CHAPTER ELEVEN PRIANNE Napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa lakas ng hangin na kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi ko napanuod sa local news kanina ang weather report kaya hindi ako nakapagdala ng payong. Hindi tuloy ako handa na salubungin ang masamang panahon para makauwi. Kung bakit ba naman kasi nagpaiwan pa ako rito sa headquarters mag-isa. Wala na tuloy akong kasama, wala pa akong load para magsabi kay Pierre kung pwede niya akong balikan dito sa school dahil nagpaiwan na ako sa kanya kanina. Mukhang hahayaan ko na lang na mabasa ako sa ulan para makapunta sa sakayan. "Cha..." Lumingon ako nang marinig ko ang pangalan ko at nakilala ko na agad kung sino ang tumawag sa akin. Isang tao lang naman ang may nickname sa akin ng ‘Cha’. "Uy Andre, bakit nandito ka pa?"

