[ H A R L A N ]
"Good morning, professor!" Bati sa akin ng iilang estudyante at katrabaho ko dito sa Institute. Nguniti ako sa kanila at binati ko din sila pabalik. Mabuti wala akong hang over ngayon. Medyo naexcite lang ako na icelebrate ang saya ko kina Lilith at Rhys. Nakakatuwa lang, hindi na ako palaging mag-isa sa bahay...
Dumating na ako sa mismong Laboratory kung nasaan ang susunod kong pag-aaralan. Bago ko man marating ang mismong mesa ay humarang sa dinadaan ko si Rina. Isang mapang-akit na ngisi ang binigay niya sa akin. Nakuu!
"Good morning, darling..." She greeted me with her sweet voice. Sabay hawak niya sa isang balikat ko. "Hindi ka nakarating kagabi..."
Taka ko siyang tiningnan. "What are you talking about?" Tanong ko.
Tumaas ang isnag kilay niya. "Well, should I say... Binisita ako ng asawa mo sa condo unit ko?"
Doon ako natigilan. Sinong asawa na tinutukoy niya? Wait, hindi kaya si Lilith ang tinutukoy niya? Teka, paano nalaman ni Lilith ang condo unit niya? Wala rin akong natanggap na mensahe mula kay Rina.
"Masyadong possessive ang asawa mo, hm?" Wika pa niya sabay pinapadausdos pa niya ang kaniyang hinatuturo niyang daliri hanggang sa aking dibdib. May halong pang-aakit pa iyon sa haplos niyang iyon.
Agad kong hinawakan ang kamay na iyon ni Rina para tumigil siya. Seryoso ko siyang tiningnan. "Magtatrabaho na ako, Rina. Pasensya na." Saka nilagpasan ko na siya't pinuntahan ko na ang mesa.
Kailangan ko sigurong kausapin mamaya si Lilith pagkauwi ko.
Nilapag ko ang attaché case sa gilid ng mesa saka binuksan ko iyon. Nilabas ko ang sliding folder. Binuklat ko iyon. Bumungad sa akin ang isang litrato... Isang bato na hugis espada. Hindi ito tulad ng Angel blade, Angel sword o the First Sword... May nakalagay na caption na The Blade of Heaven and Light. Tiniklop ko ang naturang folder saka pinatong ko iyon sa taas ng case. Binalingan ko ang bato na nasa aking harap.
Yumuko ako ng kaunti saka pinagmasdan ko iyon ng mabuti. Bago ko simulan ay nagsuot muna ako ng lab gown, gloves at pamporteksyon sa mata. Binalikan ko ang naturang bato. Nilipat ko iyon sa laboratory sink. Kinuha ko ang solution water sa gilid ko saka dahan-dahan ko iyon binuhos iyon sa bato. Naniningkit ang mga mata ko habang pinapanood ko kung papaano natutunaw ang bato...
Bakas sa mukha ko na hindi makapaniwala kung ano ang nakikita ko habang unti-unti nalulusaw ang mga bato sa parte nito...
Ito pala ang sinasabing The Blade of Heaven and Light...
Manipis ang blade nito pero ang bigat niya nang sinubukan kong buhatin ito. Hindi magagamit ng maayos ito kung sakaling makipaglaban ka.
Ayon sa research ko. May isang fallen angel (dark angel) ang gumamit nito. Natalo siya sa isang laban sa isang demonyo. Sa himpapawid sila naglaban ng mga panahon na iyon. Mali ang paggamit niya kaya madali para sa kaniya na bitawan iyon at nahulog ang naturang espada, hindi na ito nakita pa. Dahil d'yan, natalo nang husto ang fallen angel at akala nila ay namatay na ito...
Bukod pa doon, napag-alaman kong milyong taon na itong espada na ito.
Biglang may sumagi sa isipan ko... Si Lilith. Nabanggit niya na kailangan niyang matalo si Flavius, ang tiyuhin niya na pumatay sa mismong ama niya. Bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ng magulang niya.
"Itatago muna kita. May kilala ako na may tamang gumamit sa iyo." Bulong ko sa espada.
**
Inabot na ako ng gabi. Hindi ko namalayan. Kailangan ko nang umuwi dahil paniguradong naghihintay na ang dalawa sa bahay. Dadaan din ako sa drive thru para bigyan sila ng pasalubong. Sa bahay ko na din itutuloy ang pag-aaral ko. Sana maabutan ko pa si Lilith bago pa man siya pumasok sa trabaho niya o kung hindi man, dadaan nalang ako doon.
Palabas na sana ako ng opisina nang biglang humarang na naman si Rina sa dinadaanan ko. Ang akala ko nakauwi na ang isang ito.
"Oh, Rina..." Tanging sambit ko.
Matamis siyang ngumiti sa akin. Mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin. Umatras ako ng isang hakbang. "Nawalan ng gas ang sasakyan ko, okay lang ba na sumabay na ako sa iyo?" Malambing niyang tanong sa akin.
"A-ah... Ano kasi, nagmamadali ako..."
Ngumuso siya na parang nadismaya sa sagot. "Sige na, Harlan... Please?" Mas lalo pa niyang inaakit ang boses niya.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Marahan ko siyang inilayo mula sa akin. "Pasensya na talaga..." Nilagpasan ko siya pero bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. Nilingon ko siya. Kita ko na yumuko siya at matalim siyang tumingin sa akin na mas lalo ko pa ipinagtataka. "R-Rina..."
"Ikaw palang ang lalaking hindi ko makuha-kuha, Harlan." Mariin niyang sabi. "Kung alam mo lang kung gaano kita kagusto. Pero kung ayaw mo talaga... Siguro ay mas maigi kung idaan ko nalang sa pwersahan." Inangat niya ang kaniyang mukha.
Bigla ako natakot nang makita ko ang mga mata niya na naging pula ang mga iyon. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas. Nanlaki ang mga mata ko na may sapot na ang mga kamay niya! Muli kong tiningnan si Rina na ngayon ay nakangisi. Ibuka niya ang kaniyang bibig. May inilabas siyang kulay itim... They look like a dust or something! What the hell?!
Unti-unti ako inaantok. Nanghihina ako...
'L-Lilith...' Tawag ko sa kaniya sa pamamagitan ng isipan ko. Pabagsak ako at pumikit...
**
[ L I L I T H ]
"L-Lilith..."
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Harlan na kung saan man. His voice echoing inside of my head. Bumaling ako kay Rhys na abala sa kaniyang pinapanood. "Rhys," Sapat na lakas ng boses ko nang tawagin ko siya.
Bumaling sa akin si Rhys na may pagtataka sa kaniyang mukha. "Bakit?"
"Anong oras na?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya.
Binalingan niya ang wall clock na nasa ibabaw ng TV set. "Alas nuwebe y media na ng gabi. Bakit mo naitanong?"
Kumunot ang noo ko. Nakakapagtataka naman. Mga ganitong oras ay narito na si Harlan. This is unusual and strange. Kung may hindi pa tapos na trabaho si Harlan, ang gagawin lang n'on ay itutuloy niya ang kaniyang pag-aaral dito sa unit niya.
Tumayo na ako at kinuyom ko ang aking kamao. Parang may mali na naman akong nararamdaman. "Rhys," Mariin kong tawag sa kaniya.
"Bakit, Lilith?"
"Sundan natin si Harlan." Seryosong sagot ko.
"H-huh?"
Nilingon ko siya. "Masama ang kutob ko. May hindi tama."
"Baka naman busy siya—"
"Kung ayaw mong sumama, ako nalang." Humakbang na sana ako palabas ng unit nang bigla ulit siya nagsalita.
"Baka mapahamak ka! Oo na, sasama na ako sa iyo! Magbibihis lang ako! Hintayin mo ako." Umaribas siya ng takbo patungo sa kuwarto ni Harlan. Oo nga pala, magkasama sila sa kuwarto ni Harlan...
Pumasok din ako sa kuwarto ko at nagpalit ng pang-itaas na damit. Mula sa uniporme ko ay pinalitan ko na iyon ng isang hapit na black shirt. Pagkalabas ko ay siya din ang paglabas niya. Seryoso kami nagkatinginan at tumango kami sa isa't isa.
Nitong mga nakaraang araw naman ay parang ninibago kami ni Rhys sa kinikilos ni Harlan. Minsan ay nawawala ito sa kaniyang sarili. Kapag tinatawag mo siya ay tatlong beses pa bago ka niya mapansin o lingunan. He looks like... He's under of a black spell... Hypnotized.
**
"Are you sure about this, Lilith?" Nagtatakang tanong ni Rhys sa akin nang nasa labas na kami ng Institute kung nasaan nagtatrabaho si Harlan.
"Yeah." Walang emosyon kong sagot.
Tumango siya. "You told me to have a research regarding this name Rina Oda."
"May nakuha ka na ba?"Tanong ko habang nanatili lang kaming nakaupo sa likod ng mga malalagong halaman.
"She's Jorogumo."
Kunot-noo ko siyang binalingan. "A what?" Para akong nabingi.
"Jorogumo. Accroding to the Japanese folklore, the Jorogumo is a 400 year old mixed human and giant spider, that can change its apperance into that of a... beautiful woman. She seduces young handsome men, wraps them in her webs and eats them..."
Napangiwi ako. Aba, talaga naman... Kaya pala ang lakas ng loob niyang landiin si Harlan dahil ito ang kaniyang target. Hmm... Kaya din pala iyon ang ginamit niya sa akin kagabi...
Biglang sumulpot ang hellhound na alaga ko. Sa pamamagitan ng kaniyang mga mata ay malalaman namin ang sagot kung nariyan nga ba sa loob si Harlan ngunit bigo kami. Wala daw ito. Naniningkit ang mga mata ko. Biglang sumagi sa isipan ko nang nakaharap ko si Rina. Puros sapot ng gagamba ang tumambad sa akin ng gabing iyon pagkatuntong ko sa kuwarto niya. Pati ang amoy na meron doon...
Seryoso kong tiningnan si Rhys. "Alam ko na kung nasaan si Harlan." Sabi ko sa kaniya.
"Saan kung ganoon?"
"Sa unit ni Rina." Sabay nilabas ko ang pakpak ko at nauna na akong lumipad. Sumunod si Rhys sa akin habang ang alaga kong hellhound ay naging anino muna.
Hindi pwedeng makuha ng babaeng gagamba na iyon si Harlan. Humanda siya sa akin sa oras sa may gawin siyang karumal-dumal sa hunter na iyon!
**
Maingat kaming pumasok unit ni Rina Oda. Tahimik at medyo madilim. Nagkatinginan kaming dalawa ni Rhys. Tumango siya. Hinanda niya ang kaniyang pana habang ako naman ay nilabas ko ang punyal sa nakabit sa aking balakang. Pinaligiran namin ang tanging pinto ng kuwarto. Ako ang humarap doon at walang sabi na kumawala ako ng malakas na tadyak. Kusa iyon bumagsak sa sahig.
Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hubad na katawan ni Rina habang ang mga malalaking galamay ng gagamba ay nasa likuran niya. Napatingin siya sa akin. May bahid na pagkagulat sa mukha niya habang hawak niya si Harlan na nakadikit sa malaking at malawak na sapot. Ang mas ikinagugulat ko pa ay puros mga bungo at iba't ibang buto ng tao ang nakadikit sa bagay na iyon.
"Pakawalan mo siya, Rina." Matigas kong utos sa kaniya.
She smirked. "Why should I?"
"Baka hindi mo tinandaan ang huling sinabi ko sa iyo? And this is my last warning." Walang emosyon kong sabi.
Bago man niya ako sinugod ay alam kong biglaang pagsulpot ni Rhys mula sa likuran ko. Yumuko ako at nagpakawala siya ng paa. Tinamaan si Rina sa balikat na dahilan para humiyaw ito. Gumapang ako para ako para sugurin ang babaeng gagamba habang si Rhys naman ang magliligtas kay Harlan na mahimbing itong natutulog.
"How dare you!!" Sigaw ni Rina sa akin. Bumuga siya ng sapot na agad ko din inilagan. Binigyan ko siya ng sapak sa mukha na ikinatumba niya. Pero dahil sa mga galamay niya ay nagawa niyang tumayo ulit.
Tumakbo ako palapit sa kaniya. Tinapakan ko ang kaniyang ulo hanggang sa pinulupot ko ang aking mga binti ang kaniyang leeg. Hinawakan niya ang mga binti ko para kagatin niya iyon pero pinipigilan ko din dahil hawak ko ang kaniyang buhok. Inangat ko ang isang kamay ko na may hawak na punyal. "Any death wish?" Sarkastiko kong tanong.
"AAAAAAHHHHHHH!" Hiyaw niya.
I gritted my teeth. Walang sabi na sinaksak ko ang ulo niya. Bumulwak doon ang dugo niya sa akin pero ang inaasahan ko ay kulay pula iyon pero hindi. Kulay berde.
Kusa siyang natumba sa sahig. Agad kong umalis sa kaniya. Tinutok ko sa mukha niya ang aking palad. Matalim na tingin ang ibinigay ko. Muli nag-iinit ang mga mata ko.
"P-pagbabayaran mo ito..." Nanghihina niyang sambit.
"No, you should be. As a chief of staff in the name of Nine of Hell... And as a destroyer of Host of Heaven, I'll punish you..." Unti-unti lumalabas ang apoy at napunta iyon sa mukha niya. "Death."
Nagsisigaw siya habang sinusunog siya ng apoy.
Tumayo ako ng tuwid. Pinapanood ko siya kung papaano siya nilalamon ng aking apoy. Ramdam ko si Rhys na nasa likod ko, akay-akay niya si Harlan na wala pa ring malay.
Patuloy pa ring nag-aalab ang aking puso dahil sa galit.
**
[ R H Y S ]
Sa loob ng maraming taon na magkasama kami ni Lilith, ngayon ko lang siya ulit nakitang ganito... Kagalit. Dahil ba sa mabait lang siya o dahil sa lalaking ito?
Noong mga bata palang kami, pinapangako ko na ako ang poprotekta sa kaniya sa oras na lumaki na kami. Pero mukhang iba ang masasaksihan ko. Dahil ibang Lilith na ang nakikita ko... Parang handa siya na protektahan ang mortal na hawak ko.
Lilith... Bakit ganyan ang nararamdaman mo? May pagtingin ka na ba sa kaniya? Ngayon palang ba, pinapakita mo na sa akin na wala na akong pag-asa sa iyo?
◾◾◾