalma dimo first time mabanatan.
"Cheii. Ako na nga lang oorder ng foods." para na rin makawala dito! Napatigil ako ng hawakan niya ang kamay ko at pina-upo ako mas lalong nabaliw ang sistema ko dun!
Siya nalang daw oorder at dito nalang daw ako kaya naiwan akong nakangiti, parang tanga lang noh?
Bumalik siya na may dalang burger, fries at tubig. Kaya nagsimula na akong kumain nakakailang kasi nakatingin lang siya saakin.
"Pwede bang tumingin ka naman sa paligid mo?" utos ko.
"Ayoko nga! Di naman sila kasingganda ng tinitingnan ko ngayon!" Luh bakit parang nalulunod kaluluwa ko? Makabanat siya tagos sa puso!
"Tanga! Pinagtitinginan kana ng mga tao dahil nakahubad ka! Bwesit nito!" sigaw ko at tinapunan siya ng tissue.
"Ayy tf, Sorry. Mauna nako sayo, magbibihis lang ako." sabi niya at tumakbo palabas sa canteen.
Dahil naiwan ako mag-isa mas lalo akong naiilang sa mga tingin na ipinupukol ng mga studyante saakin.
Kaya binilisan ko na ang pagkain at pumasok na sa classroom.
Pagkarating ko dun ay nakita ko si Sir na naupo at pinaglalaruan ang ballpen sa kamay niya.
"Tapos ka na bang kumain?" napalingon naman ako kay sir at tinaasan lang siya ng kilay.
"Tapos na, bakit interesado ka Sir?" tanong ko.
Imbes na sumagot siya, lumapit lang siya saakin at hinawakan ang balikat ko.
"Im just asking." sabi niya.
Parang nanglambot ang tuhod ko ng hawakan niya ako. Parang namamawis ang buong katawan ko ng gawin niya yun.
"Ms. Gonzales! Gonzales! Ms Althea Gonzales!!!" napabalik ako sa wisyo ng tinapik ng isa kong kaklase ang balikat ko at irita ko naman siyang nilingon.
May tinuro siya kaya sinundan ko yun ng tingin. Nakita ko si Angel na galit na galit.
"Are you listening Ms. Gonzales?" sigaw niyang tanong. Kitang kitang naiirita siya.
Diko alam kung tatawa ba ako kasi ang pangit niyang tingnan o manginginig dahil siguradong mapapahiya ako dito.
"Sorry Maam, i will never do this again." sabi ko at yumuko at bumalik sa pag-angat ng tingin.
"Dapat lang! Nakakahiya ka Althea! Akala ko ba gusto mong makatapos at maging flight attendant? Bakit sa tingin mo ba makukuha kang flight attendant kung tatanga tanga ka?" sigaw niya tumawa naman ang mga kaklase ko.
Bumalik na siya sa pagpapaliwanag kaya nakinig nalang ako.