Chapter 6: Nagseselos si Sir Valencia

894 Words
Kanina pa ako takbo ng takbo kakahanap kay Ryan hanggang napunta na ako sa basketball court at nakita ko siyang nakikipagharutan dun. "Hoy bakla ang landi mo talaga!" sigaw ko. "Hoy ano kaba ha? bat hinihingal ka?" tanong niya. "Kasi kanina pa kita hinahanap" sagot ko. "Ohh kumpleto na pala kayo" isang pamilyar na boses ang narinig ko na nagmula sa likuran ko nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Ryan habang nakatitig sa likuran ko ng nilingon ko ito- "Xander?" sabay naming tanong. Kinamot niya naman ang batok niya na di man lang makagawang makatingin saamin. Napukaw ang atensyon ko ng nakita ko si Sir Lopez na papunta sa gawi namin. "Kumusta na Sir?" pangangamusta ko. "Ohh Ms. Gonzales nandito ka pala! Ahhh guys mawawala muna ako ng saglit sa paaralang to kaya may papalit muna saakin at siya si Xander Valencia!" pagpapakilala niya sa bwesit kong ex. "Ayy yun yung gusto kong sabihin sa inyo kanina pero dahil mabait ako wala munang praktis na magaganap ngayon" ani ni Xander. Nakalimutan kong pinalitan niya pala si Sir Lopez kaya inshort siya din ang coach dito sa cheerleader. "Alam mo Xander si Ryan ang pinaka magaling kong estudyante dito tas sa klase ko naman ay si Althea napaka talino at galing nitong magkapatid nato" ani ni Sir at inakbayan ako. "Sir Lopez mukhang pwede naman sumali si Ms Gonzales sa grupo ko mukhang marunong naman siyang sumayaw at maganda din naman ang katawan niya." ani niya. Nakalimutan ko magkapit bahay pala kami nito kaya madami siyang alam saakin. "Ahahh inembitahan ko nga siya dito ehh kaso ayaw niya naman" ani ni Sir Lopez.At humiwalay sa pag-akbay saakin. "Ahhah wala talaga sa utak ko ang mga ganyan Sir ehhh at kung di niyo mamasamain mauna na ako kasi may gagawin pa kasi ako" ani ko at di na silang hinintay na makasagot. Agad naman akong pumunta sa room kasi mukhang naubos ang laway ko at inuuhaw ako. Pagka dating ko dun ay nakita ko si Sir na nakaupo sa lamesa niya sa may harap ng blackboard at parang may binabasa pa siya. "You're late" "At bakit naman?" "Diba sinabi kong magkita tayo dito?" "Fyi di mo naman sinabing anong oras ahh" "So kung sinabi ko kung anong oras sisiputin mo ba ako?" "Hindi rin" "Pero bakit ka andito?" "Alangan iinom ako ng tubig ehh at saka naiwan ko yung ipapass kong report kay Sir Valencia" pambabara ko sa kanya at tinungo ang upuan ko at kinuha ang tubig ko bago ito ininom lalabas na sana ako ng bigla niya akong hinila kaya parehas kaming natumba dahil narin sa out of balance. Na bangga ng noo ko ang matigas niyang dibdib at hawak hawak niya naman ang aking likuran tiningnan ko siya ng masama. "Ohh anong tingin yan?" tanong niya bigla kaming napalingon sa may pinto ng biglang bumukas ito at inuluwa nito si Sir Valencia at nagtataka itong tumingin sa amin dahil sa kahihiyan ay tumayo ako nakita ko naman ang pag-alis ni Sir Valencia at hindi ko na tinulungan si Sir Guiterrez na tumayo agad kong hinabol si Sir Valencia para magexplain. Ng makalabas ako sa classroom namin ay agad ko siyang hinabol dahil sa pagmamadali ko ay nakabangga ako ng isang babae. "Sorry" ani ko at di siya hinintay na makasagot ngunit di pa man ako nakakalayo ay narinig ko siyang sinambit ang pangalan ko. Pumasok ako sa classroom ni Sir Lopez at kasalukuyang classroom ngayon ni Sir Valencia. "Sir let me explain." ani ko. "Explain? Althea please stop! I dont need your explaination! " ani niya. "Galit kaba?" tanong ko. "Oo diba halata?" pilyong sagot nito. "At bakit naman Sir? wag mong sabihing nagseselos ka? ohh no wala na tayo Xander!" sigaw ko sa kanya. "Bakit di ba pwedeng ibalik yung nawala?" "Hindi, bakit may plano kabang ibalik yun?" "Sana kaso mukhang malabo nah!" ani niya. Bigla namang kumirot ang puso ko sa narinig ko so may balak pala siyang balikan ako pero hindi pwede ehh ayoko ng masaktan ulit pero bakit kumikirot ang puso ko? Naisipan kong lumabas nalang dahil kanina nadin tumunog ang bell at maya maya pa ay dadating nadin ang mga estudyante niya. Pagkalabas ko ay halos mailuwa ko ang kaluluwa ko sa gulat. "Ano kaba Adrian? Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko. "Wala papasok na sa classroom namin at Althea in form lang kita ha! Yung teacher namin ay may pagkastrict kaya mag-ingat ka sa kanya" ani niya bago pumasok sa classroom niya. Pumasok naman ako sa classroom namin at umupo nasa upuan ko. "Class from now yung pang apat niyong guro ay nandito na so maiiba nag schedule nagtataka kayo kung bakit sa umaga pumasok si Ms.Lyn kasi yung pang apat niyong teacher is afternoon ang schedule niya so sana maging mabait kayo mauna na ako" paliwanag niya. Weww ano kayang nakain nitong lalaking to? Biglang bumait ehh! Natagalan din kaming naghihintay sa bagong guro namin. Natahimik kami ng bigla siya pumasok at grabi hindi ko na naiintindihan ang nangyayari sa buhay ko. "Hi guys im Ms. Angel Sanchez your new teacher" pagpapakilala niya bago itinuon ang tingin saakin at naging malikot naman ang mga mata ko dahil dun. Sino pa naman ang hindi kakabahan kung ang bagong guro mo ay ang bestfriend mong tinaksil ka patalikod? in short plastik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD