Ako na mismo ang nagpaalis kay Harlan nang napasok na ako sa loob ng bakanteng silid na ito. Maayos at malinis. Hindi tulad sa kuwarto niya na nagkatambak-tambak na ang mga libro sa paligid niya. Siguro ng dahil sa pag-aaral na kaniyang sinasagawa.
Nilapitan ko ang malaking kurtina saka marahan kong hinawi iyon. Mas lalo ako namamangha sa aking nakikita. Mga ilaw mula sa mga gusaling nasa harap ko.
Dumapo ang isang palad ko sa aking dibdib. Pumikit ako at napangiti. After twenty years of existence in my entire life, this is the first time that I could feel, peaceful and tranquility. Huminga ako ng malalim at marahan akong dumilat.
"How could I wish that I can tell you what I feel right now, mama... Papa... Tatay... Rhys..." Mahina kong sambit.
Kamusta na kaya sina Rhys at Alixa sa Nine Hell? Sa Abyss? Paniguradong hahanapin na ako ni Flavius dahil sa ginawa kong pagtakas. Alam kong inaasahan niya ako na gawin ang kaniyang gusto—ang patayin ang Host of Heaven pero pasensya nalang dahil ni isang pursyento ay hindi sumagi sa isipan ko na gawin ang bagay na iyon.
Lumipat ang kamay ko sa kuwintas. Tiningnan ko ang dalawang singsing. Hindi mawala sa aking mga labi ang ngiti. "Gagawin ko ang lahat para ipaghiganti ko kayong dalawa, mama, papa..."
And that night, I decide to take some rest.
**
Nagising ako nang may naaamoy ako. Dahil d'yan ay parang nagwawala ang aking tyan. Bumangon ako. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Hinawi ko ang kumot na nasa aking katawan at umalis sa kama. Dumiretso ako sa pinto para buksan iyon. Humakbang ako para sundan kung saan nanggagaling ang amoy na iyon.
Tumambad sa akin ang likod ni Harlan. Abala ito sa pagluluto. Bigla ko tuloy naalala si tatay. Ang hilig niya ay magluto. Puro masasarap pa.
"Oh! Buti ka na, naghahanda na ako ng agahan natin!" Masigla niyang bati sa akin. Humarap siya sa akin a may hawak na plato. Inilapag niya iyon sa mesa. "Good morning pala. Tara, kain na."
Hindi ako nagsalita, sa halip ay nilapitan ko ang pinakamalapit na upuan at doon umupo. Napalunok ako nang makita ko ang pagkain na nasa nakahain. Tingin ko ay puros masasarap ang mga iyon.
"Huwag ka nang mahiya. Sige na, kumain ka na..."
Tumingin ako sa kaniya.
Gumuhit ng pagtataka sa kaniyang mukha. "B-bakit? Hindi mo ba gusto ang mga iyan? Hindi ka ba kumakain ng mga iyan?"
Umiling ako. "Sa totoo lang, namiss ko kumain ng ganito. Sa loob ng labing apat na taon, ngayon lang ulit ako nakakita ng ganitong pagkain..." Pag-amin ko.
Napaawang ang bibig niya na parang hindi makapaniwala. "S-seryoso?! Hala!" Kinuha niya ang isang malapad na plato. "Heto, ham and egg."
Tinanggap ko iyon at kumuha ng tig-isa. Nilagay ko iyon sa plato na nasa harap. Binalik ko iyon sa kaniya. Kung anu-ano na nga ang inaabot niya sa akin maski tubig.
"Harlan, tao pa rin naman ako. Limitado pa rin ang kinakain ko." Suway ko sa kaniya.
"Ay, sorry."
"Aalis ka ba ngayon?" Bigla kong tanong sa kaniya.
"Hm, oo.. Pagkatapos nito. Nakaligo na din naman ako. Pupunta ako sa Institute kung saan ako nagtatrabaho." Inayos niya ang kaniyang salamin sa mata. "Bakit mo naitanong?"
"May alam ka bang trabaho sa gabi? Kabayaran sa pagtira mo sa akin dito." Malamig kong tugon.
Kumunot ang noo niya. "Sa gabi?"
"Oo, bawal sa akin ang araw." Sagot ko ulot saka sumubo ng pagkain.
"Hmmm..." Tumingala siya kisame ng silid na ito. "Merong mga 24/7 na convenience store. Pwede rin maging security guard sa mga establishments..."
Tumango lang ako at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko nang bigla siya nagtanong.
"Tanong ko lang, bakit mo pala hinahanap ang foster father mo?"
Tumaas ang isang kilay ko. "Dahil kinidnap kami ng kapatid ko noong seven years old palang kami. Pareho kaming cambions... Ngayon, babalik ako para sabihin sa kaniya na ayos lang kami. Pareho pa naman kaming buhay at may kailangan akong malaman sa kaniya."
Tumaas ang dalawang kilay niya, namamangha na naman siya. "Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" Muli niyang tanong.
"Sa ngayon, hindi pa. Pero ang alam ko ay siya ang humahawak ng negosyo ng tunay kong ama. Sa Batangas." Tumingin ako sa kaniya. "I'm not sure kung naroon pa rin ba siya..."
"Kung gusto mo, samahan kita."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? Hindi ba may trabaho ka? Nakakaabala pa ako sa iyo."
"I don't mind it."
**
Umalis din si Harlan pagkatapos kumain. I volunteer that I will washing the dishes. Tinatandaan ko pa kung papaano ko iyon ginagawa noong mga bata palang kami ni Rhys ng mga panahon na iyon. Buti natatandaan ko pa. Pagkatapos ko maglinis ay nagpasya akong pumasok sa kuwarto ni Harlan para maglinis. Ayos lang kaya? Hindi pa pala ako nakapagpaalam sa kaniya kung ayos lang ba na linisin ang kuwarto niya. Hindi bale na nga.
Pagpasok ko ay hindi ko inaasahan na malinis na pala. Ni bahid ng mga dugo na tumalsik kagabi ay wala na. Nilapitan ko ang kaniyang mesa. Maraming nakatambak na nakabuklat na mga libro. Kumunot ang noo ko. Puros mga litrato ng mga plorera, mga bato o anu-ano pa. Heto ba ang trabaho niya?
May pumukaw ng aking atensyon. Isang litrato ng iba't ibang espada. Hinawakan ko ang naturang litrato. Sinuri ko. May nakasulat sa ibabang bahagi...
"Angel blade... Angel sword... The first blade?" Pagkabasa ko.
Napatingin ako sa kawalan. Napalunok. Wala man inilagay na buong detalye sa bawat espada ngunit iba ang pakiramdam ko nang makita ko ang tatlong bagay na iyon.
Mukhang kailangan ko na nga sigurong hanapin si tatay para malaman ang tungkol sa mga ito. Napatingin ako sa litrato na hawak ko at ibinalik ko kung saan ito nakapatong.
Humalukipkip ako. Napabuntong-hininga.
**
Ang tanging ginawa ko lang sa buong maghapon ay matulog at kumain. Buti pala may mga pagkain sa loob ng ref kaya hindi na ako magugutom dito. Hinihintay ko lang kasi mag-gabi para makalabas ako. Para makahanap ako ng trabaho. Mabuti rin ay may mga pinahiram na damit si Harlan kanina bago siya umalis. Hiniram daw niya sa kapatid niyang babae. Pinaalis din daw niya agad dahil baka magising ako... Natatakot daw siya na baka bugnutin ako.
Nagpasya akong maligo. Tinuro din naman niya sa akin ang pasikot-sikot sa buong unit (daw) kaya walang problema sa akin.
Hinawi ko ang kurtina. Tumambad sa akin ang isang malaking lababo! Kulay puti iyon. Binuksan ko ang gripo saka lumabas ang malinis at tubig mula doon. Napangiti ako. Naghubad ako saka lumusong sa tubig. Parang ginigising ang diwa ko dahil sa lamig. Napasandal ako sa isang sulok at tumingala sa kisame.
Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang aking buhok saka nagbihis. Lumabas ako sa gusali para maghanap ng convenience store na tinutukoy kanina ni Harlan at meron nga. Sa unang palapag ng gusali. Pinasok ko iyon saka nilapitan ko ang babae doon.
"Yes, ma'm?"
"Magtatanong lang ako kung pwede ba akong magtrabaho dito?" Seryoso kong tanong sa babae.
"A-ah..." She muttered.
"Anong problema?" Tanong ng lalaki, palapit sa amin.
"Ah, kasi, sir. Nagtatanong pa po siya kung may available positions pa po ba tayo? Kasi naghahanap siya ng trabaho daw po." Sagot ng babae.
Bumaling sa akin ang lalaki. Nagtama ang mga tingin namin. I'm gonna use my power this time. Hindi ako pwedeng babalik sa unit ni Harlan na wala akong nakuha ng trabaho. Tss.
'Hire me...' Sa isipan ko.
Tumango ang lalaki. Kita ko na umiilaw din ang kaniyang mga mata, it means, he's under my spell. Hmm... "She's hired."
"H-ho?!" Bulalas ng babae na hindi makapaniwala.
Sa kaniya naman tumingin ang lalaki. "Yeah, she's hired. Please prepare her uniform. She's starting tomorrow."
Aligaga ang babae. Pumasok siya sa isang silid saglit pagkatapos ay bumalik siya na may dala nang mga damit. Mga uniporme.
Umalis ako doon na hindi pa rin makapaniwala ang babae na agad aking tinanggap ng boss niya. Well, ganoon talaga.
Pabalik na sana ako sa gusali nang napatingin ako sa Parking Lot. Kumunot ang noo ko. Medyo madilim pero malinaw na malinaw kong nakikita kung anong meron doon. Si Harlan, finally he got home... at isang babae...?
Nakasandal si Harlan sa kotse habang kinokorner siya ng babae. Base sa description ko sa babaeng iyon. She has a fair white skin, itim at mahaba ang tuwid niyang buhok. Ang katawan niya? Petite, hindi tulad sa katawan ko na fit. Hanggang kilay lang siya ni Harlan.
Mas ipinagtataka ko pa kung bakit parang gustong gusto umalis ni Harlan sa harap ng babae. Pinag-aralan kong mabuti ang kinikilos ng babae.
Ngumingiti siya nang nakakaakit habang hinaplos niya ang dibdib, balikat at braso ni Harlan. Dahil d'yan ay tumaas ang isang kilay ko.
Ngumuso ako. Balak ko sana huwag na sila puntahan para gambalain pa pero hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para lapitan ko sila.
"Papasok na ako sa unit ko, Rina..." Rinig kong sabi ni Harlan sa babae.
"Why? Can we stay here longer? Or... Kung gusto mo, magstay muna tayo sa unit mo, hmm?" She said full of temptation! Talagang idinikit pa niya ang kaniyang sarili sa katawan ni Harlan.
Walang sabi na hinawakan ko isang balikat ng tinutukoy na Rina. Pinaharap ko siya. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko.
"And what the hell are you doing? Istorbo ka, you know?! Singhal niya sa akin.
"Ikaw ang istorbo, alam mo ba iyon?" Tinatamad kong sagot.
"W-what?!"
Matalim ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata. "Kitang gustong gusto nang umuwi sa amin iyan, hinaharangan mo pa." Humakbang pa ako palapit sa kaniya na siya naman ikinaatras niya. "Umuwi ka nalang sa inyo kung ayaw mong umuwi na dumudugo iyang mukha mo lalo na iyang nguso mo. Kating kati pa naman itong mga kamay ko para masapak kita."
"Sino ka ba, ha?!" Muli niya akong sininghalan.
I smirked. "I'm Lilith and I'm his wife. Remember that, darling."
Nanggagalaiti siyang umalis sa harap ko. Sinundan ko lang siya ng tingin habang nakapamulsa ako. Nakaipit ang uniporme sa pagitan ng braso at bewang ko. Pinapanood ko lang siya kung paapano siya tuluyang nakaalis.
"L-Lilith..." Mahinang tawag ni Harlan sa akin.
Walang emosyon ko siyang binalingan. "Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano d'yan. Kakatanggap ko lang sa trabaho. Pabalik ako sa unit mo nang makita kita habang inaahas ka ng babaeng iyon." Tumalikwas ang isang kilay ko. "Sinusuklian ko lang ang pagpapatira at pagpapakain mo sa akin kaya ginawa ko iyon." Tinalikuran ko na siya't iniwan ko siya sa Parking Lot.