07. ascian

1460 Words
Unti-unti ko idinilat ang aking mga mata. Bahagya kong iginalaw ang aking paningin sa paligid. Madilim na kuwarto dahil nakasara ang mga bintana pero kita ko pa rin ang madilim din mula sa labas n'on... Wait, gaano na ako katagal dito? "Mabuti gising ka na." Napatingin ako sa pinto. Tumambad sa akin ang lalaking nagpakilala na Demon Hunter. Nakahawak ang isa niyang kamay sa doorknob habang ang isa pa niyang kamay ay may hawak na tray. Nakalimutan ko na ang pangalan ng tampalasan dahil sa sobrang panghihina na nararamdaman ko kagabi. Isang maatalim na tingin ang binigay ko sa kaniya nang humakbang siya palapit sa akin. Susugurin ko sana siya nang ramdam ko na hindi ako makagalaw. Bumaba ang aking tingin. Napaawang ang bibig ko nang makita kong nakagapos ako ng kadena! Nilipat ko ang tingin ko sa lalaki. He was kneeling in front of me. Mas lalo ako nagngingitngit sa galit nang magtama ang mga tingin namin. Bakas pa rin sa mukha niya na hindi parin siya makapaniwala. "Kumain ka na muna." Sabi niya. "You..." Nanggagalaiti kong sambit. "Pakawalan mo ako. Ngayon din." "Ay, mali. Hindi ka pa pala makakain kung nakagapos ka. Susubuan nalang kita." Aniya saka iginalaw niya ang pagkain. Sinubuan niya ako ng isa. "Sige na, kumain ka na." "Are you kidding me? What do you think of me? A pet?!" Hindi ko mapigilang bulyawan siya. "Pakawalan mo ako. Aalis din ako ngayon din." "Uh-uh. Not now." "W-what...?" Halos manlumo ako sa aking narinig. "Look, it was an accident. I didn't mean na pumasok ako dito. Ang akala ko walang tao. I just need a shelter while I'm looking for someone!"  Tumaas ang mga kilay niya na parang mas lalo pa namangha. "I'm sorry but I can't do that, lady." Inilapag niya ang kutsara sa tray. Ipinatong niya ang isang braso niya sa kaniyang tuhod. "I can't still believe that I can hunt a demon, for real." Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi niya?! Umalis siya sa harap ko. Pinuntahan niya ang kaniyang mesa dahil biglang may tumunog. Kinuha niya ang isang bagay na nakapatong doon. May pinindot siya sa bagay na iyon saka idinikit niya iyon sa kaniyang tainga. "Yes?" Sabi niya. Bumaba ang tingin ko. Nag-iisip ako kung papaano ako makaalis sa mga kadenang ito. f**k. I can't even imagine this. Na mahuhuli ako ng isang demon hunter! Ang akala ko ay makakawala ako sa isang tulad ni Flavius, mayroon pa pala akong problema na kakaharapin at itong nga 'yon... "Yeah, yeah... Next week is the press conference so... Yeah, I'm still on study. Bye." Binaba niya ang bagay na iyon saka binalik sa mesa. Muli siyang tumingin sa akin at lumapit. Nag-indian sit siya sa harap ko. "Are you a smoke, right?" "This is my true form, bastard." Mariin kong sabi. "Pwede ba, wala na akong panahon na makipagbiruan sa iyo dahil may importante pa akong gagawin." Naniningkit ang mga mata niya. "Bakit, ano bang gagawin mo?" "It's none of your business." Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Napabuntong-hininga siya. Tumayo at nilapitan ang kaniyang mesa. "Sabihan mo nalang ako kapag gutom ka na, ha? Mag-aaral muna ako." Mag-aaral? Hinila niya ang silya at umupo doon. Kinuha niya ang makapal na libro sa gilid saka binuklat niya iyon. Pumikit ako ng mariin. Nakakainis. Bumaling ako sa gilid. Nanlaki ang mga mata ko dahil naroon ang mga armas ko. My arrow and bow. "So one of the highest hierarchy of demons can smiting other demons in just a touch..." Rinig kong sabi. Muli ko siyang tiningnan. Kumunot ang noo ko. Wait, what is he doing? Pinag-aaralan ba niya ang mga tulad namin?! What the... Isa iyon sa mga abilidad ko. Lalo na't galit ako sa kapwa kong demonyo. Pinapatay ko sila sa isang iglap lang. "Kasama din ba sa pagiging archeologist mo ang pag-aralan kami?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya iyon. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at nilingon niya ako. Ipinatong niya ang isang braso niya sa sandalan ng upuan. "Hindi naman. I'm just find it interesting. Demonology." Sagot niya. "I'm not really a demon..." Walang emosyon kong sabi iyon sa kaniya. "I'm a cambion." Napaawang ang bibig niya sa narinig mula sa akin. "C-cambion?" Ulit pa niya. "Half-human and half-demon." Dagdag ko pa. "But I'll take the highest responsibility someday... I'll be an assassin of Host of Heaven." Napaawang ang bibig niya. Umalis siya sa kaniyang kinauupuan. May halong pananabik sa mukha niya. "Talaga? Ano iyong Host of Heaven?" Magsasalita pa sana ako nang biglang may bumulabog sa labas ng silid na ito. Sabay nakuha ang aming atensyon. "What was that?" Tanong ko. Bigla siyang tumayo. "Teka, tingnan ko... Baka isang demon ulit iyon." May kasiyahan sa kaniyang mukha nang sabihin niya iyon. Kinuha niya ang isang baril sa taas ng mesa. Pinihit niya ang pinto at lumabas. Napatingin lang ako doon. "AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" Rinig kong sigaw ng lalaking hunter. Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari? "TULOOOONGGG!" Halos malaglag ang panga ko sa sahig. What the f**k?! A Demon Hunter, needs a help?! Seriously?! Tumaas ang isang kilay ko nang makita ko na gumagapang papasok ang lalaking iyon dito sa silid. "A man with no shadow!" Sigaw niya. I gasped. A man with no shadow... Wait, may ascian na nakapasok dito?! "Tulong! Tulong!" Sigaw niya sa akin. Hanggang sa tumambad sa akin ang tinutukoy ng hunter na a man with no shadow. Tiningnan ko ang bawat sulok. Tama nga siya, walang anino ito. Nakatayo ito sa hindi kalayuan sa akin. May hawak siyang kutsilyo! At balak niyang saksakin ang hunter! "Huminga ka ng malalim. Tapos ay gamitin mo ang isipan mo... You can do a persuasion. Both of you and Rhys are cambions." Biglang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi ni Alixa sa akin noong nagsasanay kami. s**t, bakit hindi ko man lang naisip iyon?! Ang tanga ko lang, o sadyang na pre-occupied lang ako dahil sa focus ko na makita lang si tatay?! Naghanap ako ng malaking bagay na pwede gamitin. May namataan akong malaking telebisyon sa likod ng ascian. Tinititigan ko iyon at nagconcentrate ako. Hindi naman ako nabigo, kusa itong gumalaw at hinampas ko iyon sa likod ng ascian! Bumagsak ito. Hingal na hingal na lumapit sa akin ang hunter. "P-patay na siya?" Kita ko na pinagpawisan siya ng malamig. "Nope, not yet." Malamig kong tugon. "H-ha?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "Hindi ko matatapos ang buhay niya kung nakatali pa rin ako dito." Tinatamad kong sabi. Tiningnan ko siya. "Pumili ka, papakawalan mo ako para iligtas ka o hahayaan mo lang na mapatay ka ng ascian na 'yan?" Natataranta niyang dinukot ang susi mula sa kaniyang pantalon. Binuksan niya ang kandado na nakakabit sa kadena na nakapulupot sa akin hanggang sa tuluyan na akong nakawala. Tumayo ako saka nag-unat. Finally, nakawala din! Tumingin ako sa ascian na pinipilit tumayo. His eyes flashes black. Ah, he's just a lower-hierarchy demon. Naglalaway ang bibig niya. "WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!" Sigaw niya sabay sinugod niya ako. Hinawakan ko ang ulo niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. Pilit kumakawala. Pero hindi niya magawang tanggalin ang kamay ko sa mukha niya. Kusang nag-iinit ang mga mata ko. Sa gilid ng aking mga mata, kita ko na napabagsak ang hunter sa kaniyang nasasaksihan. Bumaba ang ulo ko pero nanatili pa rin akong nakatingin sa ascian na hawak ko. Walang sabi na dinurog ko ang ulo niya hanggang sa tumalsik ang dugo sa paligid. Bumagsak ang katawan nito sa sahig. Ramdam ko na unti-unti nang nawawala ang pag-iinit sa aking mga mata. Tiningnan ko ang katawan ng napatay kong ascian. Bumaling ako sa hunter na hindi pa rin siya makapaniwala. Nilapitan ko siya. Malamig ko siyang tiningnan. "Are you sure, are you a demon hunter?" Kompronta ko sa kaniya. Napalunok siya. "T-the truth is, gusto ko lang maging hunter... Gusto ko lang maka-encounter ng supernatural... M-may mga alam akong tungkol sa mga demons... P-pero pagdating sa p-pakikipaglaban... W-wala..." Garagal niyang sabi. "Mali ang tinahak mong landas." Malamig kong sabi. "HIndi biro ang pinasok mo..." "S-sa nababasa ko, hindi ka ordinaryong demonyo... o cambion..." Tinukod ko ang isang tuhod ko sa sahig. Diretso ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata. "Yes, according to the prophecy, I'm a destroyer of Host of Heaven---the army of Heaven." I smirked. "Well, I don't have plans to kill them." Tiningnan ko ang buong silid na ito. "Let's have a deal, then." "D-Deal?" "Let me live here while I'm looking for my foster father." Sabi ko. "S-sigurado ka...?" I smirked. "Don't worry, I won't kill you as long you have no plans to kill me, as well..." "Ha-Harlan... I-ikaw? Anong p-pangalan mo?" "Lilith Black." And I smirked once again. "I don't live in darkness, darkness lives in me..." Pakurap-kurap siyang tumingin sa akin. Napalunok. Tumango siya. "O-okay, Lilith..." "Good." Tumayo ako. "Saan ako pwedeng matulog?" Tanong ko. Mabilis siyang tumayo. "F-follow me..." Kumunot ang noo ko. "Ayusin mo ang pananalita mo. Kapag ako nainis, ako na mismong puputol ng dila mo." "Sorry!" Napabuntong-hininga ako at ako na ang lumabas ng kuwarto niya. Sa paglabas ko ng kuwarto na iyon, I know the body of ascian have we encountered turns into an ashes...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD