(Sa Canteen) "Uy, Furi. Ayos ka lang ba? kanina ka pa nakatulala diyan ha?" tanong ni Tanya sa kaniya nang mapansin niyang para wala itong ganang kumain at nakatitig lang sa hamburger na hawak niya. "Ayaw mo ba niyan? sa akin na lang kung ayaw mo." Pagbibirong sabi naman ni Kiko sa kaniya at kinukuha ang hawak na pagkain pero kaagad siyang pinigilan ni Nasher, sabay pinalo ito sa kamay. Napatingin lang siya sa kaibigan niya at muling kumagat ng hamburger. "May iba ka pa bang gustong kainin bukod dito?" malumanay na tanong ni Nasher kay Furi. "Bakit? libre mo?" taas kilay na ani ni Tanya sa kaniya. "Ikaw ba ang kinakausap ko?" pagkasabi niya inirapan lang siya nito sa mata at hindi pinansin. "Ako, Nash. Hindi mo ba tatanungin?" muling hirit ni Kiko sa kaniya sabay tinulak lang niya i

