Hay! Kung nasasampal lang ang puso, sinampal ko na ang puso ko! Pesteng puso, nababaliw na naman kay Matteo! Hindi pwede 'to! Kailangan mapigilan ko ang sarili ko. Isip isip din pag may time! Di porket may nangyari na naman sa'min ni Matteo, dapat pagkatiwalaan ko na siya ng buhay ko. Who knows baka nililinlang lang niya ako dahil may kailangan siya sa akin. Paano kung kailangan lang niyang makuha ang anak ko, at iiwan din niya ako para kay Isabela? Kasi in the first place naman, si Isabela na ang nauna sa puso ni Matteo, masaklap mang aminin ito sa sarili ko. Pero nang sumakay kami sa truck at narinig ko ang kantang 'No Other Love', something changed in me... "No other love can warm my heart. Now that I've known the comfort of your arms. No other love, oh the sweet contentment th

