CHAPTER NINE PIERRE "Anak, bakit naman Biyernes Santo ang mukha mo? May nangyari ba?" tanong agad sa akin ni Mama nang makarating ako sa bahay. Umiling lang ako pagkatapos kong humalik sa pisngi niya. "Wala 'to, Ma. Shower lang muna ako. Mainit," paalam ko na lang sa kanya at pumunta na ako sa kwarto ko para maligo at magpalit ng damit. Hindi ko rin alam kung bakit wala ako sa mood. O siguro, alam ko naman pero ayaw ko lang tanggapin ang dahilan kung bakit sobrang badtrip ako. Nahiga lang ako sa kama ko habang ibinabato ko sa kisame ang maliit na bola na hawak ko. Paulit-ulit ko lang 'yong ginawa hanggang sa narinig kong tumunog ang phone ko. 1 message received... Yahnie ganda: Hi, Pierre! Sorry kung hindi ako nakasabay sa'yo ngayon. Andre offered me a ride and nahiya naman akong t

