Four

1373 Words
"How am I supposed to that when he's trying to tickle.. me?" hindi na natuloy ni Shayla ang sasabihin dahil na-realize nito ang plano ng mga boys. "Ito pala ang strategy niyo ha? Ang ma-distract si Shayla para hindi makatira? Ang mga damuhong 'to!" Si Rainbow iyon na pupuntahan dapat si Gerard at itutulak ito papalayo kay Shayla pero pinigilan ito ni Maximillian. "Not too fast my cute racer." Anito kay Rainbow na ikinagulat namin pare-pareho. Hindi namin alam kung bakit alam nito na car racer si Rainbow. Akmang papunta na ang ibang mga kabarkada ko para pigilan si Gerard, but they were hindered by the boys. "Wait a minute! You can't do this!" I protested as Matteo tried to block me na para bang nakikipagpatintero sa'ken. "Who said we can't?" si Matteo. "All we agreed about is the punishment. We didn't discuss about limits on strategies. As long as we're not hurting each other and no hands are touching the balls or the stick, I don't think we are committing foul play with our brilliant strategy, technically speaking." Ngisi pa niya. "You've got anything to say Ms. Lawyer?" aniya na ikinagulat ko. Nagtaka kasi ako kung bakit parang alam nito na nag-aaral ako ng law. Because of Gerard, hindi naipasok ni Shayla ang mga bola nang sumargo ito. Pumuwesto na si Maximillan para tumira ng ball # 1. Si Rainbow naman ay pumunta sa billiards table sa gilid ni Maximillan. Ngumisi lang si Maximillan at aktong titira na. Nang patira na ito, itinaas ni Rainbow ang skirt nito at inilantad ang makinis nitong hita sa harap ni Maximillan. Napanganga naman kaming dalawa ni Jackie dahil pareho kaming may pagka-manang. "Now, let's see how you resist that?" maangas na sabi ni Rainbow. Nawala sa buwelo si Maximillan at wala rin' natira. Effective! Nagulat ako. "What the hell!" Napasigaw si Marcus. Humarap si Rainbow sa aming mga babae. "Girls, if they want to play this game, are we going to back down?" "Noooooo!" Si Pinkie iyon. "Bring it on, boys!" Sigaw ko with fighting spirit and gave Matteo a death glare. Pumuwesto na si Pinkie para tumira. Lumapit sa kanya si Marcus at inamoy amoy ang ulo niya. "Flip!" Asar na sabi ni Pinkie bago tumira. Pumasok na ang #1. Sumunod ang #2. "It's not working Dude! Do something!" Utos ni Malik. Hinubad ni Marcus ang suot na t-shirt at nilapit ang abs malapit sa braso ni Pinkie habang naka-stretch ito para tumira. Naturally, lahat kaming mga babae ay nagulat sa ginawa ni Marcus. Maghubad ba naman sa harapan namin ang isang demi-god? Kungdi ka ba naman ma-shock. "Waah!" Si Pinkie naman ay nagpanic at nagtakip ng mata. Binitiwan nito ang taco at bumalik sa puwesto namin. "Hahaha! Tira na Pinkie!" Natatawang sabi ni Percival. "Countdown timer starts now! 5-4-3-2-1!" Si Marcus yun at lumapit na si Percival sa table. Napasigaw kaming mga babae sa gulat dahil may countdown pa silang nalalaman! "Anung count down? Ang daya daya niyo talaga!" Si Jackie iyon na galit na. "Hey, cool down Jackie. You're turn will come." Nanunuksong ngiti ni Malik. Napa-atras naman si Jackie. "Rori, do something!" Natarantang sagot ni Rainbow dahil nakapuwesto na si Percival sa billiards table at titira na ito. "Baby!" Si Rori iyon na natarantang lumapit kay Percival. Lumusot si Rori sa ilalim ni Percival at naupo sa table paharap dito. Hinarang ni Rori ang dibdib sa mukha ni Percival at inakap ang ulo nito. Nagtawanan ang lahat sa ginawa ni Rori. "Teka lang, Baby!" Percival said in muffled voice as he tried to remove Rori's arms around his head while his face was facing her chest. Naka-ilang attempts din si Percival para bitawan ito ni Rori, pero habang sinusubukan nitong alisin ang kamay ni Rori sa ulo, mahuhulog naman si Rori sa billards table kaya kinarga na lang ito ni Percival papalayo sa billards table. Napasigaw si Rori dahil binuhat ito ni Percival na parang barbarian, at nilagay sa balikat nito. Dinala ni Percival ang girlfriend sa side ng mga boys at naupo sa isang stool habang kandong si Rori. Hindi na nakatira si Percival dahil lumapit na si Rainbow. At dahil dito ay lumapit na din si Maximillan. "Subukan mo!" Pinakita ni Rainbow ang kamao na nanakot kay Maximillan na susuntukin ito ni Rainbow pag lumapit ito. Umatras naman si Maximillan. Kinantyawan tuloy ito ng mga kapatid dahil under de saya daw ito kahit hindi pa man nakakapanligaw sa kaibigan kong tomboy. Nakatira si Rainbow. Pumasok ang #3. Nakaisip na ng paraan si Maximillan para madistract si Rainbow. Kinuha nito ang ilang strand ng buhok ni Rainbow at kiniliti ang tenga nito habang tumitira. Napabaliko tuloy ang tira ni Rainbow. Lumapit naman si Matteo para tumira. Mabilis kumilos ang mokong! Bago pa ako nakapag-reak at nakarating sa billiards table, ay nakatira na siya ng #s 4,7 at 9. Naging 3-2 tuloy ang score. Huhuhu! Buwiset talaga tong mokong na 'to! Napatanga lang tuloy ako sa corner ng billiards table at hindi alam ang gagawin para pigilan ang mga tira ni Matteo. Sinet up na ni Rainbow ang table para sumargo si Matteo. At dahil sa may untouched pang mga beer malapit sa billiards table, nilagok ko ang isa sa mga ito. Pampalakas ng loob. I hope this works! Ninenerbyos kong naisip. Pumunta ako sa likod ni Matteo na pasargo na. From the back, inakap ko si Matteo and seductively touched Matteo's chest. I rested my front on his back, letting him feel me. Napatigil saglit si Matteo sa ginawa ko, pero dineadma lang niya ako, at itutuloy na ang pagsargo kaya naman napilitan akong ibaba ang kamay ko papunta sa matigas niyang abs papasok sa kanyang belt. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko samantalang napa-urong si Matteo papalayo sa mga mga kamay ko, at nagitla ako nang bigla siyang humarap sa'ken. We stared at each other's eyes for a quick second, but those few seconds made me feel something at the pit of my stomach. It was like I had butterflies flip-flopping inside, and my knees were turning like jelly. Parang nagso- slow-motion ang lahat habang papalapit ng papalapit ang mukha ni Matteo sa'ken. "Countdown! 5-4-3-2-1!" I heard Pinkie shout, which sent me back to reality, at napaatras ako papalyo kay Matteo. Napangisi si Matteo at itinuro si Gerard. "You should be thankful to your cousin I'm not going to ravish you here." Bulong ni Matteo sa'ken. "At least... not yet." I don't know what came over me, but I felt excited as he said that, as if it was a promise I hope he would keep. Ang landi ko! Ano bang nangyayari sa'ken? Huhu! I felt disoriented because of my own thoughts kaya naman nang ako na ang titira ay wala ni isang pumasok. Huhu talaga! Si Marcus naman ang tumira at pumasok ang lahat ng tira nito. "Oh no!" Tili naming mga babae. Sinet ni Percival ang table. At ang pa-sargo na si Marcus ay itinulak ko si Pinkie papunta kay Marcus. Nakita ko kay Pinkie ang pagka-pressure. Ang malditang lukresia, napressure? Naisip ko. At laking gulat ko nang hinalikan nito si Marcus. Napatigil si Marcus pag-sargo at umakap kay Pinkie at tinugunan ng halik nito. Mabilis ko namang naisip na mag-countdown. "5-4-3-2-1!" Ani Rainbow. As soon as the countdown ended, tinulak ni Pinkie si Marcus at napahawak sa labi. Si Marcus naman ay nakatulala lang kay Pinkie. Ang ingay ng mga lalake. Kinakantyawan si Marcus dahil natulala ito. Hinila ko naman si Pinkie at hinila naman ni Rainbow si Shayla na nagpapanic dahil hindi nito maisip kung paano ididistract si Gerard. Tumingin si Gerard kay Shayla at kinindatan ito. "Oh no! Na-love struck na si Shayla!" Napakagat labi kong sabi habang pinapanood ang kaibigan kong napatulala sa guwapo kong pinsan na gusto ko ngayon dagukan. "Ampf! Ikaw ang nadidistract e!" Sabi ni Rainbow kay Shayla kaya naman lumapit na ito sa lamesa at umupo sa gitna. Nakangiti lang si Gerard kay Shayla and wrapped his arms around her. Umarte si Shayla na parang mahuhulog sa billiards table kaya hinawakan ito ni Gerard, pero dahil sa nakatira na ito, pumasok pa rin ang bola. "Waaaaaaaaaaaah!" Sigaw naming mga girls dahil natalo kami. Huhuhu!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD