12. web

1899 Words
"Sigurado ka ba talagang paniniwalaan mo ang lalaking iyon, Lilith?" Seryosong tanong sa akin ni Rhys nang nakalabas na ako mula sa silid ni Harlan na kasalukuyan na itong nagpapahinga. "Yeah." Walang emosyon kong tugon. "Hindi siya masama tulad sa inaasahan natin, Rhys. Kung hindi siya masama, eh di sana nakita mo akong nakatali o hindi kaya namatay na." Mataimtim niya akong tiningnan. Parang sinusuri niya ako sa lagay na iyon. Wala akong pakialam. Basta, paniniwalaan ko na tutulungan nga kami ni Harlan na makarating sa lugar kung nasaan si tatay... Well, I'm still hoping na naroon pa rin siya. "Sasama ako kung saan kayo magpunta." Iyon ang naging kumento niya. "Anong balita?" "Flavius is now furious. Habang pinaghahanap ka niya, pinapahanda na din niya ang hukbo para sa nalalapit na laban..." Umupo siya sa isang silya. Huminga siya ng malalim. "Hanggang doon lang ang nakuha kong impormasyon." "You can manipulate your army because you're already a General, Rhys." Sabi ko pa. "I can do that but it's not easy as what I think." Mas sumeryoso ang kaniyang mukha. "Sa lahat ng Knights of Hell, si Alixa lang ang traydor but all of them, their loyalty is still in Flavius." Humalukipkip ako saka sumandal sa pader. May sumagi sa isipan ko. "Sa oras na nakausap ko si tatay, hihingi tayo ng tulong sa mga anghel..." Tinagilid ko ang aking ulo para tingnan siya. "Paniguradong malaking laban ang magaganap. Pero tingin ko naman ay malaki ang laban natin dahil hinding hindi ko gagawin ang sinasabi ni Flavius na ako ang papatay sa Host of Heaven." "I know. But the question is, the archangels are willing to listen? Can they give us a hand to help in this big fight against him?" Tanong niya. "There's a possibility they're would not listen, Rhys." Hinawi ko paitaas ang aking buhok. "Pero kung gugustuhin nilang manalo laban sa mga kampon ni Flavius, paniguradong mananalo tayo." Sagot ko pa. "Lalo na kung idadagdag natin si Harlan sa hukbo natin." "You're kidding, are you?" May bahid na hindi siya makapaniwala nang banggitin ko ang mga bagay na iyon. "Nope, I'm not." Hinarap ko siya. "And you, ikaw ang magtuturo sa kaniya kung papaano makikipaglaban." Napaawang ang bibig niya Tumaas ang mga kilay niya. "Talagang ako ang gusto mong magturo sa kaniya?" "Of course, because you are a General. Hmm?" May halo nang sarkastiko kong sambit. Kumawala siya ng isnag malalim na buntong-hininga. Tanda ng pagsuko. "Kung hindi ka lang chief of staff, paniguradong tatanggihan ko 'yan. Tsk." Lihim ako napangiti. "I'm glad, then." Wala pang weekend ay halatado masyado si Harlan na excited sa pagtuturo sa kaniya. Sinabi ko kasi sa kaniya na si Rhys ang magsasanay sa kaniya tutal ay tingin ko din ay mas mahaba ang pasensya ni Rhys kay sa akin. Mainitin ang ulo ko. Nagsimula iyon noong tumuntong ako ng walong taong gulang. Nag-usap na din kami na paglilinis at pagluluto ang magiging kabayaran namin sa kaniya ngunit, mas istrikto kami sa oras na magsasanay na kaya binalaan ko din siya na huwag na huwag siyang magrereklamo. Napapansin ko din na mukhang hindi magkasundo itong sina Rhys at Harlan. Aminado naman akong maingay talaga si Harlan na siya naman ang pagiging tahimik at seryoso ni Rhys. Kaya kung minsan ay naririndi si Rhys sa kaniya na kulang nalang ay bigyan ito ng sapak. Hindi ko pa nababanggit kay Rhys tungkol sa naencounter kong lalaki. Kailangan ko munang siguraduhin kung sino ba talaga siya. Sa lagay niya kasing iyon, parang may hinihintay siya na isang sitwasyon na wala akong ideya kung ano 'yon. Hinihintay ko lang din na magkrus ulit ang mga landas namin... "Aray!" Malakas na daing ni Harlan nang bumagsak siya sa sahig ng boxing ring. Nakatikim lang siya ng sapak mula kay Rhys. Pawis na pawis siya. Wala pang isang oras buhat nang nag-eensayo sila. Nakatayo lang ako malapit sa kanila habang nakahalukipkip. Pinag-aaralan ko ang kilos ni Harlan. He is a pure human. Walang ibang nilalang na humalo sa kaniyang katawan o pagkatao. Ibig sabihin, limitado ang lakas na meron siya. Gayunpaman, kailangan ko pa rin siya sa bubuoin kong hukbo. My first encounter with him is through Devil's trap and he's good with it. He can make it more. Pero hindi palagi na ganoon ang kayang gawin ni Harlan. He need to explore something more. That he can fight fist to fist. Tooth to tooth. After he get through in this training, up next is target shooting. I know he can be a long ranger. There's 90 percent demon in Hell. Most of them has weakness. Balak kong ikakabit sa bawat bala ang mga baril niya ang mga bagay na magiging kahinaan at mapuksa niya ang mga iyon—maliban kay Flavius pati sa iba pang Knights of Hell. Kami na ni Rhys ang bahala sa kanila... Napahawak ako sa aking kuwintas. Marami nang nabubuong plano sa isipan ko. Dahan-dahanin ko muna iyon... "Bilis, tayo!" Malakas na utos sa kaniya ni Rhys. Nanghihinang tumayo si Harlan. Nilapitan siya nito. "Mali naman kasi ang diskarte mo..." Tinuro niya ang tamang posisyon at atake na papakawalan nito. Bumaling ang tingin ko sa mga pana. Nilapitan ko ang mga iyon. I grab the arrow and bow. Kumuha ako ng isa mula sa aking likuran saka kinabit ko iyon sa bow. Tinutok ko iyon sa malaking board na nasa aking harap na may nakaukit na mga bilog. Bigla kong bitawan ang pana saka tumusok ang dulo nito sa pinakagitna. Napabuntong-hininga ako. Kumuha ako ng tatlo. Kinabit ko ang mga iyon sa bow. Hinarap ko ang isa pang boad sabay pinakawalan ko ang tatlong hawak ko na pana. Tumama ang mga iyon sa mga target ko. Sumilay ang ngiti sa aking labi. I need more practice. Para matalo ko lang si Flavius... Sabay kaming napaangat ng tingin ni Rhys nang may inilapag na mababang mesa dito sa salas. Isang malapad at matamis na ngiti ang iginawad ni Harlan sa amin. "Ano ito?" Takang tanong ko. "Alak. And we're gonna celebrate!" Bulalas niya. Pinaninkitan ko siya ng mga mata. "Para saan naman?" "Maisasapubliko ko na ang isa sa mga mahirap na study na ginawa ko. I'm happy and I want to share my happiness with you." Paliwanag niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Rhys. Nagkibit-balikat siya habang ako naman ay sumandal. "Aright." Sagot naming dalawa. Si Harlan na ang nagbukas ng alak saka sinalin niya ang mga iyon sa tatlong kopita na nakapatong lang sa mababang mesa. Inabot niya sa amin ang mga iyon. Inangat ni Harlan ang hawak niyang kopita. Muli na naman kami nagtaka ni Rhys. "Hey, cheers tayo!" Aniya. "Huh?" Bago pa man kami magreact ay kinalampag niya ang kopita sa baso na hawak ko at ni Rhys. "Iyan ang cheers." Napangiwi kaming dalawa. Wala naman kaming alam sa ganito... Habang tumatagal ay napapansin ko ang pamumula ng mga mukha nina Rhys at Harlan. Nag-iingay pa. Mas lalo ako napangiwi nang makita ko ang kahitsurahan ni Rhys. Ngayon ko lang nakita na ganyan ang kababata ko. Tsk tsk. Ang akala ko pa man din seryoso at walang pakialam sa mundo pero mukhang magkakamali pa yata ako... Habang nag-iingay ang dalawa ay may pumukaw ng aking atensyon. Biglang umilaw ang isang bagay na palagi kong nakikita na hawak palagi iyon ni Harlan. Cellphone yata ang tawag sa ganoon. Sinilip ko iyon. Nababasa ko ang pangalan ng Rina. Siya iyong babaeng nakita ko sa Parking Lot na lumalandi kay Harlan... At kasama daw niya ito sa trabaho. From Rina : Hi, Harlan baby! Are you free tonight? I'm here alone at my condo. Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Bakit nagappadala siya ng ganoong mensahe? Mukhang wala naman iyon kinalaman sa trabaho? Tss. Kasalukuyan nang natutulog dalawa dito sa salas. Si Harlan ay natutulog sa sahig habang si Rhys naman ay natutulog sa sofa habang nasa sahig ang talampakan niya. Mukhang mahimbing ang tulog nila. Sinamantala ko ang pagtataon na ito. Aalis ako. Tutal naman ay madaling araw palang. Sasaglit lang naman ako sa babaeng iyon. Nagsuot ako ng itim na hoodie jacket at pantalon. Naka-rubber shoes din ako para madali ako makakilos. Nasa loob ng mga bulsa ng jacket ang mga kamay ko. Pupuntahan ko kung nasaan ang babaeng Rina na iyon. Iba talaga ang pakiramdam sa kaniya. Parang may tinatago siya na kung ano... Until I reached the building na sinasabi na condo unit niya. Sa likod ako dumaan. Tanaw ko na naghihintay sa akin doon ang hellhound na aking alaga. Siya ang pinahanap ko. Nilapitan ko siya at malumanay kong hinaplos ang kaniyang ulo. "Good job." Wika ko sa kaniya. Nanatili lang nakalabas ang kaniyang dila. Yeah, he's like a wolf pero ang pinagkaiba lang ay para siyang anino at umiilaw ang mga pula niyang mga mata. Nakakatakot siya para sa mga tao. Nilabas ko ang mga pakpak ko. Lumipad ako at sumilip sa bintana kung nasaan ang condo unit ng Rina na iyon. Seryoso ko siyang pinapanood. Nagsasayaw habang pinaglalaruan niya ang kaniyang buhok. Lumipat ako sa kabilang bintana. Dahan-dahan kong binubuksan ang bintana ng mismong kuwarto. Nagtataka ako kung bakit puros sapot ng gagamba ang bumungad sa akin. May umaalingasaw na amoy pa akong naaamoy. Tss. Maingat akong pumasok mula sa bintana. Masyadong madilim. I'm trying to scan the whole place nang bigla may dumikit na sapot sa aking paa at walang sabi na kinaladkad ako palabas sa naturang silid na iyon. Napadaing ako nang malakas akong nauntog sa pader. Mas ikinagulat ko pa ay dumikit ang pares ng kamay at paa ko sa pamamagitan ng mga sapot dahil d'yan ay nanlaki ang mga mata ko. "What are you doing here?" Napatingin ako sa aking harap. Si Rina na medyo malaswa ang suot na kita na ang dibdib. Nakahalukipkip siya habang nakatayo siya sa aking harapan. Hindi ako agad sumagot. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya. "Pangahas kang pumasok sa teritoryo ko!" Singhal niya sa akin sabay sinampal niya ako. I smirked. "Masyadong mahina ang sampal mo, babae." Malamig kong tugon. "At ikaw ang pangahas." "Ano?!" Mas lalo siya nagalit nang sabihin niya iyon. Tiningnan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata. "Alam mong asawa ako ni Harlan, hindi ba? Makinis nga ang katawan mo pero magaspang naman ang budhi mo." Isang matalim na tingin ang iginawad ko sa kaniya. "Sa oras na nakawala ako dito, baka iiyak ka ng dugo." Nagtiim-bagang siya. "Masydong matibay ang sapot na iyan kaya paniguradong hinding hindi ka makakaalis d'yan!" Saka tumawa siya ng malakas. "And oh, wala akong pakialam kung asawa ka man ni Harlan dahil mas maganda ako sa iyo, at gagawin ko ang lahat para makuha ko siya." "Ang tanong, sasama ba sa iyo?" She smirked. "Hindi mo na kailangan pang itanong sa akin iyan dahil malalaman mo din ang kasagutan na iyan..." Kinuyom ko ang palad ko. Kusang nag-init ang mga mata ko. My eyes were ash gray na namana ko sa tunay kong ama kaya hindi masyado halata kung sakaling magbago iyon sa puti... Kita ko sa mukha niya na hindi makapaniwala. Napasandal siya sa pader habang sapo-sapo niya ang kaniyang dibdib. Nag-alab ang aking mga kamao. Lumikha iyon ng apoy. Kusa akong nawala mula sa pagkadikit sa pader. I heard she gasped. Humakbang ako palapit sa kaniya. Walang sabi na dinakma ko ang leeg niya at mas lalo ko siya diniinan sa pader para hindi siya makawala. Hinawakan ng mga kamay niya ang kamay ko. Halos hindi siya makahinga. Marahas ko siyang hinagis sa gilid. Malakas siyang dumaing. Tinalikuran ko siya. Binasag ko ang sliding door. Nilabas ko ang mga pakpak ko. Tinagilid ko ang ulo ko para sulyapan ko siya bago ako umalis. "This is my second warning. Huwag mong hintayin na mamamatay ka sa mga kamay ko, tandaan mo iyan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD