***
Nagkwentuhan pa kami ni Kath at pagkatapos nun ay nagbell na kaya naman nauna na akong umalis sa kanya.
Hindi pala siya pumasok ngayong araw kasi wala namang lesson at pagchecheck lang ng test ang gagawin ngayon, excuse niya na madami siyang gagawin sa council which is totoo naman pero sabi niya ang main reason niya ay para maiwasan ang dalawang yun kasi kamalas malasang kaklase niya ang mga ito.
Agad akong bumalik sa classroom at sinalubong si Rachel.
"Bakit di ka sumunod sa akin?" taka kong tanong sa kaniya.
"Tinawag ako ng kalikasan." daing niya habang hinimas himasan ang tyan niya. Tumango lang ako bilang pagtugon.
Makalipas ang ilang oras ay uwian na namin.
"Ano ba yan te! Kung ano pa yung madaling subjects, yun pa mababa mo! Hahahaha!"
Napasimangot naman akong napatingin kay Rachel.
33 kasi ang nakuha ko sa Filipino, ito lang ang line of 3 ko kasama ang AP.
"Ikaw pa talaga nagsabi niyan Rachel ah?" natatawang sabi ni Ralph at nagtawanan naman ang mga kaklase ko habang nagsisitayuan.
Naiinis namang napanguso si Rachel, hindi ko naman maiwasan mapatawa sa reaksyon niya.
Maya maya lang ay lumabas na kami ng room. Sabay kaming naglakad pauwi ni Rachel. Nauna na sa amin si Nick kaya hindi namin siya napansin. Pansin ko lang na ang sungit sungit niya talaga nitong nakaraang araw. Simula nung isang araw pati kahapon, hanggang ngayon pa din naman?
"Sige te, dito na ako. Babye!" paalam sa akin ni Rachel. Kumaway din ako sa kanya.
Friday ngayon, kaya naman talagang tuwang tuwa akong umuwi ng bahay. Dalawang araw din akong makakapaghinga.
Nakipagkwentuhan muna ako kay Rachel at kinumusta din si Kath. Napatingin ako sa active list,
Hindi siya online.
Parang dalawang araw ko na siyang hindi nakikita ah? Last na usapan namin ay nung Wednesday pa, at parang di ko na siya nakita after nun. Sabi nga ni Kath, absent siya kanina, kahapon daw ay tulala pa.
May nangyari kaya sa kanya? O baka may problema siya?
Teka! Bakit ko ba siya iniisip! Pakialam ko sa kanya!
Inis naman akong napatakip ng unan sa mukha ko at natulog.
***
August 11, 2018 (Saturday)
Buong araw akong naging abala sa paghiga at pagtulong ko sa gawaing bahay ngayong araw na to kaya naman di ko namalayang hapon na pala.
Labas kaya ako?
Napatingin naman ako sa aming orasan ng makitang magaalas kwatro pa lang.
Nagpaalam ako sa mga magulang ko saka ako nagpalit ng damit.
Jogging pants at maluwag na t-shirt ang suot ko na nakatuck-in. Nagtsinelas lang ako at nagtali ng buhok. Kinuha ko naman ang wallet ko at masayang lumabas.
Pumunta agad ako sa malapit na mall dito sa amin at naglibot libot. Ilang oras ang inabot ko sa paglilibot libot lang, wala naman kasi akong masyadong pera para bumili kaya naman naglaro ako saglit sa arcade at kumain.
5:50pm na ng lumabas ako ng mall, palubog na ang araw. Bumili din ako ng isang Vetasoy at dalawang pack na gummy worms habang may kagat kagat na ice cream.
Mamaya ko na to kakainin sa bahay.
Masaya naman akong naglakad at napahinto sa may tawiran. Nakapula pa ang ilaw, bigla akong napahinto nang may napansin akong pamilyar na tao.
Callisto?
Si Callisto ba yun? Pumikit pikit pa ako ng ilang beses kung sakali mang namamalik mata lang ako.
Pero si Callisto nga!
Pero bakit ganun ang itsura niya? Hindi ko mabasa ang emosyon na bumabalatay sa mukha niya ngayon.
Blangko ito, at tila walang buhay.
Bigla namang nag-green light kaya nagsipagtawiran na ang mga tao, pero nagtaka akong nakatulala lang siya at hindi tumatawid habang diretsong nakatingin lang.
Bakit hindi siya gumagalaw?
Hindi ko naman namalayang nakatitig na pala ako sa kanya ng mga oras na yun kaya hindi agad ako nakatawid at napansing pumula na ulit ang ilaw.
Bwisit! Mag-aantay na naman ako!
Lumingon ulit ako sa kanya, pero ganun na lamang ang gulat ko nang bigla siyang gumalaw at walang malay na nagsimulang maglakad patawid sa kalsada habang pula pa rin ang ilaw!
Shemay!
Aligaga naman akong kumilos at mabilis na naglakad takbo at hindi ko namalayang nalaglag ang ice cream ko papunta sa kanya.
Agad ko namang malakas na hinila ang braso niya at inilayo siya sa kalsada dahil biglang may humarurot na motor sa harapan niya!
Muntik na yun ah!
Hingal na hingal naman akong galit na lumingon sa kanya habang ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.
"A-ano bang ginagawa mo?! Magpapakamatay ka ba?!" hindi ko namalayang sigaw ko habang nag-aalalang napatingin sa kanya.
Pinagtinginan naman kami ng mga tao ngunit hindi ko iyon pinansin.
Pero napahinto ako ng magtama ang aming paningin at napatitig ako sa mga mata niya.
Ang lungkot! Napakalungkot! Mahahawa ka sa lungkot!
Lumunok ako at lumamlam ang aking mata habang pilit na ikinakalma ang sarili ko.
"A-ano bang nangyayari sayo?" kalmadong tanong ko habang nakakunot pa rin ang noo.
Bigla naman siyang natauhan na tila ngayon lang narealize ang ginawa niyang katarantaduhan kanina.
Katarantaduhan talaga yun! Hindi nag-iingat!
Ngunit sandali lang yun at blanko ulit siyang napatingin sa akin.
"Yung damit mo.." mahina niyang sabi at alerto akong napalingon sa kanya.
"Ha?"
"May mantsa ng ice cream." seryosong sabi niya at hindi ko naman maiwasang mapamaang!!!!
Pati ba naman sa sitwasayong ito, yung dumi pa rin ang napapansin niya?!
"A-ano bang-- Nangtitrip ka ba?!" hindi ko na talaga maiwasang magalit! Naiinis na ako!
Pilit naman siyang ngumiti sa akin.
"Hindi ko inaasahan.."
"Na ano?" taka kong tanong.
Bakit ba ang hilig niyang mangbitin ng salita?
"Na makikita kita dito.." mahina niyang bulong.
"H-ha?" pilit na intinding tanong ko.
Eh ano ngayon kung hindi niya inaasahan?! Tch, kahit sino naman gagawin yung ginawa ko!
"Ang kyut mo pala magalit." pilit na tawang sabi niya. Hindi ko yun pinansin at kunot noong tinitigan lang siya.
Pero kahit sinabi niya yan ay hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman ko! Galit na may halong kaba at pag-aalala.
Hinila ko naman siya at mabilis na naglakad.
Naglakad lang kami habang hawak ko ang braso niya, tahimik naman siyang sumunod sa likod ko.
Ano ba tong ginagawa ko?!
Pero hindi ko naman siya pwedeng iwan ng basta, baka mamaya, gawin niya ulit yun. Feeling ko tuloy resposibilidad ko siya sa oras na to. Bwisit!
Napahinto lang ako nang may nakita akong pwedeng mauupuan at pinaupo siya doon.
"Dyan ka muna, ayusin mo sarili mo, Oh eto. Inumin mo." maawtoridad na sabi ko habang nilabas ang Vetasoy sa plastic at binigay sa kanya.
Medyo nakaramdam ako ng kaunting panglulumo ng kinuha niya yun. Yung Vetasoy ko...
Napalingon siya sa akin at tiningnan ang bote na yun.
"Mukhang hindi bukal sa loob mo ang ibigay sa akin to ah?"
"M-manahimik ka! Buksan mo na yan bago pa magbago isip ko." pilit na seryosong sabi ko.
Natawa naman siya sa naging reaksyon ko at sinimulang buksan ito at uminom.
Iniisip niya na naman ba na mukha akong clown?! Ha!!! Bwisit!
Napalingon ako sa kanya ng may kinuha siyang panyo sa bulsa at inabot sa akin.
"Ano to?"
"Panyo?"
"Para saan?"
"Punasan mo."
"Ang alin?"
"Yang damit mo."
"Anong-- hindi ka ba nakakapagfocus kapag may nakikita kang dumi?"
"Nakakadistract." casual na sabi niya at nagkibit balikat.
Kalalaking tao, ang arte arte!!!
Kinuha ko na lang yung panyong inabot niya at pinunasan ang damit ko sa may bandang dibdib ko. Napalingon naman ako sa kanya ngunit mabilis niyang inalis ang tingin niya sa akin.
Kumunot naman ang noo ko. Eh siya pala tong weirdo eh!
Tiningnan ko ang panyo at madumi na ito, kaya naman inangat ko ang paningin ko sa kanya.
"Sayo na."
Odiba ang arte! Nadumihan lang yung panyo, ayaw na kunin!
"B-babalik ko din sayo, lalabhan ko lang." mahina kong sabi pero hindi niya iyon pinansin at napatingin lang sa malayo.
Pinasok ko na lang yung panyo sa plastic na dala ko.
"Upo ka." yaya niya sa akin at pinagpag ang tabi niya.
Maingat naman akong umupo at naglagay ng space sa pagitan namin.
"Bakit mo ginawa yun.."
"Ang alin?" maang maangan niyang sabi habang nakatingin pa rin sa malayo.
"Yun! Yung pagtawid mo sa kalsada! Muntik ka na kayang masagasaan kanina! Hindi mo ba yun nakita ha? Pulang ilaw ang nakalagay doon eh!" mahabang inis na sabi ko habang tinuro pa yung traffic light sa pinaggalingan naman kanina.
"Nag-alala ka?"
"Oo! Malamang! Kahit sino naman mag-aalala sa sitwasayon mo kanina."
"Ahh." malayang sabi niya at tumango tango pa.
Hindi ko talaga maintindihan ang ugali nito, sabi ni Rachel ay friendly, magaling makisama at masayang kausap siya kaya naman daw ang dami niya na agad naging kaibigan kahit na transferee lang siya. Pero sa nakikita ko parang ang layo ng ugali niya sa mga kinekwento ni Rachel. Kahit nung unang pag-uusap namin ang formal niya masyado, asan ang friendly dun?
Oh baka naman, ito ang tunay niyang personality at nagpapanggap lang siya.
Pero biglang sumagi sa isip ko yung nangyari sa seminar.
Well, mukha nga siyang friendly. Tango tango ko pa.
"Anong iniisip mo?" taka niyang tanong habang nakasilip sa akin at hindi ko naman namalayang ang lapit ng mukha niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko at mabilis na umiwas.
"K-kung bakit mo ginawa yun!" ilang na sabi ko habang tinutukoy pa rin yung ginawa niya kanina.
"Ahhh. Bakit ka ba nagtatanong?"
Napahinto naman ako, bakit nga ba???? eh hindi naman kami close para sabihin niya sa akin yung mga pinagdadaanan niya.
Napatikhim naman ako at napaayos ng upo.
"E-eh kasi, maraming nag-aalala sayo, h-hindi mo ba naisip yung mga nagmamahal sayo? Yung pamilya mo! Kaibigan mo! Y-yung mga admirers mo! Malulungkot sila at masasaktan..." pahinang pahinang sabi ko habang naiilang.
"Alin ka doon?"
"H-ha?"
"Sa mga sinabi mo, alin ka doon?"
Taka naman akong nakatingin pa rin sa kanya, hindi ko maintindihan...........
"Admirers?" nakangisi niyang sabi at doon ko lang napagtanto ang kahulugan ng sinabi niya!
"Ang kapal mo!" hindi ko naman namalayang hampas sa kanya at tumawa naman siya ng malakas.
Hindi ko naman maiwasang mapatitig, Yan! yang tawa niyang yan, yang ngiti niyang yan! Yan ang dahilan kung bakit ako natulala nung araw na iyon. Pero hindi ko naman maiwasan makahinga ng maluwag. Bumabalik na ang normal niyang katauhan.
"Nagbibiro lang ako, pero bakit ka namumula?" mapanuksong tawa niya habang nakaturo sa mukha ko.
"Hindi ah!" mabilis na tanggi ko naman saka mabilis na tumungo at nanahimik.
Ganun ba talaga ako ka-obvious?!!! Kanina ko pa napapansin, Mukhang nahahalata niya ata.
"Mukhang tahimik kang tao." biglang sabi niya at napalingon ako sa kanya.
"O-oo! Sayo lang naman ako dumadaldal ng ganito, nakakainis ka kasi! Hilig mong mang-asar!"
"Special pala ako kung ganun?" pang-aasar na tanong niya na naman.
"Ano ba!"
"Ano?" natatawa niyang sabi.
"Oo! Special ka!" mabilis na sabi ko at nakita ko naman siyang napahinto bigla.
"Special child." dugtong ko naman at ako naman ngayon ang tumawa ng malakas.
"Talaga? Sa itsura kong to?" mayabang na sabi niya.
"Anong kinalaman ng mukha mo?"
"Gwapo." asar niya na naman at kumindat pa.
Napaalis naman ako ng tingin sa kanya at bumuntang hininga dahil kanina pang malakas ang t***k ng puso ko.
At doon ko nga lang narealize ang paligid ko.
Madilim na!!! Wala ng araw! Gabi na!!!
Huminga muna ako ng malalim at lakas loob na lumingon sa kanya.
"Wag mo na talagang gagawin yun, dahil maraming masasaktan at malulungkot, malulungkot mga nagmamahal sayo, malulungkot mga nagkakagusto sayo o mga admirers mo, m-malulungkot ako.." pilit na seryosong sabi ko at gulat naman siyang napalingon sa akin.
Huminga ulit ako ng malalim at mabilis na tumayo saka nilabas ang isang pack na gummy worm at binato ito sa kanya.
"Crush kita! Bye!" mabilis na sabi ko at mabilis na tumakbo paalis sa lugar na yon ng hindi lumilingon.
***
Ahhh!!!! Bakit ako umamin?!!!! Bakit ko yun sinabi!!!! Bakit sa ganoong sitwasyon!!!
Inis na pinagsuntok suntok ko ang unan na nasa kama ko ngayon.
Hindi naman ako masyadong pinagalitan ng magulang ko, pinagsabihan lang ng konti, dahil hindi pa naman gabing gabi na umuwi ako sa bahay.
Napahinto ako ng maalala yung mga pinag-gagagawa ko kanina.
Bwisit!! Nakakakahiya!!
Inis na tinakip ko ang mukha ko sa unan. Hindi ko rin ginalaw ang phone ko para mag-online dahil baka mamaya makita ko siyang online.
Buti na lang talaga Sabado ngayon, may isang araw pa ako para maghanda sa sarili.
Napahinto ako at hindi ko naman maiwasang biglang mapangiti.
Ang sarap pala ng ganitong pakiramdam. Lalo na at alam niya na yung nararamdaman mo.
Saan ko ba kinuha ang lakas na loob na iyon kanina?!!!
Nawala ang ngiti ko sa labi.
P-paano ko siya haharapin?????
Napahinto na naman ulit ako. Ilang araw ko pa lang naman siya nakikilala. Pero bakit parang ang bilis ko naman????? Walang malay naman akong napahawak sa dibdib ko. Epal kasi to eh...
Bahala na nga. Crush lang naman..
***
August 13, 2018 (Monday)
Ahhhh!!! Monday na!!! Makikita ko na siya!! Makakasama ko pa siya mamaya sa duty!!!!
Dapat pala hindi na lang ako sumali sa council!!!
Bwisit!!!
Pero huli na para mag-sisi ako ngayon kaya naman nanlumo ako bigla.
Anong mukhang ihaharap ko sa kanya?
Malamang etong mukhang to! Inis na sigaw ko sa sarili habang nasa harapan ng salamin at nagsusuklay.
Inayos ko naman ang uniform ko at mabilis na bumaba para kumain ng breakfast.
Pagkatapos nun ay agad din akong lumabas ng bahay.
Sana hindi ko siya makasalubong, sana hindi ko siya makasalubong, sana hindi ko siya makasalubong.
Pero mukhang may sumpa ang araw na to dahil sa malayo pa lang ay nakikita ko na siya!
Oo! Kahit malayo napapansin ko na siya! Ganun kalinaw at kabilis ang mata ko pagdating sa kanya. Bwisit!
Normal lang siyang naglalakad habang nakapasok ang isa niyang kamay sa isang bulsa at may nakasalpak na earphone sa tenga niya.
Binagalan ko naman ang paglalakad ko para hindi ko siya masabayan.
Hindi pa ako handang harapin siya ng ganito kaaga!!
Nasa bandang harapan ko siya at nasa likod ako, marami kaming kasabayang eatudyante kaya sigurado akong hindi niya ako mapapansin agad.
Flag Ceremony namin ngayon kaya maaga kaming pumasok. Pumasok ako ng gate at pumunta agad sa pila ko.
"Eunice! Goodmorning!" maagang bati sa akin ni Rachel. Ngumiti naman ako sa kanya at bumati pabalik.
"Grabe second quarter na, bilis ng panahon." dugtong na sabi niya habang nakatingin sa harapan.
"Wag kang excited, hindi pa natin nakikita yung card."
"Oo nga pala! Sa sabado na yun! Kinakabahan ako, baka mababa ako." nakanguso niyang sabi.
"Mag duduty ka na diba? Sali din kayo ako sa council?"
"Wag ka na sumali, wala ka ngang oras sa pag-aaral, sa council pa kaya." biro ko sa kanya at napasimangot naman siya.
"Kanina ka pa ah!" inis na sabi niya.
"Anong ginawa ko sayo?" maang maangan kong sabi, pero hindi niya ako sinagot at tinarayan lang.
Natatawa naman akong napailing sa kanya.
Agad akong tumingin sa harapan at napalingon sa linya ni Callisto.
Sila ang section A sa grade 10 kaya naman sila ang unang linya sa grade 10. Boys, Girls, ang arrangement ng linya. So bale may tatlong linya sa pagitan namin.
Kaya siguro hindi niya ako mapapansin habang nakasilip ako sa kanya no?
Diretso pa rin siyang nakatingin, wala na ang earphones sa tenga niya habang may nagsasalita sa gilid niya na tila kinakausap siya, ginigilid pa niya ang ulo niya para mapakinggan ang sinasabi neto, at nakita ko naman siyang bahagyang tumawa.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Ang cute cute niya hehe.
Pero bigla akong napahinto ng bigla siyang lumingon sa likod niya at muntik na magtama ang paningin namin. Mabilis naman akong umiwas at napatingin sa gilid.
Hindi niya naman ako nahuli diba????
Maya maya lang ay lumingon ulit ako sa kanya at diretso na siyang nakatingin sa harapan kaya nakahinga ako ng maluwag. Mukhang hindi niya naman ako nahuli.
Pagkatapos ng flag ceremony ay isa isa ng nagsisiakyatan ang mga estudyante.
Btw, 4ft floor ang room namin, Ang Section A ay nasa dulo ng pasilyo, kasunod ang room namin na Section B, at nasa kabilang dulo ang pwesto ng hagdan. Kaya naman mapapapadaan ka muna sa room namin bago sa room nila, at nagpapasalamat ako doon dahil hindi ko madadaanan ang room nila, kami ang madadaanan nila.
Hinila ko si Rachel at pumwesto kami sa pinakadulo ng pila para hindi niya talaga ako mapansin. Taka namang tumingin sa akin si Rachel pero hindi ko siya pinansin.
Safe naman kaming nakarating sa room kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Ano nangyayari sayo Eunice?" takang tanong na bungad sa akin ni Rachel.
"H-ha?" maang maangan ko ulit.
"Anong eksena mo kanina?"
"H-ha?"
"Ha ka dyan! Wala kang kwentang kausap!" inis na sabi niya at tumalikod bigla sa akin, napalingon naman ako sa kanya.
Naiinis ba siya?
Pero hindi ko na iyon napansin dahil may dumating ng teacher.
Anim ang subjects namin kada araw. Tig-iisang oras, at 9am ang lunchtime namin.
6 am-7 am
7 am- 8 am
8am - 9 am
9 am-9:30 am
9:30 am -10-30 am
10:30 am -11:30 am
11:30 am -12:30 pm
1 pm ang start ng duty ko, pero di ko alam kung anong oras natatapos, minsan 4pm o kaya 5pm, depende sa araw at depende kung madami o kaunti lamang ang gagawin. Kapag may program na nagaganap ay iyan ang kadalasang busy na araw. Tulad lang ngayon na malapit na ang Nutrition month.
Paniguradong magiging busy ako sa mga susunod na araw.
Lumipas ang unang subject at nagbell na para sa pangalawang subject, yumuko naman ako para kunin ang aking bag at kumuha ng notebook.
Napahinto ako bigla ng marinig ko ang impit na tilian ng mga kaklase kong babae, taka naman akong tumingin sa kanila at nagtaas ng tingin.
Si Callisto!!!!!!!!!!!!!
Dala dala niya ang mga gamit ng teacher namin na nakasunod sa likod niya.
Bahagya siyang naglakad papasok sa room namin at di naman makatakas sa pandinig ko ang mga impit na kilig ng mga kaklase ko.
Nilapag niya ang mga gamit sa table at nagtaas siya ng tingin at---
Nagtama ang paningin namin!!!!
Bigla tuloy akong nagsisi, na nasa bandang harap ang pwesto ng upuan ko!!
Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang ngumisi at mabilis na tumalikod saka naglakad paalis.
A-ano yun?
Tila naghinto ang paghinga ko ng mga oras na yun!!
"Teee! Nakita mo yun? Ngumiti siya!!" bulong ng kaklase kong babae sa katabi niya na nasa malapit sa pwesto ko.
"Sa tingin mo ako yung nginitian niya? Feeling ko ako eh!" dugtong pa niya at napapikit na lamang ako ng mata.
Huminga naman ako ng malalim at napayuko, wala naman sigurong nakapansin no? Teka. Baka hindi naman siya sa akin nakatingin talaga?
Bigla akong nag-angat ng tingin at napalingon kay Rachel sa kabila kong gilid na nakatitig sa akin habang nakataas pa ang kilay.
Shemay!
***
(Bell rings) Lunchtime.
Kasalukuyan ko ngayong tinatali ang buhok ko ng kinalabit ako bigla ni Rachel.
"Oy Eunice! May hindi ka sinasabi sa akin ah." mabilis na bulong niya sa akin kaya naman aligaga kong inayos ang gamit ko at kinuha ang wallet ko at nagpanggap na hindi siya naririnig.
"Ikaw yung nginitian ni Callisto kanina ah! Hindi ako nagkakamali, alam kong ikaw yun! May nangyari ba ha?" mauusisang bulong niya na naman na tila sumisilip pa sa mukha kong pilit kong niyuyuko.
Bwisit talaga tong chismosa na to!!!!!
Pero, talaga bang ako yung tiningnan niya kanina? Ano bang trip nun!!!!!1
"Eunice! Kanina ka pa may atraso sa akin ah! Naiinis na ako!" nagulat naman ako nang bigla siyang sumigaw at napahinto ako sa ginagawa ko saka napalingon sa kanya.
Nakasimangot na nakanguso na siya.
"Ang weird weird mo kanina pa! May nangyari talaga eh!" maktol pa niya kaya naman inis ko naman siyang hinila na sa labas dahil ang lakas ng sigaw niya! Bwisit talaga!
"Oh ano? Sasabihin mo na?" biglang interesadong ngiti niya habang nag-aantay sa mga susunod kong sasabihin.
"A-ano kasi.."
"Ano? Ano?! Ano!!" sunod sunod na tanong niya, at inis akong napapikit.
"W-wag mong pagsasabi ah.."
"Oo!" mabilis na sabi niya at napatitig naman ako sa kanya, sigurado akong ipagsasabi niya to!!!!
"Wag na nga." mabilis na sabi ko at mabilis na naglakad pero hinabol niya ako.
"Wala ka bang tiwala sa akin Eunice? Psh! Pag hindi mo sinabi, F.O na tayo!!!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw kaya nanlalaking matang napalingon ako sa kanya. Ngunit tumagos ang paningin ko sa likuran niya dahil nakita ko si Callisto.
Nakapasok ang dalawa niyang kamay sa dalawa niyang bulsa at maangas na nakatingin sa akin.
At nakangisi na naman siya!!!
Bwisit!!!! Inaasar niya talaga ako!!!
Inis kong inalis ang tingin ko at mabilis na naglakad palayo.
"Eunice! Oy Eunice! Wala kang kwenta!!!!" dinig kong malakas na sigaw ni Rachel pero hindi ko siya pinansin.
Bwisit talaga, bwisit talaga!!!! Bwisit!!!!!!
***
"Rachel.. uyy sorry na.." nakanguso kong sabi habang sinusundot sundot ang likuran niya.
Kasalukuyan kaming nasa pila ngayon, hindi ako pinapansin ni Rachel.
"Hmp!" pagtataray niya pa, habang pumipili ng pagkain.
"Anong gusto mo?!" galit na tanong niya kaya naman walang malay akong nakangusong nakaturo sa kung saan.
"Hotdog?! Gusto mo ng hotdog?!" sigaw na naman niya at walang malay naman akong tumango tango.
"Oh ayan!" inis na bigay nya sa plato ko at napanguso na naman ako.
"Sorry na kasi.."
"Psh." atungal niya pa.
Huminga naman ako ng malalim.
"Oo na! Sasabihin ko na!" inis na sigaw ko at ngiting ngiti naman siyang lumingon sa akin.
"So ano nga?"
"A-ano kasi.."
"Ano!"
"P-pwedeng upo muna tayo?" suminghal pa siya sa akin bago kami naglakad at tumungo sa bakanteng table.
"Ano na!" inip na inip niyang sabi.
"A-ano kasi.."
"Ano nga! Pabitin ka naman eh!"
"Tch, wag mo talagang ipagsasabi ah!"
"Oo nga! Promise!" crossed finger pa niya at napabuntong hininga na lamang ako.
"U-umamin kasi ako n-na crush ko siya.."
"Umamin kanino?"
"K-kay ano.."
"Kay ano?!"
"A-alam mo na yun.."
"Anong alam?!"
Napasinghal ako sa inis, bakit ang slow neto!?!
Napatitig siya sa akin bigla at mukhang narealize niya kung sinong tinutukoy ko.
"Kay Callisto?!!!" malakas na sigaw niya at hindi ko naman maiwasang takpan ang bibig niya!!!
Bwisit to!!!!!
"Ay sorry, sorry sorry hehehehe."
"Tinawag mo ako?" bigla kaming napahinto ni Rachel ng marinig namin ang pamilyar na boses na yun.
Nanlalaking matang makahulugang tinitigan ko siya at tumango tango naman siya.
"Oy Callisto ikaw pala!" normal na bati ni Rachel.
"Tinawag mo ako?" pag-ulit na tanong ni Callisto.
Hindi ko alam kung anong itsura niya o reaksyon niya ngayon dahil nanatili lang akong nakatungo habang sinimulang kumain at nagpanggap na naman na hindi ko sila napapansin.
"A-ah hindi! Namali ka lang ng dinig! Hehe. May tutuli ka no?" bigla akong naubo sa sinabing yun ni Rachel at inis na napalingon sa kanya.
Napatakip naman siya ng bibig.
"Dahan dahan lang, eto inumin mo." napaangat ako ng tingin ng may nilapag siyang Vetasoy sa table namin.
Napatingin naman ako sa kanya at ayan na naman yung kakaibang ngisi niya!
"Oh! Vetasoy! Paborito mo to diba?!" inis ko namang nilingon ulit si Rachel at taka naman siyang napanguso na lang.
"Halata nga." makahulugan namang tumingin sa akin si Callisto tsaka siya ngumisi na naman.
"Mauna na ako." tango niya kay Rachel at napalingon sa akin.
"See you later." nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin saka siya umalis.
"Ay te! See you later daw, ano yan ha." pang-aasar na sabi ni Rachel nang makaalis na si Callisto.
"Ano ba! May duty kami mamaya diba."
"Ay oo nga pala! Hala te!" exaggerated niyang sigaw. Gulat naman akong napatingin sa kanya.
"B-bakit?"
"Magkasama kayo mamaya!!! Yyyiiieeee!!" kinikilig niyang sabi at napasinghal naman ako.
Ang OA talaga!
Tinapos na naming kumain at agad na bumalik sa room namin.
***
Uwian na namin kaya inayos ko na ang mga gamit ko, didiretso ako ngayon sa council room, hindi na ako uuwi at bibili na lang ng pagkain sa canteen. May dala naman akong pamalit.
"Una na ako." baling ko kay Rachel. Mapanuksong tumingin na naman siya sa akin.
"Sige te, goodluck sa duty!" paalam niya sa akin at nauna na akong naglakad.
Napalingon naman ako kay Nick na nakatitig sa akin, pero agad din niyang inalis ang tingin saka pa inunahan akong lumabas ng pinto.
Weird.
Lumabas na lamang ako at hindi ko yun pinansin ngunit napahinto ako nang biglang may tumawag sa likuran ko.
"Eunice."
Nagulat ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon, pero nagtaka naman ako nang bigla ring huminto si Nick na nasa harapan ko.
"Wag kang lilingon." mahinang sabi ni Nick na nakatalikod pa rin sa akin pero sapat na iyon para marinig ko ang sinabi niya. Kumunot naman ang noo ko.
Ano ibig niyang sabihin?
To be continued...
***