Lumipas na ng ilang araw naging maganda naman ang takbo ng naging trabaho ko dito. Hindi ko lang masyado nakakasundo ang babaeng napagtanungan ko noong unang tapak ko palang dito. Dahil siguro sa mabilis ako natanggap at wala man lang ako ibinigay na kung ano. Pasensyahan nalang, mas lamang lang talaga ako sa kaniya. Tss.
"I received one hundred, sir." Sabi ko saka pinindot ko ang kaha para magbukas iyon. Nilagay ko doon ang binayad niya at kumuha ng sukli pagkatapos ay binigay ko sa kaniya iyon pati ang item na binili niya. "Thank you and come again."
Napapansin ko na hindi man lang kumikilos si Nica. Ang tinutukoy ko na hindi ko kasundo. Nakapangalumbaba lang siya sa isang tabi ay nakaharap sa sinasabing computer-nagfefacebook. Tumalikwas ang isang kilay ko. Nilapitan ko siya. "Paubos na ang mga inumin sa ref." Sabi ko.
Tamad siyang bumaling sa akin. Tinaasan pa ako ng kilay. "Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa? Tutal naman ay habol mo maging employee of the month?" May bahid na sarkastiko nang sabihin niya iyon.
Napakamot ako ng kilay sa inasta niya. Walang sabi na hinawakan ang balikat niya at mariin ang pagkahawak ko doon. "Ako ang nakatoka sa kaha, hindi ba? Sa ating dalawa, ikaw lang ang walang ginagawa maliban sa kakatunganga at nang-aakit sa harap ng cellphone." Malamig kong tugon.
She gasped of disbelief. "Wow, ha? Ano ka, boss ko?"
"Hindi. Hindi lang tama ang ginagawa at trato mo." Tugon ko pa.
Padabog siyang tumayo at ginawa niya ang sinasabi ko. Pumasok siya sa stockroom para kumuha ng kailangan na inumin doon. Okay lang na pagdabugan ako, basta nakilos pa rin.
Gabi naman ang shift ko dito kaya ayos na din. At saka, hindi malayo sa unit ni Harlan. Ang pinagkaiba lang, sa araw lang siyang may pasok at ako naman sa gabi. Maganda ang suggestion ni Harlan. Nice.
Habang wala pang costumer ay naisipan kong magtapon ng basura sa likod ng building dahil nandoon daw ang tapunan.
Hawak ng magkabilang kamay ko ang garbage bag. Nang natapon ko na ang mga basura ay nagpasya na akong babalik sa store nang may narinig akong iyak. Tumigil ako sa paglalakad at kumunot ang aking noo. Tiningnan ko ang direksyon kung saan ko narinig ang iyak at ungol na iyon.
Maingat akong lumapit. May naririnig din akong boses ng lalaki.
"Huwag kang maingay kung ayaw mong patayin kita." Mariing banta ng boses lalaki.
"H-huwag... Huwag..." Rinig kong magmamakaawa ng boses ng babae.
Sinilip ko kung anong ganap. Napaawang ang bibig ko nang makita ko na hawak-hawak ng lalaki ang magkabilang kamay ng babae. Parang... Hinahalay niya iyon.
Tumingala ang babae, kita ko kung papaano siya umiiyak habang ginagawan siyang masama ng lalaking nakatalikod sa aking direksyon.
Bumaba ang tingin ko. Biglang may sumagi sa isipan ko. Noong mga bata palang kami ni Rhys. Kung gaano ako kasaya nang nalaman ko na may kapangyarihan kami. Pinapangarap ko noon maging super hero dahil sa napapanood ko sa telebisyon.
Napabuntong-hininga ako kasabay na ipinikit ko ang aking mga mata. Wala naman sigurong masama kung tutulong ang isang tulad ko...
Umalis ako sa tinataguan ko. Nagpakawala ako ng hakbang palapit sa direksyon nila. Hinawakan ko ang damit ng lalaki sa may bandang batok at walang sabi na hinila ko siya palayo sa babae. Pagulong-gulong tuloy siya. Tss.
"Arghhh!" Malakas na daing ng lalaki. Isang matalim na tingin ang iginawad sa akin. "Sino ka ba?"
"It's not very important..." Tamad kong sabi.
Pilit tumayo ang lalaki saka susugurin ako para bigyan ng sapak pero agad ko pinigilan iyon. Hinawakan ko ang kamao niya. Kita ko kung papaano siya nagulat sa ginawa ko. Walang emsyon ang aking mukha habang tinitingnan ko siya. Umikot ako saka siniko ko ang mukha niya para napagulong ulit siya. Rinig ko pa ang singhap ng babae na nasa bandang likuran ko lang.
"Siraulo kang babae ka!" Singhal niya sa akin. Mas lalo siya nagalit. May inilabas siya mula sa bandang likuran ng kaniyang pantalon. Balisong? "Humanda ka sa akinnn!" At muli niya akong sinugod.
I do a lower squat. Nagpakawala ako ng suntok sa kaniyang sikmura. Napasapo siya doon. Umuubo-ubo pa siya Hays, hindi ko pa nga binibigay ang buong lakas ko sa suntok na iyon. Tss.
Ako naman ang lumapit sa kaniya. Dinakma ko ang leeg niya at hinampas ko siya sa sementadong daan.
"Argh!" Daing niya.
"Beg your life, bastard." Mahina ngunit mariin kong sabi. Mas hinigpitan ko ang pagkasakal ko sa kaniya.
"H-huwag..." Nanghihina niyang sabi. "M-maawa ka..." Sabay hawak niya sa kamay ko.
I smirked. "I can't hear you." sarkastiko kong sabi.
"Huwag... Maawa ka sa akin..." Mas nilakasan pa niya nang sabihin niya iyon. May halong pagsusumao.
"Umalis ka na." Sabi ko. Nilingon ko ang babae. "Alis!" Sigaw ko sa kaniya.
Natataranta naman siyang umalis. Tumakbo siya palayo sa amin. Muli kong tiningnan ang lalaki na hawak-hawak ko. "P-please..."
"Ang tulad mo ay hindi na dapat nabubuhay pa sa mundong ibabaw." At walang sabi na mas humigpit ang pagkasakal ko sa kaniya hanggang sa nalagutan na siya ng hininga kaya namatay siya ngayong dilat ang mga mata.
Binitawan ko siya at tumayo na. Nagpasya na akong bumalik sa shop. But before that, I snapped my fingers. Kusang naging abo ang katawan ng lalaking napatay.
**
Ala una ng madaling araw ako nakalabas mula sa aking trabaho. Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok kaya ayos lang. Umuwi ako sa unit ni Harlan. Pinindot ko ang sinasabing password na sinabi niya sa akin. Pinihit ko ang pinto. Hinubad ko ang sapatos ko saka nagpalit ng tsinelas.
Pupunta sa ako sa kusina nang makita ko si Harlan sa Salas. Nakayuko siya doon, nakasandal ang likod niya sa mababang bahagi ng sofa. Tambak ang mga libro at iilang papel sa mababang mesa. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lapitan ko siya na dapat ay hindi na.
Umupo ako at niyakap ko ang aking mga binti. Binaba ko ng kaunti ang aking ulo para silipin ko. Tulog siya? At bakit dito pa? May kuwarto naman siya? Anong topak na meron ang isang ito?
Tumayo ako saka napakamot ng ulo. Kumawala ako ng isang buntong-hininga. Marahan ko siyang binuhat na parang isang sako ng bigas. Dumiretso ako sa mismong kuwarto niya. Yumuko ako ng kaunti para hawiin ang comforter. Maingat ko siyang hiniga sa kama. Inayos ko ang kumot nang dumapo ang aking tingin sa kaniyang mukha. Medyo may pagkainosente siya nang una ko siyang nakita pero mas naging mala-anghel ang mukha niya kapag tulog. Tss.
Bigla ko naalala ang sinasabi niya na tutulungan daw niya akong mahanap si tatay. Medyo nagtataka ako kung bakit bigla siyang nagpasya ng ganoon? He's a human, but a coward hunter. It supposed to be, he will get terrified on me pero hindi. Dahil ba sa tinulungan ko siya sa naencounter naming ascian? Pero ang pagtira ko dito sa kaniyang bahay ay sapat na para bayaran niya ako pero ang tulungan pa niya ako ng sobra ay nakakapagtataka na.
Napahawak ako sa aking kuwintas. 'Malapit ko na kita makita, tatay, Malapit na...' Sa isip ko.
Iniwan koo na si Harlan sa silid. Maingat kong sinra ang pinto at dumiretso na ako sa silid na pinahiram sa akin.
**
Nagising ako nang may naririnig akong ingay mula labas ng kuwartong ito. Bumangon ako saka kinusot ko ang aking mga mata. Humikab pa ako. Hinawi ko ang kumot sa aking kandungan at umalis sa kama. Dumiretso ako sa pinto para buksan iyon.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi na bibisita ka, ate?!" Bungad sa akin na boses ni Harlan pagkalabas ko.
"Dapat kagabi pa ako bibisita, hindi lang natuloy." Rinig kong boses ng isang babae.
Tumigil ako sa paglalakad. May babaeng bisita si Harlan? Ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad ko hanggang sa tumambad sa akin ang dalawang tao sa salas. Kasabay n'on ay napatingin sila sa aking direksyon.
"Oh my gosh!" Bulalas ng babae na kausap ni Harlan.
"Oh, good morning, Lilith!" Masayang bati niya sa akin.
Hindi ako nagsalita. Sa halip ay tumingin pa ako sa babae. Naniningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko ito.
Lumapit siya sa akin at walang sabi na hinawakan niya ang magkabilang kamay ko na may kumikinang ang mga mata. "What a small world!" Malakas na pagkasabi niya. "Hindi ko akalain na makikita talaga kita dito!"
"M-magkakilala kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Harlan sa babae.
Bumaling ang babae sa kaniya. "Oo. Siya ang nagligtas sa akin kagabi na muntikan na ako makapahamak!" Sagot niya.
Napaawang ang bibig ni Harlan habang ako naman ay kumunot ang noo. Hindi naman niya siguro nakita kung papaano ang ginawa ko sa lalaking magsamantala sa kaniya...
"By the way, I'm Ingrid. Harlan's eldest sister... Ikaw si...?"
"Lilith." Tipid kong sagot.
Mas lumapad ang ngiti niya. Walang sabi na niyakap niya ako. "Grabe, thank you talagaaaa! Huhuh, ang akala ko talaga tuluyan na akong mapapahamak."
Ngumiwi ako. Tiningnan ko si Harlan na bakas pa rin sa mukha niya ang pagtataka.
Kumalas si Ingrid mula sa pagkayakap niya sa akin. "Dahil d'yan, gusto kita para sa kapatid ko. Sana magkatuluyan kayoooo..."
Ako naman ang halos malaglag ang panga. Ano daaaaw?!
"Oy, Harlan. Asikasuhin mo ang magiging soon-to-be-bride mo. Kakain na tayo!" Seryosong utos niya.
"A-ate..."
"Hep! Don't dare, Harlan. Tara na!" Tinalikuran niya kami saka dumiretso siya sa Dining Area.
Bago man kami sumunod ni Harlan ay matalim ko siyang tiningnan. 'Anong kalokohan ito?! Tss!' Sa isip ko kahit na hindi niya maririnig iyon. Tsk.
"Sundin nalang natin si ate. Patay ako doon kapag hindi ko siya sinuod..." Malumanay niyang sabi sa akin.
Inirapan ko siya at sumunod na sa Dining Area.