KABANATA 10

1629 Words
Chapter 10 - The News You cannot blame me not to be tamed by her sweet angelic face. She's only the reason that I haven't found any other girl that can make my heart do a somersault. It's always been her. -PS. Paul's POV "That's her right?" Bulong ni Aya na talagang naninigurado. "Yeah. Detective Diana Ramirez." Sagot ko naman rito. "You know her?" Bulong din sa'kin ni Alex. "Technically yes. She's one of the Detective from the investigation team on the incident sa dorm namin ni Aya days ago." Paliwanag ko naman rito. "Oh. I see." Tanging naging sagot nito. Naging tahimik lang si Aya sa tabi like waiting for a big revelation to come while Kurt is annoying Vince na naglalaro ata sa cellphone nito, as usual. Everyone was starstrucked sa pagdating ni Miss Ramirez kanina. Hindi namin lubos akalain na siya pala ang forever na tinutukoy ni Manager. Ang swerte naman ni Manager. Hindi lang ito maganda, she's an epitome of a modern woman. She also seems friendly despite of having a sophisticated aura. She's wearing a sweet smile tonight at kung ikokompara ito noong nagiimbestiga siya ay sobrang layo ng personality nito ngayon. I guess its what they call professionalism? You know when to act serious and when to be yourself outside your workplace. And of course, hindi ko nakakalimutan ang naging usupan namin way back sa Police station last week. What has been said there stays there. "Hi Love, sorry for being late, I got stuck on the traffic." Sweet na bati nito sa nobyo sabay halik pa sa kanyang pisngi. They actually look good to each other despite of having more or less than 5 years gap in their ages. Obviously Miss Diana is younger than Manager pero aakalain mong magka edad lang sila dahil mature din ito mag isip. "No worries love, it's better late than never." Nakangiting salubong naman ni Sir Miggs sa Nobya na halatang natutuwa sa pagdating nito. Mukhang uulanin kami ng candy at langgam tonight. "Iba talaga pag inspired. Sana All." bulong naman ni Kurt na ikinatawa namin nina Alex at Aya. "Get a room. May mga bata rito." sabat naman sa kanila ni Sir Belmont na kunwari'y nandidiri. "Ang bitter talaga kahit kailan. Sa'yo ata nagmana ng kabitteran yang si Alex." Baling nito sa amin na ikinatawa lang ni Alex. "And technically this is my club, so you go get another room. Get a girl too you know. Para sa ikakatahimik mo." Pangaasar naman rito ni Sir Miggs. "Nah. I don't need that." Natatawang sagot naman nito. "Hi Mont! Kanina pa kayo?" Bati naman ni Miss Diana kay Sir na halatang sanay na sa bangayan ng dalawang magkaibigan. "Hindi naman, para kay Miggs, maaga pa ang 1 hour kung ikaw lang din naman ang hinihintay namin." Sagot naman nito na ikingiti ni Miss Diana. "Really? Sana pala mas tinagalan ko pa." Pabirong sagot naman nito. Parang nakakalimutan ata nila na may iba pa silang kasama sa VIP room na'to. Hello? Tao po kami hindi display. Pero pwede ring bagay, bagay kasi kaming dalawa. Waleeyy! "Mont is right, I can wait forever just to have you in my arms again my love." Banat pa ni Sir Miggs na muntik nang ikinabuga ni Alex at Kurt sa iniinom nila habang ako ay kunwaring nauubo. Umasim naman ang mukha ni Sir Belmont, halatang nahihiya sa banat ng kaibigan. Si Aya naman parang aliw na aliw sa live romantic comedy na nagaganap sa harapan namin at kinareer ang pagkain ng popcorn. Ano to? Sinehan? I've realized na may mas Waley pa pala sa mga banat ko, ipinipasa ko na ang aking trono kay Sir Miggs. Pinagsamang nilalanggam at nilalangaw na din ata kami dito sa gilid habang nilalantakan ang mga chips sa table. Wala kasing pumapansin. Hindi ako umiinom ng Alak dahil baka sa kangkungan ako pulutin lalo na't nandito si Aya. Her motto for me is: "Galit ako sa mukha mong matsing pero mas galit ako sa unggoy na lasing." O'diba memoryado ko pa? Isama mo pa ang katotohanang hindi ko nakikilala ang sarili ko pag lasing ako kaya ipinangako ko sa watawat ng Pilipinas na hinding-hindi na ako iinom ng alak. Si Alex naman, paunti-unting inom lang. Habang si Vince, hayon, natuluyan na. Tulog na tulog. Ganyan yan pag napagod maglaro, deretso tulog. Parang siya pa 'tong nakainom. "Iba si Manager. Parang Taong kweba kung bumanat. Makaluma." Bulong sa akin ni Alex kaya di na namin napigilan ang maghagikhikan. Pati si Sir Belmont mukhang narinig ang pinagusapan namin dahil tatawa-tawa rin ito sa gilid ng sofa. Pero si Sir Miggs walang kaalam alam na siya pinagtatawanan namin. Parang kay Miss Diana lang umiikot ang paningin niya sa mga oras na'to. Napaghahalataang inlove level 99999. "Well, look what we have here, the Smug Wolves and the daughter of Mayor Martinez. You guys have no idea kung gaano ko katagal naghintay para makita kayong buo sa iisang lugar." Masayang baling nito sa amin. Sa wakas napansin na kami. "Hello po Miss Diana. It's nice seeing you again." Naunang tumayo sa amin si Aya para kamayan ito. "Hi Dear. You really look like your Mother sa Malapitan." Nakangiting sagot naman nito sa kanya. "You know my Mother po?" Halatang nagulat ito. "Well yes, your mom - Mrs. Maria Isabel Ramirez ay tinuring kong pangalawang ina. My father Robert Ramirez and my Uncle Gilbert Ramirez are friends of your father too." She said to Aya as a matter of factly. Napatutop naman ito sa kanyang bibig dahil sa mga nalaman. "Talaga po?" "I know you will be surprised. Naalala ko pa noong ipinagbubuntis ka ng Mama mo. I was 8 years old back then, madalas ako sa mansion niyo sa Elmor City dahil madalas din doon bumisita si Papa at Uncle that time. Just like you, my mother died pagkapanganak sa akin kaya tinuring kong pangalawang Nanay ang Mama mo. And then after a year sinundan ito ni papa na nasawi sa call of duty niya sa Mindanao. Kaya simula nang kopkupin ako ni Uncle Gilbert ay hindi na ako nakabisitang muli sa inyo kaya hindi ko nakita ang paglaki mo. Sobrang sabik pa naman ako noon maging ate dahil ipinangako ko sa mama mo na aalagaan din kita na parang tunay na kapatid. But sadly that tragedy happened." Mapapansin ang malulungkot na ngiti ni Miss Diana habang binabahagi niya ang kwento nito. Iginaya naman nito paupo si Aya na halatang inaabsorb pa ang mga naririnig niyang impormasyon. Hindi pa man ako dumating sa buhay ng mga Martinez that time pero narinig ko na ang tungkol dito. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang mga Ramirez pala na tinutukoy ni Sir Richard na matalik niyang kaibigan ay walang iba kundi ang Ama at Uncle ni Miss Diana. Hindi na rin ako mabibigla kung may alam ang matandang sarhento tungkol sa akin. That figures it all out. I feel like a small piece of my lifes puzzle has been solved. Tahimik namang nag excuse sina Mike at Alex papunta sa bartender para mag refill habang ako pasimpling nakikinig sa usapan ng dalawa habang umiinom ng cola. Sina Manager at Sir naman ay may ibang pinag uusapan na halatang alam din ang tungkol dito kaya hinayaan nalang nila na mag usap ang dalawa. "Magkasamang nagtraining sa PMA ang mga Ama natin pero hindi tumuloy ang Dad mo habang Junior naman nila si Uncle Gilbert." Dugtong pa nito. "Your father have realized that he can help more people by his own way. And we all know its Politics. That's his passion, nakikita naman natin yan ngayon." Masayang paliwanag nito. Tiningnan ko si Aya at nakita ko sa mga mata niya ang naghalong lungkot, gulat at saya sa mga natuklasan niya. "Wow, what a small world po." Halatang speechless pa ito kaya yon lang ang lumabas sa bibig niya. Indeed, the world is so small for us. So close but so far away. Naks! "Yes. That's why I am very happy to see you after 20 years. Sorry if it took me that long bago kita tuluyang nakita at nakilala. Aside from the loss and situations I've been through, I also went to PMA para mag training, I followed the foot steps of my father and it eventually becomes my passion. When Miggs texted me awhile ago na narito ka rin, hindi ko maiwasang matuwa na sa wakas I'll have the chance to finally talk to you. The club might not be the kind of place to talk about this but I cannot wait for another day. Magiging busy na din kasi ako sa mga susunod pang araw." Dagdag pa nito habang hawak ang kamay ni Aya na halatang nanabik sa tagpo nilang dalawa. "I am so sorry and happy to finally see you Mayandel." Napangiti si Aya ng banggitin ni Miss Diana ang buong pangalan nito. That only proves that her mother and Miss Diana used to be really close dahil maging ito'y kabesado ang buong pangalan niya which only few people knows. "I haven't heard someone calling me that in a while aside from Dad." Nakangiting sagot naman nito. "My father haven't told me anything about this. Siguro nakaligtaan lang niya for being a very busy person. But despite all that, I'm still thankful na nakilala po kita tonight. It's good to know that before my Mom died, she had experienced having a child dahil po sa inyo." Sagot naman nito sabay yakap kay Miss Diana at halatang naluluha. Nagulat naman ito pero agad ding bumalik ng yakap kay Aya. "Oh dear. Kung alam mo lang. I am more thankful sa Mama mo for making me feel that I am not alone." Sabi nito sabay hagod sa likod ni Aya. --- End of Chapter 10
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD