***
Wag akong lilingon? Bakit naman?
"Eunice!" sigaw ulit ni Callisto kaya naman inis na napalingon ako sa kanya.
Bakit ba ako tinatawag neto?! Aasarin niya na naman ba ako?
Nakangiti siyang naglalakad papunta sa akin, inis ko namang inalis ang tingin ko dahil sa kakaiba ko na namang nararamdaman dahil sa bwisit na ngiti niya ngunit nagtama ang paningin namin ni Nick na nakatingin na pala sa akin.
"Tch." lumagpas ang tingin niya sa likuran ko saka siya mabilis na naglakad palayo.
Ano bang problema ng masungit na yun?!
"Oy Eunice." napaigtad naman ako ng biglang may kumalabit sa likuran ko.
"B-bakit mo ba ako tinatawag." mahinang bulong ko, dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyante dito. No! Siya lang pala ang tinitingnan! Nadadamay lang ako.
"Hindi mo ako sinasagot eh." nakangiti niyang sabi.
"A-anong kailangan mo?" nakatungo kong tanong.
Pero talaga namang ubod ng kulet ang isang to dahil sinilip pa talaga ang mukha kong nakayuko!
"Bakit ba ang hilig mong yumuko?"
Nanlalaking matang napalayo ako sa kanya at agad na tumikhim.
Tumawa naman siya sa naging reaksyon ko at nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang strap ng backpack ko at hinila ito.
"Tara." yaya niya.
"San tayo pupunta?" taka kong tanong.
"Sa Council, same sched tayo diba?" nakangiti niyang sabi.
"Sige, m-mauna ka na." nahihiya kong sabi habang nakayuko pa rin. Tumingin muna siya sa akin saka niya binitawan ang strap ng bag ko at nagsimulang maglakad.
Sumunod naman ako sa likod niya.
"Naiilang ka ba?"
"H-ha? Hindi ah!" mabilis na tanggi ko kahit ang totoo ay yun talaga ang nararamdaman ko.
Sinong niloko mo Eunice? Buti na lang talaga nasa likuran niya ako.
"Yung mga sinabi mo sa akin kahapon, totoo ba yun?" bigla siyang huminto at seryosong lumingon sa akin.
Hindi ko naman maiwasang mapalunok at nanahimik.
Eto na nga ba sinasabi ko.
Itanggi ko ba? Pero nakakahiya naman pag ganun! Pero ayoko namang ulitin yung mga sinabi ko kasi nakakahiya din!
Aaaaahhhhh!!!! Kainin na ako ng lupa ngayon na!! Bwisit!!!!
Walang malay akong napatungo ako habang kinakagat ko ang ibaba kong labi.
"So.. silence means yes?" nakangisi niyang sabi at napaangat naman ako ng tingin sa kanya.
"A-alam mo na yun, a-ayoko ng ulitin yung sinabi ko.." nauutal na mahinang sabi ko habang nakatingin lang sa sahig.
Narinig ko naman siyang malakas na tumawa. Gulat akong napatingin sa kanya.
"Lakas ng loob mong umamin tas ngayon naiilang ka? Asan na yung lakas loob mo?" asar niyang tanong.
Namumula naman akong napatungo.
Bwisit to!!!!! Huhuhuhu.
Kaya naman dahil sa hiya ay mabilis akong naglakad takbo papalayo.
Narinig ko siyang natatawang tinawag ako pero hindi na ako lumingon pa at mas binilisan ang pagpunta sa council at naunahan ko siyang makarating dito.
Hingal na hingal naman akong kumatok saka pumasok sa loob.
Gulat naman akong napatingin sa loob.
1,2,3,4.... 11!!
Nandito lahat ang mga officers!!! Pero mukhang wala yung mga members. Sila siguro ang mga nagduduty ngayon para makapagmeeting ang mga officers.
At mukha ngang nagmemeeting sila, ang panget ng timing ng pasok ko dahil lahat sila ay napatingin sa akin. Kumaway naman sa akin si Kath.
Awkward naman akong napatungo.
"Oy Eunice hahaha bakit mo ako iniwan?" nanlaki ang mata ko sa malakas na boses na yun ni Callisto. Nagtataka namang napalingon sa akin ang mga officers.
Mabilis kong binuksan ang pinto at pumasok, sumunod naman sa akin si Callisto at biglang natahimik ng mapansing maraming nakatingin sa kanya.
"Okay guys, siya yung sinasabi kong bago nating member. Si Eunice. Hi Eunice! Pakilala ka." nakangiting sabi ni Kath. Napatayo ako nang maayos.
"H-hi. I'm Eunice Velasco, from grade 10 section B. Nice to meet you all." yukong bati ko.
"I'm Kathleen Diaz from grade 10 section A! The president!" masayang umpisang pakilala ni Kath at kumindat pa.
"Christian Ortega, Grade 10-E, VP" maikling pakilala nung isang lalaki at ngumiti ng tipid.
"Daniela Hernan, secretary, your classmate." ngiti sa akin ni Daniela at ngumiti din ako. Siya yung president namin sa room.
"I'm Ian Lasco, Treasurer, from grade 10-C, Nice to meet you miss!" kindat sa akin nung lalaki, napangiwi naman ako.
"Hi! I'm Bianca Santoyo, Ang Auditor! From grade 10-C. Wag mong pansinin yan si Ian, maharot yan." dugtong niya at napatawa naman ako ng mahina, sinamaan naman siya ng tingin nung Ian.
"Patrick Piedad. PIO."
"Ryan Abrera. PO."
"We're classmates from Grade 10-D!" sabay nilang sabi at walang malay akong napalakpak. Cute nila.
"Ang extra niyo! Hi sis! Angela Costales, grade 10 representative. From section A." nakangiting sabi niya at napahinto ako.
Siya yung babaeng kasama ni Coleen at Althea nung nakaraang araw!
Napatingin naman ako kay Kath at normal lang siyang nakangiti. Bumalik ang tingin ko kay Angela na normal ding nakangiti at mukhang hindi naman peke.
Wow. Professional?
O masyado lang akong O.A?????
"Hello po, ako po si Krisha Roldan, grade 7 representative." magalang na bati nung babae. Ang cute cute niya!!!!
"Ako naman po si Janna Estabaya, grade 8 representative, nice to meet you po!" masiglang bati niya.
"I'm Carl Balunes, grade 9 representative." seryosong maikling sabi nung lalaki na tumango lang.
Masyado siyang seryoso, naalala ko tuloy si Nick,
Psh. Masungit yun! Hindi seryoso!
Napahinto ako sa ginawa niya kanina. Ang weird weird.
Pumapalakpak si Kath kaya napunta sa kanya ang atensyon namin. Naglakas siya habang may hawak na mga folder at lumapit sa puwesto namin.
"Sakto ang pagdating niyo Eunice at Callisto, nagmemeeting kasi kami ngayon and walang teacher ang dalawang klase sa oras na to sa Grade 9 sa section B at C, Mapeh and Science ang subject. Oh eto ang schedule at mga activities na ipapagawa, kayo ng bahala maghati at mag-usap. Callisto, bantayin mo tong friend ko ah, tulungan mo kung paano maghandle ng class." nakangiting sabi ni Kath, tumango si Callisto at inunahan akong abutin ang mga folder na inabot ni Kath.
"Tara." yaya sa akin ni Callisto.
Tumingin muna ako kila Kath at kumaway saka lumabas. Sumunod sa likod ko si Callisto at sinarado ang pinto, nagsimula naman kaming maglakad. Mabagal kaming naglalakad habang sikretong sumisilip ako sa kanya na abala sa pagtingin sa laman ng folder.
"Anong gusto mo?" tanong niya habang nasa folder ang tingin.
"H-ha?" taka kong tanong.
"Bukod sa akin, anong gusto mo?" nakangisi niyang sabi at inangat ang tingin sa akin habang hawak ang dalawang folder na nilahad niya sa harapan ko.
Mapeh yung isa at Science yung isa.
"Ha?!" namumulang gulat kong tanong.
"Sabi ko bukod sa akin kako--"
"Science! Science! Science!" mabilis na sabi ko habang nakaturo sa folder na hawak niya.
Tawa tawa naman siyang tumango at binalik ang tingin sa folder na hawak niya.
Kelan ba siya titigil sa pangangasar?!!!!
***
Inabot niya sa akin ang folder para sa science, inexplain niya sa akin kung ano ang mga gagawin at tahimik akong nakikinig sa kanya habang hindi ko maiwasang mapatitig sa gwapo niyang mukha
"Naiintindihan mo?" tanong niya pagkatapos at walang malay naman akong tumango ng sunod sunod.
Napatitig siya sa akin saglit saka siya huminto sa isang room na hindi ko namalayang nasa tapat na namin pala.
"Dito ka sa section B, nandito lang ako sa kabila. Tawagin mo ako pag may kailangan ka." ngumiti siya sa akin saka pinat ulit ang ulo ko at nauna ng pumasok sa katabing room na nasa tapat ko ngayon.
Nahihiyang napalingon naman ako sa room, buti na lang at walang nakapansin sa amin dahil busy silang makipagdaldalan sa isa't isa.
Agad naman akong pumasok sa loob, at napahinto naman ang mga estudyante sa biglaang pagpasok ko.
Hindi ko maiwasang kabahan, actually kanina pa talaga ako kinakabahan. Hindi na bago sa akin ang maghandle ng class pero andun pa rin talaga ang anxiety ko lalo na pag hindi ko kilala ang binabantayan ko.
Tumikhim ako ng mahina saka nagpakilala. Pilit na tinatago ang kabang nararamdaman.
Maayos ang naging takbo ng klase ko at laking pasalamat ko talaga dahil sumusunod sila sa sinasabi ko at hindi sila pasaway. Sinabi ko kasi sa kanila na kapag natapos na nila ang gawain ay magagawa nila ang gusto nila, wag nga lang silang lumabas pasok ng room.
Mga ilang minuto pa ang lumipas at tanging tanggap lang ng tanggap ng mga papel na pinapasa nila ang ginagawa ko. 20 mins pa bago magbell.
Maya maya lamang ay napalingon ako sa mahinang biglaang katok ng pinto. Nakita ko namang nakangiting kumaway si Callisto sa bintana na katabi ng pinto.
Napalingon naman ako sa mga babaeng estudyante dito na nakangiting kumaway pabalik kay Callisto. Kinawayan naman din sila pabalik ni Callisto.
"Siya yung nasa post diba?" kilig na sabi nung babae.
"Oo nga! Ang pogi pogi niya te!" rinig kong bulungan nila at di ko naman maiwasang mapailing.
5 mins pa bago magbell.
Tumayo ako at inayos ang mga papel na kanina pa kumpleto. Nakangiting nagpaalam ako sa klase at bumati naman sila pabalik.
Lumabas ako ng pinto saka siya sinalubong.
"Kumusta?" nakangiting bati niya.
"Okay lang." sabi ko habang sa iba nakatingin.
"May dalawa pa tayong klase bago maglunch magkalayo tayo ng room. Sabay tayo kain?" ngiting dugtong niya pa rin na pilit hinuhuli ang paningin ko ngunit pasimpleng di ko siya tinitingnan.
Maraming estudyanteng nakatingin, nakakailang.
Tumango ako bilang pagtugon habang sa iba pa ding nakatingin, nakita ko naman sa rear view ko na sumimangot siya.
Taka ko naman siyang nilingon pero nagulat ako ng bigla siyang tumalikod at mabilis na naglakad palayo.
Sumakto namang nagbell na, kaya naman hindi ko na siya nahabol pa dahil magkaiba kami ng way.
Galit ba siya? Napatungo ako, ang dami kasing estudyanteng nakatingin!
Napanguso akong naglalakad papunta sa room na sunod na babantayan ko.
Mabilis naman akong nakarating, tulad kanina ay nagpakilala muna ako saka ko pinagawa ang binigay na gawain ng guro na absent nga sa araw na to.
Mukhang galit si Callisto, sabay pa kaya kaming kakain mamaya?
Naexcite pa naman ako dahil first time naming kumain na kami lang dalawa, pero nanlumo ako bigla dahil feeling ko ay hindi na yun matutuloy dahil galit siya.
Kasi naman eh! Bakit kasi ang lakas lakas ng boses nun! Kalalaking tao malakas ang boses! Bagay sila ni Rachel! Psh.
Napanguso ulit ako.
Maya maya pa ay hindi ko namalayang lumipas na ang oras, pangalawang klase ko na ito, at sa tingin ko ito na lang ang klase ko ngayong araw.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagbell na. Lunch time na nila. Kaya naman agad kong inayos ang mga gamit ko saka nagpaalam sa kanila.
Ngunit napahinto ako sa paglalakad ng nakita ko si Callisto sa may pasilyo sa labas ng room ko.
Nakatayo lang siya habang nakatingin sa hawak niyang activity papers at mukhang binibilang ito.
Hinintay niya ba ako? Eh akala ko ba galit siya?
Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng malaki! Oo malaki!
Masaya akong naglakad papunta sa kanya pero bago pa ako makarating sa pwesto niya ay may lumitaw na mga babaeng estudyante at mukhang binati siya.
Inangat niya ang paningin sa mga ito at nginitian din saka binati ng pabalik. Hindi ko naman maiwasang mapasimangot.
Umalis din naman agad ang mga estudyanteng iyon. Kung kanina nagmamadali ako, ngayon walang gana akong naglakad papunta sa kanya.
Nagtama naman ang paningin namin, masaya siyang ngumiti sa akin ngunit napalitan agad yun ng pagtataka. Kumunot ang kilay niya at tinanong ako ng makarating ako sa tabi niya.
"Bakit ka nakasimangot?" bungad na tanong niya.
"Wala."
"Lakas ng loob mo naman." sabi niya at taka naman akong nag-angat ng tingin.
"Ha? Bakit?"
"May atraso ka pa sa akin kanina." sumbat niya at napanguso naman ako.
"Hindi mo ako pinapansin." dugtong niya.
"E-eh ang dami kasing nakatingin na estudyante eh, lakas pa ng boses mo.." binulong ko na lamang yung huling sinabi ko para di niya marinig.
"Ano naman kung madaming nakatingin?" bulong niya din ngunit dahil malakas boses niya. Narinig ko pa rin.
Patuloy lang kaming naglalakad habang nakadiretso lang akong nakatingin ng may biglang boteng lumitaw sa harapan ko.
Nanlalaking matang gulat akong napatingin sa kanya.
"Kunin mo na, nangagalay ako." kunwaring reklamo niya.
Naiilling naman akong tinanggap iyon at napangiting tinitigan ito. Vetasoy ito.
"Buti pa yung bote nginingitian." mahinang bulong niya ulit pero narinig ko na naman.
Parang nung una lang nagrereklamo ako kasi hindi ko marinig ang bulong niya. Ngayon naman nagrereklamo parin ako kasi naririnig ko na ang bulong niya!!!
Bigla naman akong napahinto sa paglalakad ng may narealize ako.
Bakit pala ganito trato niya sa akin ngayon? Kakaiba.
M-may gusto na rin kaya siya sa akin?
Hindi ko naman maiwasang mapapikit at ilang beses na pinalo ang ulo ko. Mahina lang naman. Kung ano anong pumapasok sa isip ko eh.
"Hoy ano bang ginagawa mo?" napabalik ako sa ulirat ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko na pumigil sa pagpalo sa ulo ko.
A-ano nga bang ginagawa ko? Nakakahiya!!!
Nandito nga pala siya!!!!
"Nagulat ako dahil huminto ka sa paglalakad, tas ngayon pinapalo mo ulo mo, may problema ka ba?" napahinto ulit akong nakatingin sa kanya, hindi dahil sa tanong niya, kundi dahil sa tono ng pananalita niya na para siyang nag-aalala.
"B-bakit ka ganyan?"
"Ha?"
"M-may gusto ka ba sa akin?" walang malay kong tanong.
Huli na ng marealize ko ang tanong ko at gulat naman akong napatakip sa bibig.
***
Tinitigan niya ako ng ilang segundo na tila pinoproseso at pinag-iisipan pa niya ang sasabihin niya saka siya nagsalita.
"Hindi ko alam.." mahina niyang sabi at maya maya ay bigla siyang tumawa na kinagulat ko talaga.
"Kakaiba talaga yang lakas ng loob mo no?" asar niya at hindi ko naman maiwasang mamula sa kahihiyan.
Hindi naman ako ganto!!! Pero bakit sa kanya hindi ko mapigilang sabihin yung mga naiisip ko't nararamdaman ko. Na tila ba nagiging honest ako pag siya ang kaharap ko.
Ginulo niya naman ang buhok kong nakatali.
"Pumila na tayo." sabi niya at naunang naglakad.
Sabi niya kami ang pipila pero bakit siya na lang ang pumipila ngayon?
Natatawang napailing ako sa kanya habang tinatanaw siya. Wag na daw akong pumila at mag-antay na lang dahil masikip daw.
Mukha bang di ko kayang makipagtulakan?
Ganyan na ganyan din trato sa akin ni Rachel. Ang rason niya naman ay ang bagal bagal ko daw, hindi daw ako marunong makipag-unahan.
Nakita kong bumalik si Callisto na may dala dalang dalawang plato.
Longsilog ang inorder niya, nakahanap naman din ako agad ng table at sabay kaming umupo dun.
Napahinto ako ng makitang hot sauce ang dinala niya.
"Ayoko ng maanghang."
"Ganun ba." tumayo siya agad at kumuha ng panibagong sauce saka bumalik agad, ngunit hindi pa siya nakakaupo agad ay may bigla akong naalala.
"Walang sabaw!" tumayo ulit siya saka kumuha ng sabaw at bumalik din naman agad.
Pero bago pa ulit siya makaupo ay walang malay na nagsalita na naman ako.
"Wala kang panulak?" taka kong tanong at doon na siya napalingon sa akin.
Napahinto ako nung narealize kong, kanina ko pa pala siya inuutusan!!
Naiilang na napayuko naman ako, narinig ko siyang tumawa ng mahina saka tumayo at naglakad para kumuha ng tubig.
Bumalik rin naman siya agad at nag-umpisa naman kaming kumain.
Hindi ko namalayang nagkekwento na ako sa kanya tungkol sa naging karanasan ko ngayong araw. Kinwento ko pang na tuwang tuwa ako kasi masunurin ang mga estudyante kahit papaano, taimtim naman siyang nakikinig sa akin habang nakatitig lang. Hindi ko naman napansing naging komportable na ako sa kanya.
"Mukhang masayang masaya ka ah." nakangiti niyang sabi at nahihiyang napakamot ako sa batok.
"G-ganun ba." masaya lang naman ako kasi sumusunod sa akin ang mga estudyante. Ganun siguro dahil matanda ako sa kanila.
Hindi ko pa naman alam kung paano maghandle ng mga pasaway na estudyante.
"Pangarap mo bang maging teacher?" tanong niya at bigla akong napahintong napatitig sa kanya dahil may pumasok na alaala sa akin na agad ko namang inalis sa isipan ko.
Dream...
Isa yung alaala noong bata pa ako, mga panahong musmos pa lamang ako at excited na lumaki upang matupad ang pinagmamalaki kong pangarap.
"Hindi ko alam." walang malay kong sabi habang ngumunguya.
Sa ngayon ang totoo, bukod sa kanya, hindi ko alam kung anong gusto kong gawing paglaki. Undecided pa rin ako at hindi ko talaga alam ang isasagot ko pag pangarap na ang usapan.
Tumitig muna siya sa akin ng mga ilang segundo bago siya tumango na lamang saka nagpatuloy kumain.
Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming bumalik na sa council room. Pareho na pala kaming walang klase, kaya isasauli na namin ang mga nakolekta naming activity papers.
"Kumusta ang first day?" bungad na tanong sa akin ni Kath na busy paring nag-aayos ng kung ano anong papel sa table niya.
"Okay lang, medyo pagod." dugtong ko naman, sumunod naman si Callisto sa likod ko na pumasok na rin sa loob.
"Naku may mas ipapagod ka pa diyan." natatawa niyang sabi at taka naman akong napatingin sa kanya.
"Malapit na nutrition month! Bukas maglalagay na kami ng mga activities na pwedeng salihan sa bulletin board. Magiging busy na talaga tayo." stress na sabi niya, inilapag ko naman sa table ang mga papel na hawak ko.
"Callisto, magready ka na ah." dugtong ni Kath na nakatingin na kay Callisto. Tumango naman si Callisto bilang pagtugon.Taka naman akong tumingin sa dalawa.
"Ay di ko pala nasabi, si Callisto kasi pambato ng section namin sa Mr. Nutrition month, although si Coleen ang partner niya." sumimangot na sabi ni Kath.
Tumango tango na lamang ako.
"Hay!! Kung hindi lang talaga ako Council president ako ang sasali!" dugtong niya pa.
"Eh kayo? Sino pambato niyo?" tanong ni Kath sa akin.
"Hindi ko alam, hindi pa namin napaguusapan yan eh." sabi ko.
"Ay oo nga pala, bukas pa nga pala maguumpisa ang paghahanap. Well nauna kami syempre dahil sa akin, hahaha advance ako masyado." natatawang sabi niya.
"Ikaw ba?" napatingin ako kay Callisto.
"Ha?" taka kong tanong.
"Pwede kang sumali." casual na sabi niya. Napahinto naman ako.
"Ano ka ba! Wag mo ng tanungin yan si Eunice! Hindi yan sumasali sa mga pageant." biglang singit ni Kath at ilang na napangiti ako sa kanila.
"Bakit naman? Maganda naman siya ah." takang tanong ni Callisto habang nakatingin kay Kath.
Nagulat naman ako sa sinabi niya tsaka nahihiyang napayuko.
Ayan na naman siya sa puri niyang yan!!! Sinong hindi maiinlab dyan? >_
Biglang sumeryoso si Kath saka bumaling sa akin.
"Oo nga Eunice, ang ganda mo kaya, konting ayos lang sayo may ibubuga ka na, bakit nga di ka sumasali?" taka niyang sabi at gulat naman akong nag-angat ng tingin sa kanya.
Hindi ko alam sasabihin ko! Eh nahihiya ako eh!!!
Nagulat naman ako ng biglang tumawa si Kath.
"Oo nga pala sa personality yang ni Eunice? Eh grabeng mahiyain yan eh!" natatawa niyang sabi at napanguso naman ako.
Nahinto ang usapan namin ng biglang may kumatok ng pinto. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
"Mauna na kami." sabi ni Callisto.
"Uuwi na kayo? Sige ingat!" paalam sa amin ni Kath at kinausap ang estudyanteng pumasok.
Agad naman kaming lumabas at mabilis ng nakauwi.
***
August 14, 2018 (Tuesday)
Normal na dumaan ang klase at nagkaroon kami ng vacant ngayong araw at dahil doon ay inumpisahan na nga nila ang usapan tungkol sa Nutrition month.
"Eto ang mga magiging activities natin for this Nutrition month, poster and slogan making, cooking contest, yoga performance at ang Ms. and Mr. Nutrition month." paliwanag ni Daniela.
Tahimik lang naman akong nakikinig habang abalang nagsusulat ng notes na kinokopya ko kay Rachel.
"Marami pang mga activties ang hindi ko nabanggit iilan lang yun sa mga sinabi ko. Makikita niyo yun lahat doon sa bulletin board mamaya. Ang focus natin for today is kung sino ang panglalaban natin sa section natin sa Ms. and Mr. Nutrition month. So, any volunteer?" dugtong ni Daniela.
"Ako Ms. President!" biglang tumaas ng kamay si James kaya lahat kami ay napalingon sa kanya.
"May Q.A okay lang?" sabi ni Daniela.
"Ay ganun." unti unting binaba ni James ang kamay niya at nagtawanan ang mga kaklase ko.
"Si Nick kaya?" biglang turo ni Shea kay Nick at bumaling ang tingin namin sa kanya.
Natatawa akong napalingon kay Nick na kaka-angat lang ng ulo at mukhang kakagising lang dahil nakakunot pa ang noo niya.
"Oh Nick ikaw daw!" sigaw ni Ralph.
"Ano ba yun?" taka niyang tanong.
"Ikaw daw pambato sa Mr. Nutrition Month."
"Ayoko nga." mabilis na sabi niya at bumalik sa pagtulog.
"Wag niyong pansinin yan si Nick, sige president siya lista mo." sabi naman ni Rachel at natatawang napatango si Daniela.
Bigla namang nag-angat ng ulo si Nick at sinamaan ng tingin si Rachel.
"Hoy! Ayoko nga sabi." inis na sigaw niya kay Rachel.
"Wag ka na mag-inarte! Ako partner mo." confident na sigaw ni Rachel at nagthumbs up pa.
"Mas lalong ayoko." masungit na reply ni Nick.
"Sus! Edi si Eunice na lang!" biglang banat ni Rachel at tinuro ako. Nanlalaking mata naman akong napalingon sa kanya at mabilis na umiling ng paulit ulit.
Anong ako! Baliw to!
"Sige ba." mabilis na sagot ni Nick na nakangisi pa. Tinaas ko naman ang kamao ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Kaso mahiyain si Eunice kaya rejected!" sabi ni Ralph at sikretong natutuwa akong napalingon sa kanya.
"Oo, kaya hindi ako sasali, bahala kayo diyan." sabi ni Nick.
Nagbangayan pa ang mga kaklase ko at ilang minuto pa ang tinagal ng usapan namin. Sa huli, si Rachel at Nick pa rin ang naging pambato namin.
Hindi na makatanggi si Nick dahil lahat kami ay sumasang-ayon na siya ang maging pambato. Pogi naman kasi si Nick. Lalo na kung hindi siya nagsusunget psh.
"Beb! Dapat kasi ikaw na lang eh." bungad na sabi sa akin ni Rcahel. Natatawa naman akong napalingon sa kanya.
Lunch time na namin ngayon.
"Wag mo na akong artehan dyan Rachel, alam kong gustong gusto mong sumali sa mga ganyan."
Sanay na kasi si Rachel sa mga pageant at ilang beses na nga siyang sumasali sa pageant dito sa school.
"Pero ikaw gusto ni Nick kapartner eh.." mahinang bulong niya.
"Eh kaso ayoko, alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ganyan, sige na te kumain na muna tayo."
Pag-iiba ko ng usapan namin.
"Oo nga pala te! Malilate akong uuwi mamaya, mauna ka na sa akin." sabi ni Rachel habang kasalukuyan kaming kumakain sa table.
"Aasikasohin ko pa kasi yung mga papeles ko dito sa school." dugtong niya at tumango na lamang ako bilang pagtugon.
Nagbell na kaya agad kaming bumalik sa classroom at nagtuloy ang klase.
*Bell rings* (uwian)
"Sige te ah, mauuna na ako! Pupunta pa ako registrar!" paalam sa akin ni Rachel at kumaway na lamang ako sa kanya.
Inaayos ko ang gamit ko ng biglang lumapit sa akin si Nick.
"Hindi mo kasabay si Rachel?" tanong niya at umiling ako.
"Tara, sabay tayo." yaya niya sa akin at tumango lang ako habang abala pa rin sa pag-aayos ng mga gamit.
Nauna na siyang naglakad at lumabas ng pinto kaya pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay sumunod ako sa kanya.
Parang ngayon na lang ulit kaming nagkasabay umuwi.
Sabay kaming naglakad hanggang sa makalabas kami ng gate.
"Ice cream tayo?" yaya niya. Ngumisi naman akong napalingon sa kanya.
"Libre mo?"
Natatawa siyang tumango sa akin. "Oo na." at napangiti naman ako ng malaki.
Himala at hindi siya masungit ngayon. Miminsan ko na nga lang ata siyang makitang tumawa at ngumiti ng ganyan. Pogi nga talaga siya. Tango tango ko sa sarili ko.
Lagi kasing nakakunot ang noo niya at seryoso ang mukha dahil mahilig siyang magsungit.
Agad naman siyang bumili at pinili ang strawberry ice cream na paborito ko at binigay ito sa akin, cookies and cream naman ang kanya.
"Bakit mo tinanggihan ang sinabi ni Rachel kanina?"
"Ang alin?"
"Yung sa pageant? Bakit ayaw mong sumali?" taka niyang tanong at napalingon ako sa kanya.
"Kasi ayoko, saka mahiyain ako." dugtong ko naman habang dinidilaan ang ice cream.
"Pero diba... pangarap mo yun?" napahinto ako sa p*****a ng ice cream sa sinabing iyon ni Nick.
"Noong bata pa tayo naalala ko nun lagi mo yan kinekwento sa akin sa tuwing manonood tayo ng Ms. Universe..." dugtong niya pa. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapakla.
Naaalala niya pa pala yun.
"Hindi na ngayon." mahina kong sabi habang sa iba nakatingin.
"Bakit?"
"Anong bakit?" lingon ko sa kanya.
"Bakit nagbago?" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko, hindi ko naman maiwasang kabahan.
"E-eh kasi syempre, h-habang lumalaki alam mo na nagbabago ang pangarap." ilang na sabi ko at binaba ang tingin.
"Eh ikaw?"
"Anong ako?" mabilis na inangat ko ang ulo ko at takang napatingin sa kanya.
"Bakit ka nagbago?" mahinang sabi niya at malamlam ang matang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang inaalala ang mga naging karanasan ko noong bata pa ako.
Bakit nga ba ako nagbago?
To be continued...
***