"Saan mo ba ako dadalhin hijo?" tanong ni Aling Susan kay Nasher. Kasalukuyan itong nasa loob ng sinehan. Nakapiring ang kaniyang mga mata ng puting panyo habang dahan-dahan siyang inaalalayan ng binata sa braso nito. "Basta ho. O dahan-dahan lang po ha?" aniya habang pababa naman sila ng hagdanan. Nang makarating na sila sa pwesto nilang dalawa ay inalis din niya kaagad ang panyong nakatakip sa mata nito. Halos namangha ang matanda sa kaniyang nakita. May malaking screen sa harapan niya at tangging silang dalawa lamang ang nandoon. "Bakit tayo nandito? bakit mo ako dinala sa ganitong lugar? hindi ba't pang magkasintahan lamang ang lugar na ito?" usisa ni Aling Susan sa kaniya. Ngumisi naman ang binata sa kaniya at siyaka inilabas ang isang talumpon ng bulaklak na kanina pa niya itinata

