20. remeant

1615 Words
Tumigil ang limousine sa isang malaking bahay. I didn't expect that this will be a massive mansion! I'd never thought that this kind of thing were existing... Lumapit ang chauffeur sa sasakyan. Pinagbuksan niya kami ng pinto. Unang lumabas sina tatay at Primus. Sumunod naman sina Harlan at Rhys. Bago man ako bumaba ay nilahad niya ang kaniyang mga palad. Tiningnan ko sila ng ilang segundo bago ko man tanggapin ang mga iyon. Seryoso ang aking mukha. Tiningala ko ang malaking mansyon. Tahimik pero hindi ko rin masasabi kung ano ang nasa loob noon. "Let's go?" Tanong ni tatay sa amin. Tahimik akong tumango. Pinapagitnaan nila ako. Nasa kanan ko sina tatay at Harlan habang nasa kaliwa ko naman sina Rhys at ang ama nitong si Primus. Kumawala ako ng hakbang. Umakyat kami sa hagdan. Dahil pormal party ito at gabi ang ganap ay talagang nagpatulong ako kay Ingrid na mag-ayos . Naiwan siya sa mansyon dahil baka mahimatay na naman siya kapag sumama pa siya dito. I'm wearing a black coctail dress and black stilettos. I'm also wearing a lacy gloves. Pinakulot pa ang buhok ko ng mid-curl, even my make up na nababagay sa suot ko. Habang ang mga kasama ko ay pormal din ang mga suot. They both wearing three-piece-suits. "Good evening, Miss Black." One of the guard angels greeted. Nakatayo sa gilid ng malaking pinto. Inaabangan ang aming pagdating. "They;re expecting you..." "Thank you." Walang emosyon kong sagot. Pinagbuksan niya kami ng pinto. Sabay kaming pumasok sa loob. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Halos nasisilaw na ako dahil sa mga makikintab na bagay na naririto. Gold, diamond and silver ang mga furniture dito. "Welcome, Miss Black!" Masayang salubong sa amin ni Michael. Yeah, siya ang pumunta kanina sa bahay. "Thank you." "Gabriel, Uriel, Raquel and the others are expecting your presence." Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti. Nilahad niya ang kaniyang palad upang ituro sa amin ang daan kung nasaan ang mga anghel na naghihintay sa aming pagdating. Sumunod kami sa kaniya. Tahimik. Ramdam ko ang presensya ng mga kasama ko na seryoso at ang tapang nila... Tumigil lang kami nang nasa harap namin ang gintong pinto. Malaki iyon. Pinihit ni Michael ang dalawang doorknob ng naturang pinto. Tinulak niya ang mga iyon hanggang sa tumambad sa amin ang ilaw. Mapapikit ako dahil doon. Nang nasanay na ang aking mga mata ay dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Isang mahabang mesa at maraming upuan. May mga makikinang na bagay din sa paligid. "Come in, Miss Black." Nakangiting sabi ni Michael. Tahimik akong sumunod. Pumasok kami sa loob. Mas gumaan ang pakiramdam ko nang nasa loob na kami ng silid. "Finally, you came, Miss Black." Nakangiting bati sa amin ng isang babae na nakangiti. Para siyang diyosa sa kaniyang hitsura. "I'm Raquel." "Nice to meet you." Pormal kong bati sa kanila. "Same here." Sagot ng isang lalaki na tingin ko ay si Grabriel iyon. "Sit." May lumapit na mga lalaki na mga anghel din. Pinaghila nila kami ng upuan. Kani-kaniya kami ng pwesto doon saka umupo. "We heard you want to talk with us..." Panimula ng Urel na may hawak na red wine. Uminom siya ng kaunti doon at inilapag niya din sa mesa ang naturang kopita. "What's the matter?" Seryoso ko silang tiningnan. "I need your help." Diretsahan kong sagot sa kanila. Biglang sumeryoso ang kanilang mukha sa aking sinabi. Kumilos ang mga katawan nila na parnag naging interisado sila sa aking proposal. "Are serious?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel. "You're a cambion. You meant to destroy us. How come you need a help from us?" Seryoso pa rin ang aking mukha. "Hindi ko kakayaning talunin sina Flavius at ang mga Knights of Hell nang mag-isa. Kaya lang ako pumayag na maging cambion noong una dahil kailangan kong pag-aralan kung papaano ko gagamitin ang kapangyarihan na meron ako. Kailangan ko rin pag-aralan ang mga abilidad ko sa pakikipaglaban dahil sa oras na nagawa ko ang mga iyon, may tsansa akong labanan siya pero alam kong kulang pa iyon." Pagpapaliwanag ko. Nagkatinginan sila. Sa pamamagitan ng mga tingin na iyon ay nag-uusap sila. Unang tumingin sa akin si Michael. "Iyon lang ba ang gusto mong mangyari? Dahil lang sa gusto mo siyang talunin? O may iba pang dahilan?" "Gusto kong makamit ang hustisya sa pagkamatay ng tunay kong ama, si Ramael." Dagdag ko pa. Natigilan sila. Alam kong imposible dahil may lahi akong demonyo pero kakalabanin ko ang sarili kong kadugo. Pero kahit kailan ay hindi naging kadugo ang turing niya sa akin. Kungdi isang gamit na gagamitin niya para sa gugustuhin niya. Bigla akong tumayo dahilan para pagtaka pa lalo sila. "Kung kinakailangan kong magmakaawa para tulungan ako, gagawin ko..." Tinukod ko ang isang tuhod ko. "Lilith..." Tawag sa akin nina Harlan at Rhys peor hindi ko pinakinggan. Hanggang sa tuluyan na akong napaluhod sa harap nila. I heard them gasped. "Kapag natalo tayo sa laban, iaalay ko ang buhay ko bilang kapalit. Hindi ako magrereklamo kung ano man ang parusa na ipapataw ninyo sa akin." "Lilith!" This time, tatay called me. "Taos-puso kong tatanggapin iyon pero taos-puso ko din pasasalamatan iyon dahil kahit papaano ay tinulungan ninyo ako." Mas sumeryoso ang boses ko nang sambitin ko ang mga bagay na iyon. Gabriel sighs. "First time in the history, someone beg on us to help them..."Malungkot niyang sabi. Bumaling siya kay Michael. "What do you think?" Seryoso akong tiningnan ni Michael. Alam kong siya ang pinakapinuno ng archangels. Pinag-aaralan niya ako sa mga tingin niyang iyon. "I'll accept this." Sagot niya saka ngumiti siya. Hindi ko na rin mapaigilang mapangiti. "Thank you..." Tumayo si Michael. "All of you, call the Host of Heaven for a meeting tomorrow." Sabi niya sa mga kasamahan niya. Nakahinga ako ng maluwag. Tumayo na din ako. Bumaling ako sa direksyon nina tatay, Primus, Rhys at Harlan. Tulad ko ay baka sa kanilang mga mukha ang saya dahil tagumpay kong nakuha ang tiwala ng mga anghel. Ang kulang nalang ay paghahanda sa nalalapit na laban. ** [ A L I X A ] Nanatili lang kaming nakatayo habang hinihintay namin ang pagdating ni Flavius. Pinapatawag niya kami dahil may importante daw siyang sasabihin sa amin. Ilang saglit pa ay nagbukas ang pinto. Pumasok sa silid na ito si Flavius, nasa bandang likuran niya ang mga iilang pa niyang kapatid at anak. Wala na din ang asawa niya dahil siya din mismo ang pumatay doon dahil hindi siya nabiyayaan ang anak na lalaki kaya minamaliit niya si Helivia, ang nag-iisa niyang anak. Yumuko kami nang umupo na siya sa kaniyang trono. Agad naman siyang inasikaso ng mga alalay. Binigyan siya ng itim na alak. Ininom niya iyon pagkatapos ay nagsalin ulit sa kaniyang kopita. "Nakakuha ako ng balita na sasalakayin tayo ng mga anghel." Panimula niya. "Kaya maghanda na tayo." "Opo." Sabay naming sagot. "Anong balita sa paghahanap ninyo kina Lilith at Rhys?" Pilit biyang maging kalmado nang tnaungin niya iyon. May humakbang na isa sa mga Knights of Hell. Lumuhod siya sa harap ni Flavius. "Nabalitaan naming sumapi sina Lilith at Rhys sa mga anghel. Kasama na din nila sina Raziel at Primus." Nanginginig ang kamay ni Flavius dahil sa galit. Walang sabi na binato niya ang hawak niyang baso sa sahig. Tumayo siya at bakas sa mukha niya ang galit. "Walang hiya at walang utang na loob! Talagang ginagalit nila ako!" Sigaw niya. Nanatili lang kaming tahimik at nakayuko. "Si Lilith... Ha! Manang-mana sa kaniyang ama na suwail at matigas ang ulo! Anak nga talaga siya ni Ramael!" Nagngingitngit na talaga siya sa galit. "Ano po ang plano ninyo, Panginoon?" Tanong ng isa sa mga kampon niya. "Kahit na sabihin nating nakuha niya ang pinakamakapanyarihan ng pagiging cambion niya, walang wala siya sa kapangyarihan ko." Saka ngumisi siya. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" "Kahit na malakas siya ay may kahinaan din siya." Natigilan ako. M-may kahinaan si Lilith? Sa pagkakatanda ko ay wala akong makitang kahinaan niya. Mas lumalakas pa nga ang kapangyarihan ni Lilith kapag hindi niya nakokontrol ito... "Kahit sina Rhys, Raziel at Primus ay may kahinaan din." Saka tumawa siya. Nababaliw na talaga. Demonyo talaga. "Alam ko sa oras na gagamitin ko ang mga kahinaan nila, hinding hindi nila tayo magawang talunin pa." Iba ang pakiramdam ko dito. Hindi tama ang magiging labanan nito kung sakali. "A-ano pong ibig ninyong sabihin, Panginoon?" Hindi ko mapigilang tanungin iyon. Pinagdilatan niya ako na may ngisi. Sa histura niya ngayon, mukhang siguradong-sigurado siya na siya nga ang mananalo... "Papasukin sila!" Malakas na utos ni Flavius na tila may kausap siya sa labas ng silid na ito. Sabay kaming napatingin sa pinto. May apat na tao na pumasok. Balot na balot sila ng itim ba balabal kaya hindi ko agad mamukhaan kung sino ang mga iyon. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa nakahilera na silang nakatayo sa harap ni Flavius. Kumunot ang noo ko dahil sa kuryusidad. Sabay nilang hinawi ang balabal. Napasinghap ako nang tumambad sa akin ang apat na tinutukoy ni Flavius. Hindi lang ako, maski ang mga kasamahan ko ay ganoon din ang reaksyon. Hindi ako makapaniwala na naririto sila.... Medyo nalilito ako kung talaga bang namatay sila o sinadyang binuhay sila ni Flavius? "Isasama ko sila sa digmaan na magaganap. Ewan ko nalang kung ano ang mangyayari sa kanila sa oras na makakalaban niya ang mga mahal nila sa buhay!" Bulalas ni Flavius na sinabayan pa niya ng tawa. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sundan sina Lilith at Rhys sa mundo ng mga mortal para bigyan ng babala. Pero kung gagawin ko iyon, mahahalata pa ako ni Flavius na pinagtataksilan ko siya. Yumuko silang apat sa harap ni Flavius. Pare-pareho silang walang emosyon sa kanilang mga mukha. Seryoso at puros itim ang kanilang mga mata. Hindi kaya... Rhys, sa oras makakaharap mo ang iyong ina, anong gagawin mo? Anong gagawin mo ngayon Lilith? Kung sa oras na makakaharap mo ang mga magulang mo? Papaano kung ang magulang na kinasasabikan mong makita ay sila naman na papatay sa iyo? Kakalabanin mo pa ba sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD