(VANGIE'S POV) "Naku, bakit kaya wala pa ang mag-lola'ng iyon? mukhang nag-enjoy yata sila masyado sa pamamasyal." Ang sabi ko sa sarili habang tinutupi ko ang kumot ni Aling Susan at inaayos ang mga damit niya. Gusto ko sanang maabutan niya na maayos ang higaan at mga gamit niya sa pagdating nilang dalawa ni Nasher. Nasasabik na akong makipag-kwentuhan ulit sa kaniya. Halos dalawang araw kasi silang nawala rito sa hospital upang mamasyal, habang naiwan naman akong mag-isa rito at pagatas-gatas na lang. Narinig ko sa isang nurse na ngayong araw din ang pagbalik nila sa hospital. Kaya nagmuni-muni muna ako sa labas ng kwarto habang may hawak hawak pa ring isang basong mainit na gatas. "Hello, good morning!" isa-isa kong binabati yung mga taong nakakasalubong ko, pasyente, doktor o nurs

