Chapter 9 - The band in the club.
"Oy Aya! Anjan ka na pala!" Masayang bati naman sa kanya ni Kurt.
"Hi!" Nakangiting kaway niya rito. Tumingin din siya kay Vince ngunit sumulyap lamang ito sa kanya ng sandali tsaka nito ipinagpatuloy ang tingin sa Cellphone na sa tingin niya ay naglalaro ng Mobile Legend. Cold guy as always.
Vince is known for being the Silent type of person total opposite kay Paul and Miko na makukulit ang lahi. While Alex, their band leader is kind of bossy and Kuya type ng barkada nila, ang kaso may pagkaplayboy. Hindi nagtatagal sa isang relationship. All of them are tall, pero pinakamatangkad talaga sa kanila si Paul.
Alex Santos has a pure filipino type of look, tall, dark and handsome ikanga nila. Her mother was a former actress in the showbiz industry kaya habulin din ng babae. He's also a Business management student from a different school.
Si Kurt Michael Toshi naman or known as Kurt, ay halatang-halata ang pagiging tsinoy nito. Maputi at charismatic. Siya yong madaling pakisamahan sa lahat lalo na kung tungkol sa kalokuhan. Perk of having a chinese and businessman father, his parents is known for having many branches of chinese restaurant across the country. A typical rich kid boy who has a rebellious side. He doesn't agree of having a business career to his life. Mas mahal nito ang musika lalo na ang girlfriend nito na until now ay hindi pa niya kilala.
Vincent Kurigawa or Vince, Half American and half Japanese to be precise. An Engineering student. Dito siya nag aral ng 1st year college sa Pinas kaya humigit kumulang 5 years na siya sa bansa kaya marunong na ito managalog pero mapapansin pa rin ang pagiging slang nito minsan. Few people knows about his background. Only his close friends and Manager Miggs siguro. He lives alone, ilag sa mga tao. She doesn't even know kung totoo nga nitong pangalang ang ginagamit. Malihim itong tao pero nakwento sa kanya ni Paul dati na sobrang bait daw nito hindi lang halata dahil snob sa hindi niya close. Hindi niya kinukwento sa kanya ang lahat pero may mga chismis siyang nasasagap sa mga fans nila na tagapagmana daw ito ng isang royal family at ang Ama nito ay kilala bilang isang Grand Gang Master sa isang underground society sa japan. Tumakas daw ito sa responsibilidad at nagtago sa Pinas at halatang mas pinili ang tahimik na buhay.
Inaamin naman niya sa sarili na type niya ang cold type na klasing lalaki. The silent and mysterious kind of guy, just like Vince pero hanggang crush lang yon. Ayaw na niyang lumala at ipahalata. So far sa pagkakakilala niya rito ay siya lang ang hindi pa nakakapag introduce ng babae sa barkada or banda nila. Tila wala itong interes sa mga ganong bagay.
Alex is known for being expert on that matter, Kurt is known for being loyal to his girlfriend. Paul as well has shared a secret to her na may matagal na daw itong gustong babae pero hanggang ngayon ay hindi pa nito nirereveal kung sino ba talaga ito. All she knows is nag-aaral din daw ito with the same University kung saan sila nag aaral. Ilang beses na din niya itong kinukulit para lang sabihin sa kanya ni Paul kung sino ba yong long time crush nito pero wala pa ring epekto. Matindi magtago ng sekreto ang lalaking iyon. Sometimes naiisip niya na big mystery din sa kanya ang pagkatao ni Paul despite having a playful personality. There's always something hidden behind his mischievous smiles. Sa tagal ng pagkakakilala niya kay Paul ay may alam naman ito sa pagkatao niya at sa trabaho nito but sometimes, she feels like his hiding something to her. Something very important in his life na hindi pa nito kayang ibahagi sa kanya.
Also, part of being his childhood friend, palaging may nagpapasuyo sa kanya na admirers noon para magpadala ng sulat or autograph sa kanya na isa pa sa ikinaiirita niya. Noong una, okay lang ito pero habang tumatagal, padami nang padami at halos siya na ang nagtatago sa mga ito. Ang dating tuloy niya ay parang PA ni Paul. Kaya minsan, iniiwasan talaga niya ang madalas makasama ito sa school para hindi siya madamay. Ito pa naman ang may pinakamadaming fans sa banda nila. Iwan ba niya kung anong nakikita ng mga babae at mga binabae sa unggoy na yon.
"Have a seat." Natauhan naman siya sa sandaling malalim na pagiisp nang ayain siyang maupo ng naturang manager at mayari ng club na walang iba kun'di si Miguel Dela Viga or mas makilala sa tawag na Sir Miggs. "You look pissed off Aya." Natatawang saad naman nito sa kanya.
"Kung sino man po ang mukhang unggoy dito sa club, malamang siya na po yong dahilan ng inis ko ngayon." Pabirong sagot naman nito kay Sir Miggs.
"Let me guess, it's Paul?" Nakangising sagot naman ng kasama nitong propesor na si Belmonto Asuncion also known as Sir Belmont na ikinatawa nalang niya. "Bakit hindi nalang kayo magkasundo? You look good to each other." Pangaasar pa nito sa kanya na agad namang ikinaasim ng mukha niya.
"Yucks! Sir Belmont naman! Wag niyo pong sabihin yan, baka magdilang anghel po kayo! Eww.." halatang naaasar na sagot nito.
"Bakit, totoo naman ang Sir Belmont mo eh, bagay kayong dalawa. Ikaw si Dora, siya si Boots." Napahagalapak sila ng tawa sa tinura ni Sir Miggs. Kahit kailan talaga mga loko-loko din ang mga ito kaya agad din niyang nakasundo despite of their 10 years age gap.
The two good looking adults are both in their middle 30's pero kahit ganun ay magaan itong mga kasama. Parang older brothers na ang turing niya sa mga ito. They are informal to her pag sila-sila lang ang nagkakasama. Ibang usapan na kapag nasa trabaho na ang mga ito.
The two young bachelors are known for being best of friends since High school kaya di maikakaila ang sobrang click sa isa't-isa. Lalo na ang pangaasar sa kanya. Kakilala din sila ng kanyang Ama dahil supporters din ito sa mga Flatforms ni Mr. Richard Martinez pero maliban doon, minsan din nila itong naging mentor sa college noong hindi pa ito tumatakbo bilang Mayor ng Elmor City and she doesn't heard any comments or complains from his father pag naririnig siya nitong nagkkwento minsan tungkol sa kanila. According to his father, Miggs and Belmont used to be one of his good and top students in his class aside from being playful and heartthrobs.
"By the way Aya, how was your dad? We kinda miss the old days. Nakwento niya ba sa'yo minsan na siya yong paborito naming professor dati? Sobrang astig talaga ng daddy mo simula pa noon." Pag-iiba naman ni Sir Miggs sa usapan nila.
"Oh, don't worry po, nakwento niya noon pa man and the feeling is mutual, dahil based po sa mga sinabi niya, mukhang kayo rin po ang paborito niyang mga studyante." Nakangiti niya itonh sagot. "He's okay naman po. But he's becoming very busy lately." Dugtong pa nito na nagpaalala sa confidential matter na ibinalita sa kaniya ni Paul kanina noong nasa library pa sila.
Napangiti naman ang dalawang magkaibigan sa sagot niya. Their faces tells her that they really can't forget the good-old times with her father.
"Well, that's how it actually goes when you are a politician, sometimes they have to sacrfice some time from their family to protect and serve the people around them. You're strong and independent lady already Aya. As your professor, I can see how you support your father with his ambitions and dreams for the both of you." Aya is somehow touched with Sir Belmonts encouraging words.
"Thank you sir. Yon lang po kasi ang nakikita kong way para mabawasan ang stress niya sa trabaho and I do love my father so much." Proud naman nitong sagot.
Well yes, that's the reality of having a politician father. Minsan nalulungkot si Aya pag halos wala ng oras sa kanya ang kanyang Ama. Pero naiintindihan niya ito at ayaw niyang maging selfish. Marami ang nangangailangan ng serbisyo ng kanyang Ama. She's a grown up lady now. She can handle herself without depending on his father anymore. Hindi naman ito nagkulang sa kanya simula pagkabata. Kaya wala siyang nakikitang rason para magalit o magtampo rito.
"Hayy.. How I wish magkaroon din tayo ng anak Miggs na katulad ni Aya, Studious and independent. Yong hindi sakit sa ulo kagaya ng mga alaga mo na mga loko-loko minsan." Asar nito sa kaibigan niyang umiinom pa sa kanyang shot glass.
"Hoy grabe ka naman Mont, mababait din kaya ang mga yan. Lalo na pag tulog." Natatawang napailing nalang ito sa sagot ng kaibigan na ang tinutukoy ay walang iba kun'di ang mga alaga nitong Smug Wolves na kanina pa naglolokohan across their tables.
"Hainaku Miggs, 5 years na kayo, pakasalan mo na kasi si Diana para ma-experience ko naman maging best man mo tsaka para makakita na ako ng mga supling niyo." Muntik nang maibuga ni Miggs ang kaniyang inumin dahil sa tinura ng kaniyang kaibigan na kanilang ikinatawang dalawa.
Diana? Tila nakaramdam ng familiarity ang dalaga sa pangalang binanggit ng Professor. Kung'di siya nagkakamali ay kaparehas iyon ng pangalan ng Detective na tumulong sa kanila ni Paul noong may mangyaring krimen sa dati nilang dormitory.
"Bakit ako pinapaanak mo dito? Ikaw kaya itong maghanap na ng forever para magkaroon ka na ng sarili mong anak. Para hindi ako yong hanapan mo dito." Sagot ni Sir Miggs na parang pinamulahan pa ng mukha sa naging suggestion ng kaibigan.
Natatawa nalang si Aya sa asaran ng dalawa na parang mga teenagers.
"So Aya, I guess Paul is going to be your bodyguard for the mean time right?" Tila makahulugang tanong naman ni Sir Miggs.
"Uhm, yeah. Sort of po. Whether I like it or not. He will be my boots the explorer for the following days." Biro pa nito. "I don't know kung bakit ganoon yong gusto ni papa pero I thinķ kung yon naman po yong desisyon niya then its for the good naman po siguro." Dagdag pa nito.
"Hmm.. I think I have an idea why..." Tila malalim naman na napaisip si Sir Belmont.
"I've heard my name. Is someone backstabbing me?" Pabirong sabat naman ni Paul na papalapit sa kanila, wearing his boyish and playful smile na naupo pa sa tabi niya. Naputol tuloy ang sasabihin sana ni Sir Belmont.
Isinandal nito ang likod while spreading his left arm at the back of where she is seated. Parang nakaakbay tuloy siya sa kaniya without physical contact nga lang. But still, ikinairita pa rin niya ito. Napapabusangot nalang siya pag naaalala niya na kun'di dahil sa unggoy niyang kababata ay nagaaral sana siya ngayon sa condo niya ng tahimik at payapa. But since she has no choice, might as well makiblend-in nalang din siya. It's not everyday that a day like this could happen.
"She's not backstabbing you, she's just sharing us how suited you are to be her boots and she's going to be your Dora" Sagot naman ng Manager nito na ikinatawa nila ng kaibigan niyang propesor.
"Sir Miggs naman, kanino ho ba kayo kakampi ni Sir Belmont? Kay Majenbo o sa gwapong tulad ko?" Agad naman niya itong binalingan ng masamang tingin sabay tulak sa binata na ikinahulog nito sa kanyang kinauupuan.
"Excuse me?! Unggoy ka! Kung maka-majenbo ito! Ikaw kaya itong kamukha ni Piccolo!" Kontra naman niya na ikinatawa nilang lahat maliban sa kanya na parang nag-uusok sa inis ang ilong.
"Your undeniably good looking Paul. You have the biggest fan among your bandmates. But what can we do. Unggoy ka sa paningin ng prinsesa mo." Tawa ng tawa naman ang magkaibigan na sinabayan pa ng mga kabandmates nito.
"O diba? Pati sila agree sa akin na kamukha mo si boots? Hindi lang pala si piccolo ang kamukha mo!" Dagdag asar pa ng dalaga sa kanya.
"Don't deny it, kitang-kita ang ebedinsiya sa ilong mong umuusok. Kamag-anak ka ni Majenbo!" Counterback naman ni Paul at nagtatakbo palayo kay Aya. Tila naging playground nilang dalawa ang loob ng VIP room. Pinabayaan nalang sila ng mga kasama nila dahil sanay na ang mga ito sa asaran ng dalawa.
"Naku, kung di ako magkakamali, sa simbahan ang ending ng dalawang yan." Bulong ni Miggs sa kaibigan.
"Kaya bago ka pa nila maunahan, mag propose ka na sakanya." Asar naman ni Belmont sa kaibigan. Natatawa nalang silang dalawa sabay inom ng whiskey.
"If they're meant to be it will be." Makahulugang saad naman ni Miggs.
Samantala, tila sanay na rin ang mga kaibigan ni Paul sa nakikitang bangayan ng dalawa magkababata.
"Here we go again." Naiiling na turan ni Alex that seems to be entertained sa nangyayaring habulan ng dalawa. Childish yet adorable.
"Inggit ka nuh? Magseryoso ka na kasi hindi yong naf-friendzone ka dahil famous ka na sa pagiging playboy." Asar naman sa kaniya ni Kurt.
"Porket may girlfriend kung makapayo wagas. Maghihiwalay din kayo bro." Asar din nito sa kaniya sabay inom ng kanyang whiskey.
"Gag*! Bitter!" Sagot nalang nito sa kaibigan habang nialalantakan ang mga drinks at chips na nakapatong sa lamesa nila. Sila lang kasi ni Alex ang umiinom sa kanila. Paul cannot tolerate alcohol dahil nawawala ito sa sarili and Vince seldomly drink as well. Iba ang trip nito sa buhay.
Siniko naman nito ang katabi na tila naasar pa sa pandidisturbo sa paglalaro niya.
"How's it going there dude? Busy much?" Pangaasar ni Kurt rito.
"Shut up." Tipid na sagot ni Vince with his signature poker face na nakaconcentrate sa nangyayaring tournament sa cellphone nito.
"Anak ng ML! Matalo ka sana." Bulong pa ni Kurt rito.
"Whatever dude." At hindi na niya ito pinansin.
"Sometimes I wonder kung si Vince ba talaga ang bunso sa atin. Eh daig pa siya ni Paul sa pagiging childish." Baling naman nito kay Alex.
"Nagsalita ang hindi childish. Buti nga napagtityagaan ka pa ni Lisa." Biro pa nito sa kaibigan.
"Mahal kaya ako nun! At wala kang ganun!" Sagot naman ni Kurt tila nakabunot ng Alas pambato sa kanya.
"Burn." Bulong naman ni Vince sa tabi na tila pasimple ring nangaasar.
"Shut up and focus on your boring game." Sagot niya rito na ikinangisi lang ng katabi.
"It's not boring. Your love life is." Sagot nito na nakafocus pa rin sa laro nito.
"Your enemy has been slayed." Sabi ng tinig sa phone niya na tila si Alex ang pinatatamaan ng mga salita nito.
"Whatever. Walang forever." Tinawanan lang ni Kurt ang naging sagot ng kaibigan tsaka ito tumayo para magrefill ng drinks sa bartender.
Samantala, asar-talo naman na naupo si Aya pagkatapos mabatukan ang kanina pang nangaasar sa kaniya.
"K. Fine. Si Son Goku na ang kamukha mo."
"See? Inaamin mo rin na gwapo ako?" Sagot naman nito.
"Wala akong sinabi. What I'm trying to say is that kamukha mo nga si Son Goku kapag nagiging malaking unggoy siya. Period." Sagot niya rito sabay patakbong nagtago sa likod nina Sir Miggs at Sir Belmont na pareho paring natatawa sa kanilang dalawa.
"Aba't--" sasagot pa sana si Paul nang biglang bumukas ang pinto ng VIP room at niluwa nito ang isang matangkad, balingkinitan at sopistikadang babae. With her morena skin, she's the true definition of a Filipina beauty wearing a simple fitted dress. Awtomatikong napalingon silang lahat rito.
"What did I miss?" Bati niya sa mga tao sa loob ng VIP room.
"Miss Diana Ramirez???" Sabay na nabulalas ng dalawang magkaibigan na Aya at Paul pagkatapos makita ang pamilyar na dalaga sa harap nila.
"The one and only." Sabay ngiti nito habang papalapit sa direksyon ni Sir Miggs.
---
End of Chapter 9