"Anong sabi mo? dito tayong dalawa matutulog sa loob ng kwarto mo?!" halos nanlaki ang mga mata ni Furi sa gulat nang sabihin sa kaniya ni Matt, na magkatabi silang matutulog ngayong gabi sa iisang kwarto. Napagdesisyunan kasi nilang dalawa na manunuluyan muna sila sa bahay ng magulang nito sa loob ng dalawang linggo. Subalit, hindi naman inaakala ng dalaga na magkasama pala silang matutulog sa dating kwarto nito. Hindi gaano kalakihan ang kama niya. Sakto lamang para sa iisang tao. Kung kaya't nangangamba rin ang dalaga, kung papaano siya makakatulog na katabi ito sa kama. "Bakit? ano namang masama? magkasintahan naman tayong dalawa. At siyaka, wala naman akong gagawing masama sa'yo. Pwera na lang kung iba yung iniisip mo." Nakangising batid ng binata sabay umupo siya sa kama at nakati

