Hindi ko akalain na maingay pala ang kapatid ni Harlan. Kung ano-ano ang sinasabi. Naikwento niya na isa siyang General Manager sa isang kompanya. Hindi na rin niya naitanong kung anong trabaho ko dahil kitang kita naman niya ang uniporme na suot ko kagabi. Tinanong niya lang niya ang iba tungkol sa akin kung saang probinsya daw ba ako galing... Sa mga magulang ko, at kung ano pa. Si Harlan na ang bahalang sumagot doon. In short, nagsinungaling siya. Alangan namang sabihin ko ang totoo na galing akong Impyerno, sinong maniniwala doon? Tsk.
Pagkatapos kumain ay agad nang umalis si Harlan para pumasok sa kaniyang trabaho. Naiwan lang kami ng Ingrid dito sa unit niya. Nag-boluntaryo akong maghugas ng pinagkainan pero tumanggi siya. Siya nalang daw. Alam niyang sa gabi ako napasok sa trabaho kaya daw magpahinga nalang daw ako. Wala rin naman ako magagawa dahil makulit ito.
Nagpasya nalang ako pumunta sa kuwarto ko. Mag-iisip nalang ako ng kung anu-ano. Malaking pasasalamat ko nalang dahil hindi ako kinukulit ni Ingrid. Rinig ko lang tunog mula sa telebisyon.
Nilapitan ko ang bintana saka hinawi ko ng kaunti iyon. Dumako ang aking tingin sa ibaba. May namataan akong lalaki na naglalakad. Naniningkit ang mga mata ko. Parang umiiba nag pakiramdam ko? Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya pero may kakaiba talaga.
Hindi ako nag-aksaya pa ng oras. Nagpalit ako ng damit. Long sleeves black shirt at pantalon. Naka-rubber shoes din ako. Nagsuot din ako ng bull's cap. Binuksan ko ang bintana ng kuwartong ito at tumuntong. Hindi ako pwedeng dumaan kung nasaan si Ingrid dahil paniguradong kukulitin niya lang ako at maraming tanong. Tumalon ako. Abala naman ang mga tao sa paligid ko kaya hindi nila mahahalata ang pagtalon ko.
Palihim kong sinusundan ang lalaking iyon. Inayos ko ang aking sumbrero para hindi tumama ang sinag ng araw sa aking balat. Sinadya ko din na bawasan ang inerhiya sa aking katawan.
Lumiko siya sa isang maliit na eskinita. Ganoon din ang ginawa ko pero natigilan ako nang tumigil din ang lalaki habang nakatalikod ito sa akin. Pansin ko na dead end na pala ito.
"It seems your interested in me, Lilith Black." Wika ng lalaking nasa harap ko.
Hindi ako agad nagsalita. Sa halip ay seryoso ko siyang tiningnan.
Humarap siya sa akin. Seryoso din ang kaniyang mukha. Kitang kita ko ang malalamig na ekspresyon sa kaniyang mga mata... Pamilyar ang mga iyon!
"I can sense you're a demon... At the same time... You're an... Angel..." Mahina kong sabi.
Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "How's Rhys?" Bigla niyang tanong.
Muli akong natigilan. Kilala niya si Rhys?
"Saka ko ipapakilala ang sarili ko sa oras na magkatagpo-tagpo ulit ang mga landas natin, Lilith Black." Then he use his teleport skill! Nawala siya bigla sa harap ko.
Hindi na ako magugulat pa dahil sa ginamit niyang kapangyarihan. Tumingin ako sa kawalan. Kilala niya si Rhys... Palagi ko kasama-sama iyon simula pagkabata pero ni minsan ay wala kaming naencounter na tulad niya.
**
So far, maayos pa rin ang trabaho ko. Hindi ko pa rin kasundo ang babaeng si Nica. Panay paaakit lang ang alam niya sa harap ng cellphone imbis na magtrabaho. Pinili ko nalang na huwag nalang siya pansinin tutal naman ay mapapasibak dito sa trabaho ang isang ito... 'Makikita mong babae ka.' Pero huwag nalang kaya? Aalis din naman ako dito sa trabahong ito sa oras na nakalikom na ako ng sapat na pera para makarating sa Batangas kung nasaan ang naiwang negosyo ng mga magulang ko.
"Lilith, ano kaya kung turuan mo ako?" Biglang sabi ni Harlan sa akin pagkauwi ko galing trabaho. Umuwi na din ang kapatid niya, mabuti naman.
"Saan?" Tamad kong tanong habang hinuhubad ko ang sapatos ko.
"Sa pakikipaglaban." Mabilis niyang sagot.
Natigilan ako't tumalikwas ang isang kilay ko. "Anong naisip mo bigla ka nagdesisyon ng ganyan?" Bigla ako sumeryoso.
Napalunok siya. "Eh kasi, demon hunter ako pero wala akong alam sa pakikipaglaban. Gusto ko 'yung tulad sa iyo. Kung papano ka nakikipaglaban." Ngumiti siya. "Sige na..."
"Hindi ka demon hunter. Nag-assume ka lang dahil natutuwa ka lang sa mga mapag-aaralan mo tungkol sa amin."
Ngumuso siya."Sige na, Lilith. Pangarap ko na rin talaga maging demon hunter..." May halong pakiusap niyang sabi.
Napabuntong-hininga ako. Walang emosyon ko siyang tiningnan. "Baka sa oras na may kaharap ka nang demonyo, maduwag ka na naman?" Saka tumalikwas ang isang kilay ko. May halong sarkastiko nang sambitin ko ang mga salita na iyon.
Agad siyang umiling. "Hindi na, promise!"
Tumuwid ako ng upo. "Hindi tayo dito pwede magsanay, Harlan. Masyadong maliit ang lugar na ito. Kailangan ay malawak—"
"Walang problema! Actually, I got a new place!" He exclaimed.
Kumunot ang noo ko. "W-what?"
Bago man niya ako sagutin ay pumasok muna siya sa kaniyang kuwarto at di rin nagtagal ay bumalik siya. Ipinakita niya sa akin ang susi ng kaniyang sasakyan. "Tara, may pupuntahan tayo."
"Saan?"
Hindi niya ako sinagot. Dumiretso siya sa pinto. Lumabas siya. Napakamot ako ng kilay at muli kong sinuot ang sapatos ko. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang Parking Lot. Tumambad si Harlan na malapad ang ngiti. Hawak niya ang pinto ng front seat. "Dito ka maupo, Lilith." Aniya.
Nagkibit-balikat ako. Pumasok ako sa naturang sasakyan. Pinagsara niya ako ng pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin kung papaano siya umikot sa harap hanggang sa nakasakay na din siya. He insert the car key into the ignition switch. Bumuhay ang makina at umalis kami sa lugar na iyon.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nakadungaw lang ako sa window pane. Pinagmamasdan ko ang bawat nadadaanan namin.
The city is busy. Parang hindi sila napapagod. Noong mga bata palang kami ni Rhys, palagi namin naririnig na mas nakakatakot daw ang gabi dahil maraming mga masasamang nilalang ang lumalabas pero mukhang nagkakamali ako. Night is good and bright for me, although it was cover in darkness.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang patuloy ko pa rin binubusog ang aking mga mata sa paligid.
"Isa sa mga dahilan kung bakit gustong lumabas para makita mo din, Lilith." Biglang sabi ni Harlan sa tabi ko.
Bumaling ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. Diretso siyang nakatingin sa harap. Abala sa pagmamaneho. "Harlan..."
Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "Medyo nakukuha ko na kung bakit kailangan mong hanapin ang tatay-tatayan mo. Your life is mirk. Totally dark and gloomy."
Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Ni isang salita ay wala akong makapa...
"The first time I saw you... Especially your eyes, you, my lady, I know the are indeed as delicate and beautiful on the inside as you look on the outside." He paused for a seconds. "Hanga ako kasi matapang ka, palaban, pero kahit ganoon... We can't deny your still fragile. Kaya gusto kong magpaturo sa iyo para sa oras na nanghihina ka, ako naman ang magtatanggol sa iyo."