Chapter 11 - Smile of an Angel
"I want to be the reason behind her beautiful smiles."
-PS.
This scene reminds me how happy I am whenever I see Aya happy too.
"Now, now, let's not be too emotional with this special night. I want everyone to be happy tonight." Makahulugang ngiti nito kay Aya.
"Okay po, sorry nadala lang po ako ng emosyon. Tears of joy po ito." Natatawang sagot naman nito tsaka pinunasan ang namuong luha sa mga mata.
Hinaplos ni Miss Diana ang maamong mukha nito nang magkahiwalay na sila ng yakap.
I cannot blame myself not to be tamed by her sweet angelic face. She's only the reason that I haven't found any other girl that can make my heart do a somersault. It's always been her.
But this feeling has to remain untold.
Pagkatapos ng madamdaming paguusap nila'y tsaka naman nito binaling ang tingin niya sa akin.
"Actually, I've already seen you and your boyfriend days ago. Because of that incident in your dorm. Pero dahil sa investigation, I haven't found enough time to do a nice chitchat with you guys. Kaya I'm thankful to Miggs to have finally set an arrangement para makita ko ang paborito kong banda sa ngayon na siya rin pala ang Manager." Dugtong naman nito.
Teka, tama ba ang pagkakarinig ko?! boyfriend? May boyfriend si Aya? The who?!
"P-po? Naku Miss Diana wala po akong boyfriend. Baka ang tinutukoy niyo po na kasama ko that time ay si Paul. He's my childhood friend po and not my boyfriend." Natataranta namang sagot ni Aya habang pinandilatan ako ng Mata.
So, ako pala ang tinutukoy niya. Ang gwapo naman pala ng boyfriend ni Aya kung nagkataon. Mehe!
Hinintay ni Aya na tumanggi ako pero sorry not sorry. I just smiled at her para asarin siya. Ayokong magmukhang defensive. Hehe.. just chillin' and let the audience react.
"Oh, I have really thought na boyfriend mo siya. Oops! My mistake." Natatawa naman ito na parang inaasar kaming dalawa ni Aya na ikinasimangot naman nito.
"Ehem!-Sana!-Ehem!-Sana!" Pasimpling ubo naman ni Miko habang naupo sa tabi ko kaya pasekreto ko itong siniko sa tiyan na ikinatawa lang nilang lahat. Kumunot naman ang noo ni Aya na tila nagloloading. Good. Sana di nga niya magets. Baka tumalak nanaman ito.
"For your information guys," biglang singit naman ni Sir Miggs. "My loves haven't seen your band performing in person yet. She just heard you singing your original songs at nagustuhan niya ito." Proud na dagdag pa nito.
May ganoong taste pala sa music si Miss Diana. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero her choice of music is good kung talagang nagustuhan niya ang banda namin. We do revive some old songs but we also sing original songs often. Our band is not just for music and fun. Sir Miggs makes sure that we also have rhythm and soul. Yong may pinanghuhugutan kumbaga. Each one of us contributes to its compositions and we also make collaboration with Sir Belmont to complete the lyrics of our songs.
"Sa sobrang abala niya'y ngayon pa lang yan nagkaroon ng oras para makilala kayo. She's also your fan and she's looking forward to see you perform tonight." Masayang paliwanag naman ni Sir Belmont.
"Its an Honor po. I'm Alex po the vocalist of the band." Unang pakilala naman ni Alex.
"Tapos itong tulog mantika po sa tabi ko ay si Vince, our bass and pianist. Pasensya na po, once na tulog yan mahirap nang gisingin kaya pinabayaan nalang namin. Tsaka wala ka pong mapapala jan kasi parang robot yan. Pokerface at mayaman sa katahimikan." Biro nito na medjo nahihiya dahil sa tulog mantikang si Vince.
"Vince huh?" Madiin ang pagkakasabi ni Miss Diana. Sandali ding nagtagal ang mga mata niya sa mukha nito.
"He looks famillar though." Narinig ko pang bulong nito sa sarili na sandaling ikinaseryoso ng kanyang mukha.
Iwan ko lang kung napansin ng iba. Agad din namang bumalik ang ngiti nito at nakipagkamay kay Alex.
"Well nice to finally meet the singer of the band ."
Paano kaya niya nasabing pamilyar ito?
Aside kasi sa banda ay hindi na lumalabas pa ng Condo niya si Vince. Kapag nasa University naman ito ay kung walang pasok ay sa Cantene or library lang ito tumatambay. Ganoon palagi ang daily routine nito. Madalas din kasi namin itong sunduinno puntahan sa school nila.
Sa 3 years na naming magkakasama ay medjo nakukuha ko na rin ang lifestyle ng isang to, kahit pa sabihin na nating alien ito. Di joke. Ilag kasi si Vince sa tao. Idagdag mo pa na may pagka-nerd ito. Cool at gwapong nerd sabi ng mga fans niya. Pero mas gwapo pa rin ako. ?
"I'm the coolest and most handsome drummer among them." Agaw pansin naman ni Miko na may kasama pang papogi sign sa mukha "You can call me Miko or Mike po." Natatawang napailing nalang si Miss Diana habang kinakamayan din ito.
Mahangin talaga. Liparin ka sana ng sarili mong bagyo.
"Nagmana pala sa'yo itong mga Alaga mo Miggs. Mga pilyo." Natawa lang si Manager sa tinuran ng nobya.
"We've meet again po. I'm Paul po, mas gwapong guitarist sa buong kalawakan." Mas lalong natawa si Miss Diana sa sinabi ko. Nakipagkamay rin ito sa akin while Miko is shaking his head halatang tutol sa sinabi ko. Tiningnan ko lang ito wearing a victory smile.
Ano ka ngayon Miko? Mas mahangin pa rin ako.
"Yes Paul. Nice seeing you again." Sabi nito nang natatawa pa rin. "So, hindi mo talaga siya girlfriend?" Pabirong bulong pa nito sa'kin na medjo ikinapula ata ng mukha ko. Tanging awkward na tawa lang ang naisagot ko sa kanya. Mukhang expert din ata itong mangasar. Ibang-iba kapag nasa duty ito kaya sinabayan ko na lang din.
Sandaling napasulyap ako kay Aya na abala sa pakikipag-usap kay Manager at Sir.
"Imposible po ata yon." Sagot ko nalang rito.
"Well, walang imposible basta gusto mo." Sabi pa nito bago tumalikod para bumalik sa tabi ni Aya.
Sana nga. Pero di kami pwede. Sabi ko nalang sa sarili ko.
"Okay everyone! Since andito na tayong lahat, I have two important announcement to make." Pagsisimula ni Sir Miggs na ikinatahimik din namin.
"First, I'm sorry for keeping my relationship with Diana as secret. It's fory safety and security purposes daw. As we all know, she's a famous detective at ayaw lang niyang madamay ako sa trabaho niya." Paliwanag naman nito. "Only Mont here knows my little secret."
"We understand sir." Sagot naman ni Alex rito.
"And also, Miggs and I had chose to gather you tonight because its a special day for the both of us and we want you to be part of it. Aya is unexpectedly here too and that made it more special." Nakangiting dugtong naman ni Miss Diana na sinuklian naman ni Aya ng ngiti.
"Tonight is our 5th Anniversary!" They excitedly said in unison na ikinatuwa ng lahat.
"Wow Sir Miggs! Iba ka talaga! Ikaw na ang aking Pambansang Lodi! Wooot!" Masiglang bati naman sa kanila ni Mike na ikinatawa naming lahat. Loko-loko talaga.
"Congrats po!" Halos sabay naman naming bati sa kanilang dalawa. Nagkakasayhan na kaming lahat dito pero ang isa sa amin tulog pa rin.
"And that goes to our second announcement." Napatigil naman kami sa sinabi ni Miss Diana. Lahat kami naging excited sa susunod na announcement nito. Lumapit naman si Sir Belmont sa kanila na may hawak na flyer. Package deal kaya yon para magcelebrate kami? Bakasyon? Island hoping? Christmas break na kasi next month. This is going to be fun!
"As a celebration for our Anniversary," patuloy naman ni Sir Miggs. "Mont and I had signed you up to an International Battle of the Bands na gaganapin sa South Korea next month!" Masiglang sigaw nito sabay wagayway sa itim na flyer na inabot sa kanya ni Sir Belmont kanina.
"Wohooo!!!" Sigawan naming lahat sa loob ng VIP room. Our wild reactions had entertained them with their wide smiles. Hindi lang ito bakasyon! Its heaven! Wooot! Korea here we come!
"Congrats guys! Double celebration pala ito!" Masayang bati naman sa amin ni Aya.
"Korea huh." Napalingon naman kaming lahat kay Vince na nag-uunat ng braso. Gising na pala ito but his face remains stoic.
"Oy. Vince! Guess what? Our band is going for a battle in Seoul!" Masiglang bungad naman sa kanya ni Mike kahit wala pa rin itong reaksyon. Sinugod niya ito ng yakap na ikinatumba nila pareho sa sofa. Ngumiwi lang si Vince pero walang sinabi. Sanay na kasi ito sa ugali ni Mike. He's a total hugger lalo na pag masaya or excited ito.
Sabihin na nating opposite ang ugali nila pero magkasundo pa rin sa iilang bagay.
"Okay." Mahina nitong sagot nang lubayan na ito ni Mike. "But I won't come." Halos lahat kami natahimik sa naging sagot nito.
"What?!" Halos sabay-sabay naming reaksyon nina Alex.
Ano bang mayrun sa kanya ngayon? I mean sanay naman kaming ganyan siya pero ang umayaw? Hindi siya ganoon.
"Oh come on dude!" Mike said with full of Disappointment on his face. Hindi rin ito makapaniwala.
Hindi nagpaliwanag si Vince, sa halip ay tinalikuran niya si Miko para kumuha ng drink sa bartender.
"Wait, is he really going to drink?" Bulong sa akin ni Alaex.
Hindi ako nakasagot. Maging ako aya nalilito rin sa naging reaksyon nito. Hindi yan iinom kapag hindi talaga totoong badtrip. Once in a blue moon yan uminom.
What's up with him?
He will ususally come anywhere we go without any arguments or questioning. This is the first time that he'd declined. Tiningnan ko sina manager at nakita ko sa mga mukha nila na tila expected na nila ang pagtanggi nito.
Oh crap! I almost forgot.
Nilingon ko sina Miko at Alex at nakita ko sa mga mukha nila na naalala din nila. Sa tingin ko'y pare-parehas kami ng naiisip.
Vince hate Japan but he despise Seoul more. Doon kasi nawala ang kababata niya. It's been 15 years of searching pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nahahanap.
For other ordinary people, Seoul is a great place to go. But for him, that place lies a great tragedy that haunts his life. His japanese father has a business connected to Korea.
His Mom was shot there and eventually died. His one and only friend was abducted and lost on that place too. Kaya hindi ko siya masisisi kung ganun na lamang ang naging reaksyon niya. Kaya ayaw niyang umuwi sa tatay niya sa japan dahil nagpapaalala ito sa mga nangyari sa kanya noon.
"Vince, can you let it pass just for this time?" Pangungumbinsi naman ni Sir Belmont na bumasag sa namayaning katahimikan kanina lang.
Hindi nagsalita si Sir Miggs. They all knew maliban kay Aya na naguguluhan pa rin.
Manager is aware na talagang aayaw si Vince sa bagay na'to, pero sumugal pa rin siya. Ano kayang balak nito?
Binigyan lang ako ng magkasintahan ng makahulugang tingin na parang nagsasabing subukan namin siyang kombinsihin ni Alex.
Does Miss Diana knows about Vinces' situation too? Hindi rin imposible na hindi sabihin sa kanya ni Manager.
Dahan-dahan naman akong lumapit kay Vince. Alam kong malabo itong pumayag. Pero hindi rin masamang sumubok.
Magsasalita na sana ako pero biglang nag ring ang phone nito. Sandali ko namang nasulyapan ang screen ng cellphone nito at nakita ang Caller ID ng tumatawag rito, it says Nakamora.
"Excuse me." Sabi niya na sandali pang sumulyap sa amin tsaka tuluyang lumabas para sagutin ang tawag nito.
"3 years is not enough to really know a person thoroughly." Tanging nasabi nalang sa'kin ni Alex tsaka tumalikod.
"You already know why." Hindi ito sumagot. Alam kong nabadtrip rin ito. Pumunta nalang siya sa direksyon nina Sir na abala sa nagiging diskusyon nila with regards to our situation.
May plano kaya silang tumuloy kahit wala si Vince?
No, its not possible. Malaki pa rin ang role nito sa Smug Wolves.
Nanatili akong nakatayo sa pinto at nagdadalawang isip.
Gusto kong sundan si Vince but I somehow want to give him a privacy. It's maybe an important call with regards to his long lost friend. That Nakamora guy that I saw calling on his phone is his only connection in searching for his childhood friend, beacause for some reasons, he's not in a good term with his father.
If I will be putting my shoes with his situation too, I will also do everything just to find Aya if it happens to us.
"This is what I am trying to say loves. Vince is really sensitive with regards to this matter." Makahulugang sabi naman ni Sir Miggs sa nobya nito.
"It's now or never Miggs." Tanging naging sagot nalang ni Miss Diana.
Natahimik naman si Sir Belmont na tila malalim ang iniisip.
I smell something fishy going on here. What are they planning to do?
---
End of Chapter 11