Pinauna ko na sila sa mansyon. May gusto akong daanan bago ako umuwi. Nagpumilit na sumama sina Rhys at Harlan pero tumanggi na ako. Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. Wala na silang magagawa pa doon. Nilakbay ko ang kagubatan. Buti naman ay walang masyadong hapon dito. Maliban nalang sa mga insekto o kung anuman pa iyon. Tumigil ako sa saglit sa paglalakad nang may naririnig ako. May rumarasagang tubig malapit lang sa akin. Ipinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad. Hinawi ko ang mga halaman na nakaharang sa aking dinadaanan. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang ilog na may talon sa isang tabi. May mga alitaptap na nakapaligid sa ilog. May mga malalaking bato din. Humakbang ako para mas lalo ito masilayan. Iginala ko ang aking paningin at napangiti. Nabanggit kasi sa akin ni tata

