11. rhys

1331 Words
"Manahimik ka." Inis kong sagot sa kaniya bilang sagot sa kaniyang sinasabi kani-kanina lang. Inirapan ko siya at muli bumaling sa bintana. Tss. Rinig ko ang pagtawag niya. "Ang harsh mo talaga, Lilith. Inosente at mala-anghel ang mukha na meron ka pero delikado ka kapag nakilala ka na." He commented. Pinili ko nalang na huwag na pansinin pa ang sinasabi niya. Humalukipkip ako. Ipinikit ko ang aking mga mata para magkukungwaring tulog. Alam kong dadaldalin na naman ako ng siraulong ito. Narating namin ang sinasabi ni Harlan na 'new place.' Unang tingin ko lang dito ay parang abandoned warehouse? Sa dinami-dami na lugar ay bakit ito ang napili niya? "Here we go," He announced and he open the door. Lumabas ako. "Sigurado kang dito 'yon?" Tanong ko sa kaniya. Masaya siyang tumango. May bakas pa na excitement sa mukha niya. "Oo, I bought this place last week. Ang akala nga ang dating may-ari, magpapatayo ng busineness or factory pero hindi." He explained. Ako naman ang tumango. Kumawala ako ng mga hakbang palapit sa naturang warehouse. Hinatak ko ang pinto. Ako ang unang pumasok. Naniningkit ang mga mata ko. Mukhang tama nga na binili ni Harlan ang lugar na ito. Malawak siya at tama lang kung sakaling magsasanay kami dito. "So... What do you think?" Tanong niya na nasa bandang likuran ko na siya. "Okay lang," Mabilis kong sagot. Patuloy na iginagala ang aking paningin sa paligid. "Bumili din ako ng boxing ring..." Takang ko siyang sinulyapan. "What?" Pakurap-kurap siyang tumingin pabalik sa akin. "Hindi mo alam? Ginagamit din siya sa training." Paliwanag niya. Whatever. "So, kailan mo balak magsimula?" "How about weekends?" Ngumuso ako saka tumango. "Alright, weekends." Pagsang-ayon ko. Sasabihin ko nalang sa boss namin na babaguhin ang schedule ko. Niisa-isa namin ang gamit na binili niya para sa training. Mukhang gumastos siya ng malaki para lang dito... "Papaano pala 'yung training mo sa Hell, Lilith? Mahirap ba?" Bigla niyang tanong. Nakaupo kami ngayon ibabang bahagi ng boxing ring. Nagpapalipas lang ng oras. "Sa una, mahirap. Pero di kalaunan din ay nasasanay na kami ni Rhys." Sagot ko. "Sino pala 'yung si Rhys? Ngayon ko din naririnig ang pangalan na iyon, ah." Tanong niya ulit. "Kapatid ko siya kahit hindi naman." I sighs. "Parehong namatay ang mga nanay namin dahil sa panganganak. Iyon kasi ang mangyayari sa mga ina ng mga cambions. Si papa, namatay dahil nagtaksil including his sister, tita Lucille... Ang ama naman ni Rhys, hindi pa rin niya kilala. Si tatay Raziel na kaibigan ng biological parents ko, siya ang nag-alaga sa amin. Kapatid ang turingan naming dalawa ni Rhys dahil sabay kaming lumaki hanggang sa Impyerno." Mukhang namangha na naman siya sa kwento ko. "Ang saklap pala..." Hilaw akong ngumisi. Napahawak ako sa kwintas. "Ito nalang ang naalala na meron ako sa mga magulang ko... Pinapangako ko sa oras na mahanap ko si tatay at nakuha ko ang kailangan ko ay babalik ako sa Nine Hell para harapin si Flavius." "Ha? Sino naman si Flavius?" "Tiyuhin ko pero siya ang pumatay sa totoo kong ama." I heard his gasped. Hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.. "S-seryoso? Papaano niya nagawa iyon sa kaniyang kapatid?" Seryoso ko siyang tiningnan. "Harlan, we're living in Hell. Hindi na nakakapagtataka kung bakit puros masasama ang mga ugali ang mga naroon, wala silang pakialam kung kapatid nila iyon o hindi." Paliwanag ko. "Sabagay..." And he sighs. "Kailan mo pala balak pumunta sa Batangas para hanapin ang tatay mo?" "Hmm... Titingnan ko pa. Teka...." Biglang may sumagi sa isipan ko. "By the way, who's Rina? Pero kung ayaw mong sagutin, ayos lang." Umiwas agad ako ng tingin. "Ah, she's also an archeologist. He's half-pinay and half-japanese. I don't really get it why she's flirting on me." So nilalandi lang talaga siya nito. Hmmm... Hindi lang kasi iyon ang napapansin ko sa kaniya. May kakaiba pa. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon... "Harlan," Seryosong tawag ko sa kaniya.  "Hmm?" "Magreresign ako sa trabaho. Naisip ko na may kailangan pa akong gawin." Sabi ko. "Ha? Seryoso ka?" Seryoso ko ulit siya tiningnan. "Oo. Huling pabor. Sagot mo na lahat ng gastusin ko. Pagdating natin sa Batangas, babayaran din kita. Kailangan kitang bantayan. Iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon. That Rina girl." Hindi siya agad nakapagsalita. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na nagtataka. 'Hindi kaya may gusto kaya siya sa akin?' Sabi ng isipan ni Harlan. Ramdam ko ang pag-init ng aking ulo sa aking narinig. "Kung ano na naman ang tumatakbo sa isipan mo, tigilan mo na. Hindi ganoon 'yon." Tumayo na ako. "Umuwi na tayo. Gusto ko nang magpahinga." Pasungit kong sambit. Nag-umpisa na akong maglakad palabas sa warehouse na ito. "T-teka, hintay!" Malakas niyang sabi. HIndi ko siya pinakinggan pa. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Dahil ang totoo... Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Bwisit, nakakahiya kapag nakita ni Harlan iyon! Tsk. ** Pagbalik namin sa unit ni Harlan ay may narinig kaming ingay. Agad ko hinarang ang isang braso ko kay Harlan. Kumunot ang noo ko. Bigla din bumilis ng t***k ng puso ko. Tiningnan ko ang baay na binigay sa akin ni Alixa. Hindi naman umiilaw iyon. "Ughhh..." Rinig kong ungol ng isang lalaki. Binalingan ko si Harlan. "Dito ka lang, ako na bahalang tumingin kung sino iyon." Bilin ko sa kaniya. Tumango siya bilang sagot. Maingat akong humakbang patungo sa balkonahe ng unit. Kumunot ang noo ko nang may bulto ng tao na pilit gumapang papasok dito. "Arghhh..." Base sa boses niya ay nanghihina siya. Teka, pamilyar sa akin ang boses na iyon, ah! "Isindi mo ang ilaw!" Malakas kong utos kay Harlan. Sinunod niya iyon. Nang umilaw ang buong paligid ay nanlaki ang mga mata ko nang bumulagta sa aking harap ang katawan ni Rhys! Nakahandusay siya sa sahig kung nasaan ang Devil's trap! "Rhys!" Malakas na tawag ko sa kaniya, may halong pagkagulat. Ngunit hindi ko agad matulungan dahil sa oras na tumapak ako sa devil's trap, panigurdong manghihina din ako. Kaya si Harlan ang inutusan ko. "Ialis mo si Rhys sa Devil's trap, dali!" Aligagang kumilos si Harlan. Nilapitan niya si Rhys saka inakay niya ito. Pinaupo namin siya sa sofa. Parang hingal na hingal si Rhys. Naranasan din pala niya ang naranasan ko... "S-siya pala si Rhys?!" Bulalas ni Harlan sa akin. Nanlalaki pa ang mga mata niya. "Oo, siya nga. Bakit?" "I thought she's a girl!" "What?!" Maski ako ay hindi rin makapaniwala na iisipin niya ang bagay na iyon. Narealize ko na hindi ko pa pala nabanggit sa kaniya na lalaki si Rhys at hindi babae. "L-Lilith?" Nanghihinang tawag sa akin ni Rhys. Agad ko siyang dinaluhan. "Rhys... Nandito ako. P-papaano ka nakarating dito?" Napangiwi siya. "I followed you..." "Papaano kung hanapin ka din ni Flavius?! Baka mapahamak ka din!" Hindi ko mapigilang masigawan siya dahil sa frustration! "Hey, lady. Easy!" Suway sa akin ni Harlan. "Narinig ko na ipapasundan ka ni Flavius dahil nalaman niya na tumakas ka, lalo na't hindi ka nakarating sa seremonyas... Gagawin niya ang lahat para bawiin ka." Pumikit ako ng marii. "How about Alixa?" "She's fine. Hindi rin nahahalata ni Flavius na pinagtataksilan din siya ni Alixa." Sagot niya. Tiningnan niya si Harlan. Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "W-wait, who is this guy, Lilith?" Napabuntong-hininga ako. "Siya ang mag-ari ng tirahan na ito." Naniningkit ang mga mata ni Rhys. "Y-you're living with a guy?" "Yeah..." "Harlan nga pala, par—" Pakilala sana ni Harlan sa kaniya nang biglang hinawakan ni Rhys ang isang kamay niya at walang sabi na binuhat niya si Harlan gamit ay ang likod hanggang sa bumagsak ito sa sahig. "Ouch!" Daing niya. "Rhys!" "Sabihin mo, Lilith. Anong ginawa sa iyo ng lalaking ito? Sinaktan ka ba niya?!" Hindi niya mapigilang suminghal. Napangiwi ako. Hinawakan ko ang isang kamay ni Rhys. Hinila ko siya palayo mula sa pagkahawak niya kay Harlan. "Wala siyang ginawang masama, Rhys. Tumigil ka na." Naging malamig kong tugon. "He's helping me, us... Tutulungan niya akong mahanap si tatay." Seryoso pa rin ang mukha ni Rhys. Tiningnan niya ako ng diretso sa aking mga mata. "Papaano mo nasisiguro na tutulungan ka nga niya? He's a demon hunter for hell's sake!" Ginantihan ko siya. Diretso ko din siyang tiningnan sa kaniyang mga mata. "Because I believe in him, Rhys. Try mo din, libre lang." Inirapan ko siya't tinulungan si Harlan para ipasok siya sa kaniyang silid. Iniwan namin si Rhys sa salas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD