(NASHER POV : Goodbye and Thankyou) August 01, 2021 ang araw na nawala sa buhay ko ang dalawang babaeng naging parte ng aking puso. Halos sila lang din ang dahilan kung bakit palagi akong nasasabik na umuwi at hinihintay ang pag-ikot ng orasan. Nasanay na ako sa pagtapos ng klase ay dumeretso ako kaagad sa bakery at bumibili ng paborito naming spanish bread. Pagkatapos ay tatakbo ako at apurahang papasok sa loob ng hospital. "Aling Susan! Aling Vangie!" at pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng kwarto ay kinakawayan ko na sila mula sa tapat ng pinto. Palagi ganoon ang ikot ng maghapong araw ko, pero hindi ako nagsasawa bagkus ay mas lalo pa akong nasasabik na makita sila at makipagkwentuhan. Pero ngayong araw na ito, hindi ko alam kung kakayanin ko pang gumising at bumangon sa

