CHAPTER EIGHT PRIANNE "Anak, hindi mo na ba kasabay pumapasok si Kaylee?" tanong sa akin ni Mama habang kumakain kami ng almusal. "Hindi na po, Ma. Sila na kasi ni Gian ang sabay na pumapasok. Ayaw ko namang makasira sa moment nila," paliwanag ko habang kumukuha ng scrambled egg. Nanliligaw na si Gian sa best friend ko. Sa wakas! No'ng mismong araw raw nang pag-u-usap namin ni Pierre sa tambayan, 'yon din daw ang araw na pumayag si Kaylee na magpaligaw kay Gian. Actually, masaya kami ni Pierre para sa kanilang dalawa. They both deserve to be happy. "Ikaw, kailan mo balak magpaligaw?" tanong naman sa akin ni Mama kaya muntik na akong masamid sa harap nila ni Papa. "Maaaa! Wala pa 'yan sa isip ko!" depensa ko agad. "Mama, ano ba naman 'yang tinatanong mo kay Chantal," singit naman ni

