Chapter 12 - Captivated
"Once upon a time, there was a Princess... who fell inlove for the first time."
"Is it hard?"
"What?"
"To fell inlove?"
"No. Not at all."
Aya's POV
"Oy! After 30 minutes magpeperform na kami kaya makakauwi na tayo after nun." Sabi ni Paul na kailangan pang kumaway sa harap ko dahil sa pagkakatulala. Agad ko namang tinabig ang kamay niya na nakakunot ang noo.
Hanggang ngayon kasi naguguluhan pa rin ako sa walk out moment ni Vince tapos parang ang seryoso ata nang usapan nina Manager sa kabilang sofa.
"Wag kang mag emot jan. Di sa'yo bagay." Natatawa pa niyang sabi. Tiningnan ko lang ito ng masama.
"Alam mo maganda pa rin ako kahit saan anggulo kaya buti pa't lumayas ka sa harap ko bago kita gawing unggoy." Singhal ko naman dito na ikinatawa lang niya. "Pasalamat ka nga't nakikiramay na ako in-advance kung sakaling hindi na kayo matuloy sa Korea."
"We will never know." Pansin kong badtrip din ito pero pinipilit nalang maging motivated.
"Teka, paano kayo magpeperform ngayong gabi eh hindi pa bumabalik ang isa sa inyo magmula nang mag walk-out ito kanina?" Naguguluhang tanong ko rito.
"Don't worry, darating si Vince. Alam niyang exactly nine ang performance namin. Hindi yon pahuhuli." Paliwanag naman nito pero hindi ako convinced.
"Baka nga umuwi na nang tuluyan ang malamig na yelo na'yon dahil hindi siya sang-ayon sa lakad niyo." Kung ako si Vince baka yon nga din ang gawin ko.
"Nah. He will never do that. Hindi siya ganoong kababaw na tao. Sabihin na nating mas mature pa siya mag isip kay'sa sa'tin." Sagot naman nito sabay kindat pa sa'kin. Ew! Inirapan ko na lang ito tsaka binalik ang tingin ko sa malaking flatscreen TV dito sa VIP room.
Nang wala na itong maisip na sasabihin ay sandali itong nag excuse para pumuntang CR.
Dumikit sana pwetan niya sa bowl nang mabawasan ang hangin sa utak.
Natatawa na lang ako sa sarili kapag naiisip kong mangyayari yon.
"Huwag na lang natin ituloy loves." Dinig ko namang sabi ni Sir Miggs kay Miss Diana.
Sandali akong lumingon sa kanilang gawi pero ibinalik ko din agad ang tingin sa pinapanood ko. Baka isipin nila na nakikichismois ako.
Pero slight lang. Hehe.
"Hindi ba't matagal mo nang pangarap na makasali ang mga alaga mo sa International contest na'to?" Nag aalala namang sagot rito ni Miss Diana.
"This event only happens once in every 3 years. You better think it over Miggs." Paalala naman rito ni Sir Belmont.
Kunwari'y abala akong nanonood ng palabas pero ang hindi nila alam ay nakikinig na pala ako sa kanila.
Sina Mike at Alex naman ay kanina pang lumabas papuntang back stage sa baba para maghanda sa magiging performance nila mamaya kaya ako nalang natirang nakaupo dito ng mag-isa sa kabilang sofa na limang metro ang layo kina Sir. Tapos si Paul ayon, baka nilamon na ng lababo.
Kunti na lang talaga at mababadtrip na ako kay Vince. Pangaralan ko kaya ang lalaking iyon? Mature daw? Pero ang arte kung maka walk-out. Daig pang babaing may menstruation. Ipinaglihi kaya iyon sa sama ng loob? Naku! Kung di'ko lang yon bet baka inupakan ko na. Sa kanilang lahat siya lang ang di'ko gets ang personality though I find him mysterious and charming. Hay iwan!
Naaawa naman ako kina Sir at ng banda. Matagal na kasi nilang gustong sumali sa contest na'to. Masasabi kong maswerte ako kung makakasama ako sa lakad nila. Sa dinami-rami kasi ng bansa ay sa South Korea ito napiling idaos ngayong taon. Isa pa naman sa pangarap kong makapunta roon.
In every 3 years kasi ay sa iba't-ibang bansa nila ito ginugunita. Parang Miss Uiverse lang ang peg kaso taon-taon lang ang Miss U habang ang International contest na'to ay once in every three years lang.
3 years ago kasi ay hindi pa gaanong sikat ang Smug Wolves atsaka nagkaroon ng kunti problema sa travel pass nila kaya hindi sila natuloy.
Bakit ko alam? Siyempre, maliban kay Paul ay napapaligiran ako ng mga tsismosang fan girls and fan gays sa school kaya sa ayaw ko man at sa gusto, makakarinig at makakarinig talaga ako ng balita tungkol sa kanila. Daig pa nila ang Wifi namin sa dati naming dorm. Malalakas ang signal.
Tumigil nang magkwentuhan sina Sir at halos abala silang tatlo sa cellphone nila. Nainip na ako sa pinapanood ko kaya naisipan ko nalang lumabas mona at magpahangin. At kung sakaling makita ko man si Vince sa labas ay baka bugbugin ko nalang ito dahil sa boredom. Di joke!
Hindi na ako nagpaalam dahil sandali lang naman ako sa labas tsaka ayaw ko na silang abalahin pa.
Pagbukas ko ng pinto palabas ng club ay agad bumungad sa akin ang malamig na ihip ng hangin sa gabi. Napayakap na lang ako sa sarili ko na may kaunting pagsisisi sa utak, sana pala dinala ko yong blazer ko na naiwan ko pala sa loob.
Pumwesto ako sa isang maliit na bench malapit pa rin sa club na may lampposts. Iginaya ko ang aking paningin sa paligid. Kapansin-pansin ang mga masasayang tao dito sa labas. May mga fans pa na excited habang naghihintay sa performance ng Smug Wolves. Halata sa mga suot nilang Wolf-ear headband. Akalain mo nga naman. Ang lakas talaga ng hatak ng mga 'yon. Pagpatak kasi ng alas-nwebe ay automatic nang pinapapasok ang mga may ticket para makapanood ng performance ng gusto mong band. The band usually performs five to eight songs kaya worth it din naman.
Kumunot ang noo ko nang makita ang nakasulat sa tarpaulin ng isa sa mga fans nila.
Saranghaeyo Paul Oppah!?
Daisuki Vince Kurigawa?
Gowaaynie Mike Chen ?
We love you Alex Santos! ?
Muntik na akong matawa! Buti na lang napigilan ko ang sarili ko dahil kung hindi baka makatanggap ako ng death glare galing sa mga die-hard-fan nila.
However, I've realized na bagay talaga sa isang International na contest ang Apat. Isang mukhang Koreano which is Paul na I wonder kung may lahi kayang Korean ang tunay nitong mga magulang? Isang Japanese guy naman na si Vince, tapos half Chinese guy na si Mike at pure Filipino na si Alex. How Ironic. Asia's got talent ang peg nila nuh?
Tumingin naman ako sa ibang direksyon sa malawak na garahe ng club. Mayroon din namang nakakalat na ibang mga tao sa palagid. Mayroong mga nag-g-groufie, nagkukwentuhan at... nagliligawan sa madilim na sulok. Sus, walang poreberr. Kaya huwag magtitiwala sa dilim dahil madaming kababalaghan ang nangyayari jan.
Nang mabored na ako sa pagmamasid sa mga tao ay naisipan ko na lang maglakad-lakad. Sandali akong napatigil at pinagmasdan ang paligid. Parang may sumusunod sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon pero parang nanindig ang balahibo ko sa batok.
May Multo kayang sumusunod sa akin? Sabi kasi nila kapag nanindig daw ang balahibo mo sa batok at ay may nakatingin daw na multo sa likuran mo. Myged! Ayoko na! Babalik na ako sa loon!
Dahil sa takot ay dali-dali akong naglakad pabalik sa club. Tumingin mona ako sa relo ko at nakitang 8:43 na, labing-pitong minuto na lang at mag uumpisi na sila.
Unti-unti namang pinapapasok ng mga bouncer ang mga manonood ng live band habang chini-check ang mga ticket nila kaya agad napawi ang takot ko dahil sa nakikitang maraming tao. As for me, I don't need ticket. Mayroon akong stamp ng VIP sa kaliwang kamay ko. Itinatak nila sa akin ito earlier noong pumasok ako dito kasama sina Paul.
Nasa malapit na sana ako sa pintuan ng club nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao na nakatayo sa di kalayuan sa pwesto ko. May labing-limang metro siguro ang layo ko mula sa kanya from my right view.
Halos abala ang lahat at excited kaya hindi din kapansin-pansin ang presensiya niya na tila sinadya ito.
Nakatayo siya malapit sa nag iisang puno sa lugar na'to na hindi gaanong natatamaan ng mga ilaw sa labas. Hindi naman sa pagmamayabang pero I have a 1:1 vision kaya malayo pa lang ay makikilala ko na ito agad.
Ano kaya ginagawa nito doon?
Iniwan ko ang pila ko at tumungo sa direksyon nito. Nakatalikod ito mula sa akin at base sa suot nitong maroon na hoodie at headphone na nakasabit sa kanyang leeg ay nakakasigurado akong siya nga talaga ito. Isama mo pa ang malamig nitong tindig na malayo pa lang ay manlalamig ka na.
Habang papalapit ay naaninag kong hindi siya nagiisa. May nakatayong matangkad at may katamtamang pangangatawan na lalaki sa harap niya na nakasuot ng full black suit kaya hindi talaga ito mapapansin kaagad sa malayo. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nilang dalawa.
Butler ba'to? O di kaya'y Men in Black lang ang peg niya? Hinuhuli na ba ako dahil napagalaman na nilang isa akong alien? Di joke! Pero ang gwapo din nito ah, mga kasing edad din siguro 'to nina Sir Miggs at Sir Belmont pero halatang japanese din base sa features ng mukha nito. He has high checkbones, nice jaw lines, thin lips and small yet dark menacing eyes.
Nawala na ata sa isip ko ang magiging performance nila mamaya. My curiosity is eating me.
Dahan-dahan pa akong lumapit sa kinaroroonan nilang dalawa. Nang malapit na ako'y pinili kong magtago mona sa sulok ng pader na parte pa rin ng building ng club habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.
Pero ikinakunot ng noo ko ang kanilang mga sinasabi. Anak ng tilapya naman kasi! Hindi ko maintindihan mga bess!
"Ogenki desuka Riyu kun?" Sabi ng matangkad na lalaki na parang butler.
"Genku desuka Nakamora sensie." Sagot naman sa kanya ni Vince.
Shemay! Iyon pa lang parang mag nonosebleed na ako mga ter! Mukha ngang kakilala siya ng lalaking ice na'to. Pareho silang may malamig na boses. facial expression at aura pa lang parang maninigas ka na.
"Mataoai dekireba ureshii desu." Sabi naman ni Mr. Butler na saglit kong kinakitaan ng saya ang mga mata. Buti pa siya marunong mag smile di kagaya nung isa.
"Watashi mo desu." Sagot naman nito na may monotone pa rin ang boses. Buti hindi siya nabobored na kausap si Vince eh ang cold nito.
"Kio tsukenasai Riyu kun. They are everywhere now." Aba't marunong naman palang mag english si gwapong butler. Bakit hindi nalang niya gamitin para maintindihan ko silang dalawa. Sino-sinu kaya ang tinutukoy nito?
"Hai. Shitte imasu." Sagot naman ni Vince namulsa pa na tila sumasang-ayon sa sinabi nito ay malalim pang nagisip. "Wakarimasen. They've been quite for some time. Father don't even bother finding me. But why are they so agitated now all of a sudden?" Dagdag pa nito sa sinabi.
Oh, so they are talking about family matter. Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi siya makasama sa contest sa Korea? Pero taga Japan naman ito ah! Anong konek nun? Naloloka na ako dito. Bakit ba kasi ako nandito at the very first place? Napakachismosa ko talaga kahit kailan. Magnet kasi ang utak ko sa mga misteryosong bagay.
"Shirimasen. But I believe they are looking for someone else." Sagot naman ni gwapong butler.
Ang gulo pala talaga ng pamilya ni Vince. Kaya hindi ko din masisisi kung umalis ito sa kanila.
"I will look into it. Your father is very secretive nowadays. He seems up to something big." Dagdag pa nito na ikinatahimik saglit ni Vince.
"He's always like that. He will never change." mas lalo akong nababagabag sa buhay nito. Ano kayang mayroon sa pamilya niya at kailangan pa niyang umalis at magtago?
"How's ni-san?" Tanong naman niya pagkatapos ng sandaling pananahimik nito.
Kung hindi ako nagkakamali, ni-san means Kuya or Older brother? So, may kuya pala siya. May alam din ako sa japanese kahit kunti nuh. Noong bata ako nanonood din ako ng Doraemon na japanese version. Helpful din pala yon kahit papano.
"He's okay. He's currently handling the business in Korea." Biglang umangat ang tingin ni Vince sa kausap na tila nagulat sa sinabi nito.
"Nani?! Karewa sorega kiraida!" Teka, galit ba'to? Bigla nitong ikinuyom ang kamao nito na tila nagpipigil ng emosyon.
"No. You know your father. Kaname doesn't have a choice for the mean time. You're lucky that you have succesfully escaped before he had put your neck under his chain." Namayani ulit ang sandaling katahimikan dahil sa sinabi nito.
"That's thanks to you sensie." Sensie? Diba that means Master? Master niya ang mukhang butler na ito? Marunong ba ito ng Martial Arts kagaya nga na-i-imagine ko ngayon? Teka, masyado pang maaga para mag assume.
Pero kidding aside, naiintindihan ko na kung bakit siya tahimik at cold madalas. He also have a very mysterious yet painful past. Just like the person I know.
"By the way, before I forgot. I have a new Intel. The old one has given up looking for Jang Yeol despite how big my offer is." Tila nabuhayan naman ng loob si Vince sa narinig.
For the first time in forever tila naramdaman ko na nabasag ng kaunti (kunting-kunti lang) ang malamig na aurang nakapalibot sa kanya. Mas lalo pa itong lumapit sa lalaking tinawag niyang sensie dahil sa pananabik.
Teka, Jang Yeol? Kung hindi ako nagkakamali ay isa yong korean name. Hilig ko din kasi manood ng Kdrama kaya medjo pamilyar din ako sa mga ganoon.
"The Intel says Jang Yeol might be in Seoul next month." Seryosong sabi ni sensie. Pati ako nakiki sensie na rin.
"What? That's not possible. If that Intel is talking about the same person as of what we believe he is, he will never go back to Korea just like me. Just merely thinking of that place makes me sick!" Tila galit nito pagpapaliwanag.
Teka-teka? Kinamumuhian nito ang Korea? Aba't bakit naman kaya?
"It's been a very long time Vince Riyu. We don't even know what might had happened to him. Maybe he got an accident that made him forget the past. And beside, you both are still young when that incident had happened. There are many possibilities. I don't see anything wrong if we try." Pagpapaliwanag naman nito kay Vince.
"That's not possible. How come he forgots while I'm still suffering from every bits of that terrifying memory." Tila nararamdaman ko ang bawat sakit sa mga salitang binabanggit nito.
What I can only say is that he's still in pain in whatever memory he has. Taas-baba ang balikat nito na tila nagiging mahirap ang bawat paghinga nito. Bumuntong hininga naman ang kausap niya tsaka hinawakan ang balikat nito.
"Based on the current investigation, the theory says that Jang Yeol might be a member of a famous band too. The Intel has a specific target subject that might be Jang Yeol. We should never let them have him first. There's a big possibility that he'll join that International contest. And also, as far as I know, that contest was the most awaited event of your manager and your band as well. Don't lose this chance Riyu-kun."
Natahimik naman ito at tila napaisip. Unti-unti na ding kumalma ang naging paghinga nito na tila nareliaze ang mga sinabi ni Manong butler-s***h-sensie.
Pinuntahan ko dito si Vince para pagsabihan sa pagwo-walk-out niya kanina. Pero tila ako yong natauhan sa lahat ng mga narinig ko. I think this is enough information. Wala na pala akong dapat na sabihin o ipangaral sa kanya dahil sa tingin ko'y wala akong karapatan na magalit o husgahan ang mga magiging desisyon niya, at isa pa, hindi kami close para makialam pa ako. Everything is up to him now.
Maglalakad na sana ako palayo ng biglang may masipa akong nakakalat na lata ng cola na hindi ko napansing nasa tabi ng paanan ko.
Oh no!
Isinusumpa ko ang mga taong hindi marunong magtapon ng basura ng maayos!
Tatakbo na ba ako? Okay... okay... stay calm self.
1..2..3.. takb-!
"Who's there?!"
Shemay! I'm dead!
---
End of Chapter 11 - Seen