Chapter 7

4290 Words
*** Bakit nga ba ako nagbago? Flashback... (6 years ago) Third Person POV Eunice Velasco (9 yrs old) Currently in 4th grade. "Oh ano Eunice! Wala na ang prince charming mo! Kaya wag ka ng magmaganda diyan! Hindi ka naman maganda!" sigaw ni Marie kay Eunice kasama niya si Aria at si Angelica. "Bakit mo ba ako laging inaaway Marie! Hindi naman kita inaano dyan eh!" naiiyak na sigaw ni Eunice. Kasalukuyan silang nasa labas ng school at uwian na ng mga estudyante pero hinarang nilang tatlo si Eunice sa labas at dinala sa may kanto na hindi dinadaanan masyado ng mga tao. "Masyado ka kasing pasikat at sipsip! Lagi mo pa akong nililista sa noisy! Tapos inagaw mo sa akin si Nick!" inis na sigaw ni Marie at tinulak si Eunice na agad namang natumba. Naluluhang napatingin ito sa kanila habang sinusubukang tumayo ngunit mukhang masama ang pagkabagsak niya dahil nagkasugat ang dalawa niyang kamay na nagasgas sa sahig. "Maingay ka kasi! Sabi ng mama ko, b-bawal magsinungaling." mahina niyang depensa. "Sipsip ka lang talaga!" sigaw ni Marie at dinuro ito. "A-atsaka hindi ko naman inagaw si Nick ah. M-magkaibigan lang kami!" sigaw ni Eunice. "Malandi ka lang talaga! Hindi ka naman maganda! Yak! Kadiri puro bulutong!" sigaw ni Aria na nandidiring tiningnan si Eunice. Hindi maiwasang masaktan ni Eunice sa sinabi niyang iyon. Hindi siya sanay na nilalait siya. "M-magaling na ako!" depensa nito sa sarili habang niyayakap ang sarili. "Panget ka pa rin! Ang dami mong peklat! Yak! Panget! Panget" sigaw naman ni Angelica. At doon na bumuhos ang luha ni Eunice.  Kakaumpisa lang ng klase nila ngayong taon, at kamalas malasang binulotong siya bago magpasukan, magaling naman na siya pero halata pa rin ang mga nakakadiring peklat nito sa kanyang balat. Walang masyadong kaibigan na babae sa school nila ni Eunice noong bata pa siya, si Nick lamang ang lagi nitong kasama at kausap noon. Magkaklase sila ni Nick simula kinder hanggang grade 3 lagi niya itong pinagtatanggol sa grupo nila Marie na lagi siyang inaaway, naiinis sila kay Eunice dahil may gusto si Marie kay Nick ngunit hindi siya pinapansin nito kaya si Eunice ang pinagbutungan niya ng galit dahil magkaibigan sila ni Nick. Ngunit nagtransfer si Nick ngayong grade 4 kaya wala ng nagtatanggol kay Eunice. *** Simula noon ay sunod sunod ang naging pagbubully sa akin nila Marie.  Nilalagyan ng gum ang upuan ko, tinatalisod, kinokopya ang assignments ko. Sinusulatan ang notebook ko ng kung ano anong mga masasakit na salita.  Panget, panget. Ang panget mo Eunice! Malandi!  yan ang mga karaniwan nilang sinusulat sa notebook ko. Hinuhubad ang uniform ko na ginagawa nilang basahan. Kaya naman lagi akong napapagalitan sa tuwing madumi ang uniform ko pag-uwi. Iilan lamang iyan sa mga ginawa nilang pagbubully sa akin, dahil hindi ko na maalala pa ang iba. Ayoko ng alalahanin pa. Hindi ako nakakapagsumbong sa mga magulang ko dahil busy sila sa trabaho, pakiramdam ko ay masasayang lang ang oras nila sa akin. Ayokong palakihin ang problema. Kaya ko pa namang tiisin. Kaya naman ay hindi ko namalayan na naapektuhan na ang pag-aaral ko at bumaba ang grado ko, paminsan minsan kasi ay nagkacutting class ako o kaya naman ay lumiliban ako sa klase ng hindi nalalaman ng magulang ko para lamang maiwasan sila. Pinagalitan tuloy ako ng mga magulang ko na dahilan ng mas lalo nilang pag-iistrict sa akin. At ang malala ang hindi ko makakalimutan ay ang walang habas nilang pag-gupit sa maganda at mahaba kong buhok na alagang alaga ni mama. 4th quarter nung ginawa nila iyon, at doon lamang natuklasan ng aking magulang ang pangbubully na ginagawa sa akin sa eskwelehan.  Masalimuot ang mga pangyayaring iyon pero hindi ko na pahahabain pa ang kwento. Pagkatapos nun ay lumipat kami ng bahay at nagtransfer sa panibagong school. Ngunit ang trauma at mga karanasang iyon ay nagdulot ng malaking pagbabago sa pagkatao ko. Kilala ako bilang bibo at aktibong bata, madaldal, proud sa sarili at mataas ang confidence. Pero lahat ng iyon ay naglaho lamang sa isang taon. Hindi ko maiwasang napatitig ng ilang minuto kay Nick na nakatitig din sa akin na tila kinakausap ang mga mata ko. Nung nawala ka, doon ako nagsimulang nagbago. Hindi ko naman siya sinisisi, kasalanan ko rin naman dahil nasanay akong lagi siyang nandyan upang ipagtanggol ako, masayado akong nakadepende sa kanya. Masyado akong mahina. "Lahat naman ng tao, nagbabago." pagputol ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. Awkward naman akong napababa ng tingin sa ice cream kong natutunaw na. "Sorry." mahina niyang sabi. "Ha?" "May naalala ka sigurong, hindi mo gustong maalala dahil sa tanong ko."  Napatitig ako sa kanyang malamlam na mata. Hindi mo kasalanan yun, nagtanong ka lang naman. Kahit sino naman magtataka, grade 7 ko ulit nakita si Nick, nagulat pa nga ako, same kami ng school pero hindi kami magkaklase kaya madalang lang kaming mag-usap, ngayong year lang kami naging magkaklase ulit, hindi nagbago ang trato ko sa kanya pero sigurado akong nagtaka siya sa pagbago ng pagkatao kong nakasanayan niya noong bata pa kami. "Tsaka ikaw nga nagbago din eh! Dati ang sweet sweet mo at ang bait bait mo sa akin ngayon daig mo pa ang babae kung magsungit! Psh." pagbabago ko ng mood. Natawa na lamang siyang napailing sa akin at doon na natapos ang usapan namin. Nakauwi rin naman ako agad. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kisame, kasalukuyan akong nakahiga ngayon at kanina pa akong hindi umaalis sa pwesto ko. Ni hindi ko pa nga natatanggal ang suot kong uniform. Masyado siguro akong naapektuhan sa mga nangyari ngayong araw. Dahil unti unting bumabalik sa akin ang mga alaalang pilit kong kinakalimutan. Hilom na ang sugat, pero nagdulot ito ng peklat sa buhay ko. *** August 17, 2018  Dalawang araw ang lumipas after ng usapan namin iyon ni Nick, friday na ngayon. Hindi kami masyadong nagkausap after nun dahil naging busy sila ni Rachel para sa preparasyon sa pageant. Walang gana akong bumangon, parang ayoko pumasok.  Napaigtad akong napatitig sa salamin. Ano ba Eunice! Nag-iinarte ka na naman! Matagal na yun, kalimutan mo na. Maayos na ang buhay mo ngayon. Habang sinasabit ko ang bag ko sa aking likod ay napahinto ako ng marealize kong. Duty ko pala ngayon!! Bigla naman akong nanlumo. Tinatamad ako. Napahinto ako ng pumasok sa isip ko si Callisto. Halos isang buong linggo din ako nung sunod sunod na inaasar!!! *** August 14 (Tuesday) Lunch Break. Kasalukuyan kaming mapayapang kumakain ni Rachel sa table. Masaya kaming nag-uusap ng maya maya ay... "Eunice!" napaigtad ako sa pamilyar na sigaw na iyon sa likod ko. "Oy beb! Si Callisto tinatawag ka!" sabi ni Rachel. Napapikit naman ako sa inis. alam ko! Sa lakas ba naman ng boses niyan hindi ko siya makikilala? Napalingon naman ako sa pwesto niya, galing siya sa pila at mukhang naglalakad papunta dito may hawak siyang pagkain. Nung nagtama ang paningin namin ay masaya na naman siyang kumaway. Wag ka ngang ngumiti!!!! Bwisit ka!!! Napatingin ako sa mga estudyanteng naagaw ang pansin sa malakas na sigaw na iyon ni Callisto. Inis ko namang inalis ang tingin ko sa kanya at bumalik sa pagkain. Agaw ka talaga sa atensyon!! Nadadamay ako! "Hala Beb! Sumimangot nung tumalikod ka." natatawang sabi ni Rachel pero di ko na lang siya pinansin pa. "Bakit ba di mo ako pinapansin pag tinatawag kita?" biglang dungaw ni Callisto sa mukha ko. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon kaya bigla akong nabulunan. "Oy anyare sayo, eto inumin mo." taranta niyang sabi at biglang nginubngob ang straw ng ice tea niya sa bibig ko.  Walang malay ko naman itong sinubo sa bibig ko at sumipsip habang hawak niya ang cup. Hingal na hingal naman akong huminga pagkatapos nun at sinamaan siya ng tingin. Tinawanan niya lang ako. "Uyyy." napalingon ako kay Rachel na kakaiba na naman ang ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ba ang hilig mong mangulat!" inis na sabi ko pero mahina lang. "Ang cute mo kasing magulat!" sabi niya at tumawa. Umalis naman siya sa table namin at naglakad papalayo nagulat naman ako ng makitang sinipsip niya ang ice tea niya. I-indirect kiss yun ah!!!!!! Namumula akong napayuko. Hindi niya lang siguro namalayan. August 15, 2018 (Wednesday) "Hi Eunice!" bati sa akin ni Callisto na mukhang pareho kaming sabay na papasok. Tumango lang ako sa kanya habang nakatungong namumula at mabilis na nauna. Ayoko siyang harapin! Hindi ko siya kayang harapin!!! (;ŏ﹏ŏ) Maya maya pa.. (Lunch Break) "Eunice!" napapikit ako't napakagat ng labi, ayan na naman siya! "Duty natin mamaya ah." nakangiti niyang sabi ng makarating sa pwesto namin, mahina niyang pinat ang ulo ko saka umalis din agad. Namumula ko naman siyang tiningnan papalayo. Nilingon naman ako ni Rachel at binigyan ng kakaibang tingin, pero siniringan ko lang siya. (Uwian) "Eunice!" napaigtad na naman ako sa gulat ng marinig ko ang sigaw na iyon sa likod ko, napahawak ako sa dibdib kong ang lakas ng t***k, hawak hawak ang strap ng bag, mabilis akong naglakad. "Oy Eunice! Teka!" napahinto ako ng biglang may humawak ng strap ng bag ko sa likod. Unti unti ko siyang tiningnan habang nakakunot ang noo, naiilang namang napatawa siya ng mahina habang binitawan niya ang strap ng bag ko at nagtaas ng kamay. "Sorry sorry nabigla lang, ikaw kasi! Ang bilis mo maglakad." nanlalaking mata ko siyang tiningnan.  Mas lalong kumunot ang noo ko, Ako pa sinisi?!!!!!! Mukhang nataranta siya sa naging reaksyon ko at mabilis na nagsalita. "May duty tayo mamaya ah! P-paalala ko lang, sige na bye!" sabi niya at mabilis na tumalikod. Hindi ko naman maiwasang matawang napatitig sa papalayo niyang postura. Ngunit nawala ang ngiti ko sa labi ng magtama ang mata namin ni Coleen. Kanina pa siya nandyan? Nakatayo siyang masamang nakatingin sa akin, nabigla naman ako ng tinarayan niya ako at maarteng tumalikod. Hindi ko na lang ito pinansin at nagsimulang maglakad, napahinto ulit ako ng magvibrate ang phone ko. Si mama, nagpapasama sa akin mag-grocery mamaya. Napabuntong hininga ako, mukhang di ako makakapagduty ngayon. Dumaan ako saglit sa council room upang makapagpaalam kay Kath na di ako makakapagduty today, pumayag naman siya. Bumawi na lang daw ako. Habang naglalakad pauwi, naalala ko bigla si Callisto kaya napahinto ako. Sasabihin ko ba? Wag na nga. Hindi nya naman siguro ako aantayin at aasahan no? August 16, 2018 (Thursday) Ang tahimik... Oo ang tahimik, maguuwian na pero parang hindi ko ata napansin si Callisto ngayon.  Napabuntong hininga ako. "May problema ka?" tanong ni Rachel. Walang gana naman akong umiling. "Bakit? Dahil ba hindi nagparamdam sayo si Callisto?" nakangiti niyang sabi, tiningnan ko naman siya ng masama pero tumawa lang siya. "Simula Monday pa siyang nagpapansin sayo, maya't maya ka tinatawag! Alam mo konti na lang iisipin kong siya ang umamin sayo at hindi ikaw."  Hindi ko siya pinansin habang seryoso lang nakatingin sa harapan. "Parang siya ang may mas gusto sa inyo at hindi ikaw! Pinag-uusapan na nga kayo eh." mahina niyang sabi at gulat akong napalingon sa kanya. "A-anong pinag-uusapan?" natatawa naman siyang tumingin sa akin. "Ano ba wag kang mapraning. Hindi naman totally pinaguusapan talaga, alam mo yun, nagtataka siguro sa aktong yun ni Callisto." dugtong niya. "Oy te! Punta ka bukas ah, photoshoot na namin!" excited na sabi niya. "Anong susuotin mo?" "Basta surpirse! Sisiguraduhin kong ako pinakamaganda bukas!" natatawa na lang akong tumango. 2pm daw bukas ang photoshoot nila sa Nutrition Month. Sakto namang duty ko bukas kaya ayos lang din. Next monday, August 20 ang contest nila. Uwian na, nauna ng lumabas sa akin si Rachel kasama niya si Nick.  Naglalakad na ako pauwi ng makita ko si Callisto, suot suot ang bag, nasa dulo siya ng pasilyo malapit sa hagdan, nakayuko siya habang may sinisipa sipa siyang bato.  Akala ko hindi ko na siya makikita eh. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad at pilit na hindi siya pinapansin. Tila naman napahinto ako sa paghinga ng madaanan ko siya, diretso pa rin akong nakatingin.  Napabuntong hininga ako ng malampasan ko siya ng di niya ako tinatawag. Walang malay akong napanguso. Pero bigla akong napahinto sa paglalakad ng may tumamang bato sa likod ng sapatos ko. Tiningnan ko ito at napalingon sa kanya, nakasimangot siyang nakatingin sa akin. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Anong bakit?" "Bakit ka nakatingin?" "Wala! Wala ka bang sasabihin?" "A-anong sasabihin ko?" taka kong tanong, mas lalo siyang sumimangot. Natatawa akong nakatingin sa kanya, ang kyut niya kasi. "Bakit ka di nagduty kahapon?" tanong niya. "Ahh, kailangan kasi ako sa bahay, nagpaalam naman ako kay Kath." "Eh sa akin?" "Ha?" "Bakit di ka nagpaalam sa akin?" inis na tanong niya at di ko naman maiwasang manlaki ang mata kong napatingin sa kanya. Ibubuka ko sana ang bibig ko pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Taimtim naman siyang nakatingin sa akin na tila inaantay ang mga susunod kong sasabihin. (;ŏ﹏ŏ) "Callisto!" naputol ang usapan namin ng may tumawag sa likod niya. Si Coleen, "Kanina pa kita inaantay, magpapractice pa tayo diba?" nakangiti niyang sabi na nakatingin lang kay Callisto. "P-pero--" "Tayo na lang daw ang inaantay dun, kanina pa tayo late." putol niya kay Callisto.  Napansin ko namang medyo kumunot ang noo ni Callisto saka bumaling sa akin. "See you tom." ngiti niya sa akin, hindi peke, yung natural. Lumapit siya sa akin at pinat ang ulo ko saka naunang naglakad, nakita kong sumama ang mukha ni Coleen na sumunod lang sa kanya at hindi ako tinapunan ng tingin. Akala ko hindi ko na makikita ang ngiting yan ngayong araw. Masaya naman akong naglakad papauwi. *** Friday na ngayon Eunice, magtiis ka, isang araw na lang.  Bumaba ako at kumain ng breakfast at walang ganang lumabas ng bahay. "Eunice! Oy! Eunice!" napaigtad ako sa biglaang bulong na pagtawag sa akin ni Rachel at tumuro sa harapan. Oo nga pala!!! Recitation pala namin ngayon!!!! Nahihiyang tumikhim muna ako bago sumagot. (Lunch Break) "Beb, kanina ka pa lutang, may problema ba?" alalang sabi ni Rachel. Umiling naman ako. "Wala lang ako sa mood." "Ay baku Beb! Hindi pwede yan!"  "B-bakit?" taka kong tanong. "Photoshoot namin mamaya! Dapat masigla ka!" "Tsk, bakit kailangan kong maging masigla?" masungit kong sabi. "Kasi andun si Callisto hehehe. For sure sobrang pogi nun mamaya." napahinto ako sa sinabi niya. Bigla tuloyakong naexcite. "Si Nick partner mo diba? Wag mong purihin ang kalaban." sabi ko habang ngumunguya at pasimpleng iniikot ang paningin. "Ano ka ba Beb! Competitive mo naman masyado." "Hindi kaya, kaya ka wala sa mood dahil hindi ka pinansin ni Callisto kahapon?" sabi niya at sinamaan ko naman siya ng tingin. Pinansin? Hindi naman ako nagpapansin! Bwisit talaga to! "Ano bang pinagsasasabi mo diyan." "Yyiieee!! Okay lang yan, okay lang yan! Makikita mo na siya mamaya at gaganda na ang mood mo!" ngiting ngiti niyang sabi, napailing na lang ako sa kabaliwan niya. *** "Isang klase lang duty mo, makakahabol ka pa mamaya sa photoshoot." nakangiting bungad na sabi ni Kath. Hindi ko naman siya tinanong. Natatawa kong sabi sa isip ko. Pero buti na lang kung ganun, gusto ko silang panoorin lahat. Mabilis na lumipas ang oras, 2:30 natapos yung klase ko kaya medyo nalate pa ako. Pagdating ko doon, saktong nagpophoto shoot ang grade 8 students, hinanap ko agad si Rachel sa pila. Nakita ko namang kumaway kaway siya kaya agad akong lumapit sa kanya. Napahinto ako at napatitig sa kanya. Ang ganda niya!!!  Nakabodycon off shoulder dress siya na hapit na hapit sa katawan niya, kulay maroon eto. Nakaplantsa naman ang maikli niyang buhok na bagay na bagay sa kanya. Photoshoot ba to? Parang contest na ah! "Ang ganda mo." bungad kong sabi, parang kinikilig naman siyang napahampas sa akin. Wala siyang suot na glasses, mukhang nagcontact lens. "Ano ka ba! Matagal ko ng alam yan." mayabang niyang sabi at natawa na lang ako sa kanya.  "Ganda ng outfit ko te no? Sa ukay ko lang to nabili." dugtong pa niya at humagikgik pa. Napailing akong natatawa. Napalingon ako sa gilid niya at nakita ko si Nick. Infairness, ang pogi niya ngayon. Ngumisi siya ng magtama ang mata namin. "Pogi ko ba?" simpleng black na suit na may white polo sa loob niya ang suot niya, pero ang lakas na ng dating niya dahil na rin siguro sa nakabukas na una niyang butones na kitang kita pang may umaagos na pawis sa leeg niya. Napakunot ang noo ko nung makita ko ang buhok niya. "Okay na sana kung inayos mo yang buhok mo."  Wala namang mali sa buhok niya pero halatang hindi niya masyadong binigyan ng effort, straight ang buhok niya na parang ginulo niya lang gamit ang kamay niya para magkastyle. "Sayang lang sa oras." masungit na sabi niya at tinawanan ko lang siya. Pasimple naman akong lumilingon lingon sa paligid. Kinalabit ako ni Rachel. "Kung si Callisto hinahanap mo, andun sila." bulong niya at tumuro, sinundan ko ang turo niya at nakita ko si Callisto. O___O Ang pogi niya!!!!!  Nakasuot siya ng red na suit at white na polo, maayos na nakacomb over ang buhok niya sa isang side na bagay na bagay sa kanya. Sanay kasi akong nakikitang bagsak lang ang buhok niya, pero ngayon makikita mo ang kanyang noo. Seryoso lang siyang nakasandig habang nakapasok ang dalawa niyang kamay sa slacks niya at pinapanood ang mga nagpophotoshoot. Ang hot niya tingnan!!!!  Pero di ko maiwasang mapangiti dahil ang linis niya pa ring tingnan.  Napalingon ako sa tabi niya. Nakita ko si Coleen, at hindi ko maiwasang manluwa ang mata ko. Sobrang ganda niya!!! Nakahalter bodycon dress siya na makintab na pula. Nakahigh ponytail ang wavy niyang buhok at may naiwang konting buhok sa kabilang gilid ng mukha niya. Ang sexy niyang tingnan!! At mukhang may dala pa siyang stylish.  Ang ganda niya talaga!!!! "Ang ganda niya no." napalingon ako kay Rachel na nasa tabi ko na pala.  Paano kaya pag mismong contest na? "Maganda ka din." "Pero iba ang ganda niya! Ang exotic!" "Tas ang pogi din ni Callisto! Kyaaah!! Feeling ko maiinlab na ako sa kanya." kinikilig niyang sabi. "Pero don't worry hindi ko siya aagawain sayo, iba lang talaga ang dating ni Callisto ngayon." sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan niya lang ako. Napatingin ako kay Nick na busy ng nagseselpon, bumalik ang tingin ko kay Callisto at medyo nagulat pa ako dahil saktong paglingon ko ay nakatingin na siya sa akin. Bigla siyang ngumiti, yung tipong kitang kita yung mapuputi niyang ngipin. Inalis ko bigla ang tingin ko. Wag kang ngumiti ng ganyan!!! Sasabog puso ko!!!!! "Beb! Nginitian ka ni Callisto! Pero nung inalis mo tingin mo biglang sumimangot! Hahaha."  Bumalik ang tingin ko kay Callisto na ngayon ay salubong na ang kilay. Ngumiti naman akong kumaway sa kanya. Ang salubong niyang kilay ay unti unting bumalik sa normal at bumalik ang kanyang ngiti na kumaway din sa akin pabalik. Aaaccckkk! Yung puso ko! Wag kang ganyan sa akin, baka bigyan ko ng meaning. Lumipas ang ilang oras at Grade 10 na ang nagpophotoshoot.  Sila Coleen ang nauna, babae muna. Pinanood ko silang magpose at kumuha ng picture. Naghiyawan ang mga nanonood. Ang gaganda nila. Pagkatapos, lalaki ang sumunod, narinig ko namang naghiyawan ang mga babaeng audience dito, konti lang kami at iilan lang ang mga nanonood. Kumuha din ako ng picture pero mas lamang yung shots ko nung kay Callisto na. >____ "Ang pogi nila te!" rinig kong bulong ng isa. "Bet ko yung isang nakapula. Lakas ng charisma!!!" "Ako bet ko yung nakagray, ang inosente ng mukha!" "Hahaha! Mas bet ko yung nakablack, ganyan mga tipo ko eh, yung seryoso kasi sigurado ako pag nainlab yan seryoso din! HAHAHAHA" Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa mga comments nila. Lalo na kay Nick, laki kasi ng pinagbago niya, parang noong mga nakaraang taon mukha pa siyang totoy. Ngayon, ang matured na tingnan at seryoso pa lagi, bagay naman sa kanya kaso hindi ko gusto dahil ang sungit sungit niya. Ilang minuto pa ang lumipas bago matapos ang mga boys din. Pagkatapos nun ay by partner na. "Ang sexy sexy ni ate no? Bagay sila, pinag-usapan pa talaga yung outfit." bulong ulit ng katabi ko. Tiningnan ko sila, Oo nga, bagay na bagay sila, psh. Masyadong makapit to si Coleen, psh. Walang malay akong napanguso, bat ba ako nagiinarte? ಠ︵ಠ Binuntong ko ang tingin ko kila Rachel at kumuha ng picture sa kanilang dalawa ni Nick. Hindi ko na naman maiwasang matawa, para kasi talagang napipilitan lang si Nick, kanina pa ganyan ang itsura niya. Si Rachel naman ay todo ngiti lang.  Pagkatapos nun ay sabay sabay silang nag-picture lahat at nagextra picture taking din. Nagpalakpakan kami matapos ang photoshoot. Tumakbo agad papalapit sa akin si Rachel sumunod lang si Nick sa kanya, inabot ko ang tubig at isang towel sa kanya. "Wooooh! Pinagpawisan ako dun!" sabi niya at uminom ng tubig. "Ang ganda ng mga pose mo." ngiti kong sabi. Sikreto akong napalingon kila Callisto, medyo nanlaki pa ang mata ko nung makita kong pinupunasan siya ni Coleen habang busy siyang umiinom ng tubig. Inalis ko ang tingin ko doon at nagtama ang paningin ko kay Nick na nasa harapan ko na pala. "Punasan mo ako." sabi niya, kinuha ko naman ang isa pang extrang towel na dala ko, tatlo ang dala kong towel talaga. Isa para kay Rachel, isa para kay Callisto sana hehe. At isa para kay Nick. Tinago ko na lang yung extrang towel sa bulsa ko. Agad ko naman siyang pinunasan, nakatingala ako sa kanya dahil sa tangkad niya, although parang same lang din naman ang height nila ni Callisto, hindi ko din masabi. Hindi ko naman medyo maiwasang mailang ng konti, ang seryoso niya kasing tumingin. Nakita ko siyang napapalunok pa na parang ewan at mas lalo pang dumami ang agos ng pawis niya. "Ako na nga, ang bagal mo." masungit na sabi niya at hinablot ang towel ko saka tumalikod. Napamaang naman akong nakatingin sa kanya, kapal naman ng mukha neto!! siya na nga nag-utos!! Napalingon ako kay Rachel na kanina pa pala abala sa pagbrowse ng phone ko. Tinitingnan niya ang mga pictures. Bumaling ang tingin ko kila Callisto at nagulat ako sa itsura niya!! Nakakunot na noo niya, yung kunot na kunot talaga at nakasalubong pa ang kilay, at mukhang para ring umuusok ang ilong niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan, problema neto? Para siyang tigreng handa ng sumabak sa gyera. Tiningnan ko lang siya ng may pagtataka. Nabigla ako ng masungit siyang tumalikod. Ano bang... Ano bang problema ng mga tao ngayon!!!!!!! **** "Eunice picturan mo ako dito!" kasalukuyan kaming nagpipicture taking ni Rachel. Wala na si Nick, nagpaalam na siyang umuwi dahil naiinitan daw siya sa suot niya. Ang hot pa nga niyang tingnan nung ilang butones na ang nakabukas sa polo niya. Tumutulo tulo na kasi pawis niya. Hayy, nagbibinata na talaga ang dati kong kababata. Hindi ko na rin nakita sila Callisto, umuwi na kaya siya? Pinicturan ko pa si Rachel ng ilang beses sa iba't ibang anggulo. Nagulat pa ako ng bigla siyang may hinilang estudyante. "Te, pwedeng papicture kami." sabi niya at binigay dun ang phone. Hinila niya naman ako at inakbayan. Umiling na lang ako sa kakapalan ng mukha niya at ngumiti. "1..2..3.. Smile."  "Ang ganda natin te!!!" masayang sabi ni. Rachel habang nagbobrowse ng pic. Nginitian ko lang siya. "Teka lang te ah, magpapalit lang ako." "Samahan na kita." "Hindi te dyan ka na lang, malayo pa cr, tinatawag din ako ng kalikasan." Tumango ako sa kanya saka siya nauna. Wala kasing maayos na banyo dito, sink lang ang meron na panghilamos at panghugas. Lumabas ako at nagpahangin, nasa garden ako pumwesto dahil may upuan dito kaya umupo ako. Napaigtad ako ng konti ng may umupo sa tabi ko. Si Callisto!!!! >>>_____ Wala na ang pula niyang suit at tanging white polo na lang ang suot niya, nakabukas din ang dalawang butones nito. Ang kaninang maayos niyang buhok ay bumalik sa pagkabagsak at may tulo pa tubig dito na mukhang binasa niya. Napalingon ako sa mukha niya na basa din. Mukhang naghilamos. "Tapos ka na?" "Ano?" "Tapos ka ng tumitig?" nakangisi niyang sabi at nilingon ako at nilapit ang mukha. Nanlalaking matang tinitigan ko siya habang napaliyad ng konti. Ang lapit ng mukha niya!!! Bumaba ang tingin niya sa bulsa ng palda ko. Taka naman akong napalingon dun at nakausli dun ang extrang towel na iniwan ko, na dapat para sa kanya. "Punasan mo nga ako." sabi niya at binalik ang tingin sa mukha ko. Ang lapit niya masyado!!!!!!!! >>>>>____ Hindi ko naman maiwasang mapalunok habang napatitig sa mga tumutulong butil sa mga mukha niya at binalik ang tingin sa mata niya. "Bakit?" halos paos na boses kong sabi. Parang hinahabol ang t***k ng puso ko sa sobrang bilis. Kumunot ang kilay niya. "B-bakit ko gagawin yun.." medyo masungit kong sabi at tinulak siya ng mahina. Nakahinga naman ako ng maluwag. Na tila tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Napalingon ako sa kanya at tila ngumuso siya na parang nagtatampo. Ano ba... ano bang inaarte neto? Huminga muna ako ng malalim saka kinuha ang towel sa bulsa ko, lumingon ako sa kanya na nagmumukmok pa rin. Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap ito sa akin, at sinimulan siyang punasan, medyo nagulat pa siya pero kalaunan ay ngumisi siya. "Hindi mo ako matiis no?" tuwang tuwa niyang sabi na parang sayang saya sa nangyayari ngayon. Konti na lang... konting konti na lang talaga. "Wag ka ngang ganyan." sabi ko habang nagpupunas sa buhok niya. "Ha? Bakit?" taka niyang tanong habang pumipikit pikit. "Baka aakalain kong may gusto ka na rin talaga sa akin." ngisi ko at napahinto siya. To be continued... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD