CHAPTER TWELVE PIERRE Prianne suddenly broke the kiss and quickly rushed out of the car. Dire-diretso siyang pumasok sa bahay nila dahil sa tapat lang ako ng gate nito huminto kanina. Binuksan ko ang pintuan mula sa side ng driver's seat at sinubukan ko siyang habulin. Masyado siyang mabilis at dire-diretso na tumakbo papasok sa loob ng bahay nila. "Prianne, sandali lang! Please, let's talk!" sabi ko naman at nakita kong isinasara na ng mommy niya ang gate ng bahay nila. "Tita Mindy, please... kailangan ko siyang makausap. Hindi pa po malinaw ang napag-u-usapan namin," pakiusap ko sa kanya at umiling naman siya sa akin. She even gave me an apologetic look and a sad smile. "Pierre, alam kong wala akong alam sa kung ano man ang nangyari sa inyo ng anak ko pero siguro, kailangan mo muna

