{KINAUMAGAHAN} Nang magising na si Mrs. Xenos o ang ina ni Matt, ay bigla siyang nagtaka at napabangon sa kama nang mapansing wala roon sa tabi niya ang dalaga. Sandali siyang napatingin sa alarm clock niya at nakitang mag-aalas siyete na pala ng umaga. Bumangon na siya at lumabas ng kwarto upang maghanda ng almusal. Pero kaagad naman siyang natigilan nang makutuban siya na parang may ibang tao roon sa loob ng sala. Dahan-dahan niyang hinakbang ang kaniyang mga paa, dinampot din niya ang walis tambo na nakita niya sa may gilid at hinawakan ng mahigpit. "Hmm.." tinig na narinig niya mula sa isang babae. Maya-maya pa lamang ay may natanaw na siyang isang pares ng paa at kinukuskos ang talampakan gamit ang kabilang paa nito. Lumapit pa ng kaunti si Mrs. Xenos sa babaeng narinig niya hangga

