Nakita kaya ako ni Nasher? paglalayag sa isipan ng dalaga habang tinatakpan ang sarili niya ng kumot. "Hoy, ano ang ginagawa mo riyan? at bakit ba nakatalukbong ka ng kumot diyan? hindi ka ba naiinitan?" usisa ng nobyo nitong si Matt sabay inalis niya ang nakatalukbong kumot sa kaniya. Tumingin naman ng masama ang dalaga sa kaniya at muling tinakpan ang sarili niya. "Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan? para kang nakakita ng multo? at siyaka sino ba yung tinataguan mo?" saad pa nito sa kaniya. Sinundan siya ng tingin ni Matt mula sa tapat ng pinto pero wala namang ibang tao roon. Okay lang kaya siya? hindi kaya napuruhan pati ang utak niya? bulong ng binata sa isipan niya at muli siyang lumingon sa dalaga. "Ano, kakain ka ba o maghapon ka na lang ganiyan?" tanong niya. Tila napansin nam

