After we had dinner, I learned from Shayla na ang matandang lalalaking kasama ni Matteo ay si Ambassador Pontes. Nakakahiya! Nakita pa tuloy ng kaibigan ni Uncle Gerry na ama ni Gerard ang pagwawala ko kanina! Buwiset talaga yang Matteo na yan! Pahamak! Makakaganti rin ako sa kanya!
"Huy, Tanya! Tama na ang pagtitig kay Matteo na parang gusto mo siyang lapain at patayin!" Si Jackie.
Naputol ang pag-iisip ko at napakurap, saka napatingin ulit kay Matteo na ngayon naman ay nakatingin sa'ken, at kinindatan pa ako! Sira ulo yung makapal na mukhang lalaking iyon! Kinindatan pa ako? Feeling guwapo! Grrrr!
Napalingon ako kay Jackie na nakangiti sa'ken.
"Kinindatan ka, Tanya! Type ka ata ni pogi!" Tukso ni Jackie.
"Tumigil ka nga diyan, Jackie! Kinikilabutan ako! Hitsura pa lang nung lalaking yon, mukhang wala ng matinong gagawin sa buhay." Komento ko na napatirik pa ng mata sa imbyerna.
"Uy, Tanya, wag ka! Nabalitaan ko na si Matteo pala ang CEO ng car manufacturing company sa Brazil. Dapat kaibiganin mo yon para sa'ken, dahil partnership opportunity rin yun para sa business namin. Please?" malambing na pakiusap ng kaibigan ko na si Rainbow.
Napanganga ako kay Rainbow. "Ako pa talaga ang hihilingin mo na makipag-kaibigan sa ogag na yon? Nakita niyo naman kung gaano ka-presko iyon diba? Ayoko ng mayabang na lalake na feeling guwapo and thinks he can get away with everything! Sheyt siya!" Asar kong sabi.
"Ang init naman ng ulo, Tanya! Ako nga gusto na magpakain sa lupa dito eh." Komento ni Pinkie.
"Huh? Baket?" takang tanong ni Rainbow.
"Kasi yun' Marcus, yun' kambal ni Matteo, siya yung sinabi ko sa inyo na nagdala sa'ken sa hotel when I got so drunk and drugged, and he didn't do anything to me." Pinkie explained.
"What?" gulat kong tanong.
"OMG! As in baka meant to be talaga na magkita kayo!" Kinikilig na sabi ni Jackie.
"Tingnan mo 'tong babaeng to! Ano bang nakain mo at ikaw ang kinikilig kilig diyan? Diba dapat dalagang Filipina ang peg natin?" paalala ko kay Jackie at sa mga kaibigan ko.
"Alam mo, para mawala na lang yang pagka-imbyerna mo, uminom na lang tayo." Aya ni Rainbow at naglakad na kami papunta sa mini-bar ng mansion.
Iniwan namin sina Rori at Percival sa dining hall habang nakikipagkuwentuhan sila sa mga Pontes boys. Si Ambassador Pontes naman ay umakyat na sa silid nito para magpahinga.
Nag-inuman na lang kami ng mga kaibigan ko habang naglalaro ng bilyar, nang dumating sina Rori at Percival, pero kasama na naman ang mga Pontes boys. Kumuha ng mga sticks ang mga ito at mukhang maglalaro rin. Si Pinkie ang tumitira nung time na iyon at napatigil ito sa pagtira at bumalik sa puwesto namin. Si Rori naman ay lumapit sa'min.
"Anung ginagawa ng mga yan dito?" tanong ko kay Rori habang umiinom ng beer.
"Eh... ladies, sorry ha? Inaya kasi ni Percival na maglaro ng billiards yung Pontes boys with us. Bonding moment daw..." Rori apologetically said.
"Si Oppa naman eh..." I grumbled.
Ang mga lalake naman ay tinuloy ang paglalaro ng billiards. Kami namang mga babae, walang nagawa kungdi tumahimik sa isang tabi at uminom. Admittedly, naka-apat at kalahating bote na ako ng beer. Ganuon katagal na naglaro ang mga lalake! Si Rainbow naman ay naiinip na dahil gusto rin nitong maglaro, pero hinihintay pa rin namin matapos ang mga lalake.
Lumapit si Rainbow kay Percival. "Oppa, matagal pa ba kayo maglalaro? Gusto rin kasi namin maglaro eh." Paliwanag ni Rainbow kay Percival.
"Okay," sabi ni Percival and spoke to Matteo. "The girls like to play billiards too." h
"Why do we have to take turns? We can play together, right?" Maximillan said and walked beside Rainbow.
"We went here first." Sagot ni Pinkie sounding territorial. "And, we don't want to play billiards with you."
Ngumiti si Marcus at lumapit kay Pinkie. "You know, beautiful women like you shouldn't be getting drunk. You might just pass out, and find yourself in some hotel room..."
Namula si Pinkie at hindi nakapagsalita. Ako naman nairita na, palibhasa feeling ko si Marcus ay si Matteo kaya pareho akong naiinis sa kanila.
"Boys, we came here first, and we were quietly doing our own thing, when you just suddenly appeared, and took over the game. Where are your manners?" I haughtily said.
"What are beautiful women like all of you doing here, playing billiards and getting drunk? You should reserve your strength and live in our home, cook, take care of us men, love and serve us. Come with us to Brazil, and we will show you how we love our women!" Malik teasingly said to no one in particular.
"Ugh! What do you think of us, women? Slaves?" asar na sagot ni Jackie. "You Brazilians! Go back home!" Anito na lasing na.
Matteo walked and passed by in front of me. "If you want to claim the billiards table, you should beat us in a billiards game." Hamon nito.
"Fine!" Si Pinkie ang sumagot. "We'll show you!" Mayabang pa nitong sabi. "We can beat you in billiards!"
Mabuti na lang at dumating na sina Shayla at Gerard sa loob ng billiards room.
"Anung nangyari?" nagtatakang tanong ni Shayla kay Percival.
"Yun' mga pinsan mo kasi nambubuyo dito sa mga girls. Ayaw pagamitin ng mga pinsan mo ng table o pasalihin man lang sa game namin yung mga babae. Dapat daw sa bahay lang sila at nagmamahal at nagpapasaya sa aming mga lalake. Hindi kung anu-ano ang ginagawa sa buhay katulad daw ng billiards." Si Percival na natatawa. "Kaya ayun, nagrereact yun' mga kaibigan mo. Naghahamon ng billiards game."
"Andito na ang pangbato natin, girls!" Excited na sabi ni Rainbow na umakbay kay Shayla.
"We can beat you guys in billiards! Let's make a bet!" Mayabang pang sabi ni Pinkie.
"B-bet?" ninerbyos na ang kaibigan naming si Shayla.
Lumapit si Marcus kay Pinkie. Sobrang lapit na parang hahalikan na ni Marcus si Pinkie. Napaliyad ng kaunti si Pinkie pero hindi ito nagpatinag kay Marcus. "Sure." Matapang na sagot nito.
Lalo tuloy akong naimbyerna sa kanila, especially kay Matteo na panay ang tingin sa'ken. Siya ang nagpasimuno ng bet na'to! Mabuti na lang magaling si Shayla, Pinkie at Rainbow sa billiards. They are not the average billiards players. Puwede ngang sumali sa competition ang mga ito at maging professional sa larangan ng paglaro ng billiards, pero hindi lang mahilig sumali sa mga competitions ang mga ito. Siguro pag gipitan lang. Sinubukan na rin ng kaibigan namin na si Shayla makipagpustahan para kumita ng pera pero since laro ito ng mga lalake, kahit manalo si Shayla, medyo delikado din kami sa mga lalakeng nakakapustahan namin paglabas namin ng bilyaran kaya hindi na namin inulit. Sa beauty pageants na lang sumasali si Shayla para magkaroon ng kaunting allowance. Pantawid ba sa araw araw.
Napatingin ulit ako kay Matteo dahil nakikita kong nakatingin siya sa'ken from my peripheral vision. Nakuuu! Makakatikim talaga ito sa'ken! Ang yabang yabang!
"Here's the deal." I finally said. "If the girls win, you'd run out on the beach tomorrow morning without clothes, and just wearing leaves from the palm trees. One leaf in front and one your back. You will also run with a placard that says "I GOT BEATEN BY FILIPINO GIRLS IN BILLIARDS."
"And we would take a video of all of you running." Dagdag ni Rainbow.
That would be very humiliating! I victoriously thought.
Alam ko na nag-aalala ang pinsan ko sa aming mga babae pati na rin si Percival pero hindi kasi nila alam na magaling sina Shayla, Pinkie, at Rainbow sa billiards.
"And if you lose?" tanong ni Percival. Katulad ni Gerard, feeling nito ay matatalo kami sa billiards kaya nag-aalala din ito sa parusa na ibibigay sa mga babae.
Nag-huddle ang 4 na lalake.
"Hey, you two," tawag ni Malik kay Gerard and Percival. "What are you standing there? Join the huddle if you don't want to show your balls in public tomorrow, because you're part of the boys' team."
Gerard and Percival reluctantly left Shayla and Rori to join the boys' team.
One part of my heart got touched by the Ponce boys because they were both worried na baka magtampo ang mga partners nila sa kanila. Sana... kung papalarin din ako, gusto ko rin ng ganung klase ng lalake. Yung someone who will be exclusively mine and would care about how I feel.
Napatingin na naman ako kay Matteo! Haist! Baket ba ang mata ko ay parating namamagnet kay Matteo? Oo na, guwapo siya, pero bukod dun, wala na!
"Alright boys! It's settled then. Let's go and beat these girls!" I heard Matteo say before he ended the huddle at kumuha ng tako malapit sa kinauupuan kong stool. "If we win, you girls will be our slaves for the rest of your stay here, and until Gerard and Shayla's wedding." He smirked. " You'll be mine. My slave..."
Inirapan ko siya. "Duh? Did he just threaten me?" baling ko sa mga kaibigan ko, while he stared at me with a smirk on his face.
"I think he did." Si Pinkie iyon na napakagat labi. Aaminin ko na nakaramdam ako ng kaba, pero hindi ko puwedeng ipahalata iyon sa mga kabarkada ko dahil kakabahan din pihado ang mga iyon.
"Sus!" Sagot ko dahil confident akong mananalo kami.
Pero si Jackie ay umalma. "What? Ganun katagal?"
"That long?" si Rainbow naman.
"Shayla, galingan mo ha! Umpisa pa lang ng game, ubusin mo na yun' balls!" si Pinkie yun na pinaka-ayaw na matalo dahil sa inis nito kay Marcus.
Pati tuloy ako ay bahagyang ninerbyos dahil ninerbyos ang mga kaibigan ko. I had to do something.
"Wait a minute! I think that's unfair!" Apila ko, unsure why I was appealing in the first place.
"No, it's not, dear." Sagot ni Matteo. He grinned at my reaction. "Would you want to run naked outside if you lose, or would you rather spend the time with me? We can spend our days in a hotel, if you like."
Sinasabi ko na nga ba! Bukod sa feeling guwapo 'to, feeling nito he's God's gift to the female race! Ugh!
"Pervert!" Galit na sagot ko at nginitian lang ako ni Matteo, with a threatening spark in his eyes that sent shivers to my body.
"Alright girls, hindi tayo puwedeng matalo dito." Si Rori yun that huddled us girls together.
"Oo nga! Ayoko maging slave ng mga Brazilian na yan. Ang hahangin na, ang kakapal pa ng mukha!" Bwisit na sabi ni Jackie.
"Kaya nga. Ganito ang strategy. Unang titira si Shayla." si Rainbow iyon at bumaling kay Shayla. "As much as possible, ubusin mo na ung 9 balls. Susunod na titira si Pinkie dahil siya ang next na magaling sa billiards. Then ako." sabi nito.
"Then si Tanya." si Jackie yun.
"Oh! Eh ba't ako? Alam niyo naman hindi ako magaling sa billiards." Gulat at worried kong tanong.
"Huli ako, pls? Alam niyo naman na hindi ako kagalingan sa billiards. Paglutuin niyo na lang ako!" si Jackie iyon.
Assessing our situation now, may pakiramdam ako na pare-pareho kaming ninenerbyos na mga babae, pero hindi kami dapat panghinaan ng loob kahit na binubully kami. Dapat 'fighting' pa rin no matter what!
"O sige na nga! For sure, hindi naman aabot sa'tin yun eh kasi uubusin na yun ni Shayla. Diba Shayla?" Pumayag na rin ako na mauna kesa kay Jackie.
"Wag nga kayong ganyan! Ninerbyos ako sa inyo eh!" Reklamo ni Shayla na kagat kagat ang na ang daliri.
"Ladies, hurry up. Time is running out." Sabi ni Matteo, nampe-pressure.
"I can't wait for my back massage later!" Si Marcus iyon na umiinom ng beer at nakatingin kay Pinkie.
Naningkit ang mata ni Pinkie at binigyan ng isang 'f*** you' sign si Marcus. Napatawa naman ang mga lalake sa dalawang iyon.
"Listen up! This is a race to three. Good luck boys and girls!" Ani pa ni Matteo na sa assessment ko ay ang tumatayong leader ng grupo ng mga lalaki.
Sa amin kasing magkakabarkada, ako ang tumatayong leader ng grupo, pero I don't let it get to my head. I'm just leading because no one from my girls want to take the lead.
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko si Percival. "Toss coin na!"
"Head or Tail?" tanong ni Matteo sa tapat naming mga babae.
"Head." Si Rainbow na ang matapang na sumagot.
Hinagis ni Percival ang Php 1 coin. Ang lumabas ay tail. Una ang mga lalaking sasargo. Sinet up naman ni Malik ang table.
Si Maximillan ang sumargo. Pumasok ang 1, 7 at 8.
Napalunok si Jackie at lumapit kay Shayla at sa akin. Tiningnan ko rin si Shayla at nahalata ko ang pagkanerbiyos niya.
"Shayla, kaya natin 'to! Ikaw ang pambato natin!" I cheered pa.
Tumira ulit si Maximillan. Tinira nito ang 2. Pumasok. Tinira din nito ang 3, na malapit sa 4. Sunod sunod itong pumasok sa isang tira. Tinira nito ang 5, at tumama ito sa 9.
1-0.
Napanganga kaming mga babae. Nakaramdam na siyempre ako ng kaba, at napainom ng marami ng beer. Si Rainbow naman ang nag-set para sa next game. Dapat ay titira si Maximillan, pero hindi ko alam kung bakit pumalit si Gerard. Ito naman ang sasargo. Pumuwesto ito sa gilid atsaka malakas na sumargo. Maraming bola ang pumasok kabilang kaagad ang 9.
2-0.
Naghiyawan ang mga boys at halos magtitili at padyak kaming mga girls dahil pangalawang panalo na ng mga boys. Isa na lang, talo na kami! Waaaah! Ang gulo naming lahat. Buwisit na buwisit kami lalo na kung makatalon yung mga boys ay parang nanalo sa lotto. How did I forget na marunong rin nga pala itong si Gerard sa billiards! Waaaaah!
"Alright guys. Because we finished the game this fast, and because we are gentlemen..." lumingon pa ito sa akin sa pagsabi na gentleman daw sila. Inismiran ko tuloy. "What if we make the game race to 5 for the girls' sake? What do you say guys?"
Pumayag ang mga lalaki na animo'y nag-eenjoy na makita kaming mga babae na napipikon, pero walang magawa.
Napatingin na ako sa kaibigan kong si Shayla na tahimik lang na umiinom ng juice. "Shayla..." hinawakan ko ito sa kamay at naramdaman ang panlalamig ng mga kamay nito. "Naku best friend, this is not the right time para bonggang bonggang nerbyosin. Ipaglaban mo tayo!" Sabi ko. "Ayaw naming maging slave. Ayoko maging slave kay Matteo! Nakita mo ba ang pinsan mo? Mukhang rapist! Huhuhu!" Sabi ko.
Napatawa naman si Shayla sa'ken.
"Baliw ka rin minsan Tanya! Oo na, susubukan ko." Shayla said.
Nag-set up si Percival for game 3. Si Malik naman ang sumargo. 4 na bola ang pumasok. Muntik na din ang 9 pero nakabitin lang ito sa butas. Tinira ni Malik ang susunod na bola pero di pumasok.
"YES!!!" Sigaw naming mga girls. Ito na ang pagkakataon namin!
"Your funeral, boys..." Si Rori iyon.
"Go bakla!" Sigaw ni Jackie kay Shayla. Ako naman, panay ang bulong na sana manalo kami.
I just couldn't imagine being slave to that Matteo! Ngiti pa lang niya, kumukulo na ang dugo ko! Grrr! Mabuti na lang nakahabol kami dahil kay Shayla. Napa-reak ang lahat ng lalaki maliban kay Gerard at Matteo. Pero itong si Matteo, parang hindi natitinag. Nilakasan pa nito ang boses at nagsalita sa pagitan ng mga nag-aasarang magkabilang grupo. "All right girls and boys! We will add a new rule in the game."
"New rule?" I reacted.
"Yes, sweetheart." Baling niya sa'ken with sweetness in the tone of his voice that I couldn't decipher. "Here's the rule. Each team can strategize on how to win. You can try to stop the opponent or distract, but hands off the stick and the balls. There's a 5 second countdown. If you don't hit the ball before the timer, it'll automatically be the opponent's turn."
Nag-huddle ang mga lalake samantalang kami namang mga babae ay nag-usap na rin.
"Ano pang pag-strategize ang kailangan nilang gawin?" I commented and crossed my arms as I was getting impatient with the boys.
Palibhasa mga takot tumakbo na nakahubad! Lol! Naisip ko.
Finally, natapos din ang pagpupulong ng mga kolokoy at nakangising naghiwa-hiwalay ang mga ito. Lumapit si Maximillian sa pool table at nag-set up na. Pumunta naman ang mga lalake sa puwesto naming mga babae na pare-pareho naming ikinagulat.
"Hoy! Ba't kayo nandito? Dun kayo sa kabila. Wala kayong pupuwestuhan dito." Si Jackie iyon.
Tumabi si Percival kay Rori. Si Marcus, kay Pinkie. Si Malik, kay Jackie. Si Maximillan, kay Rainbow. At si Matteo, sa'ken.
Samantala, ang pinsan ko namang si Ardy ay lumapit kay Shayla na kasalukuyang inaayos ang pato o puting bola sa lamesa. Si Shayla kasi ang muling sasargo. Gerard tried to distract her by seductively kissing her on the cheek. Napatayo ako sa kinauupuan kong stool. Hinawakan naman ako ni Matteo sa braso.
"Go on baby girl. Let's start this game rolling." Ani Matteo.